Share

CHAPTER FIVE

“WHAT would be my first step?” tanong ni Jane sa sarili habang paroo’t parito na nagpapalakad-lakad sa loob ng kanyang silid. It was Saturday and that was the day she had been waiting for so long—ang pagdating ni Jester.

“Ano kaya kung sumama ako kay Matt sa pagsundo sa pinsan niya?” tila timang na dugtong pa niya, saka marahas na umupo sa gilid ng kama. “Pero nakakahiya naman kung—” Natigilan siya at dahan-dahang napangiti. Kung si Jester ang tipo ng lalaking liberated ang gusto, ngayon na niya ipapakita iyon.

“Tama! Tanggal ang hiya and go on with the flow. Aja, Jane!” she said full of determination then swiftly swayed her closed fist on air.

She texted Matt without any hesitation para sabihin ditong sasama siya, saka dali-dali siyang nagbihis ng “oh-so-seductive” outfit that could definitely turn every eyes of men on her.

 

_____________

“MAUPO ka nga rito, Jane. Kanina pa ako nahihilo sa kakamasid sa `yo,” Matt commanded a little bit irritated. Nakatunghay ito sa kanya na panay ang matyag sa arrival area kung saan lalabas si Jester.

“Ang tagal naman kasi niya. Mahigit isang oras na tayo rito pero wala pa rin ang pinsan mo.” Nakasimangot na napahalukipkip si Jane. Nahirapan pa man din siyang mamili ng isusuot na damit ‘tapos mukhang walang Jester na darating. Halos kalkalin na niya lahat ng laman ng aparador. Hanggang napagpasyahan niyang isuot ang damit na halos kita na ang kanyang kaluluwa. She was wearing a short-shorts and high-heeled sandals na pinarisan niya ng kulay puting crop top off-shoulder. Ngunit hindi lang iyon basta-basta crop top off shoulder kasi  plunging din ang neckline niyon kaya’t ang resulta, halos lumuwa ang tinatago niyang yaman. `Goodness sake! Kung hindi lang dahil kay Jester ay nungkang magsuot siya n’on. “Magbabakasyon ba talaga `yon?” aniya pa.

“Sa tingin mo ba’y mag-e-effort akong pumunta rito kung hindi `yon darating?”

Umirap siya. “Pilosopo ka talaga.”

“Hindi `yon pamimilosopo. Sadyang napakababaw lang kasi ng tanong mo,” supladong tugon nito.

Napailing siya at hindi na lamang tumugon. Alam niyang umatake na naman ang tantrums ni Matt.

“Umupo ka rito, Jane!” mayamaya’y maawtoridad na utos nito. “Kanina ka pa pinagtitinginan ng kalalakihan sa suot mong `yan! Hindi ka ba nahihiya at—” Natigilan ito sa pagsasalita nang mapansing animo’y nabato-balani siyang nakatitig lamang sa lalaking papunta sa kinaroroonan nila. Lumingon ang binata at biglang tumayo nang makilala ang lalaki. “Welcome, tol,” nakangiting salubong nito at tinapik sa balikat si Jester.

“Thanks, tol.” Gumanti ng tapik ang huli, saka bumaling sa kanya na tila na-freeze sa kinatatayuan. “Ang ganda ng girlfriend mo, Matt. `Galing nating pumili, ah.”

Narinig niyang marahang tumawa ang una. Siya nama’y lihim na nagalak. Kulang na lang ay magtatalon siya sa tuwa sa sinabi nito. She couldn’t believe that a certain Jester Lancero would utter those words of admiration knowing that this man never noticed her way back then. Imagine that! Feeling heaven, indeed!

“Hindi mo na ba siya natatandaan, Jest?” tanong ni Matt, sabay akbay sa kanya.

Pasimple niya itong siniko sa tagiliran. Paano pa makakadiskarte ang beauty niya kung makaasta itong si Matt ay tila pag-aari siya?

“She looks familiar. I just can’t recall kung saan ko siya nakita,” ani Jester.

“Do you remember a certain Mary Jane Destreza?”

“Hmm…” Sandaling nag-isip ang huli. Mayamaya’y biglang lumiwanag ang mukha nito. “Of course, I remember. Don’t tell me she’s… Jane? Your best friend?” amused nitong tanong.

Tuluyan nang napahalakhak si Matt. “Siya nga, tol,” sagot nitong mas lalo pa siyang inakbayan.

Bumaling siya sa kaibigan. She faked a smile. “Matt, paano ako makakadiskarte kung panay akbay ka?” pasimple niyang bulong na bahagyang inilapit ang mukha sa tainga nito. But to her dismay, Matt just cackled.

“There you go again, Jane, dear. Hanggang dito ba naman ay nanggigigil ka pa ring halikan ako kahit maraming tao? Parang gusto ko na tuloy maniwala sa sinasabi ng iba na may gusto ka sa `kin.” Tumawa ito nang pagkalakas-lakas. Ngalingaling batukan na niya ito.

She tried to laugh loud, sabay hampas sa braso ng kaibigan. “Ito naman! Hindi ka pa nasanay sa `kin. Alam mo namang ganito lang ako sa kahit kaninong lalaki. I can even play fire with Adams out there and you know that,” aniya sa matamis na pagkakangiti. She could hear boxing bells ringing on her head.

Teng! Teng! Teng! One point! Naka-score siya kay Jester.

Si Matt nama’y unti-unting tumigil sa pagtawa at naging peke ang ngiti.

“You turned to be a different woman now, Jane,” komento ni Jester habang matiim ang pagkakatitig sa kanya. “The teen-aged Jane I’ve known before was so sweet and innocent. But hey, look at you now, so gorgeous.” Hinagod siya nito ng tingin.

“People change, Jest,” saad niya. “And besides, napag-isip-isip kong ganito pala ang gusto ko noon pa. I just can’t explore and go out of my shell, kasi bantay-sarado pa ako noon ng parents ko… and even this freakin’ best friend of mine, halos guwardiyahan ako,” biro niyang marahang tinampal ang matigas na abs ng walang kakibo-kibong kaibigan.

Tumawa si Jester. “Anyways, can we go now? Sa kotse na lang natin ipagpatuloy ang kuwentuhan.” Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Matt.

Nakangiting tumango siya, ganoon din ang kaibigan bago nito tinanggal ang braso nitong nakaakbay sa kanya at tulungan si Jester sa pagbuhat ng mga maleta.

Napakunot-noo siya nang magtama ang mga mata nila ni Matt bago ito nagpatiunang naglakad sa kanila. She had seen something in his eyes that she couldn’t barely fathom. Was it jealousy?

Ipinilig niya ang ulo. Iyon na marahil ang pinakaimposibleng bagay na mararamdaman nito.

 

____________

“BYE, JEST. Ingat ka.” Kinawayan ni Jane si Jester habang nakadungaw siya sa window shield ng kotse.

“Same, as well, Jane. And nice chatting with you.” Gumanti ito ng kaway bago pumasok sa gate ng villa ng mga ito.

Nakangiting umayos siya ng upo nang muling paandarin ni Matt ang sasakyan. Binalingan niya ang kaibigan. Kanina pa ito tahimik. Puro ‘oo’ at ‘hindi’ lang ang tugon nito habang nag-uusap-usap sila kanina. “Inatake ka na naman ng tantrums mo,” puna niya.

Hindi ito umimik. Patuloy pa rin ito sa pagmaneho habang nakakunot ang noo.

“May problema ba, Matt?”

“Wala,” mahina nitong tugon.

“Kanina ko pa napansing bigla ka na lang tumahimik,” aniya.

“Wala ito. Biglang sumama lang ang pakiramdam ko.”

“Huwag ka kasing masyadong workaholic, eh,” sabi niya. Nitong mga nakaraang araw kasi ay napapansin niyang masyado itong tutok sa trabaho.

“I need to. May hinahabol kaming deadline para sa proyekto ng kontratang pinirmahan namin.”

“Gusto mong samahan lang muna kita sa condo?” tanong niya.

Bahagya siya nitong nilingon. “Bakit?”

“Baka kasi kung mapaano ka. Babantayan na kita.”

Gumalaw ang sulok ng labi ng binata. Animo’y may pinipigilan itong imbing ngiti. “You’re really that concern with me, huh!”

Ngumiti siya at deretsong napatutok ang paningin sa daan. “Of course, you’re my best friend. And besides, it’s my simple way of saying ‘thank you.’”

“Para saan?”

“Dahil isinama mo ako sa pagsundo kay Jester. Agad kang tumango at hindi na kumontra,” sagot niya. “At kanina naka-point ako sa kanya dahil na rin sa tulong mo. Best actor pala ang best friend ko, ah!” Napahalakhak siya sa sariling biro.

Subalit wala siyang nakuha ni anumang reaksyon buhat kay Matt. Napatigil tuloy siya sa pagtawa at nilingon ito. He had seen him busy texting while driving. Nakakunot-noo na naman ito at tila seryoso sa pakikipag-usap sa taong ka-text.

“What were you saying, Jane?” mayamaya’y tanong nito nang mailapag ang cell phone sa compartment ng kotse.

“Wala. Never mind what I’ve said,” tugon niya sa mahinang tinig.

Hindi na rin ito nagsalita hanggang iparada nito ang sasakyan sa parke ng condominium unit na tinitirhan. Wala silang imikan at tahimik na pumasok na lamang sa loob.

“Doon lang ako sa kuwarto. Kung gusto mo nang umuwi ay sabihin mo lang,” sabi nito. It was sort of rude, saka tinalikuran siya at dere-deretsong pumanhik ng silid.

Nagtatakang sinundan na lamang niya ito nang tanaw. Hindi niya alam kung ano ang problema ng kaibigan. Ayaw naman niyang magtanong ulit dahil paniguradong mapapagalitan lamang siya nito. Ganoon kasi si Matt kapag wala ito sa mood.

Bumuntong-hininga siya. Papabayaan na lamang niya ang tantrums ng kaibigan. Alam naman niyang maglalaho rin iyon.

“Hmm… Siguro’y dinalaw ng kanyang monthly period,” napahagikhik niyang usal, saka napagpasyahang magtungo sa kusina para gawan ito ng makakain.

 

____________

“MATT, kumain ka muna,” sabi ni Jane habang dala-dala ang tray na kinalalagyan ng ham sandwiches at juice.

“Sige, ilapag mo lang `yan diyan. Salamat,” anitong hindi man lang siya sinulyapan. Abala ito sa ginagawang sketch para sa proyekto nito sa Extrecon. Halos magkalat din ang mga kagamitan at sketch pad nito sa ibabaw ng mesa.

Agad niyang tinalima ang sinabi nito. Inilapag niya sa katabing mesa na nagsisilbing lagayan ng pagkain ang dala niyang snacks. Pagkuwa’y naupo siya sa gilid ng kama at wala sa sariling pinagmasdan ang binata.

You’re indeed a man, Matt, bulong niya sa isip habang nakatitig sa braso nitong panay ang galaw dahil sa ginagawa nitong drafts at paminsan-minsa’y lilipat sa pagtipa sa keyboard ng laptop.

Naglakbay ang paningin niya papunta sa guwapo nitong mukha. At ang pogi mo rin. Kissable lips pa. Sa mga labi na nito siya nakatutok. Hindi niya namalayang nakanganga na pala siya habang nakamasid sa mga labi nitong paminsan-minsa’y binabasa nito sa pamamagitan ng dila. It was actually his mannerism magmula pa nang mga bata sila.

“Hey, Jane! What’s happening to you?” mayamaya’y narinig niyang nagtatakang tanong ni Matt.

“H-ha? A-ahm…” Natauhan siya at naghanap ng maisasagot.

“Why are you intently staring at my lips?” May imbi nang ngiting nakaguhit sa mga labi nito.

Namula siya. Nahuli pala siya nito sa ganoong iniaakto. Ano ang isasagot niya? Ano ang palusot niya? Tiyak na aani siya rito ng karumaldumal na panunudyo kung wala siyang balidong isasagot. Hindi naman niya puwedeng sabihing pinagpapantasyahan niya ito. Yes, that was what she called it—pantasya—dahil iyon naman talaga ang naramdaman niya sa saglit niyang pagkawala sa katinuan.

“Jane? Tititigan mo na lang ba ako, ha? Aren’t you going to give me explanation?” Pahalukipkip na sumandal ito sa upuan habang pilyo ang pagkakatitig sa kanya.

Kunwari’y napahagalpak siya ng tawa. “Nag-i-imagine lang ako. Tama! Nag-i-imagine ako,” sagot niya.

“Nag-i-imagine? Are you imagining me kissing you or is it the other way around?” nakakalokong tanong nito.

“Of course not!” depensa niya. “I was imagining Jester kissing me. Sa `yo lang ako nakatutok kasi ikaw lang naman ang kasama ko rito.” There she said it! Lihim siyang nakahinga nang maluwag sapagkat nasabi niya iyon nang dere-deretso at kapani-paniwala.

“Ah, okay. Now I know,” kaswal nitong wika na sunod-sunod ang ginawang pagsubo ng ham sandwich at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Hindi muna siya kumibo. Mayamaya’y nagpaalam na lamang siya sa kaibigan na manonood ng TV sa sala na agad naman nitong tinanguan.

Nagtataka man siya sa pabago-bagong mood nito ay mas lalo naman siyang nagtataka sa kanyang sarili. These past few days ay palagi na niya itong pinagpapantasyahan sa hindi niya malamang dahilan.

 

___________

TAHIMIK na nagbibiyahe si Matt nang gabing iyon pauwi galing sa trabaho nang tumunog ang kanyang cell phone.

Agad niya iyong dinampot sa compartment ng kotse at sinagot ang tawag. It was Jester calling. “Hello, tol. Napatawag ka?” bungad niya sa pinsan.

“Matt, may kilala ka bang detective agent? `Yong magaling magtrabaho. Handa akong magbayad kahit na magkano basta’t mahanap lang niya agad ang ipinahahanap ko,” dere-deretsong sabi nito.

“Oo, mayroon. But he isn’t here. He’s in Hawaii in connection with his work. He might be back next month,” tugon niya.

“Mga ilang buwan o linggo niya kayang matunton ang ipinahahanap ko?” tanong nito.

Nag-isip siya. “Hmm… Sa pagkakaalam ko, hindi aabot ng isang buwan. Pero depende rin kung kompleto ang mga dokumentong ipapakita mo.”

“What if I have only a picture of her with me? At hindi rin ako sigurado sa buo niyang pangalan.”

Marahan siyang natawa sapagkat ang bagay na iyon ang ipinagkapareho nila ng kanyang pinsan. They don’t care that much to know the personality and whereabouts of their flings. Ang pagkakaiba nga lang nila ay hindi siya nahulog sa isa man sa kanyang nakarelasyon. Samantalang ito ay aksidenteng nagkagusto sa babaeng itinuring nitong kalaro lamang.

“Kaya niyang mahanap `yon, tol,” sagot niya. “Hindi nga lang ako sigurado kung ilang buwan ba ang gugugulin.”

“It won’t take years, right?” paniniguro nito.

Muli ay natawa siya. “I assure you. Hindi aabot ng isang taon o maski kalahating taon ay mahahanap niya `yon.”

“Good to hear that. Hihintayin ko ang pagbabalik niya,” wika nito sa masayang tinig. “Can I get his contact number? Para malaman ko kung saang ahensiya ko siya hahanapin.”

“I’ll send it to you thru text,” aniya.

“Salamat, tol. May isa pa pala akong hihinging pabor sa `yo…kung okay lang?”

“Ano `yon?”

“Can I have, as well, Jane’s mobile number? I forgot to ask for it last Saturday.”

Kulang ang sabihing muntik na niyang makabig pawala sa direksiyon ang manibela sa narinig na sinabi nito. Hindi niya maiwasang mag-isip kung interesado ba ito sa dalaga o balak lang nitong isama sa listahan ng mga laruan nito ang kaibigan niya. He might be a formidable chickboy, too, ngunit pagdating kay Jane ay over protective siya.

“Tol, are you still—”

“Bakit mo gustong kunin ang number niya?” Hindi niya naitago ang paghihinala sa boses.

Tumawa si Jester sa kabilang linya. “Don’t get me wrong, Matt. I don’t have any bad intentions. Hindi ko `yon gagawin sa kaibigan mo. All I want is to know her better and talk to her. Napakasarap niyang kausap,” pag-e-ekspleka nito.

Pagak siyang ngumiti sa sinabi nito. Masama mang mag-isip ng hindi maganda sa kapwa pero diskumpiyado talaga siya rito kahit pa sabihing pinsan niya ito.

“You can shot me on the head kung hindi ko panghawakan ang sinabi ko,” biro nito.

“I’m afraid I’ll be imprisoned,” balik-biro niya. Sa totoo lang, ayaw niyang ibigay kay Jester ang contact number ni Jane sa mga kadahilanang naisip. Pero wala siyang magagawa. Alam naman kasi niyang magiging masaya si Jane sa oras na ibigay niya kay Jester ang contact number nito.

“So I guess that settles the issue. Ibibigay mo na ba ang hinihingi ko?”

Atubili siyang tumugon. “I’ll send it together with Perry’s number.” Tukoy niya sa kaibigang detective agent. He ended the call after that.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status