Home / Romance / BETWEEN LOVE & LIES / Chapter Five: The Father of My Child is a Billionaire

Share

Chapter Five: The Father of My Child is a Billionaire

last update Last Updated: 2025-10-27 22:02:30

Mr. Luis Antonio dela Merced how sure are you na ikaw ang ama ng batang dinadala ko? May boyfriend ako at alam yan ng lahat!”nanghahamon na ani Alexa.

Sa liit ng bayan ng Magallanes wala naman tao na hindi nakakakilala sa kaniya at kay Jake.

Lahat ng tao alam na malapit na silang ikasal. At lahat ng tao alam na paslit pa lang siya nang kupkupin siya ng nanay nito. 

Matalik na magkaibigan ang kanilang mga ina at nang maulila na siyang ganap sa mga magulang ang nanay na ni Jake ang tumayong ina-inahan niya. 

Magkasama sila sa loob ng mahabang panahon. Sino ba ang mag-aakala na ang batang dinadala niya ay hindi anak ni Jake.

Naningkit ang mga mata ni Luis. Kung kanina ay blanko ang kaniyang mukha ngayon naman ay tila nabahiran ito ng inis.

“Alexa alam ko ang lahat ng nagaganap sa'yo bago pa may nangyari sa atin! At mas lalo kitang pinasubaybayan pagkatapos ng gabing iyon! Paanong may mangyayari sa inyong dalawa kung ilang buwan siyang hindi na kakalakad? After ng operation ni Jake baka kahit sarili niya ay hindi niya mapagsilbihan sa comfort room! Matalinong tao ako Alexa hindi ako basta-basta nag iinvest kung alam ko na malulugi ako sa huli! Isa akong negosyante at alam kong alam mo iyan!” makahulugang wika ng gwapong bilyonaryo na sinundan ng makahulugang ngiti.

Nakaramdam siya ng pagkayamot sa lalaking kaharap. 

“Guwapo nga at mayaman pero ubod naman pala ng yabang”, hiyaw ni Alexa sa kaniyang isipan.

“Pero hindi ako bagay Luis at mas lalo naman na hindi ako investment o negosyo!”mahina ngunit mariin na wika ni Alexa.

Hindi siya makapaniwala na ang ama ng anak niya ay ganito pala kayabang! Maaring iniwan na nga siya ni Jake at ngayon ay hamak na siyang disgrasyada pero hindi naman nangangahulugan na dispirada na siya na pasukin ang pagpapakasal kahit sa lalaking hindi naman niya minamahal.

“I know Alexa! Pero lahat nang gusto ko ay nakukuha ko! And now alam na alam ko kung ano ang gusto ko at iyon ay ikaw!”

“Ako? Bakit ako? Hindi ako mayaman na tulad mo hindi tayo bagay Mr. dela Merced!”, kanina pa hindi gusto ni Alexa ang tinutumbok ng salita ng lalaking ito.

Hindi siya materialistic na tao kung ito ang iniisip ni Luis. Lumaki siya sa mga simple ng bagay at naniniwala siya na ang pag-ibig ay hindi kailanman maaring mabili ng salapi.

Pero sa nakikita niyang pag-uugali ng lalaki hindi niya nasisiguro kung marunong nga ba itong magmahal ng isang babae. 

Baka nga ang tingin lang nito sa mga babae ay isang kasangkapan at wala naman talaga sa bokabularyo nito ang magseryoso sa isang relasyon.

Alam niyang hindi inaasahan ng binata na mabubuntis siya at kaya marahil siya naka blind-fold ng gabing may mangyari sa kanila ay upang matiyak ng lalaki hindi siya maghahabol.

Given naman nga na ito ang ama ng kaniyang anak… given na rin na ito ang unang lalaki na nakakuha ng kaniyang pagkababae… mayaman…edukado.. maraming babae ang gugustuhin na alukin ng kasal ng isang kagaya nito. Ngunit sa palagay niya isang malaking kalokohan ang magpakasal silang dalawa nang dahil lang sa responsibilidad nito sa bata. 

Alam niyang hindi ito sapat na dahilan upang magpatali sila sa isa't-isa. Kung ang mga tao nga na nagmamahalan at nagkakahiwalay sila pa ba na langit at lupa ang agwat at higit sa lahat wala naman pagmamahalan na namamagitan.

“And bakit naman hindi ikaw Alexa? Maganda ka at maganda rin ang katawan mo. Your body perfectly fits on my body.”, pabulong na wika ng lalaki sa puno ng kaniyang tenga habang hinahaplos ng mga daliri nito ang kaniyang makinis na braso.

Naramdaman niya ang tila kuryente na dumaloy sa kaniyang katawan nang bahagyang dumampi ang labi ng lalaki sa kaniyang balat.

Sa hindi niya maipaliwanag na kadahilanan nakaramdam siya nang kaba sa dibdib na noon lang niya naramdaman.

Bahagya tuloy siyang umiwas ng tingin dahil hindi niya kaya na salubungin ang mga titig ng lalaki na tila ba sinusukat ang katotohanan ng sinasabi ng kaniyang bibig sa nilalaman ng kaniyang puso.

Hanggang sa  bigla na lang  siyang nagulat nang biglang bumukas ang pintuan ng klinika at pumasok ang doktor na kausap lang nila kanina.

Kung kumatok man ito ay hindi niya sigurado dahil wala na siyang narinig kung hindi ang malakas na tambol ng kaniyang dibdib.

“Oh… I'm sorry to ..to disturb the two of you!” wika ng doktor. Alam niya na iniisip nito na naka istorbo siya sa sweet moment nila ni Luis sa pag-aakala na ito nga ay kaniyang nobyo.

“It's okay Doc Mike paalis na rin naman kami ng girlfriend ko. Hayaan ko na muna siguro siya magpahinga para hindi na rin ma stress ang baby namin.” 

“Sa tingin ko nga Mr. dela Merced. Your girlfriend needs a lot of rest. Maputla siya mas mainam kung magpapakunsulta na kayo kaagad sa obgyne para mas maalagaan ang mag-ina mo.”

“Yes we will do that!” 

Kinamayan ni Luis ang doktor at inalalayan siya sa siko hanggang sa makasakay na sila nang tuluyan sa kotse ng binata.

“Saan mo gustong kumain Alexa?” wika ng lalaki habang dahan-dahan nang umaalis ang sasakyan mula sa parking lot ng maliit na clinic ni Doc Mike.

Ramdam naman niya ang sinseridad ng lalaki sa pagaalok ng pagkain dahil na rin siguro sa bakas na sa mukha niya ang pagod at gutom idagdag pa ang hinanakit na nararamdaman pa rin niya para kay Jake.

“Luis hindi mo na ako kailangan na alalahanin pa kaya ko na ang sarili ko. Mas mabuti na ihatid mo na lang ako sa kaibigan ko na si Jane. Dun na lang muna ako sa kaniya.”

“No! Hindi ka titira kung kani-kanino. Napakalaki ng mansion ng mga dela Merced Alexa! I think mas convenient sa'yo Yun lalo pa ngayon na buntis ka!”, mariin na wika ng lalaki habang pasulyap sulyap sa kaniya sa pagmamaneho.

“What?! Mr. Luis Antonio dela Merced hindi tayo close! Wala kang karapatan na diktahan ako kung saan ko gusto tumira at kung sino ang tao na gusto kong makasama”, pinaikot niya ang kaniyang mga mata at hindi na rin naiwasan ni Alexa na tapunan ng masamang tingin ang lalaki.

Nag menor naman si Luis at marahan na inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

Nararamdaman niya na malapit na niyang mapikon ang lalaki ng tuluyan.

Para itong bata na may tantrums matapos hindi napagbigyan ang gusto.

Hindi naman iyon katakataka dahil nasisiguro niya na mula pagkabata ay nasusunod ang gusto ng lalaki.

“Pwes ngayon ay kailangan na nating maging close dahil magkakaroon na tayo ng anak! Isang dela Merced ang batang dinadala mo. Hindi ako makakapayag na makaranas ng paghihirap ang aking anak.”

“Anong ibig mong sabihin?!” naguguluhan niyang sabi.

Nahihibang na yatang talaga ang lalaking ito. Kung matalino si Luis nasisiguro ni Alexa na hindi lang basta responsibilidad sa bata ang dahilan ng pilit na pagpapakasal ng binata sa kaniya.

Hindi niya alam kung ano pero may kutob siya na malalim ang dahilan ng lalaking ito.

“Look Mr. dela Merced puwede mo naman gampanan ang responsibilidad mo sa anak natin kung iyan ang gusto mo pero hindi yun sapat na dahilan upang magpatali tayong dalawa sa isa't-isa! Ayokong matali sa'yo! Hindi kita type! Hindi kita gusto at sa tingin ko malabo magkagustuhan tayo kahit sa future pa!”mataray niyang ani habang nakataas ang kanang kilay at nakahalukipkip ang dalawang braso sa kaniyang dibdib.

Noon din ay nakita niya kung paano namula ang mukha ni Luis. Nakita rin niya ang paggalaw ng panga nito dala ng matinding pagtitimpi. Hindi pa rin niya makuha ang gustong mangyari ng lalaking ito na sa palagay niya ay hindi lang mayabang kung hindi makulit na rin.

Pakiramdam niya pati ang puso at kalayaan niya sa buhay ay gusto na rin bilhin ng lalaki.

“Kung hindi ka papayag sa magiging kasunduan natin mapipilitan akong kunin ang batang yan sa'yo Alexa! Kaya mamili ka ngayon! Pakakasalan mo ako at maeenjoy mo ang lahat ng yaman  ko plus ang katawan at kagwapuhan ko or kukunin ko na lang ang batang iyan sa'yo? You know I'm capable of doing that Alexa!”.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BETWEEN LOVE & LIES   Chapter Thirteen: Caught in the Middle

    "Lu—Luis!" mahinang daing ni Alexa habang sige ang lalaki sa ginagawa ng paghalik sa kaniyang dibdib. Mainit ang mga palad nito na humahaplos sa kaniyang batok. Hanggang sa gumapang ang mga halik ng lalaki sa kaniyang leeg at tinungo ang kaniyang mga labi. Mapusok ang labi ni Luis, mapangahas, at mapag angkin na para bang pinapaalala sa kaniya na siya ay pagmamay-ari lamang nito. "Love me Alexa and I will give you everything! mahinang usal nito sa pagitan ng mga halik. Hindi na niya namalayan napahawak na pala siya sa batok ng lalaki at gumaganti siya sa mga halik nito. Halos hindi siya makahinga. Kumakalabog ng malala ang kaniyang dibdib. Hindi rin niya ito magawang itulak palayo dahil bawat haplos at yakap ni Luis pakiramdam niya ay kuryente na nagbibigay buhay sa buo niyang kaluluwa. Isang bagay na hindi naman niya naramdaman Kay Jake noon! Bahagya siyang nahiya nang bahagyang tumigil ang lalaki sa ginagawa upang titigan ang kaniyang mga mata. Blanko ang ekspresyo

  • BETWEEN LOVE & LIES   Chapter Twelve: Love Me Alexa!

    "What?! Nahihibang ka na ba Mr.Luis Antonio dela Merced?""Why? Do I look crazy? Hindi ako nagbibiro Alexa alam ko sa sarili ko ang gusto ko at ang gusto ko ay mahalin mo ako!",determinadong ani Luis.Bumalik ito sa kinauupuan na swivel chair at diretsang tiningnan sa mga mata ang babae habang nilalaro laro sa kaliwang kamay ang fountain pen."Hindi kita maintindihan Luis, kanina lang sinasabi mo sa akin ang prenuptial agreement nating dalawa... it is clearly stated there na hindi ako makakakuha ni isang kusing sa'yo sa sandali na maghiwalay tayo...and now all of a sudden uutusan mo ako na mahalin ka? Ano ba talaga ang tinutumbok ng salita mo! Kindly explain po at hindi ko maintindihan", Alexa says sarcastically."As simple as this Alexa... kailangan mo akong mahalin upang hindi tayo magkahiwalay! And kung hindi tayo magkakahiwalay mapapasayo ang lahat ng meron ako!", tahasang ani Luis.Daig pa ni Alexa ang sinampal.Ibigsabihin inuutusan siya ni Luis na mahalin siya upang walang magi

  • BETWEEN LOVE & LIES   Chapter Eleven: The Agreement

    "Ma'am Alexa pinapasabi po ni Sir Luis na gusto po niya kayo makausap",ani Manang Luz. Hindi na niya namalayan ang oras at nakatulog na pala siya. Minabuti na niya na umidlip muna habang hinihintay ang pagdating ni Luis sa mansiyon. Ang sabi ng mga kasambahay ay nasa palayan raw kanina si Luis at may mga inaasikado doon. "Sige Manang Luz saan ko po ba matatagpuan si Luis?" "Nasa third floor po si sir Luis sa opisina niya ma'am".,masayang wika ng ginang. "Okay po pupunta na po ako doon",nakangiti naman niyang sabi. Nang makaalis na ang ginang ay minabuti niya na buksan ang built in closet at tingnan kung ano ang damit na maari niyang isoot upang maging kumportable. Naka T-Shirt at pants siya na hiniram niya Kay Jane at aaminin niya na hindi siya gaano g kumportable dahil maluwag iyon ng bahagya sa kaniya. Nangangayayat siya dala ng paglilihi at malimit ay inululuwa rin niya ang inilalaman niya sa kaniyang tiyan, kaya marahil siya namamayat. Tumambad sa kaniya ang ibat-ibang dam

  • BETWEEN LOVE & LIES   Chapter Ten: Luis Antonio's ex-girlfriend is a bitch!

    "Ma'am! Ma'am Trina h'wag na po kayong mag eskandalo dito! Wala po dito sa mansiyon si sir Luis!"ani Manang Luz ang mayordoma sa mansiyon. Naghuhurumintado ang babae pagpasok pa lang ng mansiyon at gaya ng dati wala itong pakundangan kung tama pa ba o mali na ang ikinikilos nito."And who do you think you are! Katulong ka lang sa mansiyon na ito!", asik ng magandang babae.Nakasoot ito ng fitted na skirt na 3 inches above the knee at sleeveless na top kaya litaw na litaw ang makurba nitong katawan. May katangkaran ang babae, idagdag pa na naka high heels rin ito kaya naman kahit na anong pigil ni Manang Luz at Letty ay sumasalya lang sila sa tabi.Napahawak na lang sa sariling noo si Letty."Ma'am wala po talaga si sir Luis dito!" wika ni Letty, isa rin sa mga kasambahay."Eh kung ganun nasaan ang malanding babae na ipinalit sa akin ni Luis? I want to see her!" wika ng babae."Ma'am hindi naman po pwede ang gusto ninyo. Mas mabuti pa po ay bumalik na lang kayo sa ibang araw kung nand

  • BETWEEN LOVE & LIES   Chapter Nine: New Home,New Life

    "Bessy! Grabeng ganda naman dito! Tiyak yung maids' quarter maganda pa sa bahay ko!", maarteng ani Jane."Shhh!" sinenyasan ni Alexa si Jane na kung pwede ay itikom nito ang kaniyang bibig.Kung minsan talaga sumusobra ang kadaldalan ni Jane at nakakalimutan na nito ang pumreno.Kanina pa kasi itong puri nang puri sa mansiyon. Mula sa mga kagamitan hanggang sa malawak na garden at malaking swimming pool na natanaw nito kanina lang."Bessy gusto ko mag swimming tayo mamaya ha?",pilyang wika ng babae."Jane!" kunway saway niya sa kaniyang kaibigan.Masyadong halata na excited si Jane sa pagtira nilang dalawa sa mansiyon at ayaw naman niya na may masamang isipin tungkol sa kanila ang sinuman na makakarinig. Kaya pinandilatan talaga niya ito ng mga mata hanggang sa makuha nito ang gusto niyang iparating.Nang dumating sila ni Jane dito sa mansiyon ay wala si Luis nasa palayan raw ito at kinakausap ang mga magsasaka doon kaya sila lang dalawa ang magkasama na kumain ng tanghalian. Hindi

  • BETWEEN LOVE & LIES   Chapter Eight: Adjustments

    "Wow! Talaga ha? Pack up na ba tayo?! "Oo pumayag si Luis na isama kita sa mansiyon!" Hindi magkanda tuto si Jane sa pag iimpake ng mga gamit. Mula mga beauty products at skin care hanggang sa mga damit. Mukhang mas excited pa sa kaniya ang kaniyang kaibigan. "Grabe Bessy pati naman ako ay makakatira sa mansiyon. Pangarap ko lang iyon dati!", masayang sabi ng dalaga. "Ikaw talaga! Sinabi ko kay Luis na kailangan kita para alalayan ako sa aking pagbubuntis." "Kaya nga Bessy ang saya ko! Makakasama na kita tapos may trabaho pa ako. Mula ngayon ako na ng personal assistant mo Bessy!" Masayang masaya ang kaniyang matalik na kaibigan sa balita na hatid niya. Kinuha na ni Luis si Jane bilang personal na tagapangalaga niya habang buntis siya. Malaking bagay rin naman para sa kaniya na may makasama sa mansiyon lalo na ngayon na nag- aadjust pa siya sa bagong buhay na tatahakin niya. Tiyak na ikakagulat ng buong bayan ng Magallanes ang pagpapakasal ni Luis Antonio dela Merced

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status