MasukHingal na hingal na tumatakbo si Victoria sa madilim na eskinita, ang tunog ng kanyang takong ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa basang semento. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang pilit niyang pinapakalma ang sarili...pero paano? Ilang minuto pa lang ang nakakalipas mula nang marinig niya ang usapan ng mga tauhan ni K sa loob ng casino. “Fake ang land deeds na binigay ng babaeng ‘yon.” “Galit na galit si Boss. Gusto niya madakip si Victoria...dead or alive.” Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan niya. Hindi na siya nagdalawang-isip. Agad siyang tumalikod at nagmamadaling lumabas ngunit sa malas, namataan siya ng isa sa mga tauhan. “Ayun siya!” Doon na nagsimula ang habulan. Ngayon, walang tigil siyang tumatakbo, lumiliko sa bawat madilim na sulok ng eskinita. Ang lugar ay halos abandonado, walang ilaw kundi ang kumukurap na poste, walang tao kundi ang mga anino ng panganib. Pero kahit anong tago niya, masyadong marami ang humahabol. “Hanapin n
Nakangiti si Blane habang marahang hinahaplos ang buhok ni Melissa, na mahimbing na nakahiga sa ibabaw ng kanyang dibdib. Hinayaan niya itong magpahinga. Alam niyang napagod ito lalo na at ito ang halos gumawa kanina. Lumipas ang ilang minuto, hanggang sa mapansin niyang tuluyan na itong nakatulog. Bahagya siyang napatawa, saka marahang bumulong. “Oh, Melissa…” mahina niyang sambit, puno ng damdaming hindi niya madaling maipaliwanag. “You don’t know how much I’ve wanted this… every single day. Ikaw at ako, ganito lang, habang yakap ang isa't isa pagkatapos ng lahat.” Patuloy ang marahan niyang paghagod sa buhok nito, tila ayaw bitawan ang sandaling iyon. Alam niyang malalim na ang tulog nito at hindi nito naririnig ang mga sinasabi niya. “I know you have things to deal with,” dagdag niya, mas mababa na ang boses, “and I’m willing to help you, without expecting anything in return. But I wanted this moment too… to be with you… to have you like this, even just for a while.” Sag
Pinutol ni Melissa ang halik at marahang itinulak palayo si Blane. Saglit itong natigilan, nakita niya sa mga mata nito ang bahagyang pagprotesta. Ngunit hindi niya ito itinulak para tapusin iyon. Sa halip, tumayo siya at walang salitang hinawakan ang kamay nito. Hinila niya ito papunta sa kabilang pinto, sa isang nakasarang pinto sa loob ng opisina niya. Pagbukas niya ng pinto, tumambad ang isang payak na silid, maliit, maayos, at halos walang dekorasyon. May isang single bed na maayos ang pagkakatiklop ng kumot at unan, isang maliit na side table na may lamp, at simpleng cabinet sa gilid. Walang anumang disenyo sa loob, lugar lang na ginawa para lang maging pahingahan niya. Tahimik silang pumasok. Hanggang sa makarating sila sa paanan ng kama. Doon, marahan niya itong tinulak pababa. Umupo si Blane, hindi inaalis ang tingin sa kanya, tila ba hinihintay ang bawat susunod niyang gagawin. “You helped me leave the casino safely,” mahinang sabi niya, ang boses ay kontrolado n
"There’s a crumb on your lip." mahinang sabi nito, bahagyang nakangiti. Nanigas si Melissa. Parang sabay-sabay na sumabog ang lahat ng sensasyon sa loob niya, ang init ng haplos, ang lapit ng mukha nito at ang mga titig nito na tila tumatagos sa kanya. Masyado itong malapit. Masyadong… delikado. Pinasya niyang umiwas at bahagyang umatras sa kinauupuan. “I—I can handle that,” mabilis niyang sabi, halatang naguguluhan. Agad niyang kinuha ang napkin at pinunasan ang sariling labi, saka nagkunwaring abala sa pagkain. Ngunit hindi niya maitago ang bahagyang panginginig ng kanyang kamay. Tahimik lang si Blane, pinagmamasdan ang bawat galaw niya. Alam nito. Alam nito ang epekto nito sa kanya. At tila hindi iyon aksidente. Mas lalong bumigat ang hangin sa pagitan nila. Sinubukan niyang ibalik sa normal ang lahat. “Kumain ka na,” sabi niya, pilit na nagpakanormal. “Baka lumamig na ang pagkain.” Ngunit hindi agad kumilos si Blane. Sa halip, sumandal ito nang bahagya sa upu
Nang magsalita si Blane, tila tumigil sandali ang mundo ni Melissa. “Then let me help you get your revenge, Melissa.” Saglit siyang natigilan. May kung anong bumigat sa dibdib niya, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa kakaibang gaan na matagal na niyang hindi naramdaman. Ngunit mabilis din niya iyong pinigil. Bahagya siyang umiling at umatras ng kalahating hakbang. “No… it’s okay,” mahinahon niyang sagot, pilit pinapanatiling matatag ang tinig. “I can handle it.” Bahagyang kumunot ang noo ng binata, tila hindi inaasahan ang pagtanggi niya. “Hindi dahil ayaw ko,” dagdag niya, iniiwas ang tingin. “Ayoko lang na maabala ka… at ayokong masanay.” Noong una, malinaw ang plano niya, gagamitin niya si Blane para maghiganti. Walang emosyon. Walang komplikasyon na namamagitan sa kanila. Lahat ay kontrolado niya. Ngunit hindi niya inaasahan na ang sarili niyang damdamin ang unang tatraydor sa kanya. Hindi niya napansin kung kailan nagsimulang magbago ang lahat kung kailan nagi
“He is?” kunot-noong tanong ni Axel, bahagyang nakatitig sa lalaking nasa likuran ni Melissa. Saglit na natigilan si Melissa. Paano nito hindi nakilala si Blane Han? Ngunit agad din niyang naunawaan. Hindi naman kasi kailanman nagkaroon ng pagkakataon sina Axel at Bianca na makalapit sa mga Han brothers. Sa bawat business gathering na dinaluhan nila, palagi silang nasa malayo, mga tagamasid lamang. Walang lakas ng loob na sumalubong sa presensya ng magkakapatid, lalo na kay Blane Han. Ang lalaking kilala sa mundo ng negosyo bilang malamig, dominante, at walang awa. At ngayon, nakasuot ito ng simpleng itim na jacket at sumbrero, halos hindi makilala. Malayo sa karaniwan nitong anyo na naka-coat and tie, perpekto at walang kapintasan. Ngunit kahit ganoon, hindi pa rin nito maitago ang lakas ng kanyang presensya. “Ahh, he is—” sisimulan pa lang sana ni Melissa ang pagpapakilala nang may marinig silang malakas na tinig. “Darling! Ano pa bang ginagawa mo diyan? Male-late na t
Maingat na inihiga ni Blane ang batang babae sa kama. Nakatulog ito sa balikat niya kanina, inayos niya ang kumot pagkuwa’y masuyong hinaplos ang ulo nito. Dalawang linggo na rin simula ng mailigtas niya ito sa isang slavery auction. Nagkataon lang ang pagpunta niya sa auction house na nagbebe
Hindi nagtagal ay nakauwi ng bahay si Melissa, ang mansiyon ng mga Romero. Simula ng ikasal sila ni Axel, doon na rin ito tumira subalit hindi ito kailanman tumabi sa kanya. Magkahiwalay sila nito ng silid, noong una ay ikinasasama niya iyon ng loob at palagi niya itong pinapakiusapan na matulog sa
Hindi maintindihan ni Melissa kung anong mayron sa mga halik ni Blane Han na nagdudulot ng kakaiba sa kanya. Each claiming of her lips seemed to ignite a fire within her, sending flames of desire coursing through her veins. Subalit ng bumaba ang labi nito sa leeg niya, she knew she had to stop h
Narinig ni Melissa ang mahinang pagtawa nito. Takang-taka naman siya. Hindi ba ito nagagalit? O baka totoo ang chismis tungkol dito. Hindi siya kaagad nakakilos ng bigla nitong ilapit ang mukha sa kanyang mukha. Her heart pounded wildly in her chest. "If there's really a rumor about me being ga







