Mabilis ang naging takbo ng itim na BMW sa highway, mistula itong isang patalim na humahati sa dilim ng gabi.Sa loob, tahimik lang si Mateo, nakatuon ang tingin sa dinadaanang street lights ng kalye. Nanatiling mahigpit ang pagkakuyom ng kamao niya sa kandungan, tila pilit na hinahawakan ang isang bagay na unti-unting dumudulas sa mga pagitan ng daliri.Sa tabi niya, palihim na sumulyap si Alex.Nasasaktan ang boss nila.Hindi ito normal---lalo na sa kagaya ni Mateo. Hindi ito madaling bumigay. Matagal na rin silang nagtatrabaho ng kapatid niya dito kaya alam na niya---sa tuwing ganito at tahimik ito, mas malalim ang iniindang sugat.“Sir…” nag-atubili si Alex bago nagsalita muli. “Malapit na tayo. Tumawag ako sa hotel. Maayos si Natalie. Hindi mo kailangang---”“Bilisan mo pa.” malamig at kontrolado ang tono nito ngunit may talim.Hindi na nangahas pa si Alex na sumagot. Piniga niya ang silinyador at binilisan lalo ang takbo ng kotse. Sa likuran, ipinikit ni Mateo ang kanyang mga ma
Tahimik ang kwarto ng ospital, tanging ang mahina at regular na tunog ng malaking orasan lanng ang maririnig. Nang itulak ni Mateo ang pinto, naabutan niya ang lolo niyang gising pa, nakasandal sa headboard ng kama na parang isang hari sa kanyang trono---kahit ang dinadamdam nitong sakit ay hindi kayang alisin ang kanyang awtoridad.Nang makita ang apo sa ganoong oras, nagsalubong ang kilay ng matanda. “Hindi ba dapat nasa Isla Verde ka ngayon at kasama si Natalie? Anong ginagawa mo dito?”“Tulog na siya.” Kalmado at kontrolado ang tono ni Mateo, sa isang iglap, lumambot ang ekspresyon niya ng mabanggit ang pangalan ng babae. “Hindi naman ako magtatagal. Babalikan ko rin siya kaagad.”Dahan-dahang tumango si Antonio pero hindi pa rin inalis ang tingin sa apo. “Hindi ito isang kaswal na bisita. Masyadong malayo ang isla. Ano ang dahilan ng biglaang pagbisita mo sa akin?”Hindi na nagpaligoy-ligoy si Mateo. “Lolo, muntik ng makidnap si Natalie kanina.”Biglang bumigat ang hangin sa loob
Kasabay ng pagbagsak ni Natalie sa semento, sumabog din ang kaguluhan sa paligid ng parking area. Mabilis na umalingawngaw ang mga hiyaw at sigawan.Ang janitor---na kumidnap sa kanya---ay natigilan sa kinatatayuan. “Anong nangyari? Dapat ay wala itong malay! Hindi ba nito nalanghap ang ether na nilagay ko sa panyo? Paano nakalabas ang babaeng ‘yan sa loob ng cart?!”Sunod-sunod din ang hiyawan ng mga taong naroon.“Nakagapos siya!” Sigaw ng isang miron.“Tumawag kayo ng security, dali!”Isang lalaking nakatayo sa malapit ang dali-daling lumuhod sa tabi niya. “Miss, ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba niya?”Medyo nahihilo si Natalie at masakit ang buo niyang katawan. Pero wala siyang panahon para isipin pa ito. Mabilis niyang inilipat ang tingin sa kidnapper niya—kitang-kita niya ang gulat at takot sa mukha nito.Kapag makakatakas ito ngayon, baka hindi na nila ito mahuli at hindi niya hahayaang mangyari ‘yon. Sa huling patak ng kanyang lakas, itinaas niya ang nakagapos na kamay at itinu
“Huwag kang maingay!” Malamig at matalim ang boses ng lalaki na humiwa sa katahimikan ng restroom na iyon.Pinilit ni Natalie na maging kalmado. Kahit na nanginginig ang tuhod at ang dibdib dahil sa sobrang kaba, nanatiling walang ekspresyon ang kanyang mukha.“Sige,” mahina niyang sagot. Walang bahid ng takot sa boses niya kahit na naroon pa rin ang kutsilyo sa tagiliran niya.Nag-alinlangan ang lalaki---tila nagulat sa kanyang pagiging kalmado. “Ikaw ba ang asawa ni Mateo Garcia?”“Oo.” Hindi siya nagdalawang-isip na aminin iyon. “Sandali, dahil ba kay Mateo kaya ako nasa sitwasyong ganito ngayon?” Isang nakakapangilabot na pag-unawa ang bumalot sa kanyang isipan. Marami ng kaaway si Mateo at alam din niyang hindi nagdadalawang-isip ang mga ito na kumitil ng buhay.Muli itong nagsalita. “Buntis ka…ang tiyan mo, ilang buwan na ‘yan?”Nanlamig ang dugo ni Natalie. Alam nila. Hindi ito simpleng pag-atake lang. May nagplano nito. May nagsadya at alam nilang buntis siya. Malamig na pawis
“Iwan mo muna kami.” Pinakisuyuan ni Mateo ang manager na lumabas muna.Tumalima naman ito kaagad. “Maiwan ko muna kayo para makapag-usap kayo ng maayos.”Ramdam ng manager ang tensyon sa pagitan ng dalawa kaya mabilis siyang umalis. Pagkasara ng pinto, nanahimik ang buong silid pero mabigat ang hangin. Naupo si Mateo at sumandal sa upuan. Matalim ang tingin niya kay Natalie.“Bukod kay Nilly, may iba ka pa bang malapit na kaibigan? May isa sa department mo, hindi ba?”“Bakit mo tinatanong?”Nagkibit-balikat si Mateo. “Para sa bridesmaids mo. Ikaw na ang bahala kung ilan ang gusto mo. Ako naman ang bahala sa groomsmen ko.”Natulala ng sandali si Natalie. Tapos biglang nanlaki ang kanyang mga mata dahil hindi siya makapaniwala. “Ano, ikaw ang pipili ng bridesmaids para sa akin?”“Not necessarily. Ikaw pa rin.” Kumurap si Mateo. “Karaniwan naman na may mga close friends ang bride sa araw ng kasal---”Natawa ng malakas si Natalie at ito ang dahilan para maputol ang sinasabi ni Mateo. Hin
Kilalang-kilala ni Nilly si Natalie. Alam niya na kahit masama ang pakiramdam nito ay tutuloy pa rin ang kaibigan sa Isla Verde. Dahil dito, labis siyang nag-alala.“Nat, hindi ba pwedeng sabihin mo na lang kay Mateo ang totoo? Sigurado naman akong papaya siyang ipagpaliban ang lakad niyo kung alam niya ang tunay na dahilan.” Pakiusap niya sa kaibigan.Umiling si Natalie at may maliit na ngiti sa labi. “Nilly, ang batang ito ay responsibilidad ko. Hindi kay Mateo. Mas kaunti ang nakakaalam, ibig sabihin, kaunti din ang gulo. At mas pabor sa akin ‘yon.”Nang marinig ang baluktot na rason ng kaibigan, nagdilim ang mata ni Nillu. Bilang malapit na kaibigan ni Natalie, masakit para sa kanya ang marinig ang pagtanggap nito ng kapalaran.“Natalie,” niyakap niya ang kaibigan at hindi na napigilan ang pag-iyak. “Basta, kapag hindi mo na kaya, tawagan mo ako, okay? Agad-agad!”“Oo naman.” Sagot ni Natalie habang marahang tinatapik ang likod ng kaibigan bilang pag-alo. Pero hindi siya sigurado
Bago pa matapos ni Natalie ang naiisip niyang imungkahi, isang matalim na boses ang pumigil sa kanya.“Natalie!”Natigilan siya, nanatiling nakapatong ang mga daliri sa bukas na pahina ng binabasang libro. Dahan-dahan niyang sinalubong ang madilim at nag-aalab na tingin ni Mateo.Napalunok si Natalie bago maingat na tinuloy ang tanong. “Pwede naman sigurong hindi na pumunta, hindi ba?”“Hah.” Isang mapanuyang tawa ang lumabas mula kay Mateo---mababa, matalim at parang palo ng malakas na latigo. “Baka naman gusto mo pang maghanap ng proxy para sa sarili mong kasal nyan?”Ang lantad na panlilibak sa tono ni Mateo ay imposibleng hindi niya maramdaman. Nagulat si Natalie pero gaya ng dati, mabilis na nabawi ni Natalie ang sarili. Mabilis din ang naging sagot niya pabalik.“Oh, come on, Mateo. Hindi ba pareho lang naman nating gusto na matapos na ito kaagad? Ginagawa lang natin ito para matapos na.”Kahit na malamig at kalmado ang tinig ni Natalie at parang nagsasabi lang ito ng isang simp
Inakala ni Mateo na sa mga oras na ito, nasa university o nasa affiliated hospital si Natalie, kaya hindi dapat maging problema ang pagkikita nila. Ora-orada ang pag-alis niya noong nakaraang araw at ngayong nakabalik na siya ng bansa, naisip niyang tama lang na makipagkita siya sa babae.Pero tumanggi ito ng tawagan niya.[Mauna ka na. Napuntahan ko na si Lolo kaninang umaga. Marami pa akong dapat gawin. Pagkatapos ng lahat ng iyon, dadalawin ko siya bago umuwi sa Antipolo.] Klamado ang boses nito at walang bahid ng pagmamadali, walang pangongonsensya at wala ring pag-aalinlangan.Natahimik si Mateo sa kabilang linya. Iniisip niya kung totoong abala ito o baka naman gumagawa lang ng rason si Natalie para maiwasan ang makipagkita sa kanya.Matapos ang ilang segundo, natanong rin niya sa wakas ang bumabagabag sa kanya. “Nat, galit ka ba sa akin?”Tumawa si Natalie, mahina at may bahagyang pagdistansya. [Bakit ako magagalit? May ginawa ka bang dapat kong ikagalit?]Natigilan si Mateo.H
“Hay, hindi naman ito ganoon kasama, Natalie.” Sabi ni Doctora Cases habang nakakunot pa rin ang noo. Patuloy pa rin ito sa pagbabasa ng medical report. “Pero hindi rin ito maganda. Ilang buwan ka pa lang! May ilang buwan ka pa lang at marami pang buwan na pagdadaanan. Kung magpapatuloy ito…hindi sa tinatakot kita---pero totoong may panganib.”Itinuro ng doktora ang ultrasound image sa screen, habang matamang pinagmamasdan ang maputlang mukha ni Natalie. Ang pagdadalang-tao ay hindi kailanman naging madali.Noong unang panahon, ito ay maituturing na pakikipaglaban sa pagitan ng buhay at kamatayan para sa mga kababaihan. Ang madalas nga na sinasabi noon ay, nasa hukay na ang isang paa kapag nagbubuntis ang isang babae.At kahit na may mga makabagong medisina na ngayon, hindi pa rin nawala nang tuluyan ang mga panganib.“Doc, ano po ang dapat na gawin? Sisiguraduhin ko pong masusunod lahat ng payo niyo sa kaibigan ko,” singit ni Nilly, puno pa rin ng pag-aalala ang boses.Matalim ang na