Share

CHAPTER 3: MR. ALALAY

Trigger warning: includes thoughts of self-harming/ suicidal thoughts.

I am lost for words.

Napakaraming naging tanong ni Mang Romulo sa akin, lahat ay tungkol sa kasal. Naikwento ko tuloy sa kaniya ang tungkol kay Ynigo Romualdez.

Hindi ko na kasi alam ang sasabihin ko kaya naidetalye ko ata lahat ng nangyari sa akin.

Iyong mga nangyari bago, habang at pagkatapos ng kasal. Kinakantiyawan tuloy niya ako ng sobrang tindi. Muntik na akong mapikon.

Sana raw hindi ko na pinakawalan pa si Romualdez.

Hindi ko pa nga mapalaya iyong sarili ko kung saan ako galing tapos bubuo na naman ako ng panibagong kulungan? Panibagong rason ng pagiging lugmok ko?

Sabi ko noon, noong kami pa ni Oli, okay lang na paulit-ulit kong maranasan ang sakit, pait, pagluha, at pagtangis basta siya ang kasama.

Basta ba, kaming dalawa pa rin hanggang dulo.

Kaysa naman sa bumuo ako ulit ng panibagong masasayang ala-ala kasama ang ibang tao.

I rather have bad times with him than good times when someone else. Another punch line na hinugot sa paborito kong kanta ah? Copypaste talaga kahit kailan!

So, as I was saying,

Masasaktan at masasaktan pa rin naman ako kahit na ibang tao na ang kasama ko, kahit mag-umpisa ako ulit. Life is full of ups' and downs, conflicts are the plot twist, not the climax.

Kaya ba hindi ako umaasa na mapupunan ng isang simpleng Ynigo Romualdez, Paulo Constancia o kahit sino pang lalaki ang buhay ko.

"Huwag ka na mag-isip nang kung ano-ano, Denice," pagsingit ni Kuya Romulo sa moment ko, medyo natatawa pa rin.

Napansin niya na natulala ako matapos niyang itanong kung naka-move-on na ako sa ex kong makapal ang mukha.

How can I move on when I'm still inlove and into him?

Wow, lakas maka-'Man who can't be moved' ng buhay ko ah.

Inihinto ni Manong Romulo ang kotse sa tapat mismo ng company. Hindi na siya nag-park pa dahil kailangan niya pang mamili ng daily stock of foods para sa bahay.

Bago ako bumaba ng kotse ay may naisip akong tanong. Random question lang na maibabato ko rito kay Manong Romulo.

"Paano po kung hindi na kayo magkita ni Manang Lorna? Paano kung paghiwalayin kayo ng tadhana?"

Hindi ko rin alam kung bakit naisip kong itanong ang bagay na iyon. Epekto na ito ng pagiging broken.

Manong Romulo became serious because of my question. "Katulad nang sinasabi sa kantang 'Baleleng', ang puso ko'y maghihintay pa rin sa kaniya. Kahit anong mangyari. Kahit pa nasa gitna kami ng daluyong at hindi mahanap ang isa't isa. Siya lang naman ang mahal ko kaya alam kong magtatagpong muli ang landas namin."

I heard the word 'baleleng' again. It sounds like endearment of magsing-irog.

It's so sweet to listen to.

"Tungkol naman sa tadhana na maaaring maghiwalay sa amin, wala akong ideya. Ang mahalaga, magkasama kami ngayon," dagdag pa niya.

I nodded. "Thank you po," saad ko saka lumabas ng kotse. I don't know how to express how confused am I today lalo na sa sagot sa akin ni Mang Romulo.

Hihintayin niya pa rin daw at ng puso niya si Manang Lorna kahit pa nasa gitna sila ng isang daluyong at walang planadong daan para magkita sila ulit.

He's not considering fate as one of the hindrances to express their love for each other, but I do. Paano niya napaniniwalaan ang ganoong bagay?

Bakit gano'n na lang ang pagsugal nila sa pag-ibig kahit na wala naman pa lang tiyak na patutunguhan at walang kasiguraduhan na magtatapos ang lahat sa happy ending? Na magtatapos na parang isang fairytale scene?

Pahingi nga ako ng isang baleleng diyan, oh!

Oliver sana iyong pangalan.

Kidding, I don't want to be hurt by another Oliver.

"Welcome home, Denice!" bati agad ni Joycelyn nang makapasok ako ng kumpanya. Para siyang may alarm clock kapag darating ako. "I miss you so much!"

Ang bilis niyang makatunog at napakalakas ng radar niya kaysa sa alaga naming aso. Mas nauuna pa siyang bumati sa akin kaysa sa mga guards na nagbabantay sa labas nitong company.

"Kamusta naman ang Cebu?"

Bakit kaya Cebu lagi ang tinatanong nila sa akin? Kung maayos lang ba o kamusta ang Cebu? Wala bang makakaisip na kamustahin ako?

"Cebu pa rin," bored kong sagot gaya ng sagot ko kay Mang Romulo. Kabadtrip ang mga tao rito.

Ako iyong nandito pero iba naman ang hinahanap. Lintik na iyan.

Tawang-tawa ang bruha. "Gaga, I mean, anong mayroon sa Cebu? Any interesting places or persons?" pagtatama niya pero hindi ko pa rin talaga ma-gets. Ano ba talagang gusto niyang malaman tungkol sa Cebu?

Eh hate niya kaya ang pagta-travel.

Patuloy niya pa rin akong kinukulit habang papunta ako sa opisina ko. How annoying?!

Susme, kung hindi ko lang siya kaibigan, siguradong nabangasan na ang mukha ng isang ito sa akin. Nauubusan ako ng pasensya at tumataas ng husto ang dugo ko sa pag-intindi sa kaniya.

"May nahanap ka na bang boylet doon?"

Tinutusok-tusok niya ang tagiliran ko, probably to annoy me.

Ugh! I hate this day. Pare-pareho lang sila nang tinatanong at wala akong balak sumagot. Interview ba ito? No comment!

"Good afternoon, Miss Denice," bati ng mga nakakasalubong kong empleyado.

Ang mga empleyado rito ang nag-comfort sa akin sa mga panahong lugmok na lugmok ako.

Inaya nila akong mag-inom at masarap talaga ang alak lalo na kapag broken-hearted ka. Mailalabas mo talaga lahat lahat!

Pati mga kinain mo, lalabas din.

Inilapag ko ang hand bag ko sa gilid ng glass table at umupo sa swivel chair. Umupo naman sa wooden chair si Joyce, na nakaharap sa akin.

"Sagutin mo na ako!" aniya, nagpupumilit pa ring magkwento ako. "Bilis na!"

"Ligawan mo muna ako," pamimilosopo ko.

Napapapadyak ang loka-loka sa sahig dahil sa pagkabanas sa mga sagot ko sa kaniya.

"Ano bang ganap do'n sa Cebu, ha? Nakakita ka na ng papalit sa pwesto ni Oliver?" usisa niya na parang hindi kinokonsidera ang nararamdaman ko sa naging katanungan niya.

"Get out," malumanay kong utos. Okay na sana eh, kaso narinig ko na naman iyong pangalan na ikasasakit ng damdamin ko.

"P-Pero..."

"I said 'Get out'," malumanay pa rin na pag-uutos ko sa kaniya pero mas may awtoridad na.

We're bestfriends, yeah. But it's office hours. May trabaho kami. At isa rin ako sa mga naniniwala na hindi dapat mahaluan ng personal issues ang trabaho.

Bago ako mapunta sa pagiging head journalist ng kumpanya namin, nag-umpisa ako sa pagiging janitress 'no! Simply because, gusto ko lahat ng bagay ay pinaghihirapan ko.

Step-by-step.

Para pagdating ng araw, hindi utang na loob ang isasampal sa mukha ko ng mga magulang, kapatid at kapwa ko empleyado na nagtatrabaho rin dito.

Dapat malaman nila na nandito ako sa posisyon ko, hindi dahil anak ako ng may-ari ng kumpanya, kung hindi dahil, pinagsumikapan ko lahat nang natamo ko.

I heard some knocks at the door.

"You may come in," sigaw ko. Bakit ba kasi malayo ang table ko sa may pinto nitong office ko? Hassle.

"Good afternoon, ma'am," bati ng employee na ngayon ko lang nakita. "I'm Janna, the organizer of this year's company celebration event," pagpapakilala niya.

I mouthed the letter 'O' when she introduced herself.

Itinuro ko sa kaniya ang upuan sa harap ko na inupuan kanina ni Joycelyn.

"What's the plan?" I asked then turn my gaze into my paper works. Hindi ako sanay na nakikipag eye-to-eye contact sa mga kausap ko lalo na kapag wala akong masyadong koneksyon sa plano nila.

"Mr. and Mrs. Juaneza given a thought that it should be celebrated at a resort. Ang sabi po nila sa akin, tanungin ko raw po kayo."

Bumalik ang tingin ko sa babaeng organizer pala ng event this year. Binitawan ko ang mga papel na hawak ko at sumandal sa aking kinauupuan.

May ganap pala ako rito.

"I believe, you're a great organizer," papuri ko sa kaniya.

Bigla siyang tumayo at yumuko sa may harap ko na parang nagpapasalamat. I just praised her!

Sinenyasan ko siya na umupo and I'm glad, sinunod niya naman kaagad ako. Nakakailang ang ginawa niya. I feel like she's too shy seeing me, or she's nervous because of my presence.

"Dahil alam kong magaling ka, I will give you all my trusts about the event, Miss Janna. Follow what Mr. and Mrs. Juaneza have ordered you," saad ko.

Yeah, I never call my parents as 'Mama' or 'Papa' once I sit in my chair as the head journalist.

"Ipakita mo na lang sa akin ang plano mo once na natapos mo na," dagdag ko pa. "I'll give your work constructive criticisms once you're done."

Ngiting-ngiti ang babae sa mga sinasabi ko sa kaniya. I think I have boost her confidence as the organizer.

Inayos ko ang mga papel ko. Kailangan ko lang bumili ng pagkain sa personal cafeteria nitong company at babalik din kaagad ako sa trabaho.

Hindi ko masyadong na-enjoy ang niluto ni Manang Lorna dahil nagmamadali na ako kanina sa pag-aayos ng sarili ko.

Besides, lunch break na naman.

Papunta na ako sa cafeteria nang biglang may bumangga sa akin!

Take note! Hindi iyon basta aksidente. Ramdam kong sinadya talaga ang bagay na iyon.

Mahinhin itong tinawanan ako. "Oh, ang bride na iniwan sa mismong kasal niya," bati sa akin ni Roxie—head officer ng photo journalism at matinding kaaway ko sa larangang ito.

Gustong-gusto niyang inoopen-up ang issue na iyon. Wala naman siyang alam. Mas bitter pa siya sa akin at sa ampalaya.

Magkaaway talaga kami.

I mean, siya lang naman ang nagtuturing sa akin bilang kakompetensiya. Eh, nasa iisang kumpanya lang naman kami nagtatrabaho at pumapasok kaya imposibleng maiwasan ko siya ng gano'n-gano'n lang.

"I don't have much time talking nonsense with you, Ms. Roxie Orcales Valeria," saad ko, badtrip na rin.

"Balita ko, wala ka masyadong maisulat ngayon ah? Kulang ka ng idea o inspirations?" aniya. "Hayaan mo akong bigyan ka ng idea.

Sinamaan ko siya ng tingin pero wala iyong epekto sa kaniya.

Humalakhak siya. "Why don't you write something interesting or about yourself to catch up the media?"

Tch, I know this woman. Aasarin niya lang ako.

"Try to write about your runaway groom. I think it would be fun and interesting. Ako ang mauunang magbasa ng journalism piece na iyon once na naglabas ka ng ganoong article," pamimikon niya.

Tatalikuran ko na sana siya para hindi na lumala ang gulo sa pagitan namin pero bigla niyang hinigit ang braso ko na parang na-offend siya sa pagtalikod ko sa kaniya.

"Wow, kung talikuran mo ako parang napakarami mo nang ibubuga ah," aniya saka tinaasan ako ng drawing niyang kilay. "Kaya ka lang naman nandito dahil anak ka ng may-ari."

"Ano naman kung anak ako ng may-ari nitong pinagtatrabahuan mo? Mayroon naman talaga akong ibubuga, kumpara sa iyo," pagmamataas ko.

Isinigaw ko pa iyon para marinig ng lahat ng narito ngayon sa cafeteria. Alam nilang mortal kaming magkaaway nitong si Roxie. Iniiwasan ko na nga siya pero siya naman itong lapit nang lapit sa akin.

"Ugh! I hate you!" sigaw niya.

Magw-walk-out na siya pero bigla naman siyang bumalik para harapin akong muli. She's so bothered about me. Hindi ata siya mabubuhay kapag hindi ako nakaaway.

Hinablot niya ang kamay ko at saka pinagsasampal ang kaniyang sarili gamit iyon.

"Hoy, Roxie! Baliw ka na ba? Anong ginagawa mo?!"

Binabawi ko ang kamay ko pero mas lalo niya lang iyong hinahawakan at sinasaktan niya ang sarili niya gamit ang kamay ko.

Ano na naman kayang ganap ng isang ito?

Dahil sa sobrang pagkainis ko sa kaniya, itinulak ko na lang siya para mapalayo. Accidentally, she fell down the floor.

"Denicery Juaneza!"

Umalingawngaw ang sigaw sa buong cafeteria. Pati ako ay nagulantang sa sigaw na iyon. Nagsialisan lahat ng empleyado liban na lang sa amin ni Roxie.

"P-Pa," bulong ko. "Mr. Juaneza..."

"I'm so disappointed in you," may riin niyang sabi na dismayadong-dismayado talaga sa nakita niya. But what he saw... I have no idea about that. Wala akong ginawa!

"Umalis lang kaming dalawa ng Mama mo, ganito na ang nangyari?" aniya. "Lagi kong sinasabi sa iyo na ihiwalay mo ang personal issues mo sa trabaho natin!"

Namuo ang luha sa mata ko. I don't want my tears to fell down from my eyes lalo pa at nasa harap ko ang mga magulang ko. Papagalitan lang ako lalo ng Tatay ko.

Naiiling naman si Mama sa akin, I can see that she's also disappointed.

Si Roxie, hayan at nakaupo pa rin sa sahig na parang tanga. Paawa effect pa siya. Kaya niya pala sinaktan ang sarili niya, dahil alam niyang parating ang mga magulang ko at makikita ang sitwasyong iyon.

Best actress of Photo Journalism Department, 2021!

Galing, awardee!

"Nasaktan ka ba, hija?" alalang tanong ni Papa kay Roxie saka tinulungan ito sa pagtayo. Ang bruhang Roxie tumango-tango rin at kunwaring nag-inda ng sakit ng katawan dahil 'kuno' sa ginawa ko sa kaniya.

Kung totoong ako ang nananakit sa kaniya, baka nilumpo ko pa siya. Tss, I will never lower myself para lang pumatol sa bruhang iyon!

Pinahatid ni Mama si Roxie sa hospital. Really? Hospital agad? Mamamatay ba siya sa pamamagitan ng pananakit at pananampal niya sa sarili niya?!

"Let's talk seriously, Denicery," ani Mama. Naubusan na ata ng lakas si Papa para sermonan ako kaya si Mama na lang.

Pumunta kami sa opisina ko.

Nawala ang pagkagutom ko. Kakain dapat ako eh!

"Bakit?" panimula ni Mama, tanong kaagad.

"Anong 'Bakit?' Ma?" Ginaya ko pa ang paraan niya nang pagkakasabi ng salitang iyon.

"Hindi mo ba kayang ihiwalay ang nararamdaman mo sa trabaho nating ito?" aniya. "Hindi mo ba kayang magpigil?!"

"Ma, nagpigil ako!" buwelta ko, hindi na mapigilan ang pagtaas ng boses ko sa pakikipag-usap sa Nanay ko.

"Nagpigil ka pero nasaktan pa rin si Roxie. Gano'n ba ang pagpipigil?

Pareho kaming nagpapataasan ng boses ni Mama. Nakakainis naman kasi eh! Isa pa ang dahilang ito kung bakit hindi ako nag-oopen-up sa kanila ng mga problema ko eh.

Lahat sila, one-sided.

Ang mas masakit, laging ibang side ang pinipili nila. Lagi akong nawawala sa choices at consideration nila!

"Sorry," tanging nasabi ko. Alam kong uutusan ako ng Nanay ko na kay Roxie humingi ng tawad.

Asa siya! Kahit na maglupasay pa siya sa harapan ko, hindi ako hihingi ng tawad sa kaniya! Sana ma-confine siya sa kaartehan niya.

Oo, mataas ang pride ko at hindi ko kayang lunukin ito para lang makapagpaumanhin sa tulad niya. She hurt herself, bakit ako ang kailangang humingi ng tawad!?

I walked out, avoiding my mother's sermons. Pagod na pagod na pagod na talaga ako.

Ang pisikal, emosyonal, mental pati na ang spiritual health ko, sumusuko na.

I tried calling my sister many times dahil kailangan ko ng taong makakausap pero hindi siya sumasagot. I tried texting my friends, but no one replied. Gusto ko mang hilahin si Joyce sa kagagahan ko ngayon, natandaan ko na medyo napagtaasan ko siya ng boses kanina and I am guilty for that.

Lord! I need you!

Umiyak ako nang umiyak. Hindi ako matigil. Hindi rin nagpapaawat ang mga luhang nagbabagsakan sa mata ko. Walang patid.

Bakit ako na lang lagi? Parang sobrang dami ko nang naranasan para may madagdag pang ganito!

Para mapatahan ako kahit papaano, s-in-earch ko ang kantang paborito ko,

I'll be.

I'll be, your crying shoulder

Kaninong balikat kaya ang puwede kong masandalan ngayon?

I'll be, love's suicide

Yeah, ang pag-ibig ay totoong nakamamatay. Masasaktan mo ang sarili mo.

I'll be, better when I'm older

How old? Kailan pa ako magiging better para sa sarili ko?

I'll be, the greatest fan of your life.

Tama nga sila, kapag masaya ka, nai-enjoy mo ang kanta. Kapag malungkot o nasasaktan ka, maiintindihan mo ang nilalaman o mensahe ng kanta.

Ilang beses na akong nawawalan. Ilang beses na akong nasasaktan. Maraming beses na akong nalugmok.

Pero,

Hindi pa rin ako masanay-sanay.

Bumabalik pa rin ako sa kung saan ako nag-umpisa.

Nakapa ko ang isang panyo.

The simple white handkerchief na sa tingin ko ay makakatulong sa akin ngayon.

Ganito na lang lagi, ako ang magpupunas ng sarili kong luha. Ako ang magpapatahan sa sarili kong nagwawala. At ako rin ang iintindi sa magulo kong pag-iisip.

Paulit-ulit na lang.

My cellphone vibrated.

I received a text.

From: Mr. Juaneza, papa

You're not allowed to participate to International Fashion Designing contest as your punishment.

Wala na, tumulo na ng husto ang luha ko. Ni hindi nila ako pinakinggan. They're being inconsiderate, again.

I swear, sobrang hirap talaga ng sitwasyon ko. Parang wala akong pag-usad. Parang walang abante at puro atras lang.

Ate Dorine!

Joycelyn!

Lord!

Kailangan ko kayo. Baka kung ano na ang magawa ko sa sarili ko once na wala pa akong mapagsabihan ng nararamdaman ko.

Inabutan ako ng gabi sa isang tulay. Anong ginagawa ko rito? Tatalon na ba ako? Sign na ba ito?

Psh, gusto kong makita iyong river!

Ang lawak, feel ko tuloy tumalon.

Bahagya akong napakapit sa may bakal na harang dito sa may tulay. Kahit na sinong makakakita sa akin, iisiping magpapakamatay ako.

LOL, as if they care about my life?!

"Hoy!"

"Pst!"

Hindi ko alam kong ako iyong sinisitsitan at tinatawag kaya wala akong pakialam.

Kita ko na ang reflection ng tulay sa may river. Gabi na at may mga ilaw ng bangka sa paligid ng malawak na ilog.

Puwedeng-pwedeng mamangka.

Biglang may yumakap sa baywang ko at pinipilit akong ibaba mula sa may tinatayuan kong bakal.

"Are you out of your mind?!" bulyaw ng lalaki sa pagmumukha ko. Tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan nang dahil sa kaniya.

"Don't even give a thought of harming yourself, Denicery Juaneza." Mas huminahon ang boses niya nang umiyak ako sa harapan niya.

Ito na naman ako,

Nagiging mahina na naman.

Lagi naman akong mahina pero mas nanghina ako sa taong hindi ko naman inaasahang makikita ko.

Hindi siya iyong tao na gusto kong makaalam ng nararamdaman ko ngayon pero siya iyong nandito ngayon.

May balikat na akong masasandalan.

May damit na akong matutuluan ng uhog ko.

At mayroon nang makikinig sa akin.

Sa mga kadramahan, kaek-ekan at mga hanash ko sa buhay. Magpatitiisan ko na ang isang ito. Puwede na siya.

"Thank you at nandito ka, Mr. Alalay."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status