Teilen

KABANATA 593

last update Zuletzt aktualisiert: 19.01.2026 13:14:03

Kumatok is Isaac sa opisina ni Mateo. “Sir, may bisita kayo. Papasukin ko ba?”

Abala si Mateo sa pagrereview ng mga dokumento na ilang araw ng nakatambak sa mesa niya. Dahil naging abala siya sa kaso ni Natalie—saglit niyang napabayaan ang mga tungkulin sa opisina pero hindi naman niya pinagsisihan iyon. Hindi siya tumigil sa pagbabasa pero narinig niya ang sinabi ni Isaac.

“Anong problema? Bakit hindi mo papasukin?”

“Sir, si Rigor Natividad ang bisitang sinasabi ko.” Paliwanag ni Isaac. “Papas
Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen
Gesperrtes Kapitel
Kommentare (25)
goodnovel comment avatar
Flora Baguio
tapusin na sana itong kuwento na to para gawa na ulit ng another story.... kasi nakakainip na kuwento na to
goodnovel comment avatar
Marilyn Maurillodayson
next episode po pls
goodnovel comment avatar
Elizabeth Dones Samala
paspasan muna author nkkapanabik n ang kwento mo pls...
ALLE KOMMENTARE ANZEIGEN

Aktuellstes Kapitel

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 618

    Nang araw din na iyon, bumisita si Natalie sa mansyon, kasama niya si Nilly. Sinalubong siya ni Tess ng may malapad na ngiti sa mga labi. Halos tumakbo ito mula sa pangalawang palapag ng mansyon. Napansin agad ni Natalie na may naka-park na construction truck sa garahe at may mga taong nag-aakyat baba sa likuran--abala ang mansyon sa madaling salita. Parang may ginagawa sa pangalawang palapag.“Ay! Natalie! Ikaw nga!” Humahangos ito pababa, kasunod si Ben na sumilip din.“Si Natalie ba ‘yan?” Tanong nito mula sa taas. “Bababa din ako, saglit lang, tapusin ko lang ‘to. Sandali lang, Natalie.”Hindi napigilan ni Nilly. “Hmm, ako lang ba o excited talaga silang makita ka?”Ipinagsawalang-bahala lang ni Natalie ang kakaibang kilos ng dalawa. “Hindi naman, tsaka ganyan naman sila parati. Lagi silang natutuwa kapag nandito ako.”“Kaya mo na ba talagang magpaalam sa kanila? Mukhang mahal na mahal ka nila dito, eh.”Ngumiti ng bahagya si Natalie. “Syempre, ang alam nila dito ay isang Garcia a

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 617

    “Anong ginagawa mo?” Tanong ni Nilly kay Natalie pero hindi ito sumagot.Nadatnan niya itong nakasalampak sa sofa at may ginagawa sa laptop niya. Masyado itong seryoso kaya ni hindi na nito namalayan na papalapit siya dito. Dalawang araw na silang hindi pumapasok sa ospital dahil hinihintay pa ang desisyon ni Natalie tungkol sa maternity leave nito.Dahil mas malapit na si Nilly, tanaw niya ang naroon sa screen nito, at ang nakita niya doon ay dahilan para tumaas ang boses niya. “Teka, ano ‘yan? Nagbu-book ka ng flight? Saan ka pupunta?”Tsaka lang siya napansin ni Natalie. “Ah, eh…oo…”“Bakit?!”Nilapag ni Natalie ang laptop sa mesa at umayos ng upo, malaki na ang tiyan niya at medyo hirap na siya sa pagpwesto ng sarili. Ang mga mata nito ay puno ng lungkot at hindi maipaliwanag na damdamin. “Nilly, malapit na ang opening ng klase ni Justin sa Canada…at…alam mo naman na…”Alam ni Nilly ang tungkol sa bagay na ‘yon. Ang pagpunta ni Justin sa Canada para mag-aral sa pinakaprestihiyoson

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 616

    Nakumpirma nga ni Janet na cellphone iyon ng asawa at hindi na niya kailangan pang itanong kung paano iyon napunta sa drawer ni Irene dahil tahasan nitong itinanggi na may kinalaman siya sa pagkawala ng ama.Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Janet. Kung may isang taong pwedeng tumulong sa kanya para hanapin si Rigor–walang iba kundi si Mateo ‘yon. Hindi na niya hinintay pa na bumalik ang anak mula sa therapy nito, mabilis na niyang nilisan ang ospital at dumiretso sa main office ng Garcia Group of Companies.“Mahal kita, anak, pero hindi na tama ang ginagawa mo. Masakit man sa akin, pero ito na lang ang paraan para mapigilan ka. Alam kong hindi ka titigil hanggang hindi mo nakukuha ang gusto mo.”**Tanghaling tapat ng marating ni Janet ang opisina ni Mateo. Wala siyang appointment pero dahil kilala siya bilang ina ng dating karelasyon ng CEO ng kumpanya, nagawa niyang makita si Mateo na kasalukuyang nagpapahinga.Kung si Mateo lang ang masusunod, hindi na sana niya gustong paunlakan

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 615

    “Nasaan na ba si Elsie?” Takang tanong ng isa pang nurse sa station nila. “Si Miss Terror na lang ang kailangan niyang i-monitor, hindi ba? Tsaka may order ulit ang psych department na dalhin siya sa therapy session niya. Siya na lang dapat ang mag-asikaso dahil naroon na siya kanina pero wala pa rin ang babaeng ‘yon.”“Ikaw naman, ako na.” Alok ng masungit na nurse. “Baka nag-CR lang si Elsie. Tsaka mas gusto kong may makasagutan today. Masyadong maganda ang araw ko ngayon—gusto ko ng kaunting chaos.”Ang chaos na tinutukoy nito ay ang makaharap si Irene o mas kilala sa code name na Miss Terror sa unit nila. Tanging ang senior nurse lang na si Doris ang nagagawang sagot-sagutin si Irene nang hindi kinakabahan. Pamangkin nito ang private nurse na nag-resign kaya lalong nadagdagan ang inis nito sa pasyente nilang napakademanding at matapobre.“Sigurado po kayo?”“Oo naman,” malapad ang ngiti nito nang sumagot. Tumayo na ito at bitbit ang chart ng order sa kanila para tunguhin ang silid

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 614

    Napasinghap ang nurse sa na nakikinig sa pinto. “OMG. Tama ba ang mga narinig ko?”Magche-check lang sana ng vital signs ang nurse na si Elsie Bernardo. Nasa pinakadulong kwarto si Irene kaya kadalasan ay ito ang pinakahuli nilang napupuntahan. Hindi niya inakala na ang dapat sana ay routine lang ay mauuwi sa ganito. Narinig niya ang pag-amin ng pasyenteng kinatatakutan at kinaiinisan ng lahat sa mga ginawa nitong hindi kanais-nais sa isa sa mga pinaka-kilala at pinakahinahangaang doktor sa ospital.Ilang beses pa lang nakakadaupang palad ni Elsie si Dr. Natalie Natividad-Garcia pero sa iilang beses na iyon, napatunayan niyang napakabait at napakagalang nito bukod sa balitang isa ito sa mga magagaling na bagong doktor sa henerasyon nila. Hindi kagaya si Dr. Natalie ng ibang mga kasabayan niya na ang tingin sa mga nurse ay alipin nila. Sa paraan ng pagtrato sa kanila ng doktora—hindi na kailangang magdalawang-isip pa ni Elsie. Kailangang malaman nito ang totoo at tama lang na iyon ang

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 613

    Pagkasaradong-pagkasarado ng pinto ng silid, agad na nilabas ni Irene ang kanina pa niya kinikimkim na galit. Agad siyang sumigaw na parang nasaktang bata. “Ahhhhhhhhhhhhhhhhh!”Nataranta naman si Janet, napako siya sa kinatatayuan at namilog ang mga mata sa takot. Literal na nagwawala ang anak at wala siyang magawa kundi panoorin ito. Doon lang niya napagtanto kung bakit ganoon na lang ang sinabi sa kanya ng isang nurse. “B-bakit hindi pa sila pumasok dito? Hindi ba nila naririnig ang pagwawala ni Irene? Imposible naman yatang wala silang naririnig…kakasabi lang ng isang nurse kanina na alam nila sa tuwing nagwawala si Irene.”Ilang segundo na ang nakalipas pero wala pa ring nurse na dumarating. Patuloy pa rin sa pagwawala si Irene. Lahat ng bagay na mahawakan nito ay tinatapon nito. Wala itong sinasabi, basta lang nagsisigaw na parang wala sa sarili.Hindi na natiis ni Janet, sinubukan niyang magsalita. “A-anak…ano bang problema mo? B-baka pwede nating pag-usapan, kaya nga ako nandi

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status