BILLIONAIRE'S EX-WIFE IS BACK, SHE'S PREGNANT?!

BILLIONAIRE'S EX-WIFE IS BACK, SHE'S PREGNANT?!

last updateLast Updated : 2026-07-03
By:  MR.ROMANTICOUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
11views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Billionaire's Ex- Wife Is Back, She's Pregnant?! Blurb: Nagsimula sa contract marriage ang pagiging mag-asawa nina Spencer at Purple. Hindi sukat akalain ni Purple na mamahalin niya nang lubos si Spencer kahit pa contract marriage lang ang naganap sa kanilang dalawa. Spencer wants a kid, sobrang hangad nito ang magkaroon ng anak. Pero hindi naging madaling magbuntis si Purple, kung kaya't ginawa nila ang lahat para magdalang tao siya. At nang maganap ang hangarin iyon ni Spencer saka natuklasan ni Purple ang pagbabalik ng unang pag-ibig ng kanyang asawa. At dahil ayaw niyang mawala si Spencer nang tuluyan ay sinabi niyang buntis siya ngunit nakunan lamang siya. Because of despair umalis si Purple pinirmahan niya ang divorce papers nila ni Spencer. After a month's bumalik si Purple, malaki ang tiyan at buntis ito. Shocked malala si Spencer papaano nangyari iyon kung nakunan naman si Purple bago sila nagkahiwalay?

View More

Chapter 1

Chapter 1: Unexpected pregnancy

"Congratulations! You're two weeks pregnant."

Umalingawngaw sa pandinig ko ang bawat salitang binitiwan ni Doktora Heidi. Sandaling huminto ang ikot ng mundo ko. Napakurap-kurap ako, hindi makapaniwala sa aking narinig. Parang panaginip. Isang panaginip na kay tagal kong ipinagdasal habang nakatitig sa kisame ng aming silid.

"A-Ano pong sinabi niyo, Dok?"

Nanginginig ang boses ko. Gusto kong makasigurado. Natatakot ako na baka nagkamali lang ako ng dinig, na baka niloloko lang ako ng sarili kong tenga dahil sa labis na pangungulila na maging isang ina.

Ngumiti nang matamis si Doktora Heidi. "Buntis ka, Purple. Two weeks na ang baby sa sinapupunan mo."

Sa sandaling iyon, parang may sumabog na init sa aking dibdib. Hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama. Ang mga luhang kay tagal kong itinago dahil sa pagkabigo at takot ay bumuhos bila dahil sa labis na ligaya.

"Buntis ako... Buntis ako, Dok!"

Nanginig ang aking mga labi. Panay ang agos ng aking mga luha, ngunit sa pagkakataong ito, wala nang sakit. Niyakap ko ang aking sarili, tila ba pinoprotektahan na agad ang maliit na buhay sa loob ko.

"Oo, Purple. Kaya bawal sa iyo ang ma-stress, lalo na at first timer mom ka. Isinulat ko na rito ang mga vitamins na kailangan mong inumin during pregnancy. Kailangan alagaan mong mabuti ang baby mo, ha?" mahinahong paliwanag ng doktora.

Mabilis akong tumango-tango. Hindi ko na napigilan ang aking sarili, hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Doktora Heidi. "Bumalik ka sa akin sa susunod na linggo, okay?"

Tumango uli ako. Wala akong mahanap na tamang salita. Ang dila ko ay tila napipi sa sobrang apaw ng pasasalamat.

"O-Opo, Dok. Maraming, maraming salamat po," masaya kong sagot sabay tanggap sa reseta at mga gamot na ibinigay niya.

Pagkalabas ngclinic, marahan kong hinaplos ang aking tiyan. Patag pa ito, wala pa ring bakas ng buhay, ngunit sa puso ko, alam kong naroon siya. Nakakatiyak akong magiging masaya si Spencer kapag nalaman niyang buntis na ako. Taon ang binilang namin para dito. Maraming gabi ang dumaan na umiiyak ako sa kanyang balikat dahil buwan-buwan ay binibigo kami ng pagkakataon. Masakit para sa isang asawa na makitang nababawasan ang sigla ng tahanan dahil sa kawalan ng anak.

"Papaano, Purple, mauuna na ako sa iyo. May pasyente pa akong hihintayin sa kabilang ospital," paalam sa akin ni Doktora Heidi sabay tapik sa aking balikat na nagpabalik sa akin sa reyalidad.

Nginitian ko siya at muling nagpasalamat. Pagkaalis niya, naglakad ako palabas ng gusali. Para akong lumulutang sa alapaap sa sobrang saya. Sa isip ko, paulit-ulit na tumatakbo ang magiging reaksiyon ni Spencer. Iiyak din ba siya? Yayakapin ba niya ako nang mahigpit at bubuhatin paitaas saka iiikot?

Naisip kong tawagan siya sa kanyang opisina upang ibalita ang himala. Subalit, ang sekretarya niya lang ang sumagot. Sinabi nitong maagang umalis si Spencer dahil may pinuntahang mahalagang lakad.

"Saan kaya siya nagpunta? Bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko?" bulong ko sa aking sarili matapos ang ilang missed calls sa cellphone niya.

Buntong- hininga ako. Sobrang busy talaga ni Spencer nitong mga nakaraang buwan. Mas lalo pa itong naging workaholic nang mapansin niyang hindi ako mabuntis-buntis. Ramdam ko ang unti-unting paglamig ng kanyang mga yakap. Palagay ko, nagkaroon ng mataas na pader sa pagitan naming dalawa dahil sa pagkabigo naming magkaanak. Ngunit matamis akong napangiti habang nakatayo sa gilid ng daan. Nakakatiyak akong matitibag ang pader na iyon ngayon. Magiging tunay na kaming masaya dahil sa wakas, dininig na ng langit ang aming dalangin.

Naisip kong isorpresa siya. Kinilig ako nang husto habang iniisip ang kanyang mukha. Muli kong hinaplos ang aking tiyan at nagmamadaling sumakay ng sasakyan pauwi.

Ilang minuto lang ang lumipas at nakarating na ako sa aming bahay. Halos patakbo akong pumasok sa tarangkahan, bitbit ang balita ng biyaya para sa aming mag-asawa. Ngunit pagkabukas ko ng pinto, natigilan ako. Kumunot ang aking noo. Nakaayos ang itim na sapatos ni Spencer sa rack. Narito siya?

Ngunit ang mas nagpabilis ng tibok ng puso ko ay ang isa pang pares ng sapatos sa tabi nito. Isang pulang high-heeled sandals. Sandals na alam kong hindi sa akin. Hindi ko estilo ang ganoong kataas at katingkad na kulay.

"Spencer?!" tawag ko, pilit pinapakalma ang boses na biglang kinabahan.

Pumasok ako nang tuluyan sa loob ng bahay. Ang katahimikan ng paligid ay tila nagbabadya ng bagyo. Muli kong tinawag ang pangalan ng aking asawa, subalit walang sumasagot. Biglang binundol ng matinding kaba ang aking dibdib. Nanuyo ang aking lalamunan, at ang kaninang init ng kaligayahan ay napalitan ng malamig na takot.

"Nasaan kaya siya?" tanong ko sa aking sarili habang sinusuyod ang sala at kusina.

Paakyat na ako sa hagdan nang bigla akong makarinig ng mga kaluskos. At kapagkuwan, mga mahihinang daing. Napalunok ako. Ang mga tunog ay nanggagaling sa mismong silid naming mag-asawa. Papalakas ang mga halinghing na tila hindi na magawang itago ng mga taong nasa loob.

Hindi ko alam kung bakit biglang bumigat ang aking dibdib, tila may malaking batong dumagan sa akin. Nangatog ang aking mga tuhod, bawat hakbang paitaas sa hagdan ay parang paghila sa mabigat na kadena. Subalit pinilit kong humakbang. Pinilit kong makarating sa tapat ng aming silid, habang ang puso ko ay paulit-ulit na nagdadasa na sana ay mali ang aking iniisi[.

"Ohhhh... babe!"

Isang boses ng babae iyon. Malandi. Puno ng pagnanasa, na tila nasasarapan sa tinatamasang ligaya.

Habang nakatayo ako sa labas ng pinto, mas lalong lumilinaw ang ungol at halinghing ng dalawang tao. Hindi nakapinid nang mabuti ang pinto. May maliit na awang. Huminga ako nang malalim, pinipigilan ang sarili kong gumuho, at buong tapang akong sumilip sa awang na iyon.

"Ohhh, yeah, faster, baby!"

Nanlaki ang aking mga mata. Awtomatikong natutop ng aking kamay ang sarili kong bibig upang pigilan ang isang malakas na tili. Ang babae ay nasa ibabaw ng aking asawa, umiindayog ang katawan na walang saplot, habang si Spencer ay nakapikit, nakatingala ang ulo, bakas sa mukha ang labis na sarap na tinatamasa mula sa ibang babae.

"Ohhh... Lirah, I miss you, honey..." bigkas ng asawa ko.

Para akong maduduwal sa aking nakikita. Biglang umikot ang paligid at sinalakay ako ng matinding pagkahilo. Isinandig ko ang aking nanghihinang katawan sa malamig na dingding upang hindi ako tuluyang matumba sa sahig. Bumuhos ang aking mga luha dahil sa isang uri ng sakit na parang unti-unting pumuputol sa bawat ugat sa aking puso. Nadurog ako sa isang milyong piraso. Ang aking kaluluwa ay tila itinapon sa pinakamadilim na bahagi ng impiyerno.

Si Lirah Tañeza. Ang first love ni Spencer. Ang babaeng umalis patungong abroad para sa kanyang karera sa pagmomodelo. Ang alam ko, hindi na siya babalik dahil nabalitaan niyang nagpakasal na si Spencer sa akin matapos niya itong iwanan. Ipinagpalit niya si Spencer sa kanyang ambisyon. At ngayon... ngayon ay magkayakap sila sa kama na pinaghirapan naming bilhin ng asawa ko. Ang buong akala ko ay galit si Spencer sa kanya dahil sa pang-iiwan nito. Pero bakit sila magkapatong ngayon sa ibabaw ng aming higaan?

"What if your wife comes back at mahuli niya tayo?" narinig kong tanong ni Lirah, may halong tawa sa kanyang boses.

Hindi nila alam na kanina pa ako narito sa labas ng pinto, tahimik na pinapatay ng katotohanan habang nakasandal sa dingding.

"Wear your clothes. Bababa na tayo," maikling sagot ni Spencer, ang boses na dati ay nagpapatahan sa akin kapag umiiyak ako dahil sa kawalan ng anak, ngayon ay boses na pumatay sa natitira kong pag-asa.

Pinunasan ko ang aking mga luha gamit ang likod ng aking mga kamay. Hindi. Hindi ako papayag na sa loob mismo ng aming pamamahay ay magreyna ang isang kabit. Huminga ako nang malalim, pinalakas ang natitirang piraso ng aking pagkatao, at ipinasya kong hintayin silang makalabas.

Ngunit sa bawat segundong nagdaraan, muli akong napapaiyak. Bakit ngayon? Kung kailan magkakaanak na kami, kung kailan natupad na ang pangarap namin, saka niya ako nagawang pagtaksilan? Sa mismong tahanan namin? Sa mismong kwarto kung saan namin binuo ang mga pangarap para sa aming magiging pamilya? Nasaan ang kanilang konsensya? Nasaan ang kanilang delikadesa?

Bumukas ang pinto. Unang lumabas si Spencer na inaayos ang kanyang damit, kasunod si Lirah na nakasuot ng pulang damit na hapit sa katawan.

"P-Purple?!" Narinig kong bigkas ng aking asawa nang mapansin niya ako sa gilid. Namilog ang kanyang mga mata sa gulat.

Napabuga ako ng hangin at tumingin sa kanya. Sa pagkakataong ito, inalis ko ang lahat ng bakas ng kahinaan. Ipinakita ko ang matapang na Purple na kailanman ay hindi niya pa nakita sa buong buhay niya bilang asawa ko.

"Tapos na ba kayo? Masarap ba?" tanong ko, diretsong nakatitig sa kanyang mga mata. "Nag-enjoy ba kayo sa ibabaw ng kama natin?" Taas-noo ang aking tindig, kahit ang totoo ay nagdurugo ang buong pagkatao ko.

Nagkulay-pula ng mukha ni Spencer na biglang naging maputla. Para siyang nakakita ng multo. Sa likod niya, nakita kong sumiksik si Lirah, ngunit ang dalawang kamay nito ay nakayakap pa rin sa likod ng aking asawa, tila ba ipinapakitang iyon ay kanyang pagmamay ari.

"Hindi ko alam na naglalakad na pala ang mga sawa ngayon at pumupulupot sa asawa ng may asawa," nanunuyang parinig ko kay Lirah habang nakatingin sa kanyang mga kamay.

Sa nanlalabo kong mga mata dahil sa namumuong bagong luha, nakita kong mabilis na inalis ni Spencer ang mga kamay ni Lirah. Marahan niyang hinila ang babae sa kanyang tabi, saka muling tumingin sa akin. Walang bakas ng pagsisisi, kundi isang malamig na pagtanggap sa huli niyang desisyon.

"Lirah is back," maikling sabi ni Spencer.

Ang tatlong salitang iyon ay parang isang matalim na punyal na diretsong tumarak sa aking dibdib. Mas masakit pa sa pagkakahuli ko sa kanila. Doon ko narealize—wala na akong asawa.

Taas-baba ang aking dibdib sa matinding galit at pighati. Nakuyom ko ang aking mga kamao. At sa isang iglap, gamit ang lahat ng lakas ng isang nasaktang asawa at ng isang ina na nagpoprotekta sa kanyang dinadalang anak, pinalipad ko ang aking kamay at malakas na dumapo ang isang sampal sa mukha ni Spencer.

Nagsukatan kami ng titig. Dumugo ang kanyang labi, ngunit hindi ako nagpatinag. Tiningnan ko siya nang buong tapang dahil ako ang asawa. Ako ang may karapatan sa bahay na ito, at hinding-hindi ko hahayaang tapakan nila ang aking pagkatao.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status