LOGINHindi alam ni Heaven kung paano siya nakabalik sa boutique nang sandaling iyon. All she knows right now is gusto niyang mapag-isang muli dahil hindi niya maproseso ang bombang ibinagsak ni Connie sa kaniyang harapan. "All this time, alam ni Mama kung ano ang totoo sa hiwalayan nilang dalawa ni Papa, pero hindi niya iyon sinabi sa akin," umiiyak na sambit ni Heaven sa kaniyang sarili. "Bakit? Bakit inilihim niya iyon?" Nagpasiya si Heaven na manatili muna sa loob ng kaniyang opisina upang makapag-isip-isip nang maayos. Pinatay rin niya ang kaniyang phone dahil ayaw niyang makipag-usap kahit kanino." "Tita Connie, kung sakaling alam ko man kung nasaan si Heaven ngayon ay bibigyan ko muna siya ng privacy para makapag-isip-isip," sabi ni Roman sa ginang nang tinawagan siya nito. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Connie, "Ito na nga ba ang aking sinasabi. Masasaktan ko lamang ang anak ko. Sana ay hindi ko na lang sinabi ang katotohanan sa kaniya." "Tita, mas mabuti na r
Pinag-isipan ni Connie ang mga sinabi ni Roman sa kaniya. Alam niya sa kaniyang sarili na malaki ang possibility na iniisip ni Heaven na may ginawa ito noong bata pa ito sa kaniyang asawa para iwan sila nito. Masakit para kay Connie na balikan ang nakaraan, pero sa tingin niya ay iyon lang ang makakatulong sa dalaga upang maging mas bukas ito sa pag-ibig. Isang malalim na hininga ang kaniyang pinakawalan bago pa man niya tinawagan ang anak. "Heaven, anak, puwede ka bang umuwi rito mamaya?" tanong niya sa anak sa isang seryosong tinig. "May problema po ba, Mama? Bakit parang seryoso ang tono ninyo?" sunod-sunod na tanong ni Heaven sa ina. "Wala, pero gusto lang talaga kitang makausap," sagot ni Connie. "Miss na kita eh." "Sige po, daan po ako riyan kapag wala na pong tao rito sa boutique," sambit ni Heaven. "Baka naman po magsara kami nang maaga." "Sige, hihintayin kita ah." "Opo." Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Connie pagkatapos ng tawag na iyon. Sa totoo la
"Nalaman ko na kay Heaven na tumatawag pala ang dati kong asawa sa kaniya," sabi ni Connie kay Roman nang sila ay nagkitang dalawa sa transient house. "Kumusta ang anak ko? Is she fine?" Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Roman sa tanong ni Connie. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang isasagot lalo na at ang ipinapakita ni Heaven sa kaniya ay okay lang ito kahit na deep inside ay hindi ganoon ang sitwasyon. There is no way in hell na magiging okay lang ang lahat sa dalaga lalo na at nang nakausap niya ito tungkol sa ama ay ramdam niya ang matinding pinagdadaanan nito. "Kilala ko si Heaven at alam kong hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya sa ginawa ng kaniyang ama noon," sabi ni Connie sa isang malungkot na tinig. "Pero mas mabuti na ring naghiwalay kami noon ni Harvy kaysa naman sa manatili kami sa isang relasyon na alam naming makakasakal lang sa amin pareho." Nangunot ang noo ni Roman nang sandaling iyon, "Ano po ang ibig ninyong sabihin?" "Malinaw sa akin noo
"Hindi kita masisisi kung pinagselosan mo si Jean Antoinette nitong nakaraan," sabi ni Roman nang tuluyan nang buksan ni Heaven sa kaniya ang mga saloobin nito. "Hindi ko alam na ganoon ang ginawa niya sa iyo." Isang mapait na ngiti ang pinakawalan ni Heaven, "Ano ang laban namin ni Mama sa first love ni Papa noon? I mean, naging sila lang ni Papa dahil ginawa siyang rebound ng magaling kong ama. At nang sabihin ng first love niya na may nararamdaman pa siya kay Papa ay hindi siya nagdalawang isip na iwan kami ni Mama noon." "Hindi ko man maiintindihan nang buo ang pinagdaanan mo ay sigurado ako na mali ang ginawa ng ama mo," sagot ni Roman. "He wanted love pero hindi niya ibinigay ang pagmamahal na deserved ni Tita Connie." "Alam ko, kaya nga hindi mo puwedeng sabihin sa akin na patawarin ko na lang siya basta-basta," sambit ni Heaven sa binata. "Mahirap para sa akin na gawin ang bagay na iyon.""Huwag kang mag-alala, wala naman akong balak na panghimasukan ang mga personal mong
Hindi maintindihan ni Roman kung bakit isang seryosong Heaven ang sumalubong sa kaniya buhat nang siya ay nanggaling sa Batangas. Pakiramdam niya ay may nagawa siyang kasalanan sa dalaga na sa tingin niya ay hindi nito magagawang patawarin kaagad. Gumapang ang kaba sa kaniyang balat nang naisip niya ang posibilidad na alam na nito ang tunay na ginawa niya sa nasabing lugar. "Heaven, I --" Bago pa man magawang tapusin ni Roman ang kaniyang nais sabihin ay nagsalita si Heaven, "May kailangan kang malaman tungkol sa akin na sa tingin ko ay hindi mo pa nalalaman." Nangunot ang noo ni Roman sa sinabi ni Heaven. Hindi na lang siya nagsalita at sa halip ay hinintay na niya kung ano man ang sasabihin ng dalaga sa kaniya. "I was uncomfortable sa ideya na nagpunta ka sa Batangas nitong mga nakaraang araw," sabi ni Heaven sa binata. Pinakunot lalo ni Roman ang kaniyang noo nang sandaling iyon upang maipakita sa dalaga na genuine ang pagtataka niya, "Bakit hindi ka komportable na pumunta ako
Nang nasiguro ni Roman na tama ang impormasyong hawak niya tungkol sa ama ay nagpaalam na siya kay Heaven. Ginamit na niya ang alibi na una niyang sinabi upang makalusot sa mapanuring dalaga. "Nandito na ako sa Batangas," sambit niya kay Heaven. "Gusto mo bang makita ang location ng lupa na bibilhin ni Sir Kyle para sa aming clothing line?" tanong pa niya sa dalaga. Isang iling ang ibinigay ni Heaven, "Malaki ang tiwala ko sa iyo na hindi monkey business ang pakay mo riyan," sagot niya sa binata. "Galingan mo na lang sa trabahong ibinigay sa iyo ng boss mo." "Okay, mag-uuwi ako ng pasalubong sa iyo kapag nakatapos na ako rito," sabi ni Roman kahit na alam niyang hindi iyon gugustuhin ng dalaga. Nang nasiguro ni Roman na hindi na siya mapaghihinalaan pa ni Heaven ay nagpunta na siya sa address na nakuha niya mula sa kaniyang imbestigasyon sa ama ng dalaga. Hindi niya ito kakausapin kaagad. Pupuntahan lang niya ito upang alamin kung ano ang kalagayan nito ngayon. If possible ay
Ilang araw na ang nakalilipas buhat nang nasaksihan ko kung paano ipakita ni Sir Kyle ang kaniyang bad side kina Andreah at Jake. Siniguro niya na hindi na uulit pa ang dalawa sa panggugulo nila sa akin lalo na at nagbanta siya sa dalawa na kung sakaling kokontakin pa nila akong muli ay si Kamataya
Sabi nila, blood is thicker than water. Ilang beses pa akong sinubukang suyuin ni Papa para lang palabasin mula sa kulungan si Andreah pero hindi na ako nagpatinag. We are not family anymore kaya hindi ko na problema kung ano man ang mangyari sa dati kong kapatid. Tapos na ang obligasyon ko sa kani
Dahil sa ginawa ni Jake sa akin ay nagpasya si Sir Kyle na dalhin ako sa sarili niyang pamamahay. Hindi ako nakapalag lalo na at sariwa pa sa akin ang nangyari. Kung hindi sila dumating ni Sir Roman ay baka kung ano na ang nangyari sa aming dalawa ni Jake na siguradong pagsisisihan ko sa bandang h
Mabilis na kumalat sa kompanya ang tungkol sa aming relasyon nang hindi ko namamalayan. Hindi na ako magugulat pa sa nangyari dahil binali rin ni Sir Kyle ang kasunduan noon na ililihim muna namin ang aming relasyon sa lahat. Hindi ko na puwedeng itanggi pa kung ano man ang namamagitan sa aming dal







