LOGIN“Nice one, huh? Pati dila mo wala na rin palang inaatrasan ngayon.” May banayad nang pang-iinsulto ang boses niya.
Umarko naman ang isang kilay ko. “Nagpapatawa ka ba, Mr. DelCastrillo? Huwag mong sabihin na nakaurong ang dila mo kapag kaharap mo ako?”
Tumaas ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Nanatiling nakataas ang kanyang kilay habang nakatitig sa akin. Kung yelo lang ako, kanina pa ako natunaw sa mainit na titig niya. Tila ba sinusuri niya ang buong pagkatao ko gamit lang ang kanyang mga mata. Kumakabog ang dibdib ko pero hindi ako nagpadaig, ayokong ipakitang natitinag ako.
“Excuse me, senorito, tinatawag na po kayo ng Daddy mo. Kasama po si Senorita Christine. Kakain na raw po.”
Napalingon kami nang marinig ang tuloy-tuloy na pagsasalita ng kanilang kasambahay. Naalarma ako, panandaliang pahinga mula sa tensyon pero ramdam kong hindi pa tapos si Clyde.
Muli akong pinasadahan ng tingin ni Clyde, tila walang balak na tantanan ako. Tumagilid ang ulo niya, bahagyang nagtaas ng kilay.
“Alam kong sinadya mo kaninang takbuhan ang mga bodyguards mo para lang magpapansin sa akin. Ayaw ko nang maulit ‘yon.” Agad na siyang tumalikod, ngunit sumagot ako habang pinipigil ang inis sa loob.
“Hindi ko kailangan gumawa ng eksena para pansinin mo. Sapat na ang kagandahan ko para gumawa ng ingay!” Maagap kong tinakpan ang aking labi. Ay, tanga. Nakalimutan kong ‘di ako maganda ngayon.
Kita ko ang nanunuyang tingin ni Clyde, at para bang sinasabi ng mata niya na: “Akala mo lang ‘yan.”
“Ayusin mo ang sarili mo.”
Boom. Parang bombang pumutok sa tenga ko ang sinabi niya. Agad siyang tumalikod at iniwan akong nakatulala. May kirot sa dibdib ko, pero hindi ko alam kung dahil ba sa sinabi niya o dahil... may bahid ng totoo.
Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin na malapit sa pintuan. Wala namang masama sa ayos ko... unless—
Kinapa ko ang aking mukha, sinundan ang pakiramdam ng nunal sa pisngi. Tumakbo ako papasok sa loob ng silid ni Clyde para mas malinaw kong makita ang sarili ko sa salamin. Pweh! Nakatayo pa rin lahat ng nunal ko. Pero bakit gano’n ang sinabi niya?
Napabuga ako ng hangin, nangingiti sa sarili. Hindi niya tinutukoy ang nunal. Gusto niyang sabihin, ayusin ko ang sarili ko... sa harap ng magulang niya. Gusto niyang protektahan ang imahe niya.
Bumaba ako upang hindi sila matagalan sa paghihintay. Ramdam ko ang bigat sa bawat hakbang. Kailangan kong galingan sa papel ko bilang asawa niya. Kahit peke. Kahit sandali lang.
“Christine, anak. Halika. Dito ka sa tabi ni Clyde umupo.”
Nahihiyang ngumiti ako kay Tito Clarence. Ang bait niya, sobra. Parang tunay na anak ang turing sa akin.
“Thank you, Dad.”
Napansin ko ang bahagyang pagkagat ng labi ni Clyde at mabilis ang singhap ng paghinga niya nang marinig kung paano ko tawagin ang kanyang ama. Sensitive si mister sa terms of endearment, huh?
Gayunpaman, kapal mukha akong tumabi sa kanya at nagsimula na ring kumain. Kailangan ko ng lakas, baka mamaya round two na agad ang pasaringan namin.
Ngunit kakasubo ko pa lang, kinuha din nito ang linen napkin mula sa kandungan at marahang idinampi iyon sa kanyang labi. MAsyadong pormal at kontrolado.
“I’ll head back to the office. I have a meeting with Mr. Patopatin.” Mabilis siyang tumayo, parang tinakasan ang dinner scene. Alam kong may thirty minutes pa kami bago ang meeting kay Mr. Patopatin. Palusot king talaga to.
“Clyde, gaano ba ka-importante yang meeting na yan? Hindi pa nangangalahati ang pagkain mo, aalis ka na agad? Tingnan mo ang asawa mo, kakasubo pa lang tatalikuran mo na.”
Nakita ko ang palihim na pagkuyom ni Clyde ng kanyang kamay. Kita ko ang tension sa kanyang panga. Naipit na naman siya dahil sa akin. Hindi ko kayang hayaan siyang pag-initan.
“Ah, tito, okay lang. Wala naman problema sa akin. Intindihin na lang natin na busy ang asawa ko.”
Sinadya kong diinan ang huling sinabi. Let’s play his game right. Alam kong napatingin siya sa akin nang banggitin ko iyon, ngunit umakto lang ako nang normal. Ngumiti ako sa kanya. Ngumiti rin siya pabalik ngunit alam kong pakitang tao lang ‘yon.
Yumuko siya at inilapit ang labi sa aking labi… oh hindi pala. Dumaan lang pala, pero dumikit sa tenga ko ang labi niya at may binulong.
“I love how you played in my game. Let’s see who will win.”
Nangatal ang batok ko. So game talaga ang gusto mo, ha? Hindi ko nag-react para walang mahalata sina Tito Clarence at Tita Ciara. Ngunit may kapilyahan akong binawi.
Mas lalo kong dinikit ang aking pisngi sa pisngi niya at sumagot na rin ng pabulong. “Of course, my love. Anytime, I’m willing to accept the challenge.” Hinalikan ko siya ng banayad sa pisngi, malapit sa gilid ng kanyang labi. Shot fired.
Nakita ko ang bahagyang gulat sa mga mata niya. Agad siyang umayos sa pagtayo, balingkinitang balikat, dominanteng aura. Pero… hindi niya ako matingnan sa mata. Bingo.
“I’ll have to go.” Malaki ang kanyang mga hakbang na lumabas ng dining room. Umalis siyang tila talunan.
Pumalatak naman ng tawa si Tito Clarence habang pumapalakpak. Nagulat ako. Ano kayang nakakatawa sa nangyari?
“Talagang nakakatuwa ang dalawa, ano, sweetheart?”
Kinikilig na sabi ni Tito Clarence sa asawa. Nagdikit ang aking mga kilay. Seriously? Saang part doon?
Di na rin ako nagtagal pa. Agad na rin akong tumayo upang habulin si Clarence sa opisina. Kailangan ko munang bumalik sa pagiging Crystal Delmar.
“Tit–Dad, pwede bang babalik muna ako sa mall? Nakalimutan ko kasi kanina ang mga pinamili ko. Doon ‘yun sa baggage area ng VIP Lounge.” Pagdadahilan ko habang hinahanap ng aking mga mata ang dala kong bag kanina, pinipilit kontrolin ang kaba.
“Okay sige. But this time, huwag kang humiwalay sa mga bodyguard mo, baka maliligaw ka na naman.”
Nakagat ko ang ibabang labi. Hala, paano na ‘to. Kailangan kong makalabas nang hindi nila nasusundan ang kilos ko.
“Ahmm..tito, pwede bang—”
“Hi, Mom, Dad, I’m here na!”
Biglang may tumili papasok sa dining room. Napatigil ako sa pagsasalita at lumingon na rin sa pinanggalingan ng boses. Nanlaki ang aking mga mata sa gulat. Kamukha ni Clyde… pero babae?! Don’t tell me—
“Zariah! Anak. Kumusta ang bakasyon mo? Nakahanap ka na ba ng mapapangasawa?” Pabirong tanong ni Tito Clarence. Sumimangot si Zariah.
“Daddy, nakakainis. Hindi ka pa binibigyan ng apo ni Kuya Clyde? Ako na naman ang pinupunterya mo.” Inis nitong sagot sa ama. Hanggang sa napako ang tingin niya sa akin.
“Omg, ate Christine?”
Napasapo ako sa aking dibdib. Oh no. Kilala niya ako? Lagot—. Puno man ng katanungan ang aking isipan ay sumabay ako sa daloy ng eksena.
“Y-yes. Ako nga.” Nakangiti kong sagot. Stay calm, Crystal. Stay calm.
“Ang ganda mo.”
Napanganga ako sa sinabi niya. Compliment ba ‘yon or shade?
Lumapit siya sa akin at tinitigan ng mabuti ang pisngi ko. Tinanggal pa ng mahaba niyang kuko ang ibang maliit kong nunal na nakasabit na sa aking pisngi.
Binulungan niya ako. “Ate, ganda mo kaya, pero mas natuwa ako sa…… fake moles mo.”
Napaatras ako. She knows?! Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Panic slowly crept into my system.
Marahil halata ang pagtataka sa aking mga mata kaya nagsalita si Tita Ciara.
“Isang international cosmetic surgeon si Zariah. Pasensya ka na sa kakulitan ng anak ko.”
Great. Cosmetic surgeon pala ang kapatid. Jackpot. Pag nagsumbong siya kay Clyde, tapos na ang palabas ko.
CONTINUATION...CLYDE'S POVTumalon ang feed sa next angle. Kahit sa ibang camera, halatang may hinahanap siya. Ako ba ang hinahanap niya? Minsan tumitingin sa entrance, minsan sa stage, minsan sa paligid na parang may inaabangan.At mas lalo kong naramdaman ang gulo sa pagitan naming dalawa.Posibleng ako ang dahilan ng pagpunta niya. Ngunit bakit hindi niya ako tinawagan? Bakit hindi niya sinabi kanina na sasama siya?Nagflashback sa akin ang nangyari sa opisina kanina. Nag-uusap kami ng Brando nang pumasok si Christine. Posibleng narinig niya ang plano namin. “Fvck!” Ini-on ko ang suot na earpiece at kinausap si Brando.“Brando, we have a problem. My wife is here.” Hindi sumagot si Brando pero nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata. Naging malikot na ito at tila may hinahanap. “Wala siya sa loob ng venue. lumabas ulit siya, may kausap na lalaki, hindi ko kilala. Alamin mo, huwag kang magpahalata kay Megan.” diretsahan kong utos.Nakita kong napakamot ng ulo si Brando. Ibin
CLYDE’S POVKasalukuyan akong nasa loob ng VIP room ng hotel na katabi lang ng mismong hotel na pinagdausan ng event ni Xian. Tahimik ang paligid, tanging mahinang ugong ng airconditioner ang naririnig ko habang binubuksan ang laptop ko. Ginamit ko ang pagkakataon habang hindi ko pa kasama si Megan. Kasama siya ngayon ni Brando at naghihintay sa akin sa viewmont hotel kung saan naroon si Xian. Muli akong nagfocus sa screen ng aking laptop. Kailangan kong malaman kung ano ang mga ganap sa loob ng Viewmont hotel, kung sino ang mga tauhan na inimbita ni Xian at kung dumating na si Tommy Laurencio. Hindi ko pwedeng i-asa lahat kay Brando, kailangan ko ng Plan B at Plan C sakaling pumalpak kami sa Plan A.“Show me what you’ve got…” bulong ko sa sarili ko.Binuksan ko ang espesyal na programang ako mismo ang gumawa, isang custom interface na hindi mo makikita kahit sa black market. Sa screen, unti-unting lumitaw ang holographic-style dashboard, kumikislap na parang heartbeat ng isang buha
Agad kong pinahid ang luha ko. Sinubukan kong i-praktis ang aking mga ngiti na parang walang narinig. Nang maging okay na ang aking pakiramdam, kumatok ako sa pintuan sabay bukas.Nahuli ko pang bahagya silang nagulat sa pagpasok ko. “Oh? Anong nangyari sa inyo? May problema ba?” Umakto ako na parang walang nangyari.. Na parang wala lang sa akin ang aking mga narinig.Agad na kinuha ni Brando ang mga files mula sa akin at siya na ang naglagay nun sa mesa ni Clyde."Natapos ko nang pirmahan ang mga 'yan. May ilan lang akong hindi in-approve na request since need ko pang i-check ang proposals."Ngumiti si Clyde at kita ang paghanga sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin. Hinapit niya ako sa sa baywang. “I missed you.”Ngumiti ako sa kanya at tinanggap ang halik niya sa aking mga labi, ngunit ang puso ko parang pinupunit sa sakit.“Ahmmm, tapos ko na pirmahan ang mga ‘yan. Dapat noon pa pala ako bumalik sa trabaho. Apektado ang branding ng airlines dahil hindi ko nagampanan ang oblig
CHRISTINE’S POV“Whew..almost done..” Napangiti ako matapos pirmahan ang lahat ng dokumento na nakatambak sa ibabaw ng lamesa ko. Ilang buwan akong hindi nakabalik sa opisina dahil hindi ako pinayagan ni Clyde. Mabuti nga at napapayag niya akong isama rito, mayroon akong pagkakaabalahan kaysa naman magmukmok lang ako sa bahay na walang ginagawa.“Miss Scott,”Napalingon ako sa babaeng tumawag ngayon lang sa akin–Si Helena Merced. Naalala ko siya dahil isa siya sa kontrabidang nilalang nang mag-aral ako sa Cypress University during my college days. “Heto pa,” Bumaba ang tingin ko sa mga files na pabagsak niyang ipinatong sa mesa ko.“What is this?” nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Umarko ang isang kilay niya.“Mga pipirmahan mo. Ang iba, mga pending transactions ‘yan na kailangan matapos bukas.” Habang nagsasalita siya, daig pa ang pwet ng manok na gustong iluwa ang itlog. Noon pa man nabwesit na talaga ako sa mukha niya. Hindi ako sumagot. Dali-dali kong binuklat ang
CLYDE’S POV“Dad,” tipid kong tawag nang makita ang aking ama na seryoso ang mukha habang nakaupo sa couch. Hinintay niyang makaupo muna kami ni Brando sa opposite couch habang nakaharap sa kanya.“Kumusta ang mga tauhan sa ospital?” kay Brando si Dad nakatingin. So, pinatawag niya kami ni Brando hindi para tanungin kung ano ang nangyari kagabi, kundi may iba kaming pag-uusapan.“Mahigit labing walo sa mga tauhan natin ang nasa ospital pa rin ngayon, Boss. Isang driver natin ang namatay, dalawa ang comatose at ang iba nagpapagaling pa.”Napapikit si Dad sa binalita ni Brando. Ramdam ko ang guilt sa kanyang mukha. “Alam na ba ng kanilang mga pamilya?” muling tanong ni Dad.“Pinarating ko sa kanilang pamilya ang nangyari, boss. Binigyan ko na rin sila ng assurance na sasagutin natin ang lahat ng gastusin. At sa pamilya ng namatayan, sinunod ko ang sinabi mo na magbibigay ng malaking halaga para makapagsimula sila ng negosyo. Sinigurado ko rin na maayos ang pagpapalibing.”Tumango lang
Napatingin din ako sa kamay ko. Nakakuyom na ito. Muli kong hinatak si Christine at niyakap. “Wife, nagseselos lang ako. Ayaw kong mawala ka rin sa akin, lalo na ang mapunta sa Xian na ‘yun.”“Ano ba kasi ang iniisip mo? Nagkukuwento lang ako sa ‘yo sakaling magkasilip ka ng idea sa tungkol sa koneksyon ni Xian kay Tommy. Selos naman ang iniintindi mo. Isipin mo na lang. Kung talagang may tiwala ako sa kanya, sana hindi mo ako niyayakap ngayon. Noong hindi pa totally bumalik ang ala-ala ko, sana mas pinili kong pagkatiwalaan lahat ng sinabi niya at hindi ako sumama kay Zariah. Pero mas pinakinggan ko pa rin ang boses mo sa puso ko. Mas pinili kong paniwalaan ang dinidikta ng isipan ko na bumalik sa ‘yo.”Sa mahabang paliwanag niyang ‘yun napawi lahat ng selos at galit ko, dahil totoo naman. “Kaya mas lalo kitang minamahal.” naging sagot ko na lang dahilan upang kurutin niya ako sa tagiliran. Hindi masakit kundi may kasamang kiliti.“Teka, patingin nga ng likod mo. Papalitan natin ng







