เข้าสู่ระบบMabilis lumipas ang mga buwan. Isang buwan pa at full term na ako sa aking pagbubuntis. At plano na ko sanang doon sa Switzerland na lang manganak. Subalit sadyang mapagbiro yata ang tadhana sa akin dahil nalaman kong bumabagsak ang aming kumpanya sa Pilipinas. "Purple anak, puwede bang umuwi ka na? May sakit ang Papa mo, at ang Kuya mo naman hindi makapag-isip ng tama dahil sa nangyayari sa ating kumpanya," mangiyak-ngiyak na sabi ni Mama, who called me one morning.Nakadama ako nang awa kina Mama at Papa maging kay Kuya. Dati ay tumutulong ako pero natigil lang nang naging mag-asawa kami ni Spencer. Sobra kasing nagpokus ako sa pagiging perfect wife ko sa kanya noon na wala namang silbi sa huli."Sige po, Mama! Pakisabi kay Papa magpagaling na siya," pagsang-ayon ko. Hindi ako nagpatumpik-tumpik, pamilya ko sila kaya tutulong ako.Mapait akong nagpasya na bumalik sa Pilipinas sa lalong madaling panahon. Ayoko na sanang bumalik subalit kailangan ng pamilya ko ang tulong ko para sa m
Matagal kong pinagmasdan ang aking mga maletang naglalaman ng aking mga gamit. Yes, aalis ako ng bansa para makalimot at magamot ang sugatan kong puso. Pagkatapos kong pirmahan ang divorce paper namin ni Spencer ay sinubukan niya akong kausapin. But I refused. Para saan pa ang pag-uusap namin ginawa ko na ang gusto niyang mangyari. Ang pirmahan ang divorce paper na pinagawa nito sa kanyang attorney, kaya wala ng dahilan para magkausap pa kami."Mag-iingat ka doon ha?" Naiiyak na sabi ni Alice sa akin, ang aking nag-iisang best friend. Siya ang nag-book sa akin patungong Switzerland doon sa mga Tiyahin ko.Yumakap din ako nang mahigpit sa kanya tumulo ang aking luha. Nagkatawanan pa kaming dalawa nang kumalas kami sa isat-isa."Tatawag ka pagdating mo," bilin pa sa akin ni Alice.Nginitian ko siya. "Oo at maraming salamat! I will miss you.""Ako din! Pero okay lang basta pagbalik mo, tulad ka na ng dati." Masayang tugon ni Alice.Tumango-tango ako at muli kaming nagkayakapan nang mahig
Nang magmulat ako ng aking mga mata ay nasa hospital bed na ako. Una kong namataan sina Spencer at Doktora Heidi na nag-uusap. Sabay silang tumingin sa akin nang gumalaw ako na para bang nag-aalala sila. Iniwasan kong mapatingin kay Spencer bagkus ay kay Doktora ako tumitig."Kumusta ang baby ko Doktora?" Agad kong tanong nang maalala kong dinugo ako.Ginagap ni Doktora ang aking mga kamay at malungkot na tumingin sa akin. Kinabahan ako sa hitsura ni Doktora Heidi kumabog nang husto ang aking dibdib. Biglang bumigat ang aking paghinga, nahihimigan kong may masamang ibabalita sa akin si Doktora."Dok, bakit ganyan kayo kung makatingin sa akin?" Tanong ko pa rin kahit na kinakabahan na ako.Bumuntonghininga si Doktora. "Hindi ko alam kung papaano ko ito sasabihin sa'yo pero...ang baby mo." Pambibitin niyang sa akin.Medyo napabangon ako. Hindi ko gusto ang pambibitin ni Doktora Heidi sa sinasabi niya sa akin. Biglang sumikip ang aking dibdib na parang nagpapahiwatig ng isang pighati."S
Pagkatapos kong ihampas ang buong lakas ng aking palad sa mukha ni Spencer, tila nawala na ako sa sarili. Ang natitira kong katinuan ay tuluyang nilamon ng apoy ng galit. Bago pa man sila makakilos, mabilis kong sinunggaban at sinabunutan si Lirah. Ibinuhos ko ang lahat ng poot, ang lahat ng pait na naipon sa dibdib ko sa mga sandaling iyon. Gusto kong saktan ang babaeng sumira sa aking pamilya. Siniguro kong tatatak sa mapurol niyang ulo na hindi niya basta-basta pwedeng nakawan ng kaligayahan ang isang asawa. Kinalmot ko ang kanyang mukha, binuhat ko ang aking shoulder bag at walang pakundangan silang pinaghahampas dalawa ni Spencer. Nag-hysterical na ako. Wala na akong pakialam sa aking ginagawa, wala na akong pakialam kung magmukha akong masama. Ang tanging sigaw ng puso ko ay ang magantihan sila, kahit sa pisikal na paraan man lang."Purple, stop it! Tama na!" sigaw ni Spencer habang sinusubukang hawakan ang mga kamay ko upang awatin ako.Subalit hindi ako nakinig. Bingi na ako s
"Congratulations! You're two weeks pregnant."Umalingawngaw sa pandinig ko ang bawat salitang binitiwan ni Doktora Heidi. Sandaling huminto ang ikot ng mundo ko. Napakurap-kurap ako, hindi makapaniwala sa aking narinig. Parang panaginip. Isang panaginip na kay tagal kong ipinagdasal habang nakatitig sa kisame ng aming silid."A-Ano pong sinabi niyo, Dok?"Nanginginig ang boses ko. Gusto kong makasigurado. Natatakot ako na baka nagkamali lang ako ng dinig, na baka niloloko lang ako ng sarili kong tenga dahil sa labis na pangungulila na maging isang ina.Ngumiti nang matamis si Doktora Heidi. "Buntis ka, Purple. Two weeks na ang baby sa sinapupunan mo."Sa sandaling iyon, parang may sumabog na init sa aking dibdib. Hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama. Ang mga luhang kay tagal kong itinago dahil sa pagkabigo at takot ay bumuhos bila dahil sa labis na ligaya."Buntis ako... Buntis ako, Dok!"Nanginig ang aking mga labi. Panay ang agos ng aking mga luha, ngunit sa pagkakataong ito, wa







