Share

Chapter 24

Brianna

Nakahiga na ako sa ibabaw ng aking kama nang pagbalikan ako ng malay tao. Maliban sa bahagi ng ulo ko na masakit at sa may tigiliran ay wala na akong ibang nararamdaman pa. Bahagya kong kinapa ang ulo ko. Napangiwi ako nang makapa ko ang isang maliit na bukol sa gilid ng aking ulo. Bunga siguro iyon ng pagkakabagok sa ulo sa matigas na bagay kanina nang madulas ako sa banyo. Teka, sino nga pala ang nagbuhat sa akin mula sa banyo papunta rito sa kuwarto ko? At sino ang nagbihis sa akin?

Bilang sagot sa tanong ko ay pumasok si Dean sa loob ng aking kuwarto. Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa kanya.

"D-Dean? Don't tell me, ikaw ang nagbuhat sa akin mula sa banyo papunta rito?" namumula ang mukhang tanong ko sa kanya. Tumango siya sa akin at pagkatapos ay biglang nag-iwas ng mga paningin. "Huwag mong sabihin na nakita mo ang kahubaran ko?" gusto ko ng maiyak at lumubog sa kinahihigaan ko sa sobrang kahihiyan. Hindi niya ako sinagot. Ang pananahimik niya ang nagpapatunay na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status