Share

Awakened as the Billionaire's Wife
Awakened as the Billionaire's Wife
Author: Moon

Chapter 1

Author: Moon
last update publish date: 2026-02-01 19:35:22

Hindi niya inaasahang masasaktan siya nang ganito.

Ang akala niya handa na siya. Akala niya ay kaya niya na. Pero nagkamali siya dahil kahit ilang beses niyang sabihin sa sarili niya na wala ka na siyang pakialam, may isang pangyayari pa rin na kayang wasakin ang lahat ng pinipilit niyang buuin.

Siya.

Ang isang taong inaakala niyang mananatili sa tabi niya at lalaking akala niya ay mamahalin siya habang buhay.

At hindi siya nag-iisa.

Nakatayo siya sa kabilang side ng kalsada, hawak ang cellphone niya, nanginginig ang mga daliri habang nakatitig sa lalaking minsan niyang tinawag na tahanan. Si Marcus ang boyfriend niya na tanging minahal niya sa loob ng limang taon. Nakangiti ito habang hawak ang kamay ng ibang babae. Masyadong malapit. Masyadong pamilyar. Parang siya ang intruder sa eksenang dapat ay siya ang bida.

Tumatawa ang babae. Tumagilid ang ulo nito nakikinig sa ibinubulong ni Marcus sa tainga niya.

‘Ganiyan din siya sa akin noon.’

Parang piniga ang puso niya sa nakikita. Nakaramdam siya ng hilo at napahawak siya sa tiyan niya. Pero kahit masakit, naglakad pa rin siya palapit. Alam niyang katangahan ang gagawin niya. Pero umaasa pa rin siya na may paliwanag siyang makukuha mula kay Marcus. Kahit alam niyang wala ng saysay ang kahit anong paliwanag.

“Marcus.”

Hindi ko alam kung gaano kalakas ang boses niya. Pero sapat na iyon para mapalingon sa kanya si Marcus.

At sa sandaling nagtagpo ang mga mata nila, doon niya nakita ang isang bagay na mas masakit pa sa pagtataksil—

Hindi takot.

Hindi pagsisisi.

Hindi guilt.

Kundi ang malamig nitong tingin na dati ay puno ng pagmamahal para sa kanya.

“Elena…” bigkas nito, mabilis na binitawan ang kamay ng babae.

“A-anong ginagawa mo dito?”

Parang biro ang tanong niya.

“Pwede mo bang ulitin ‘yan?” pilit niyang pinatatag ang boses niya kahit pakiramdam niya’y unti-unting nagkakapira-piraso ang puso niya. “Ako dapat ang magtanong sa’yo niyan.”

Tumahimik ito.

Nagtaass naman ng kilay ang babae sa tabi niya, tila ba sinasabi nitong istorbo lang siya sa kanilang dalawa.

“Marcus,” pagtawag ng babae sa kanya.

“Sino siya?” Kahit alam na niya ang sagot ay tinanong niya pa rin. Gusto niyang marinig mula sa lalaki ang sagot.

Hindi niya ito sumagot agad. At sa dahil sa pananahimik nito ay doon niya tuluyang naintindihan.

Wala na siyang lugar sa buhay nito.

“Let’s talk somewhere else,” sabi ni Marcus, hinila ang braso niya palayo sa babae. “Huwag dito.”

Tinanggal niya ang kamay nito. “Hindi. Dito. Ngayon.”

Nagbuntong-hininga ito, halatang naiinis. “Elena, hindi mo naiintindihan—”

“Ano ba ang hindi ko naiintindihan?” napatawa siya. “Na may kasama kang iba? Na hawak-hawak mo siya na parang—”

“Enough,” pagputol nito, tumingin sa paligid. “Gumagawa ka ng eksena.”

Eksena.

Limang taon. Tinawag niyang eksena.

“Matagal na ‘to,” bigla nitong sabi, mas mababa na ang boses. “Matagal ko ng gustong tapusin ang relasyon natin.”

Pakiramdam niya ay para bang hinampas siya ng malaking bitak ng yelo.

“Pero hindi mo ginawa,” sabi niya. “Pinili mong magsinungaling.”

Napailing ito. “Kasi alam kong ganito ka magre-react.”

“Kasalanan ko pa?” nanginginig na tanong niya.

“Hindi lahat tungkol sa’yo,” sagot nito, malamig na. “Move on.”

Isang hakbang ang ginawa nito palapit sa kanya. Hindi niya napansin na nasa gilid na pala sila ng isang elevated walkway sa ilalim ay madilim na kalsada, maliwanag lang sa mga ilaw ng sasakyan.

“Ganito na lang?” tanong niya. “Wala man lang sorry?”

Tumawa ito isang maikling tawa na parang pagod na pagod na.

“Sorry?” pag-ulit nito. “For what? For choosing myself?”

May kung anong naputol sa loob niya.

“Minahal kita,” bulong niya.

“At nagsawa ako,” sagot nito.

Hindi niya alam kung ano ang mas masakit ang sinabi nito, o ang paraan ng pagkakasabi nito. Parang wala na siyang halaga. Parang limang taon nilang relasyon ay isang abalang gusto na nitong kalimutan.

Humakbang ito palayo, halatang gusto nang tapusin ang usapan. Sa desperasyon, hinawakan niya ang braso ni Marcus.

“Marcus—”

“Bitawan mo ‘ko.”

Hindi niya agad nagawa.

At doon nangyari ang lahat.

Isang mabilis, marahas na galaw. Itinulak siya nito hindi malakas, hindi galit pero sapat para mawalan siya ng balanse.

Isang maling hakbang.

Isang sigaw na hindi niya na natapos.

Nararamdaman niya ang hangin habang unti-unting siyang bumabagsak. Ang mga ilaw ay umiikot. Ang tunog ng mundo ay parang unti-unting nilulunod ng katahimikan.

Hindi dapat ganito.

Isang malakas na impact.

Isang matinding sakit.

Tapos, wala.

Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakahiga roon. Naririnig niya ang malalayong sigaw. May tumatawag ng tulong. May umiiyak. Pero hindi niya na kayang igalaw ang katawan niya. Napahawak siya sa tiyan niya ng maramdaman niya ang pagkirot noon.

‘Patawad anak. Hindi mo man lang masisilayan ang mundo.’ sambit niya sa kanyang isipan habang ang kamay ay pilit na nilalagay sa tiyan.

Ang huli niyang nakita ay si Marcus nakatayo sa gilid, maputla, nanginginig, nakatitig sa kanya na parang multong ayaw nitong paniwalaan.

Gusto niyang magsalita.

Sabihin sa lalaki na natatakot siya.

Na masakit.

Na hindi pa siya handang mamatay.

Pero walang lumabas sa bibig niya.

Sa huling sandali, isang tanong lang ang pumasok sa isip niya—

‘Ganito ba talaga nagtatapos ang lahat?’

Sa pagtataksil.

Sa isang pagtulak.

At habang unti-unting nagdidilim ang paningin niya, doon niya naramdaman ang isang kakaibang kapayapaan.

Parang pagbitaw. Parang pagtatapos. Hindi niya inakala na ang lalaking minahal niya sa loob ng ilang taon, ang magiging dahilan ng pagkawala niya. Hindi lang siya ang pinagkaitan nitong mabuhay. Kundi pati ang batang nasa sinapupunan niya. Ang gusto lang naman niya ay magkaroon ng kumpletong pamilya ang anak. Muli niyang binalingan ng tingin ang lalaking minahal, ang lalaking pinagkatiwalaan niya. Ang lalaking ama ng batang nasa sinapupunan niya. Ang dahilan kung bakit siya ngayon nakahiga sa malamig na kalsada at naliligo sa sariling dugo.

‘Sana sa susunod na buhay ko ay maging masaya na ako. Gusto ko lang naman maranasan ang mahalin at pahalagahan.’ Unti-unti ng bumibigat ang pakiramdam niya. Tuluyan na niyang pinikit ang mga mata.

At doon… namatay si Elena Marquez.

Hindi niya alam noon na ito pala ang simula ng panibagong buhay.

“Gising na siya,”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Awakened as the Billionaire's Wife   Chapter 10

    Napangiti na lang siya ng hilaw nang makita ang madilim na mukha ni Sebastian.‘Brown out ata! Ang dilim ng mood niya.’“Bakit ka naman nanggugulat mahal kong asawa?” Nilambingan pa niya ang boses niya. Ngunit mas lalo lang sumama ang mood ni Sebastian.‘Now you're calling me mahal kong asawa. When you're clearly thinking of someone else.’“Mahal mong asawa? Really?”Nanlaki naman ang mata ni Amara nang ilapit ni Sebastian ang mukha nito sa kanya. Ilang beses siyang napakurap nang matitigan nito ang mukha ng lalaki.“Ang pogi.” Wala sa sarili niyang sambit.Narinig naman ni Sebastian ang sinabi ni Amara.“So, you think, I'm handsome?”Amoy na amoy ni Amara ang hininga nito. Amoy mint na parang may cool air sensation.“Yeah, so handsome.” Para siyang nahihipnotismo. Pero totoo rin naman ang mga sinabi niya. Napatingin naman siya sa labi ng lalaki.‘Shocks! Ano kaya pakiramdam mahalikan niyan.’“Tsk!”Nabalik naman siya sa huwisyo dahil sa pag-asik nito.“Bakit ka pala nandito?” tanong

  • Awakened as the Billionaire's Wife   Chapter 9

    “Bakit ganyan ka makatingin?” Hindi namalayan ni Sebastian na tapos na pala ang asawa sa paghuhugas.“Wala. Naninibago lang ako sa mga kinikilos mo.” Batid ni Elena ang pagdududa sa boses ni Sebastian. ‘Patay! Masyado ko bang ginalingan kaya nahalata niya?’ tanong nito sa isipan. Natatakot siya na baka mabuko na hindi siya ang Amara na nakilala nila.“Bakit hindi ba ako ganito dati?” tanong niya kay Sebastian at tinitigan ito sa mga mata. Ginamit na naman niya ang amnesia card. Wala naman siyang ibang pagpipilian kundi ‘yun lang.“Butler?” Nang hindi sumagot si Sebastian ay binalingan niya ang butler na tahimik lang sa sulok. “Kung hindi kapangahasan ang aking sasabihin, My Lady. Noon ay hindi ka kailanman tumapak sa kusina. Palagi mo lamang inuutos ang mga kailangan mo.” Napangiwi naman si Amara sa narinig hindi niya alam kung ano ang isasagot. Marami pang sinabi ang butler na hindi niya akalain na ganun pala ang totoong Amara. “Hindi ko maalala.” Tumawa siya ng pakak. Nahihiya si

  • Awakened as the Billionaire's Wife   Chapter 8

    “Good Morning.” Napatingin naman sila sa babaeng kadarating lang malawak ang ngiti nito sa labi habang nakatingin kay Sebastian. ‘She looks familiar. I think I've seen her somewhere. Hmmmm… Saan nga ba?’ “What are you doing here, Selene?” tanong naman ni Seb. Pero hindi niya tinapunan ng tingin ang babae. Patuloy lang ito sa pagkain. Naglakad naman si Selene palapit kay Sebastian at umupo ito sa tabi ng lalaki.Hindi alam ni Amara kung hindi ba talaga siya nakikita ng babae o sadyang di lang siya nito pinapansin. Nakatuon ang atensyon nito sa asawa. Napataas naman ang kilay niya ng inilingkis ng babae ang kamay sa braso ng asawa. Lihim naman siyang napangiti nang tanggalin ni Sebastian ang kamay ni Selene. “Ahemmmm! HUBBY,” nilambingan ni Amara ang boses niya. Nakuha naman nito ang atensyon ni Selene. “Kumain ka pa o baka kasi mangayayat ka nakapitan ka pa naman ng bacteria.” nakangiti niyang turan. “Butler,” binalingan nito ng tingin ang butler. “Pakikuha ako ng alcohol.” Tumang

  • Awakened as the Billionaire's Wife   Chapter 7

    Maagang nagising si Amara, napatingin naman siya sa mukha ni Sebastian na mahimbing pa ring natutulog. Napatitig siya sa mukha ng asawa niya mala anghel ang mukha nito, matangos ang ilong, mapupula ang labi na para bang ang sarap halikan. ‘Ang pogi naman ng asawa ‘ko’Napakagat naman siya labi, pinipigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi. ‘Lord, ito ba ang gantimpala mo sa akin dahil sa mga naranasan ko dati? Thank you so much!’Dahan-dahan naman niyang tinanggal ang kamay nito sa bewang niya at bumangon. Ingat na ingat siya at baka magising ang asawa niya. Nagbihis muna siya at lumabas na papunta sa kusina para magsimula na magluto. “Good Morning, Madame,” bati sa kanya ng isang lalaki. Nakasuot ito ng itim na tuxedo may suot din itong puting gloves. Sigurado siyang butler ito. “Good Morning,” pabalik kong bati sa kanya. “Saan ang punta mo?” tanong nito. Napanguso naman siya dahil sa tanong nito na para bang pinagdududahan siya nito. “Sa kusina po, balak ko sanang ipagluto

  • Awakened as the Billionaire's Wife   Chapter 6

    Hindi agad nakatulog si Amara noong gabing iyon.Tahimik ang kwarto masyadong tahimik para sa isang lugar na dapat ay tinatawag na “tahanan.” Nakahiga siya sa kama, nakatingin sa kisame, habang ang ilaw mula sa hardin ay bahagyang sumisilip sa pagitan ng kurtina. Sa tabi niya, naroon si Sebastian, nakahiga rin, nakatalikod sa kanya.Magkalapit ang katawan nila, pero parang may invisible na distansya isang puwang na hindi kayang punuan ng isang kama lang.Naririnig niya ang mahinang paghinga nito. Mabagal. Kontrolado. Parang sanay laging magbantay, kahit sa pagtulog.Dahan-dahan siyang gumalaw, maingat na parang takot siyang magising ito. Napaupo siya sa kama, hinila ang kumot sa balikat. May kirot pa rin sa katawan niya kapag masyadong matagal sa isang posisyon.“Hindi ka ba makatulog?” Napapitlag siya.Hindi pala tulog si Sebastian.“Sorry,” mahina niyang sabi. “I didn’t mean to wake you.”Umangat siya nang kaunti, sumandal sa headboard. Nakasuot siya ng simpleng shirt, walang coat,

  • Awakened as the Billionaire's Wife   Chapter 5

    Dumating ang araw na matagal nang hinihintay ng lahat.Ang araw ng paglabas ni Amara sa ospital.Maagang gumising ang buong floor. May mga nurse na pabalik-balik sa kwarto niya, inaayos ang mga papeles, chine-check ang vital signs, at paulit-ulit na nagpapaalala ng mga dapat at hindi dapat gawin. Para sa kanila, isa itong tagumpay isang pasyenteng dalawang taon nasa coma, ngayon ay pauuwiin na.Para kay Amara, isa itong simula na hindi niya alam kung handa na ba siyang harapin.Nakatayo siya sa harap ng salamin, maingat na inaayos ang coat na ibinigay ng ina niya. Hindi pa rin siya sanay sa sariling repleksyon. May mga araw na parang tanggap na niya ang mukha sa salamin, may mga araw namang pakiramdam niya ay nakatingin siya sa isang estranghera.“Comfortable ka ba?” tanong ng ina niya, nakatayo sa likuran.Tumango si Amara. “Yes, Mom.”Isang simpleng sagot. Isang salitang natutunan na lang niyang gamitin kahit hindi pa rin ganap na kanya.Pumasok si Sebastian ilang sandali matapos iy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status