LOGINBahagyang kumunot ang noo ni Alexa nang tumama sa kaniyang mga mata ang liwanag na nagmumula sa ilaw na nakatapat sa kama na kinahihigaan niya.
“Nasaan ako?!”, bulong niya sa kaniyang sarili. Inikot niya ang mga mata sa kabuuan ng silid. Napabaligwas siya mula sa kinahihigaan. “Anong—?” pilit niyang inalala kung paano at bakit siya napapunta sa lugar na ito na nasisiguro niyang isang klinika sa kanilang bayan. Ang huli niyang natatandaan ay mabilis siyang umalis sa tahanan ng pamilya ni Jake. Lakad takbo ang ginawa niya. Sa sobrang sama ng loob niya kay Jake kahit na ano ay wala siyang nadala na personal na gamit at kahit na magkano ay wala rin laman ang kaniyang bulsa. Natatandaan niyang sumama ang pakiramdam niya kanina at bago pa man tuluyang magdilim ang lahat may matipunong bisig ang sumalo sa kaniya. At….at ito ang lalaking kausap ng doktor. Hindi siya maaring nagkamali. Si Luis Antonio dela Merced ang lalaking tumulong sa kaniya! Sa bayang ito walang hindi nakakakilala sa lalaki. Tanyag ito sa kakisigan at kayamanan. “Sir Luis gising na po ang girlfriend ninyo!” masayang bungad ng lalaki na naka puting kasootan at natitiyak niyang isang doctor. “Girlfriend? Ha? Anong girlfriend?!” hiyaw ni Alexa sa kaniyang isipan. Bahagyang sumilay ang ngiti sa labi ng doktor samantalang nanatili naman na seryoso at blanko ang mukha ng lalaking kausap nito. “Ma’am hindi po kayo dapat naglalakad nang mag-isa lalo pa ngayon na nasa first trimester po kayo ng inyong pagbubuntis.” dugtong pa ng doctor. Marahan na tumayo ang doctor mula sa swivel chair at sumenyas na lalabas muna ng silid. Tumango naman ng banayad ang gwapong lalaki. Alam niyang sinadya ng doktor na umalis upang bigyan sila ng pagkakataon na makapag usap ni Luis. “Bakit mo sinabi sa doktor na girlfriend mo ako?!” “Why do I have this feeling na parang galit ka pa? You should thank me in the first place Alexa.” seryosong pahayag ng lalaki habang titig na titig ito sa kaniyang mukha. Hindi niya tuloy maiwasan ang hindi mailang. “Thank you!” nahihiyang ani Alexa. Nakadama ang babae nang bahagyang pagkapahiya kung bakit kasi hindi muna niya nagawang pasalamatan si Luis samantalang malaking bagay naman talaga ang pagkakasagip nito sa kaniya. Buntis siya hindi niya alam kung ano ang posibleng nangyari sa kaniya at sa baby kung tuluyan siyang bumagsak sa kalsada. “Sir Luis mas mabuti pa siguro ay umalis na ako, salamat sa pagtulong ninyo sa akin.” ani Alexa na akmang baba na sa kama. “And where do you think you're going Alexa?’ Hinawakan siya ng lalaki sa siko at halos matunaw siya nang makipagsukatan pa ito ng tingin sa kaniya. “Sir Luis kailangan ko ng umalis!” “Hindi ka puwedeng lumayo sa akin Alexa!” “Hindi kita maintindihan sir Luis. Ano po ba ang kabayaran na gusto ninyo sa tulong na ibinigay ninyo sa akin?” “I want you to marry me!” ,seryosong sabi ng binata. Bakit ba pakiramdam niya ay determinado ang lalaki na makukumbinsi siya nito. Porke ba mayaman ito at maganda lalaki ay puwede na siyang bolabolahin na lang. Nalaman lang nito na buntis siya mula sa doktor ay inaakala na siguro ng lalaki na basta basta na lang siyang papatol kung kani-kanino. “What?! Nahihibang ka na ba? Sir Luis nagbibiro po ba kayo? Kanina sinabi mo sa doktor na girlfriend mo ako at ngayon naman gusto mo pakasalan kita?” Alexa sarcastically laugh dahil pakiramdam niya ay pinaglalaruan na siya ngayon ng kaharap. “Hindi ako nagbibiro Alexa! I want you to marry me! Gusto kong panagutan ang responsibilidad ko sa ….sa anak ko!” “A….anak?!”,halos daig pa ni Alexa ang nasabugan ng bomba. Nakahawak siya sa impis niyang tiyan. Mabilis na bumalik sa ala-ala niya ang gabing iyon! Ang gabing ayaw na sana niyang balikan! “You heard it right Alexa! Ako ang ama ng anak mo! At kailangan mo akong pakasalan dahil ‘yun ang makakabuti sa anak ko at iyon ang gusto ko!”"Lu—Luis!" mahinang daing ni Alexa habang sige ang lalaki sa ginagawa ng paghalik sa kaniyang dibdib. Mainit ang mga palad nito na humahaplos sa kaniyang batok. Hanggang sa gumapang ang mga halik ng lalaki sa kaniyang leeg at tinungo ang kaniyang mga labi. Mapusok ang labi ni Luis, mapangahas, at mapag angkin na para bang pinapaalala sa kaniya na siya ay pagmamay-ari lamang nito. "Love me Alexa and I will give you everything! mahinang usal nito sa pagitan ng mga halik. Hindi na niya namalayan napahawak na pala siya sa batok ng lalaki at gumaganti siya sa mga halik nito. Halos hindi siya makahinga. Kumakalabog ng malala ang kaniyang dibdib. Hindi rin niya ito magawang itulak palayo dahil bawat haplos at yakap ni Luis pakiramdam niya ay kuryente na nagbibigay buhay sa buo niyang kaluluwa. Isang bagay na hindi naman niya naramdaman Kay Jake noon! Bahagya siyang nahiya nang bahagyang tumigil ang lalaki sa ginagawa upang titigan ang kaniyang mga mata. Blanko ang ekspresyo
"What?! Nahihibang ka na ba Mr.Luis Antonio dela Merced?""Why? Do I look crazy? Hindi ako nagbibiro Alexa alam ko sa sarili ko ang gusto ko at ang gusto ko ay mahalin mo ako!",determinadong ani Luis.Bumalik ito sa kinauupuan na swivel chair at diretsang tiningnan sa mga mata ang babae habang nilalaro laro sa kaliwang kamay ang fountain pen."Hindi kita maintindihan Luis, kanina lang sinasabi mo sa akin ang prenuptial agreement nating dalawa... it is clearly stated there na hindi ako makakakuha ni isang kusing sa'yo sa sandali na maghiwalay tayo...and now all of a sudden uutusan mo ako na mahalin ka? Ano ba talaga ang tinutumbok ng salita mo! Kindly explain po at hindi ko maintindihan", Alexa says sarcastically."As simple as this Alexa... kailangan mo akong mahalin upang hindi tayo magkahiwalay! And kung hindi tayo magkakahiwalay mapapasayo ang lahat ng meron ako!", tahasang ani Luis.Daig pa ni Alexa ang sinampal.Ibigsabihin inuutusan siya ni Luis na mahalin siya upang walang magi
"Ma'am Alexa pinapasabi po ni Sir Luis na gusto po niya kayo makausap",ani Manang Luz. Hindi na niya namalayan ang oras at nakatulog na pala siya. Minabuti na niya na umidlip muna habang hinihintay ang pagdating ni Luis sa mansiyon. Ang sabi ng mga kasambahay ay nasa palayan raw kanina si Luis at may mga inaasikado doon. "Sige Manang Luz saan ko po ba matatagpuan si Luis?" "Nasa third floor po si sir Luis sa opisina niya ma'am".,masayang wika ng ginang. "Okay po pupunta na po ako doon",nakangiti naman niyang sabi. Nang makaalis na ang ginang ay minabuti niya na buksan ang built in closet at tingnan kung ano ang damit na maari niyang isoot upang maging kumportable. Naka T-Shirt at pants siya na hiniram niya Kay Jane at aaminin niya na hindi siya gaano g kumportable dahil maluwag iyon ng bahagya sa kaniya. Nangangayayat siya dala ng paglilihi at malimit ay inululuwa rin niya ang inilalaman niya sa kaniyang tiyan, kaya marahil siya namamayat. Tumambad sa kaniya ang ibat-ibang dam
"Ma'am! Ma'am Trina h'wag na po kayong mag eskandalo dito! Wala po dito sa mansiyon si sir Luis!"ani Manang Luz ang mayordoma sa mansiyon. Naghuhurumintado ang babae pagpasok pa lang ng mansiyon at gaya ng dati wala itong pakundangan kung tama pa ba o mali na ang ikinikilos nito."And who do you think you are! Katulong ka lang sa mansiyon na ito!", asik ng magandang babae.Nakasoot ito ng fitted na skirt na 3 inches above the knee at sleeveless na top kaya litaw na litaw ang makurba nitong katawan. May katangkaran ang babae, idagdag pa na naka high heels rin ito kaya naman kahit na anong pigil ni Manang Luz at Letty ay sumasalya lang sila sa tabi.Napahawak na lang sa sariling noo si Letty."Ma'am wala po talaga si sir Luis dito!" wika ni Letty, isa rin sa mga kasambahay."Eh kung ganun nasaan ang malanding babae na ipinalit sa akin ni Luis? I want to see her!" wika ng babae."Ma'am hindi naman po pwede ang gusto ninyo. Mas mabuti pa po ay bumalik na lang kayo sa ibang araw kung nand
"Bessy! Grabeng ganda naman dito! Tiyak yung maids' quarter maganda pa sa bahay ko!", maarteng ani Jane."Shhh!" sinenyasan ni Alexa si Jane na kung pwede ay itikom nito ang kaniyang bibig.Kung minsan talaga sumusobra ang kadaldalan ni Jane at nakakalimutan na nito ang pumreno.Kanina pa kasi itong puri nang puri sa mansiyon. Mula sa mga kagamitan hanggang sa malawak na garden at malaking swimming pool na natanaw nito kanina lang."Bessy gusto ko mag swimming tayo mamaya ha?",pilyang wika ng babae."Jane!" kunway saway niya sa kaniyang kaibigan.Masyadong halata na excited si Jane sa pagtira nilang dalawa sa mansiyon at ayaw naman niya na may masamang isipin tungkol sa kanila ang sinuman na makakarinig. Kaya pinandilatan talaga niya ito ng mga mata hanggang sa makuha nito ang gusto niyang iparating.Nang dumating sila ni Jane dito sa mansiyon ay wala si Luis nasa palayan raw ito at kinakausap ang mga magsasaka doon kaya sila lang dalawa ang magkasama na kumain ng tanghalian. Hindi
"Wow! Talaga ha? Pack up na ba tayo?! "Oo pumayag si Luis na isama kita sa mansiyon!" Hindi magkanda tuto si Jane sa pag iimpake ng mga gamit. Mula mga beauty products at skin care hanggang sa mga damit. Mukhang mas excited pa sa kaniya ang kaniyang kaibigan. "Grabe Bessy pati naman ako ay makakatira sa mansiyon. Pangarap ko lang iyon dati!", masayang sabi ng dalaga. "Ikaw talaga! Sinabi ko kay Luis na kailangan kita para alalayan ako sa aking pagbubuntis." "Kaya nga Bessy ang saya ko! Makakasama na kita tapos may trabaho pa ako. Mula ngayon ako na ng personal assistant mo Bessy!" Masayang masaya ang kaniyang matalik na kaibigan sa balita na hatid niya. Kinuha na ni Luis si Jane bilang personal na tagapangalaga niya habang buntis siya. Malaking bagay rin naman para sa kaniya na may makasama sa mansiyon lalo na ngayon na nag- aadjust pa siya sa bagong buhay na tatahakin niya. Tiyak na ikakagulat ng buong bayan ng Magallanes ang pagpapakasal ni Luis Antonio dela Merced







