LOGIN"Ma'am! Ma'am Trina h'wag na po kayong mag eskandalo dito! Wala po dito sa mansiyon si sir Luis!"ani Manang Luz ang mayordoma sa mansiyon. Naghuhurumintado ang babae pagpasok pa lang ng mansiyon at gaya ng dati wala itong pakundangan kung tama pa ba o mali na ang ikinikilos nito."And who do you think you are! Katulong ka lang sa mansiyon na ito!", asik ng magandang babae.Nakasoot ito ng fitted na skirt na 3 inches above the knee at sleeveless na top kaya litaw na litaw ang makurba nitong katawan. May katangkaran ang babae, idagdag pa na naka high heels rin ito kaya naman kahit na anong pigil ni Manang Luz at Letty ay sumasalya lang sila sa tabi.Napahawak na lang sa sariling noo si Letty."Ma'am wala po talaga si sir Luis dito!" wika ni Letty, isa rin sa mga kasambahay."Eh kung ganun nasaan ang malanding babae na ipinalit sa akin ni Luis? I want to see her!" wika ng babae."Ma'am hindi naman po pwede ang gusto ninyo. Mas mabuti pa po ay bumalik na lang kayo sa ibang araw kung nand
"Bessy! Grabeng ganda naman dito! Tiyak yung maids' quarter maganda pa sa bahay ko!", maarteng ani Jane."Shhh!" sinenyasan ni Alexa si Jane na kung pwede ay itikom nito ang kaniyang bibig.Kung minsan talaga sumusobra ang kadaldalan ni Jane at nakakalimutan na nito ang pumreno.Kanina pa kasi itong puri nang puri sa mansiyon. Mula sa mga kagamitan hanggang sa malawak na garden at malaking swimming pool na natanaw nito kanina lang."Bessy gusto ko mag swimming tayo mamaya ha?",pilyang wika ng babae."Jane!" kunway saway niya sa kaniyang kaibigan.Masyadong halata na excited si Jane sa pagtira nilang dalawa sa mansiyon at ayaw naman niya na may masamang isipin tungkol sa kanila ang sinuman na makakarinig. Kaya pinandilatan talaga niya ito ng mga mata hanggang sa makuha nito ang gusto niyang iparating.Nang dumating sila ni Jane dito sa mansiyon ay wala si Luis nasa palayan raw ito at kinakausap ang mga magsasaka doon kaya sila lang dalawa ang magkasama na kumain ng tanghalian. Hindi
"Wow! Talaga ha? Pack up na ba tayo?! "Oo pumayag si Luis na isama kita sa mansiyon!" Hindi magkanda tuto si Jane sa pag iimpake ng mga gamit. Mula mga beauty products at skin care hanggang sa mga damit. Mukhang mas excited pa sa kaniya ang kaniyang kaibigan. "Grabe Bessy pati naman ako ay makakatira sa mansiyon. Pangarap ko lang iyon dati!", masayang sabi ng dalaga. "Ikaw talaga! Sinabi ko kay Luis na kailangan kita para alalayan ako sa aking pagbubuntis." "Kaya nga Bessy ang saya ko! Makakasama na kita tapos may trabaho pa ako. Mula ngayon ako na ng personal assistant mo Bessy!" Masayang masaya ang kaniyang matalik na kaibigan sa balita na hatid niya. Kinuha na ni Luis si Jane bilang personal na tagapangalaga niya habang buntis siya. Malaking bagay rin naman para sa kaniya na may makasama sa mansiyon lalo na ngayon na nag- aadjust pa siya sa bagong buhay na tatahakin niya. Tiyak na ikakagulat ng buong bayan ng Magallanes ang pagpapakasal ni Luis Antonio dela Merced
Halos malaglag ang panga ni Alexa nang makita kung gaano kalawak ang lupain na kinatatayuan ng mansiyon ng pamilya dela Merced. At kung gaano kalawak ang Rancho ay higit pa yata sa naiisip niya. Sa pagkakaalam niya minana ito ni Luis sa kaniyang namayapang mga magulang si Don Roberto at Doña Leticia dela Merced. Ngunit kahit gaano kayaman pa ang lalaki hindi rin naman niya ma imagine na nag-isa lang ito sa buhay. Walang kapatid, walang kamag-anak na kasama sa ganito kalaking bahay! "Hindi kaya ito ang dahilan ni Luis kaya ganun na lang ang pagnanais niya na alagaan ang sanggol na nasa sinapupunan ko?", bulong ni Alexa sa kaniyang sarili. Bata pa lang ay narinig na niya sa mga kwentuhan ng mga nakatatanda sa maliit nilang bayan kung gaano kaganda ang mansiyon ngunit ngayon lang naman niya ito nakita ng personal. Naglakas loob na siya na puntahan si Luis. Isang mabigat na desisyon ang nakatakdang niyang gawin alang-alang sa batang kaniyang dinadala. "Good morning po ma'
"Jane ang gulo ng isip ko!" ani Alexa sa matalik na kaibigan na si Jane. Nandito siya ngayon sa bahay ng kaibigan dahil pinilit niya na dito siya ihatid ni Luis. Noong una ay ayaw na ayaw talaga ng lalaki pero sa huli napilit rin niya ito nang sabihin niya na gusto muna niya na pag-isipan ang alok nitong kasal. Ang totoo sinabi lang naman talaga niya iyon para papayapain ang init ng ulo ng lalaki. Daig pa kasi nito ang bata na nagkakasumpong kapag patuloy niyang sinasabi na hindi niya pakakasalan ito. "Magulo nga iyang pinasok mo Bessy! Eh sino ba kasi ang nagsabi sa'yo na ibigay mo iyang bataan mo doon sa mayamang lalaki na iyon?", ani Jane. Humalukipkip siya at itinukod ang kamay sa baba. Mula sa bintana ay natatanaw niya ang mga batang masayang naglalaro sa labas. "Mabuti pa sila Jane walang problema!" "A sus! Madali lang naman kasi ang solusyon diyan sa problema mo eh!", mataray na ani Jane. "Ano?!" "Pakasalan mo na lang si Luis Antonio dela Merced! Hindi naman talaga pro
Mr. Luis Antonio dela Merced how sure are you na ikaw ang ama ng batang dinadala ko? May boyfriend ako at alam yan ng lahat!”nanghahamon na ani Alexa.Sa liit ng bayan ng Magallanes wala naman tao na hindi nakakakilala sa kaniya at kay Jake.Lahat ng tao alam na malapit na silang ikasal. At lahat ng tao alam na paslit pa lang siya nang kupkupin siya ng nanay nito. Matalik na magkaibigan ang kanilang mga ina at nang maulila na siyang ganap sa mga magulang ang nanay na ni Jake ang tumayong ina-inahan niya. Magkasama sila sa loob ng mahabang panahon. Sino ba ang mag-aakala na ang batang dinadala niya ay hindi anak ni Jake.Naningkit ang mga mata ni Luis. Kung kanina ay blanko ang kaniyang mukha ngayon naman ay tila nabahiran ito ng inis.“Alexa alam ko ang lahat ng nagaganap sa'yo bago pa may nangyari sa atin! At mas lalo kitang pinasubaybayan pagkatapos ng gabing iyon! Paanong may mangyayari sa inyong dalawa kung ilang buwan siyang hindi na kakalakad? After ng operation ni Jake baka k







