Home / Romance / BETWEEN LOVE & LIES / Chapter Six: Dilemma

Share

Chapter Six: Dilemma

last update Last Updated: 2025-10-29 19:13:03

"Jane ang gulo ng isip ko!" ani Alexa sa matalik na kaibigan na si Jane.

Nandito siya ngayon sa bahay ng kaibigan dahil pinilit niya na dito siya ihatid ni Luis.

Noong una ay ayaw na ayaw talaga ng lalaki pero sa huli napilit rin niya ito nang sabihin niya na gusto muna niya na pag-isipan ang alok nitong kasal.

Ang totoo sinabi lang naman talaga niya iyon para papayapain ang init ng ulo ng lalaki. Daig pa kasi nito ang bata na nagkakasumpong kapag patuloy niyang sinasabi na hindi niya pakakasalan ito.

"Magulo nga iyang pinasok mo Bessy! Eh sino ba kasi ang nagsabi sa'yo na ibigay mo iyang bataan mo doon sa mayamang lalaki na iyon?", ani Jane.

Humalukipkip siya at itinukod ang kamay sa baba. Mula sa bintana ay natatanaw niya ang mga batang masayang naglalaro sa labas.

"Mabuti pa sila Jane walang problema!"

"A sus! Madali lang naman kasi ang solusyon diyan sa problema mo eh!", mataray na ani Jane.

"Ano?!"

"Pakasalan mo na lang si Luis Antonio dela Merced! Hindi naman talaga problema iyan mayaman naman iyon at guwapo, daig mo pa ang nanalo sa loto di ba?", tumayo ang babae at kunway pumunta sa maliit na kusina.

May dala na itong sandwich at orange juice pabalik saka inabot iyon sa kaibigan.

"Jane, hindi ko siya mahal!"

"At sino naman ang mahal mo si Jake pa rin? Oo nga pala kaya mo nga pala binenta ang sarili mo na ngayon ko na lang nalaman ha ay dahil diyan sa lalaki na iyan! O e ano? Ano naman ang napala mo ngayon? Sa halip na ipagpatayo ka niya ng monomento pinalayas ka pa!", pinaikot ni Jane ang mata at matalim na tiningnan si Alexa.

"Jane nagawa ko lang naman iyon dahil ayokong mawala si Jake! Hindi kaya ng konsensya ko! Mula nang maulila ako sila na ang kumupkop sa akin!", ani Alexa na hilam ng luha ang mga mata.

"Yun na nga di ba? Sana naman kung hindi ka niya matanggap bilang kasintahan hindi ka naman sana itinaboy na parang wala kayong pinagsamahan!"

"Paano na ako ngayon Jane? Hindi ko alam kung tatanggapin pa ba ako ng private school na pinapagtrabahuhan ko knowing na disgrasyada ako!"

Lumapit si Jane at niyakap nang mahigpit ang kaibigan. Hinaplos halos niya ang likod ni Alexa upang papayapain ito dahil alam niya na hindi makakabuti sa kalagayan ng babae ang labis na sama ng loob dahil sa nagdadalang tao ito, baka ma apektuhan pa ang baby sa sinapupunan ng kaniyang matalik na kaibigan.

Kumuha so Jane ng tissue at ibinigay iyon Kay Alexa.

"Maghanap ka na lang siguro ng ibang trabaho Bessy, kaya lang saan naman? Kailangan mo talaga ngayon ng trabaho dahil magkaka-anak ka na!"

Hinaplos ni Alexa ang impis niyang sinapupunan at nakaramdam siya ng awa para sa sarili at para sa kaniyang anak.

Pakiramdam niya hindi pa man niya naisisilang ang bata ay kinamumuhian na ito ni Jake. Ngunit si Luis.... ang mayamang lalaki na nakabuntis sa kaniya handa nitong ibigay ang lahat para sa kaniyang anak.

Handa si Luis na pakasalan siya upang maipagkaloob niya nang ganap ang sarili niyang pangalan sa bata.

Hindi pa man naisisilang ang kaniyang anak ay gusto na itong mahalin at pangalagaan ng sarili nitong ama.

Naisip niya ang kaniyang mga paghihirap nang tuluyan na siyang maulila sa mga magulang. Naging mabuti ang nanay ni Jake sa kaniya dahil binihisan, pinakain at pinag-aral pa nga siya ngunit sa kaniyang puso... sa kaloob loban niya ay patuloy pa rin siya nangungulila sa pagmamahal ng mga magulang niya sa kaniya.

Ayaw niya na maranasan iyon ng kaniyang anak. Ayaw niya na sapitin ng kaniyang anak ang lahat ng hirap na naranasan niya.

Tama ba na pakasalan niya si Luis alang-alang sa magandang buhay na naghihintay sa kaniyang anak?

Tiyak na magiging kumportable ang buhay ng bata, Isa sa pinaka mayaman na tao sa bayan nila si Luis.

Ngunit siya paano na siya?

Magagawa ba niyang ipagkaloob ang sarili nang paulit-ulit sa lalaki kahit hindi naman niya ito minamahal?

Wala siyang ideya kung anong uri ng pagkatao mayroon ang isang Luis Antonio dela Merced.

"Jane ano ba ang dapat kong gawin? Nalilito ako, natatakot rin ako na baka totohanin ni Luis ang sinabi niya na kukunin niya ang anak ko at ilayo niya ito sa akin sa oras na hindi ako pumayag sa gusto niya!", naiiyak na ani Alexa.

"Bessy, hindi kaya mas mainam na kung saan ka nadapa dun ka na lang din bumangon? I mean bigyan mo na lang ng magandang buhay yang bata na iyan. Isa sa pinaka mayaman sa bayan natin si Luis tiyak na ganda ang buhay mo at ang bata piling niya, di ba? kalimutan mo na lang si Jake total wala na rin naman siya pakialam sa'yo at sa bata kahit na alam naman niya na nagawa mo lang iyon para sa kaniya. Kausapin mo si Luis alamin mo ang totoong plano niya at saka ka mag desisiyon!",mahabang paliwanag ni Jane kay Alexa.

"Isa lang ang sigurado ko Jane hindi maaring ilayo ng kahit na sino ang batang ito sa akin, kahit pa ng sarili niyang ama!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BETWEEN LOVE & LIES   Chapter Thirteen: Caught in the Middle

    "Lu—Luis!" mahinang daing ni Alexa habang sige ang lalaki sa ginagawa ng paghalik sa kaniyang dibdib. Mainit ang mga palad nito na humahaplos sa kaniyang batok. Hanggang sa gumapang ang mga halik ng lalaki sa kaniyang leeg at tinungo ang kaniyang mga labi. Mapusok ang labi ni Luis, mapangahas, at mapag angkin na para bang pinapaalala sa kaniya na siya ay pagmamay-ari lamang nito. "Love me Alexa and I will give you everything! mahinang usal nito sa pagitan ng mga halik. Hindi na niya namalayan napahawak na pala siya sa batok ng lalaki at gumaganti siya sa mga halik nito. Halos hindi siya makahinga. Kumakalabog ng malala ang kaniyang dibdib. Hindi rin niya ito magawang itulak palayo dahil bawat haplos at yakap ni Luis pakiramdam niya ay kuryente na nagbibigay buhay sa buo niyang kaluluwa. Isang bagay na hindi naman niya naramdaman Kay Jake noon! Bahagya siyang nahiya nang bahagyang tumigil ang lalaki sa ginagawa upang titigan ang kaniyang mga mata. Blanko ang ekspresyo

  • BETWEEN LOVE & LIES   Chapter Twelve: Love Me Alexa!

    "What?! Nahihibang ka na ba Mr.Luis Antonio dela Merced?""Why? Do I look crazy? Hindi ako nagbibiro Alexa alam ko sa sarili ko ang gusto ko at ang gusto ko ay mahalin mo ako!",determinadong ani Luis.Bumalik ito sa kinauupuan na swivel chair at diretsang tiningnan sa mga mata ang babae habang nilalaro laro sa kaliwang kamay ang fountain pen."Hindi kita maintindihan Luis, kanina lang sinasabi mo sa akin ang prenuptial agreement nating dalawa... it is clearly stated there na hindi ako makakakuha ni isang kusing sa'yo sa sandali na maghiwalay tayo...and now all of a sudden uutusan mo ako na mahalin ka? Ano ba talaga ang tinutumbok ng salita mo! Kindly explain po at hindi ko maintindihan", Alexa says sarcastically."As simple as this Alexa... kailangan mo akong mahalin upang hindi tayo magkahiwalay! And kung hindi tayo magkakahiwalay mapapasayo ang lahat ng meron ako!", tahasang ani Luis.Daig pa ni Alexa ang sinampal.Ibigsabihin inuutusan siya ni Luis na mahalin siya upang walang magi

  • BETWEEN LOVE & LIES   Chapter Eleven: The Agreement

    "Ma'am Alexa pinapasabi po ni Sir Luis na gusto po niya kayo makausap",ani Manang Luz. Hindi na niya namalayan ang oras at nakatulog na pala siya. Minabuti na niya na umidlip muna habang hinihintay ang pagdating ni Luis sa mansiyon. Ang sabi ng mga kasambahay ay nasa palayan raw kanina si Luis at may mga inaasikado doon. "Sige Manang Luz saan ko po ba matatagpuan si Luis?" "Nasa third floor po si sir Luis sa opisina niya ma'am".,masayang wika ng ginang. "Okay po pupunta na po ako doon",nakangiti naman niyang sabi. Nang makaalis na ang ginang ay minabuti niya na buksan ang built in closet at tingnan kung ano ang damit na maari niyang isoot upang maging kumportable. Naka T-Shirt at pants siya na hiniram niya Kay Jane at aaminin niya na hindi siya gaano g kumportable dahil maluwag iyon ng bahagya sa kaniya. Nangangayayat siya dala ng paglilihi at malimit ay inululuwa rin niya ang inilalaman niya sa kaniyang tiyan, kaya marahil siya namamayat. Tumambad sa kaniya ang ibat-ibang dam

  • BETWEEN LOVE & LIES   Chapter Ten: Luis Antonio's ex-girlfriend is a bitch!

    "Ma'am! Ma'am Trina h'wag na po kayong mag eskandalo dito! Wala po dito sa mansiyon si sir Luis!"ani Manang Luz ang mayordoma sa mansiyon. Naghuhurumintado ang babae pagpasok pa lang ng mansiyon at gaya ng dati wala itong pakundangan kung tama pa ba o mali na ang ikinikilos nito."And who do you think you are! Katulong ka lang sa mansiyon na ito!", asik ng magandang babae.Nakasoot ito ng fitted na skirt na 3 inches above the knee at sleeveless na top kaya litaw na litaw ang makurba nitong katawan. May katangkaran ang babae, idagdag pa na naka high heels rin ito kaya naman kahit na anong pigil ni Manang Luz at Letty ay sumasalya lang sila sa tabi.Napahawak na lang sa sariling noo si Letty."Ma'am wala po talaga si sir Luis dito!" wika ni Letty, isa rin sa mga kasambahay."Eh kung ganun nasaan ang malanding babae na ipinalit sa akin ni Luis? I want to see her!" wika ng babae."Ma'am hindi naman po pwede ang gusto ninyo. Mas mabuti pa po ay bumalik na lang kayo sa ibang araw kung nand

  • BETWEEN LOVE & LIES   Chapter Nine: New Home,New Life

    "Bessy! Grabeng ganda naman dito! Tiyak yung maids' quarter maganda pa sa bahay ko!", maarteng ani Jane."Shhh!" sinenyasan ni Alexa si Jane na kung pwede ay itikom nito ang kaniyang bibig.Kung minsan talaga sumusobra ang kadaldalan ni Jane at nakakalimutan na nito ang pumreno.Kanina pa kasi itong puri nang puri sa mansiyon. Mula sa mga kagamitan hanggang sa malawak na garden at malaking swimming pool na natanaw nito kanina lang."Bessy gusto ko mag swimming tayo mamaya ha?",pilyang wika ng babae."Jane!" kunway saway niya sa kaniyang kaibigan.Masyadong halata na excited si Jane sa pagtira nilang dalawa sa mansiyon at ayaw naman niya na may masamang isipin tungkol sa kanila ang sinuman na makakarinig. Kaya pinandilatan talaga niya ito ng mga mata hanggang sa makuha nito ang gusto niyang iparating.Nang dumating sila ni Jane dito sa mansiyon ay wala si Luis nasa palayan raw ito at kinakausap ang mga magsasaka doon kaya sila lang dalawa ang magkasama na kumain ng tanghalian. Hindi

  • BETWEEN LOVE & LIES   Chapter Eight: Adjustments

    "Wow! Talaga ha? Pack up na ba tayo?! "Oo pumayag si Luis na isama kita sa mansiyon!" Hindi magkanda tuto si Jane sa pag iimpake ng mga gamit. Mula mga beauty products at skin care hanggang sa mga damit. Mukhang mas excited pa sa kaniya ang kaniyang kaibigan. "Grabe Bessy pati naman ako ay makakatira sa mansiyon. Pangarap ko lang iyon dati!", masayang sabi ng dalaga. "Ikaw talaga! Sinabi ko kay Luis na kailangan kita para alalayan ako sa aking pagbubuntis." "Kaya nga Bessy ang saya ko! Makakasama na kita tapos may trabaho pa ako. Mula ngayon ako na ng personal assistant mo Bessy!" Masayang masaya ang kaniyang matalik na kaibigan sa balita na hatid niya. Kinuha na ni Luis si Jane bilang personal na tagapangalaga niya habang buntis siya. Malaking bagay rin naman para sa kaniya na may makasama sa mansiyon lalo na ngayon na nag- aadjust pa siya sa bagong buhay na tatahakin niya. Tiyak na ikakagulat ng buong bayan ng Magallanes ang pagpapakasal ni Luis Antonio dela Merced

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status