Share

Chapter 22

XXII

DALAWANG linggo na ang nakakaraan ng magkita sila ni Davin. At halos magtatatlong-linggo na rin siyang hindi pumapasok sa club.

Nitong mga nakaraang linggo ay halos lagi siyang nakatulala, kinukulang din siya sa tulog at hindi makakakain ng maayos.

Lagi na nga siyang tinatanong ni Debbie kung anong problema niya pero laging wala lang ang sagot niya.

Napabuntung-hininga siya at tumanaw sa papalubog na araw. Nasa harap siya ng kanilang bahay ng oras na iyon at halos alas-singko pa lang pero papalubog na ang araw.

Tumayo na siya at pumasok sa loob. Papasok na siya ngayong gabi sa club. Gusto niya ng aliwin ang kaniyang sarili, gusto niyang abalahin ang sarili upang huwag ng mag-isip ng kung ano-ano.

Nadaanan niya si Debbie sa salas na naglalaro na naman, tumabi siya rito at hinagkan ito sa noo at niyakap.

"Kumain ka mamaya pag nagutom ka ha? Papasok na ako sa trabaho anak." Bulong niya rito habang nakayakap pa rin dito.

"Oo 'Ma. Huwag na kayong mag-alala sa akin, kakain na lang ako
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status