“Nga pala,”Napatingin ako kay Clyde nang mapansin kong ako pala ang kinakausap niya.“Bukas, kailangan mong gampanan ang role mo bilang secretary ko—kahit Brand Ambassador ka na ng DelCas Airline.”So, pati ‘yon inaral ng babaeng ‘to? Alam niyang pumirma ako ng kontrata sa DelCas. Sino ba talaga siya? Kung hindi ako tinulungan ng estranghero upang makalaya, ibig bang sabihin, lahat ng mahalaga sa buhay ko mapapasakanya?“Mr. Alcantara,”Narinig ko ang pagtawag niya. Alam niyang DelCastrillo si Clyde, pero Mr. Alcantara na rin ang tawag niya. Malamang ginagaya na naman niya ang role ng pagiging Christine Real.Ngayon, makakagalaw na ako nang maayos bilang ako, hindi bilang Ms. Real—ayon sa pagpapakilala ko.At si Clyde, alam kong alam niya na ako ang dinampot niya sa event. Nakita ko ‘yun sa reaksyon niya kanina matapos niya akong iligtas sa pool.“Baka puwede mo rin akong bigyan ng trabaho sa DelCas, para hindi ako mabagot dito sa mansion,” narinig kong reklamo ng peke.Sandaling nag
CHRISTINE REAL'S POVNakaupo ako sa kama, kasalukuyang nasa kalaliman ng pag-iisip, nang bigla akong makarinig ng katok sa pintuan.Patuloy pa rin ang paglagaslas ng tubig sa loob ng master’s bathroom. Nasa kalagitnaan pa siguro ng pagligo si Clyde.Hindi kami sabay naligo kanina dahil ako na rin ang umayaw. Baka magkailangan pa kami sa loob ng banyo. Ang ending, minadali ko na lang ang pagligo para makapagpalit na rin siya ng damit.Binuksan ko ang pintuan at tumambad sa akin ang nakabusangot na mukha ng pekeng Christine. Kita kong may hinahanap ang kanyang mga mata sa loob ng silid—malamang si Clyde.“Magkano ang kailangan mo para makaalis ka na rito?”Tumaas ang kilay ko. “Alam mong hindi pera ang kailangan ko, kundi ang pagkatao ko na kinuha mo.”“Ahhh…”Napakunot ang noo ko nang makaramdam siya ng sakit. Tila may kalaban sa loob ng utak niya. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Bahagya akong napaatras, pero sandali lang ‘yun—bumalik agad sa normal ang kanyang aura.
Alam ni Dad ngunit ako? Wala akong kaalam-alam. Gustong sumama ng loob ko ngunit ipinagliban ko iyon. Gusto kong malaman ang dahilan bakit siya alam niya at ako hindi.“Nasubaybayan ko ang paglaki ni Christine Scott. Mula maliit pa siya hanggang sa mag kolehiyo. Maging ang pagpapadala niya ng pangit na pictures sa’yo alam ko rin. Kaya noong mag-usap tayong lahat sa San Francisco, hindi na ako nanibago kung bakit kailangan niyang maging pangit sa tuwing kaharap ka. Pero ang tunay niyang mukha, ang katulad ni Crystal Delmar.”Nakuyom ko ang kamao habang nagsasalita si Daddy. Gusto ko ring sakalin si Christine sa kalokohang ginawa niya sa akin. Marahil ay nahalata ni Dad ang namumuong galit ko kaya siya nagpaliwanag. “Huwag kang magalit sa kanya. Hindi mo siya masisisi kung bakit ginawa niyang maging pangit sa paningin mo. Tulad mo gusto mo rin siyang iwasan, at dahil ayaw rin niya sa set-up ng kasal kaya ayaw niyang ma-fall in love ka sa kanya. Kaya ko nagawa na pagsamahin kayo sa isa
CLYDE’S POVTahimik akong nakaupo habang pinagmamasdan ang dalawang babaeng nasa tabi ko. Sa panlabas, wala akong ipinapakitang reaksiyon. Pero sa loob, nagsisimula nang mabuo ang mga tanong at mga hinala ko.Ngayong nagsisimula na ang aking paghahanap, dito ko na malalaman kung sino ang peke at kung sino ang totoo. Habang bumibyahe kami, bahagya kong ibinaling ang ulo ko sa kanan. Pahapyaw akong tumingin kay Christine na asawa ko sa papel. Mula kahapon, hindi ko mawari ang pagbabago sa kilos at pananalita niya. Mayroong oras na masigla siyang makipag-usap. Ngayon, tila malamig at tahimik, pero may bahid ng galit sa mata.Kung nagseselos man siya, hindi ko siya masisisi. Pinili ko si Christine Real bilang asawa ayon sa proyekto namin ni Brando. Pero malinaw ang usapan namin ni Ms. Scott: hindi na magtatagal ang kasal naming ito. At kung may ibang nararamdaman siya sa pagdala ko kay Ms. Real, wala na akong balak magpaliwanag sa kanya.Lumingon ako sa kaliwa. Sa pagkakataong iyon, nagt
CHRISTINE REAL’S POVNakita kong natigilan si Clyde nang sabihin kong ako ang asawa niya. Ngunit sandali lang iyon. Agad ding bumalik sa pagiging malamig ang aura niya.“So you’re Christine Real?”Bahagya akong napangiti, kahit may kirot sa likod ng labi ko. Hindi niya sineryoso ang sinabi ko. Imbes na magreact, ibinalik niya sa akin ang tanong.Baka iniisip niyang isa lang itong paraan para makuha ang atensyon niya. Pwedeng gano’n nga… pero may mas malalim pa ro’n. “Yes, Sir,” tipid kong sagot habang pinipilit panatilihing kalmado ang boses ko.Tiningnan niya ako nang direkta sa mga mata. Napalunok ako at napapikit saglit. Sana… sana kilalanin mo ako. Sana makita mo pa rin ako kahit nawala na ako sa mundong alam mo.Minsan na akong itinakwil ng mundo. Mismong si Mommy, hindi ako kinilala. Isa raw akong impostor. Pero kung makikita ni Clyde ang totoo, baka sakaling may daan pa akong makabalik sa tunay kong pamilya.“Is Christine Real your real name?” tanong niya, halatang puno ng pagd
PROJECT 101: LOOKING FOR A BRIDE OF A RICH MAGNATE (THE SEARCH BEGUN)CHRISTINE’S POVSa bawat pag-click ng kamera at bulungan ng mga babaeng nasa loob ng fucntion hall, ramdam ko ang bigat ng mga matang nakatuon sa amin. Lahat sila’y naka-best dress, may kanya-kanyang version ng “rich magnate wife material.” Pero hindi nila alam, scripted ang lahat ng ito.Ako bilang secretary ni Clyde a.ka. Killian Alcantara—the rich magnate na bagong sulpot sa industriya at wala pang masyadong nakakakilala sa kanya. Isa ako sa itinilaga ni Clyde upang mag facilitate sa lahat ng mga babae na gustong mag-apply upang pakasalan niya. A public matchmaking disguised as a private recruitment. Pero may ibang dahilan si Clyde. Gusto niyang makita kung lalabas ang babaeng matagal niyang hinahanap.Kanina pa ako nagmamasid sa paligid ngunit hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Naghalo na ang nararamdaman ko. Mayroong nagseselos ako na nasasaktan sa tuwing naiisip kong hindi lang ito basta script lang, pa