Partager

Chapter 8

Auteur: Keitaa
last update Date de publication: 2026-07-31 11:50:58

Narinig ko ang pagkatok ni Maverick mula sa labas ng kwarto ko. Hindi ko siya pinansin. Umiiyak pa rin ako habang ginagamot ang mga kalmot ng kuko ni Eleanor. Talo talaga ang mahihirap. Kapag nasaktan, iiyak ka lang dahil wala ka namang mapagsabihan.

Gusto kong ikuwento kay Maverick ang nangyari. Gusto kong umiyak sa bisig niya. Ngunit naiinis ako dahil siya ang dahilan ng away namin ng kaniyang ex-fiance.

"Shaira, baby. Sorry na"

Hindi ko na mabilang kung ilang ulit siyang nag-sorry sa a
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Dernier chapitre

  • BILLIONAIRE's SECRET ROMANCE    Chapter 9

    Darating ngayon ang pamilya ni Maverick. Aligaga ako sa pag-aayos. Mula sa mga gamit sa bahay tulad ng mga pinggan na gagamitin, ang sofa ay nilinis ko rin. Kahit hindi ako ang naka-toka ay nilinis ko na ang buong bahay. Wala akong iniwan kahit maliit na dumi. Nagluto din ako ng masasarap na pagkain. At higit sa lahat, inayos ko ang sarili ko. Nagsuot ako ng magandang bestida, nagpabango, naglagay din ako ng konting makeup. Simple lang ngunit alam kong babagay sa postura nila. Kinakabahan ako lalo na noong narinig ko ang pag-doorbell. Malawak akong ngumiti nang makita ko ang buong pamilya. Ngumiti din sila pabalik sa'kin. Binuksan ko ng malaki ang pintuan upang makapasok sila. Bumagsak ang ngiti ko nang makita ang huling pumasok. "Hi" sarkastikong bati niya sa akin at ngumiti na parang nagtagumpay sa isang bagay. Bakit siya nandito? "Si Maverick?" nakangiting tanong ni madam Theresa. "N-nasa loob po" iminuwestra ko ang daan. Hindi ko pinansin ang nakakalokong tingin ni Elean

  • BILLIONAIRE's SECRET ROMANCE    Chapter 8

    Narinig ko ang pagkatok ni Maverick mula sa labas ng kwarto ko. Hindi ko siya pinansin. Umiiyak pa rin ako habang ginagamot ang mga kalmot ng kuko ni Eleanor. Talo talaga ang mahihirap. Kapag nasaktan, iiyak ka lang dahil wala ka namang mapagsabihan. Gusto kong ikuwento kay Maverick ang nangyari. Gusto kong umiyak sa bisig niya. Ngunit naiinis ako dahil siya ang dahilan ng away namin ng kaniyang ex-fiance. "Shaira, baby. Sorry na" Hindi ko na mabilang kung ilang ulit siyang nag-sorry sa akin mula sa labas. Niligpit ko ang ginamit ko para linisin ang mga kalmot. Pinunasan ko ang mukha at pilit na ngumiti bago siya pagbuksan. Nanlumo ako sa nakita. Ang guwapong mukha ng asawa ko ay nababahiran ng pagod at lungkot. Pagod na siya sa trabaho, hindi ko na dapat dagdagan ang problema niya. Walang pasabi na niyakap ko siya. Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko. Pinabalik ko na siya sa office pagkatapos naming kumain ng lunch. Gusto pa niya akong samahan dito baka balikan daw ak

  • BILLIONAIRE's SECRET ROMANCE    Chapter 7

    Kasalukuyan akong naglalaba ng mga damit namin nang biglang may nag-doorbell. Paulit-ulit at parang nauubusan ng pasensya ang taong nasa likod nito. Ipinunas ko ang basang kamay sa suot kong apron. "Sandali!" sigaw ko habang dali-daling lumapit sa pintuan upang pagbuksan ang kung sino mang nasa labas. Hindi ko na nagawang silipin ang peephole. Nang buksan ko ito ay agad akong na-estatwa sa nakitang panauhin. Anong ginagawa niya dito? Hindi maipagkakailang mahilig siya sa pula dahil sa suot niyang sleeveless fitted dress na sobrang ikli. Ibinagay niya ito sa suot niyang malaking pulang earrings at red na bracelet. Ngunit ang dala niyang handbag ay hindi red, kundi white. Ganoon din ang suot niyang stiletto. Nanliit ako sa ayos ko. Basa pa ako dahil sa paglalaba. At kahit tinapalan ng apron ay makikita pa rin ang punit sa gilid. "Hindi mo ba ako papasukin?" malditang aniya. Nilakihan ko ang awang upang makapasok siya. Parang isang modelo siyang rumampa papasok sa penthouse. Sopi

  • BILLIONAIRE's SECRET ROMANCE    Chapter 6

    Isang buwan na ang lumipas, wala pa ring nakakaalam sa relasyon namin ni Maverick. Kapag mayroong bisita sa penthouse ay nanatili lang akong abala sa kusina bilang tagapagluto. Mas naging busy din si Maverick sa trabaho dahil sa panibagong ilalabas na produkto. Hindi na ako masyadong sumasama sa office dahil wala naman akong magagawa doon."Close kayo ni sir, no?" biglang tanong ni Ate Bebang, ang taga-linis ng penthouse.Katatapos niya lang linisin ang buong bahay. Nandito kami sa kusina kumakain ng niluluto kong pansit. Tuwang-tuwa naman ang babae dahil ngayon lang daw siya nakakain ng ganito kasarap na pansit."Alam mo, ang swerte mo. Minsan lang kasi mayroong katulong na ka-close ng amo. Alam mo na, kapag mayayaman, hindi na nila binibigyang pansin ang mga nagluluto para sa kanila, naglalaba, o naglilinis ng kanilang bahay. Pinapansin lang nila ang sarili nilang buhay" tumatango ako sa sinabi niya. "Kaya ang swerte mo, parang kaibigan mo lang si sir. Hindi ka niya tinatrato na kat

  • BILLIONAIRE's SECRET ROMANCE    Chapter 1

    "Shaira! Shaira!" mabilis akong lumabas sa kitchen nang marinig ang tawag sa akin ni sir Maverick. "Po? Anong problema, sir?" kinakabahang tanong ko sa kaniya. "Samahan mo akong kumain" iminuwestra niya ang upuan sa harap niya. Laging ganito ang setup namin. Sa lahat ng katulong dito sa bahay ay ako ang lagi niyang tinatawag upang samahan siyang kumain. Hindi lingid sa kaalaman ko ang nararamdamdan ni sir sa akin. Lagi ko siyang naririnig na pinupuri ako dahilan kung bakit maraming galit na katulong dito sa mansyon ng mga Arañez. "Umupo ka. Hindi dapat nagpapalipas ng gutom ang isang magandang katulad mo" puri niya sa akin. Ang anak ng boss ko na si sir Maverick Arañez ay isang bachelor. Twenty seven years old na siya ngayon ngunit wala pa siyang ipinakilalang babae sa mga magulang niya. Lagi niyang sinasabi na may nagugustuhan siya ngunit hindi niya maaaring sabihin. "Kumusta pala ang trabaho mo, Sir?" tanong ko upang maiwasan ang ilang na namagitan. "Pwede ba akong mag-a

  • BILLIONAIRE's SECRET ROMANCE    Chapter 2

    Napatanga ako sa laki ng penthouse ni sir Maverick. Penthouse ba talaga to? Mas malaki pa yata ang sala nito kesa buong bahay namin. Ngayong araw ay lumipat na ako sa penthouse gaya ng napag-usapan namin ni sir noong nakaraang gabi. At gaya ng napag-usapan ay hindi ako nandito bilang asawa, kundi bilang personal na katulong. "Here's our room" untag ni sir.Our room? Magkasama kami sa iisang kwarto? Akala ko ba nandito lang ako dahil kailangan niya ng personal na katulong? Hindi naman kami pwedeng magsama sa iisang kwarto dahil hindi naman ako sigurado sa inamin niya noong nakaraan.Umupo siya sa sofa nang naka-de-kwatro. Pinanood ko lamang siya habang ginagawa niya iyon. Ako naman ay patuloy na inililibot ang tingin sa buong bahay. Maganda ang desinyo, bumabagay sa kulay ng puting kesame at beige na dingding. "Si Aling Bebang ang maglilinis dito. Ang gagawin mo ay ipagluluto lang ako dahil gusto kong matikman ang luto mo. Sasamahan mo rin ako sa lahat ng lakad ko" sabi niya nang hi

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status