Share

KABANATA 479

Penulis: Lin Kong
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-18 18:24:37

Habang nagsasalita, sinulyapan ni Natalie si Tomas. Tila sinisiyasat kung tama ang hinala niya. Nanigas si Tomas, halatang gusto na lang lumubog sa lupa dahil napunta siya sa isang alanganing sitwasyon.Gustuhin man niyang itanggi, pero ang hiya sa mukha niya ang nagsabi ng lahat—tama ang hinala nito.

“Sige na, pumunta ka na sa kanya,” sabi ni Natalie habang kinukuha ang bag mula sa sofa. “Kailangan ko ng bumalik sa department ko.”

“Sandali, Natalie!” Agad hinawakan ni Mateo ang pulso niya, ayaw siyang paalisin. “Galit ka ba?”

“May saysay ba ang tanong na ’yan?” Malamig na sagot ni Natalie. “Kung sabihin kong galit ako, mapipigilan ba ng galit ko ang pagpunta mo sa kanya?”

“Nat…” wala siyang maisagot. “Masama lang talaga ang kalagayan ni Irene ngayon…sana maunawaan mo…”

“Alam ko,” sagot niyang walang emosyon. “Kaya nga hindi kita pinipigilang puntahan siya.” Maingat niyang inalis ang kamay ng lalaki sa pulso niya. “Ang tanong ko ay theoretical. Hindi ‘yon utos. Bukod pa doon, may traba
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (138)
goodnovel comment avatar
Iyah Alcaraz
lumayo n nmn Ang story..kaloka kn writer
goodnovel comment avatar
Iyah Alcaraz
bkit nde namatay c irene.db may sakit xia s puso..
goodnovel comment avatar
Elizabeth Samala
pkibilisan nmn ang pg gwa ng storya mo...pa iza isang kbanata n nga lng ang bagal p...ana bgo k gumawa ng ibang kwento mo tpusin mo muna itong gngwa mo d un dp tpos my bgo k n nmn gngwa...nxt chapter pls...monday p un last n gnwa mo
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 580

    Alam na ni Natalie kung ano ang ibig sabihin ni Mateo. Kahit pa umamin si Maurice na sinadya niyang siraan siya, ang pinsala ay nangyari na. Kumalat na ang tsismis sa kung saan-saan. Kahit matapos pa ang kaso, may bahid na ng pagdududa ang pangalan niya—parang isang aninong mahirap burahin sa kanyang record.Iniisip pa lang niya iyon, tila lalong sumasakit ang puso niya. Ang lahat ng taon ng pag-aalaga niya sa reputasyon niya bilang isang alagad ng medisina ay ganoon lang pala kadali mawawala.“Pero...may ebidensya ka ba talaga?” Siya mismo, na nasa gitna ng lahat ng ito, ay hindi man lang nakahanap ng matibay na patunay. Lahat ng nakuha nila ay dead end.“Hindi ko pa sasabihin. “Sa ngayon, ‘yon muna ang kailangan mong malaman.” Ngumiti si Mateo, tila sinasadya siyang paasahin. “Kapag ayos na ang lahat, makikita mo rin.”Habang nagsasalita, kumuha siya ng shrimp tempura at nilagay sa plato ni Natalie gamit ang chopsticks. “Kumain ka pa. Parang pumayat ka nitong mga nakaraang araw.”“T

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 579

    Dahil gipit na at nangakong gagawan niya ng paraan ang hapunan kasama ang mag-asawa, gaya ng kagustuhan ng matanda, wala ng magawa si Ben kundi ang tawagan si Mateo.“Hello, Mateo? Nasaan ka?”[Ben, kung hindi importante ang sasabihin mo, mamaya na lang.] May iritasyon sa boses nito mula sa kabilang linya. [May ginagawa akong importante—]“Nasa mansyon na ang lolo mo.” Putol ni Ben. Hindi na siya nag-abalang magpaligoy-ligoy pa.[Ano? Kailan pa? Bakit ka pumayag?!]Nilayo ni Ben ang cellphone mula sa tenga dahil sa lakas ng boses ni Mateo. Inasahan na niya ang ganoong reaksyon at sanay na siya sa ugali nito. Imbes na sumagot agad, hinayaan niya muna itong magmura. Nang humupa na ang galit nito at bumalik na ang lohika sa sistema nito, tsaka ito nagtanong.[Paano ito nangyari, Ben?]Kalmado si Ben kahit na nangangapa siya. “Ang lolo mo ang nag-discharge ng sarili niya. Nandito ako sa mansyon para kumuha ng pagkain niya. Kilala mo ang lolo mo, kapag nakapagdesisyon na siya, wala na tayo

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 578

    Mauugong na ang usapan tungkol sa suspension ng star student ni Director Norman Tolentino. Kahit na puro propesyonal ang mga tao sa ospital—basta tsismis ang usapan—nalilimutan na ng karamihan ang ipinunta nila doon. Nasa doctor’s lounge ang marami sa mga doktor ng umagang iyon kaya hindi maiwasan na magkwentuhan ang ilan sa kanila.“Narinig niyo na ba ang bali-balita?” Umpisa ng pinaka-tsismosang doktora sa grupo. “Atin-atin lang, ha? Hindi pa naman talaga confirmed. Suspendido daw si Natalie dahil sa plagiarism case na isinampa sa kanya sa academic board. Eh, hindi ba, makapangyarihan ang asawa niya? Anong nangyari? Bakit inabot ng ilang araw, eh, wala pa ring solusyon?”Kasunod ng pahayag na iyon ay ang mababang ugong ng bulong-bulungan mula sa iba pa. Nagmistulang pugad ng mga bubuyog ang doctor’s lounge. Kanya-kanya sila ng mga spekulasyon pero dahil opisyal na miyembro pa rin ng Garcia family si Natalie, ang ilan ay may takot pa rin na magpahayag ng kanilang saloobin tungkol sa

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 577

    “S-sir Antonio?” Gulat na gulat si Tess ng makita ang matanda sa bungad ng pintuan ng mansyon. “A-ano pong ginagawa niyo dito?”“Hmph!” Singhal nito. “Natural, bahay ko ito! Ano ka ba, Tess?”Nang makabawi sa pagkagulat, napangiti si Tess at nakipagpalitan ng matalas na tingin kay Ben. Hindi pa dapat nakauwi si Antonio kahit na maayos na ang lagay nito. Umiwas ng tingin si Ben at sumenyas na mamaya na sila mag-usap. Maging siya ay walang ideya na nagpadischarge na ang matanda. Pagdating niya kaninang umaga sa ospital, nakahanda na ito at siya na lang ang hinihintay.Ang mga malamlam ngunit aktibong mga mata ni Antonio ay nilibot ang buong kabahayan. Tila nakikiramdam—tila may pinapakiramdaman na kung ano na tanging siya lang ang nakakaalam. Wala ni isa ang nagsasalita. Kilala nilang lahat si Antonio. Mabait ito ngunit may tinatagong bagsik.“Tess?”“Sir?” Kabadong tugon ni Tess.“Maayos naman ang kwarto ko dito?” Tanong ni Antonio ng hindi tinitingnan ang katiwala ng bahay. Tumango it

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 576

    Nang makaalis na si Mateo, tsaka pa lang nagpakawala ng malakas na buntong hininga si Natalie. Ang pagdating ni Mateo sa bahay niya ay kagulat-gulat lalo pa at noong huling punta nito doon ay nagkagulo sila ng tatay niya. Noong mga panahong iyon ay inakala ng lalaki na kerida siya ng sariling ama.[Anong nakain niya at bigla yatang bumait?] Palatak ni Nilly sa cellphone nang tawagan niya ito para ibalita ang nangyari. [Mas okay na rin siguro ‘yon, Nat. Kasi mukhang dead end ako ulit. In fairness sa babaeng ‘yon, ha? Ang husay magtago.]Sa halip na panghinaan ng loob, nakaramdam ng ginhawa si Natalie dahil alam niyang kahit paano ay mababawasan ang abala na dulot niya sa kaibigan. “Salamat, Nilly, ha. Umuwi ka na. Siguro naman may mahahanap si Mateo. Sana nga.”[Dapat lang, matapos ka niyang paghinalaan…’yan na lang ang pwede niyang gawin para makabawi sayo!] Nagngingitngit pa rin sa galit si Nilly.Alam ni Natalie na wala na talagang pag-asa na magkaroon ng kahit konting tiwala ang ka

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 575

    Napasinghap si Natalie sa biglaang pagputok ng damdamin ni Mateo. “Teka, sandali lang. Bakit mo naman biglang idinadawit si Drake dito?”“Oh?” Lalo pang dumilim ang ekspresyon ni Mateo. Natawa siya ng malamig at sarkastiko. “Bakit? Dalawang salita pa lang ang nasasabi ko tungkol sa kanya, apektado ka na agad?”“Ano na naman ‘tong pinagsasabi ng lalaking ‘to? Una, susugod dito tapos magagalit, tapos mandadamay na naman ng tao.” Napairap si Natalie. Malinaw na bumalik na naman sa pagiging irasyonal itong si Mateo at imposibleng kausap.“Tapos ka na ba sa pagsigaw mo?” Malamig niyang tanong. “Kung oo, pwede ka ng umalis. Hindi ka nakakatulong, eh.”Sobrang bigat na ng iniisip niya dahil sa isyu ng plagiarism niiya—hindi na niya kailangan ng isa pang walang kwentang pagtatalo. Gusto lang ni Natalie na mag-focus sa isa sa mga pinakamabigat na isyu na kinakaharap niya ngayon. Umupo siya sa sofa at tumalikod, ayaw na niyang lingunin ang lalaki.Ang totoo, kanina pa niya gustong alukin ito ng

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status