Share

Chapter 9

Napabuntong-hininga na lang ako habang naiinip na nakikinig sa mga walang kuwentang kuwento ni Aryan. Kasama kasi namin sila ni Primo sa table. It’s already eight in the evening. Katatapos lang namin halos mag-dinner at umiinom naman sila ng alak ngayon.

Aryan was right, her father set-up a barbecue party for everyone after dinner. Ako naman ay hindi umiinom. Hindi ko gusto ang lasa ng alak. Napilitan lang ako na tumambay rito kasama sila dahil nandito si Primo. Sa totoo lang ay gusto ko nan gang bumalik sa hotel room namin, eh, mag-check ng mga email proposal o kahit na matulog na lang.

Maliban kina Aryan at Jeric ay may iba pa kaming kasama sa table na halos kasing edad lang din namin. Mga batang businessman, o kung hindi kaya ay anak ng mga businessmen na nandito rin.

“And then, an international brand for a clothing line offered me a slot on their upcoming big event. Sabi ko, kung hindi ako ang highlight ay ide-decline ko ang offer nila. Kaya pinalitan nila ang isang sikat na VS Model, at ako ang pinalit. That was awesome!” may halong pagyayabang na dagdag pa niya.

I just noticed that she has this main-character syndrome. Gusto niya ay laging sa kanya umiikot ang usapan. Gusto niya sa lagi ang bida. Gusto niya siya lagi ang magsalita at gusto rin niya na laging pinupuri.

Habang kung ano-ano naman ang sinasabi niya ay malawak ang ngisi ni Jeric na parang nagyayabang din. Wala naman akong pakialam kasi sobra akong naiinip sa mga sinasabi ng girlfriend niya. The talk about fashion and modeling is boring. Kung business pa sana baka nagkaroon pa ako ng interest.

“DVS Media and Production also asked me to sign with them. May mga naka-lineup na raw na series at movies para sa akin. But I’m still thinking about it, though. I mean, sobrang busy na ako sa modeling career ko, parang hindi na kaya ng time ko kung mag-a-artista pa ako,” sabi pa niya.

“What about you, Aliyah, I mean, you are so pretty, wala ka bang balak na mag-model or anything?” kuryosong tanong nung isang babae.

Nahalata ko rin sa kanya na naiinip na siyang pakinggan ang mga kuwento ni Aryan kaya siguro sinusubukan niyang ibaling sa iba ang usapan, para unti-unti na ring mapalitan ang topic.

“Oh, why are you asking her that? Don’t be silly!” agad na sagot ni Aryan at mahina pang tumawa, maging si Jeric ay mahinang natawa dahil doon.

It was an insult, I’m sure of it. At naiinis ako. Hindi ko lang alam kung paano makabuwelo at makabawi sa kanila.

“I actually received tons of offers. Nariyan sina Rayo, Melissa, and other big names here in the Philippines. Meron din sa mga international brands lalo na kapag dumadalo ako sa mga business conference abroad. Pero masyado akong busy as the acting president of WGC. At isa pa, it’s not really my thing. I mean, don’t take this the wrong way, pero sobrang talino ko para pumasok sa showbiz,” mahabang sagot ko at nagkibit pa ng balikat, si Primo naman ang mahinang natawa dahil doon.

“So sinasabi mo na bobo ang mga artista at models?” kunot-noong tanong ni Aryan, nagtaas naman ako ng isang kilay sa kanya.

“Hindi, ang sinasabi ko lang ay wala akong kailangang patunayan. The mere fact na marami rin akong offer sa showbiz, only means that I have the potential. But I know my capabilities, and instead of using my body to work, I might as well just use my brain,” sagot ko at nagkibit pa ng balikat.

I know that I sounded too harsh. Hindi ko nilalahat ang mga artista at modelo kasi marami rin akong kaibigan sa showbiz na napaka-down to earth kahit na nakagawa na ng pangalan. But Aryan is getting into my nerves right now.

“Actually, I don’t want my girlfriend to show too much skin,” sabi naman ni Primo. “Kahit na gusto niya, hindi ako papayag. I mean, hindi ko naman maiiwasan na marami ang humanga sa kanya kasi kita niyo naman na kahit wala siyang makeup ay sobrang ganda pa rin niya, at kung nabastos man siya ay kaya ko naman siyang ipagtanggol. But what’s mine is mine,” dagdag pa niya.

Para namang kinilig ang mga kasama namin sa table dahil sa narinig. The girls looked at Primo dreamily, iyong mga lalaki naman ay napangiti. Maliban sa mag-jowang Aryan at Jeric.

“Do you know Bella Tiglao?” tanong ko pa, tumango naman ang iba. “She already made her name in showbiz industry. Pero napaka-down to earth niya. She’s my friend since college days. Asawa niya si Karlos Samonte na CEO ng DVS Media and Production,” may halong pagmamalaki na dagdag ko pa.

“DVS Media and Production is under Del Valle Group of companies. The Del Valles are my good friends. At si Karlos naman ay kaibigan ko rin mula college. Pito talaga kami, pero wala na ang isa. Kasama sa grupo namin ang magkapatid na Montealegre, sina Havoc Hernandez at Dmitri Corcuera,” dagdag pa ni Primo.

Bahagya naman akong natigilan dahil sa narinig. So we have a common friend, huh? Sina Karlos at Bella.

“Hindi ba mahirap, Aliyah? I mean, working as the President of such a huge company at a very young age? You must be really smart,” sabi nung isa pa.

“Wala namang madali. Lahat ay kailangang paghirapan. But I’m used to it,” sagot ko, tumango naman sila dahil sa sinabi ko.

“What about you, Aryan? Wala ka bang balak na tumulong sa business ng Dad mo? You should also have a career aside from modeling. Hindi naman panghabang-buhay ’yang ginagawa mo. Lalo na ang hilig mong mag-shopping ng mga expensive brands,” sabi nung isa kaya mahina akong natawa.

She’s always bragging about the things that she has when in fact, pera ng Dad niya ang ginagastos niya madalas. Nakadepende pa rin siya sa mga magulang niya. Kahit na gaano kasi kalaki ang sinasahod niya sa modeling caereer niya ay masyado naman siyang maluho.

“Ugh, no thank you. I might as well enjoy my youth. Hindi gaya ng iba na matalino nga at maganda ang trabaho, pero boring naman ang life,” pagpaparinig niya kahit na obvious naman na ako ang pinapatamaan niya.

“Eh iyong balak mo na mag-photoshoot sa Isla Amara?” tanong nung isa, ngumisi naman si Aryan na may halong pagmamalaki.

“Okay na! Pumayag na si Jaguar Montealegre,” mayabang na sagot niya.

“With the help of Attorney Primo,” sagot nung isang lalaki kaya nawala ang ngiti ni Aryan. “Balak kasi nila ni Aliyah na magbakasyon doon, kaya pinakiusapan na ni Attorney ang kaibigan niyang si Jag na isama si Aryan,” dagdag pa niya kaya mahinang natawa ang halos lahat, ang iba naman ay tumango-tango na lang.

“Yeah, we’ve been travelling a lot lately. But we’re keeping it lately as much as we can. Ang boring nga ng life ko, eh, nakakapag-trabaho kahit wala sa office at pa-travel travel lang,” parinig ko rin.

Mahina ulit na natawa ang lahat dahil sa sinabi ko. Nilingon ko pa si Aryan at napansin ko na masama ang tingin niya sa akin, tinaasan ko lang siya ng isang kilay para iparating na hindi ako nasisindak sa kanya.

“I want to visit at least five countries with her by next month. Pero ayaw niya. Dahil nga lagi naman kaming nagta-travel ng pasikreto ay halos naikot na namin ang buong mundo. Nagsawa na ata,” dagdag ni Primo.

Ngumiti naman ako sa kanila na may halong pagmamalaki kahit na hindi naman totoo ang sinabi ni Primo. Ang tingin naman na binigay sa amin ng mga kasama namin sa table ay may halong pagkamangha.

“Balak niyo bang magka-anak agad after ng kasal niyo? I mean, engage na kayo, right?” tanong nung isa pa.

“That’s my plan. Pero mukhang hindi pa handa ang girlfriend ko, marami pa raw siyang gustong patunayan kahit na ang layo na ng narating niya. She’s just so beautifully humble. But being a boyfriend, all I can do is to support her,” may halong lambing na saad ni Primo at ngumiti pa sa lahat, nilingon din niya ako at nagulat ako nang pagdikitin niya ang mga ilong namin.

I was caught off guard. Lalo na’t muntik na ring magdikit ang mga labi namin. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa nangyari. Pero umarte ako na hindi nagulat at ngumiti na lang din sa lahat.

“Aww, sana all may Attorney Primo,” kinikilig naman na sabi nung isang babae.

“I’m lucky, am I not?” nakangiti pa rin at may halong pagmamalaki na tanong ko.

“Girl, you are very lucky! Baka naman niligtas mo ang mundo sa past life mo kaya sobra ka bigyan ng blessings ni Papa God ngayon,” may halong pagbibiro na sagot naman niya kaya natawa ang lahat.

Pansin ko na naiinis na sina Aryan at Jeric, kasi wala na sa kanila ang spotlight. I normally hate the attention, pero para lang mapahiya sila ay pinipilit ko.

“Pero bakit hindi ka umiinom?” tanong naman ni Jeric at ngumisi pa sa amin. “Are you, by any chance, afraid that you might say something once you got drunk?” makahulugang tanong pa niya.

“Hindi talaga ako umiinom,” sagot ko naman.

Alam niya iyon. Kahit noong naging kami ay alam niya na hindi ako umiinom ng alak. Kaya hindi ko alam kung bakit tinatanong niya ngayon sa akin ito. Siguro ay may napapansin siya at may gustong patunayan.

“Speaking of, ilang ulit ko na siyang pinilit na tikman ang alak kahit na konti lang. Pero ayaw talaga niya,” sabi ni Primo at mahina pang natawa. “Pero hinahayaan niya ako na uminom, kahit nga na hindi ko siya kasama ay papayagan niya ako na uminom kasama ang mga kaibigan ko. I just got myself a perfect girlfriend!” dagdag pa niya.

“Girl, ganyan din ako nung una. Tapos nung nalasing ako, habang nagduduwal sa banyo sabi ko hindi na ako iinom ulit. Pero kapag nandiyan na ang mga kaibigan at masaya ang bonding, umiinom pa rin naman. So try mo rin!” nakangiting sabi nung isa at inabutan pa ako ng isang ladies drink.

Napalingon ako kay Primo, kumindat naman siya sa akin na parang nagsasabi na siya ang bahala. Kaya sa huli ay pilit na lang akong ngumiti sa lahat at marahangt tumango bago tinanggap ang baso.

Bahagya akong s******p doon at napangiti nang malasahan. Matamis kasi ang kulay dilaw na alak. Mababa lang daw talaga ang alcohol percentage no’n, at hindi ka malalasing unless hindi ka talaga umiinom, o makarami ka.

“So, what can you say?” nakangiting tanong nung nag-abot sa akin ng alak.

“It tastes good. Actually, better than I thought,” sagot ko at mahina pang tumawa.

Nagpatuloy naman ang masayang kuwentuhan kasama sila. Napansin ko na na nanahimik na ang mag-jowang Jeric at Aryan. Siguro ay quota na sila sa pagkapahiya. They were obviously trying to humiliate me. Pero wala naman silang napapala kasi bumabalik lang sa kanila ang lahat.

Nang maubos ko ang laman ng baso na binigay sa akin, mga limang minuto lang ay naramdaman ko na parang nahihilo na ako. Gaya nang sinabi ko ay hindi naman kasi talaga ako umiinom.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko pero agad kong isinandal ang ulo ko sa balikat ni Primo. Napalingon naman siya sa akin at mahinang natawa.

“I think she got drunk,” narinig kong sabi niya pero hindi ko na lang pinansin.

“Seriously? Oh my God, I’m sorry! Sana pala hindi ko na lang siya pinilit!” may halong pag-aalala na sabi nung babaeng nagbigay sa akin ng alak.

“No, it’s okay. Hindi lang talaga kasi siya sanay. She’ll be fine,” sabi ni Primo.

Naramdaman ko pa na marahan niyang inilipat ang ulo ko sa may dibdib niya, tapos ang kaliwang braso niya ay umakbay sa akin para alalayan ako.

“Attorney, I’m sleepy…” mahina at parang batang saad ko. Narinig ko ang tawanan ng iba dahil doon.

“She’s so cute,” sabi naman nung babae na nagbigay sa akin ng alak, na hanggang ngayon ay hindi ko alam ang pangalan.

“She’s adorable,” narinig kong sagot ni Primo. “We had fun chatting with you, guys. Pero kailangan na rin naming magpahinga ng girlfriend ko. Chill tayo ulit bago matapos ang conference na ito.”

Tapos ay naramdaman ko na lang na inalalayan na ako ni Primo na tumayo, ngumiti naman ako sa mga kasama namin at nagpaalam na rin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status