LOGINNapatigil sa paghakbang si Kayla ng marinig niya ang tanong ni Logan. Sunod-sunod ang naging paglunok niya. Hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang tanong nito ng mga oras na iyon. Kung pwede niya lang sanang ibalik ang oras e di sana ay hindi na niya hinayaan ang anak niya pagala-gala kanina.
Huminga siya ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili. Kung aalis siya at hindi ito sasagutin ay baka mas lalo pa itong mag suspetsa kaya haharapin niya na lang ito. Umikot siya at hinarap ang lalaki saka ngumiti. “Bakit mo naman nasabi na anak natin siya? Ikaw lang ba ang lalaking pwedeng maging ama ng anak ko?” tanong niya rito na puno ng panunuya. Pinilit niyang maging matapang sa harapan nito kahit na ang totoo ay halos matumba na siya dahil dahan-dahan ng nangangatog ang mga tuhod niya.
“Sa tingin mo ba ay ikaw lang ang lalaking dumaan sa buhay ko para magtanong ka ng ganyan?” ngumiti siya at napuno ng lamig ang mga mata.
Ang kamay nitong nakahawak sa kanyang kamay ay bahagyang humigpit dahil sa sinabi niya at kitang-kita niya kung paano dumaan ang galit sa mga mata nito ngunit wala itong sinabi hanggang sa dahan-dahan din naman nitong binitawan ang kanyang kamay.
“Mauna na ako, sir.” sabi niya at ipinagdiinan niya talaga ang huling salita bago hinila ang kanyang anak papasok ng restaurant.
Kahit na gusto niya na lang sanang umuwi at hindi na tumuloy pa sa pakikipagdate kay Xander dahil sa unexpected nilang hindi pagkikita ni Logan at ni Brix. sa araw na iyon ay napakaraming nangyari sa buhay niya. Biglang dumating sa kumpanya si Logan bilang bago niyang boss at ngayon ay nakita na nito si Brix.
Habang naglalakad ay nagulat siya ng bigla na lang magtanong ang kanyang anak. “Mommy, siya po ba ang Daddy ko?” bigla siyang napatigil sa paglalakad at napatingin sa kanyang anak. Anong sinasabi nito? Bakit siya nito tinatanong ng ganun? Anong sinabi ng lalaking iyon sa anak niya?
Mabilis siyang umiling. Hindi niya kailanman aaminin sa anak niya na si Logan ang ama nito kahit na anong mangyari. “Anak, paano mo yan nasabi? Hindi. Hindi siya ang ama mo.” sagot niya rito. Hinawakan niya ang magkabila nitong pisngi. “Gusto mo na ba talagang magkaroon ng Daddy?” masuyo niyang tanong nito na ikinatango lang naman nito.
“Well kung ganun ay sige. Payag ka naman siguro na si Tito mo Xander ang maging Daddy mo hindi ba?” tumingin ito sa kaniya at hindi kaagad nagsalita hanggang sa tuluyan ng tumango sa kaniya.
Kahit papano ay gumaan naman ang pakiramdam niya dahil sa pagpayag nito. “Sigurado ka ba? Hindi ka ba magagalit kapag sinagot ko ang Tito Xander mo?” tanong niya sa kanyang anak. Gusto niya na tanggap nito si Xander kung sakali man na sagutin niya ito dahil kung ayaw ng anak niya ay igagalang niya ang desisyon nito. Malaki na ang anak niya at nakakaintindi na rin kaya alam niyang naiintindihan na nito ang sinasabi niya.
Hindi pa rin ito sumagot at nakatitig lang sa kaniya. “Anak, bakit hindi ka sumasagot? Ayaw mo ba kay Tito Xander mo?” muli niyang tanong dito na may halong pag-aalala. Pinag-isipan na niya itong mabuti kanina pa na baka nga ito na ang tamang panahon para buksan niya ang puso niya para sa ibang lalaki para sa anak niya, para magkaroon ito ng isang ama. Lalo na ngayon at nakita na ni Logan si Brix ay mas tumindi pa ang kagustuhan niya na sagutin na talaga ito.
“Gusto ko naman Mommy pero…” tumigil ito at pinagsakilop ang dalawang kamay. “Pwede bang ang lalaking iyon na lang kanina ang maging Daddy ko?” tanong nito sa kaniya na ikinapanlaki ng kanyang mga mata.
“A-anak, ano bang sinasabi mo? Hindi pwede. Isa pa, paano kung may asawa na ang taong iyon? Okay?” saway niya sa anak niya. “Tara na nga lang sa loob. Baka hinintay na tayo ng Tito Xander mo.” sabi niya na lamang para tumigil na ito sa sinasabi nito.
********
Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ni Logan pagtalikod ni Kayla. Parang patalim ang mga binitawan nitong salita sa kaniya sa totoo lang. Bakit parang galit ito sa kaniya? Ano bang ginawa niya?
Oo nga at naghiwalay sila ilang taon na ang nakakaraan pero hanggang ngayon ay hindi na siya nag-asawa pa, pero planning na sila ni Beatrice na magpakasal dahil masyado ng matagal ang relasyon nila.
Pero ang batang iyon, talaga bang hindi niya anak ito? Iba ang pakiramdam niya sa bata pero posible nga kayang may ibang lalaki ang dumaan sa buhay ni Kayla kaagad pagkatapos nilang maghiwalay? Ganun ba talaga siyang kawalang halaga dito?
Isang hindi maipaliwanag na galit ang naramdaman niya ng mga oras na iyon. Bakit niya nga ba inaaksaya ang oras niya para rito e wala naman itong pakialam sa kaniya in the first place. Masyado siyang umaasa sa mga walang kwentang bagay, siya si Logan Monteverde. Mayaman at gwapo kaya wala itong karapatan na iparamdam iyon sa kaniya.
At kung may iba na itong asawa o ano pa, anong pakialam niya? Pwede niya rin naman iyong gawin pero hindi niya ginawa dahil sa katiting na pag-asa na baka muli pang magkabalikan silang dalawa ngunit ngayon ay napatunayan niyang malabo ng mangyari pa ang bagay na iyon. May anak na ito sa iba.
Isang matalim na buntong hininga ang muli niyang pinakawalan bago inihakbang ang mga paa papasok sa restaurant. Tiyak na kanina pa siya hinihintay ni Beatrice sa loob.
…
Pag-uwi ni Kayla at ng anak niya ay hindi na sila nakapag-usap pa dahil kaagad na itong nagpunta sa kwarto nito at sinabiing matutulog na. Napa buntong hinina na lang talaga si Kayla dahil pakiramdam niya ay lumalaki at tumatanda na talaga ang anak niya. Parang unti-unti na rin itong nagbabago. Hindi na lang siya nagsalita sa halip ay kaagad siyang nag-post sa f@cebook kung sino ang pwede niyang makuhang kasama sa bahay.Kailangang kailangan na niya ngayon ng kasama dahil nga sa magiging busy na siya kung sakali. Bukas ay mag-uumpisa na siya bilang isang opisyal na sekretarya ni Logan. Napahilamos siya sa kanyang mukha at ngayon pa lang ay parang gusto na niyang pagsisihan ang ginawa niyang pagpayag sa gusto ng lalaki.Pero iniisip niya kasi si Brix lalo na ang future nito. Pagod siyang napasandal sa sofa. Wala naman siya gaanong ginawa sa opisina ngunit pagod na pagod siya. Napa buntong hininga na lang na naman tuloy siya. Ni hindi niya nagawang makipag-usap kay Xander dahil medyo na
Kanina pa hindi mapakali si Kayla mula sa kanyang kinauupuan. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay may nakatingin sa kaniya kaya hindi siya komportable. Kahit na kwento ng kwento si Xander sa kaniya ay hindi niya magawang mag-enjoy. Napakaraming tumatakbo sa isip niya ng mga oras na iyon sa totoo lang.Hindi niya alam kung paano niya kakausapin ang anak niya tungkol sa pagsagot niya kay Xander. Kung kailan naman buo na ang loob niya ay saka naman mukhang nagdadalawang isip ang anak niya. Pag-uwi nila mamaya ay kakausapin niya ng mabuti ang anak niya. Hindi niya pa pwedeng sagutin si Xander ngayon katulad ng napagplanuhan niya kanina.“Is the food not to your liking?” tanong ni Xander sa kaniya ng mapansin nitong hindi man lang niya ginalaw ang pagkain niya. Nagulat siya kaya sa halip ay ngumiti na lang siya ng bahagya. “Ah, hindi naman sa ganun. Medyo madami lang akong iniisip.” sagot niya.Napuno ng pag-aalala ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. “Nahihirapan ka ba sa t
Napatigil sa paghakbang si Kayla ng marinig niya ang tanong ni Logan. Sunod-sunod ang naging paglunok niya. Hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang tanong nito ng mga oras na iyon. Kung pwede niya lang sanang ibalik ang oras e di sana ay hindi na niya hinayaan ang anak niya pagala-gala kanina. Huminga siya ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili. Kung aalis siya at hindi ito sasagutin ay baka mas lalo pa itong mag suspetsa kaya haharapin niya na lang ito. Umikot siya at hinarap ang lalaki saka ngumiti. “Bakit mo naman nasabi na anak natin siya? Ikaw lang ba ang lalaking pwedeng maging ama ng anak ko?” tanong niya rito na puno ng panunuya. Pinilit niyang maging matapang sa harapan nito kahit na ang totoo ay halos matumba na siya dahil dahan-dahan ng nangangatog ang mga tuhod niya. “Sa tingin mo ba ay ikaw lang ang lalaking dumaan sa buhay ko para magtanong ka ng ganyan?” ngumiti siya at napuno ng lamig ang mga mata. Ang kamay nitong nakahawak sa kanyang kamay ay bahagya
“Nandito ako sa baba.” sabi ni Xander kay Kayla. Pagkasabi lang nito iyon ay ibinaba na nito ang tawag kaya wala siyang nagawa kundi ang tumayo mula sa kanyang kinauupuan at bumaba. Napakarami niyang trabaho sa totoo lang at halos hindi na nga siya makatayo mula sa kanyang upuan pero bigla na lang tumawag ang lalaki at sinabi nitong nasa baba ito. Si Xander ay isang taon na niyang manliligaw. Mabait naman ito at gwapo, higit sa lahat ay tanggap nito si Brix at ilang beses na rin itong nakita ni Brix. wala namang problema sa kaniya at ilang beses na siyang sinusulsulan ni Kelly na sagutin na ito pero hindi niya pa rin magawang sagutin ito. “Hi!” kaagad na bati nito sa kaniya at pagkatapos ay inabot ang bulaklak na hawak nito. Isang alanganing ngiti ang ipinaskil niya sa kanyang labi at at tinanggap ang bulaklak. “Salamat, hindi ka na dapat nag-abala pa Xander.” sabi niya rito. Ngumiti lang naman ito sa kaniya. “Ano ka ba, you deserve more than that.” sabi nito sa kaniya. “Here.” ma
Napasandal si Logan sa kanyang kinauupuan at napatitig sa nakasarang pinto bago nagpakawala ng isang mahabang buntong hininga. Kanina pa siya hindi makapag focus sa mga trabaho niya dahil sa muli nilang pagkikita ni Kayla. Ilang taon na ba ang lumipas? Hindi na niya sigurado pa, pero ang tanging alam niya lang ay simula noong iwanan siya nito ay hindi na siya naging masaya pa. Sa dalawang taon nilang pagsasama ay unti-unti niya itong minahal ngunit hindi niya nagawang sabihin dito ang totoo. He kept it to himself at noong gabi na pinapipirmahan niya ang divorce agreement ay umasa siya na hindi nito pipirmahan iyon kahit na may kasunduan silang dalawa ngunit ni wala man lang siyang nakitang pagdadalawang isip na pinirmahan ito. Sa puntong iyon ay napatunayan niya na hindi nga talaga siya nito mahal at hindi nagtagal ay bigla na lang itong nawala. Ni hindi niya na ito nakita pang muli hanggang sa isang picture ang ipinakita sa kaniya ng kanyang kaibigan, picture nito kasama ang isang
Humugot muna ng malalim na buntong hininga si Kayla bago kumatok. “Come in.” iyon ang narinig niya kaagad na sabi nito dahilan para muli siyang mapapikit. Ilang taon na ang nakakaraan noong huli niyang narinig ang boses nito ngunit bakit sa pakiramdam niya ay parang kahapon lang nangyari ang lahat? Bakit kung kailan okay na siya ay saka pa ito nagpakita? Para tuloy nilagyan ng asin ang naghilom na niyang sugat. Mahapdi at sobrang kirot. Pinilit niyang i-compose ang sarili niya. Ayaw niyang harapin ito ng wala siyang confidence at isa pa, baka isipin nito na hindi pa rin siya nakaka-move on dito. Itinaas niya ang kanyang kamay at hinawakan ang seradura ng pinto saka ito itinulak. Kaagad niyang nakita ang lalaki na nakaupo sa swivel chair at may binabasa ngunit ng marinig nito ang pagpasok niya ay itinigil nito ang ginagawa para tumingin sa kaniya. Nagsalubong ang kanilang mga mata. Katulad ng palagi niyang nararamdaman noon ay kaagad na bumilis ang tibok ng puso niya kasabay ng pag







