LOGINLeah
Dahil sa issue ni Tate Lim, kinailangan naming mag-meeting sa mismong office ni Rafael. Kasama namin si Sir Joseph na kakarating lang galing sa TV station, halatang pagod pero pilit pa ring composed. Mula afternoon hanggang halos gabi, sunod-sunod ang diskusyon—PR angle, legal risks, public perception. Ni hindi namin namalayan kung paano lumipas ang oras.
Hindi ko rin namalayan na matagal na pala akong hindi kumakain. Siguro dahil sobrang focus ko sa usapan. O baka dahil katabi ko lang si Rafael na seryoso, tahimik, pero ramdam ko ang presensya niya sa bawat galaw ko.
“I’ll order dinner na lang,” sabi ni Sir Joseph habang sinisilip ang oras sa relo niya. Tumango si Rafael, diretso lang ang tingin sa laptop. Hindi na rin ako umimik pa, kahit gusto kong sabihin na okay lang ako. Ayokong maging abala.
Pagkatapos mag-order, sinimulan na ni Sir Joseph ang pagfi-finalize ng lahat ng napag-usapan namin. Isa-isa niyang binalikan ang m
Leah“What do I need to do,” tanong ko, pilit pinatatag ang boses ko kahit may kaba sa dibdib ko, “para lang tumaas ang tiwala mo sa sarili mo… when it comes to me?”Tinitigan niya ako. Matagal. Parang sinusukat kung tama ba ang narinig niya, o kung handa ba siyang sagutin ang tanong na iyon nang totoo. Nakita ko kung paano bahagyang nagbago ang ekspresyon niya mula sa pagiging dominant, naging seryoso. Totoo.“I don’t know,” sagot niya sa wakas, mababa ang boses. “Maybe nothing could make me feel secure and confident pagdating sayo.”Natawa ako, hindi dahil nakakatawa, kundi dahil hindi ako makapaniwala. “Hindi ko akalain na may ganitong side ang isang Rafael Solano…” Halata ang disbelief sa boses ko, pero hindi niya iyon minasama. Sa halip, natawa rin siya, iyong tawang may halong pait at self-awareness.“You’re beautiful, you’re young, at nagsisimul
LeahDahil sa issue ni Tate Lim, kinailangan naming mag-meeting sa mismong office ni Rafael. Kasama namin si Sir Joseph na kakarating lang galing sa TV station, halatang pagod pero pilit pa ring composed. Mula afternoon hanggang halos gabi, sunod-sunod ang diskusyon—PR angle, legal risks, public perception. Ni hindi namin namalayan kung paano lumipas ang oras.Hindi ko rin namalayan na matagal na pala akong hindi kumakain. Siguro dahil sobrang focus ko sa usapan. O baka dahil katabi ko lang si Rafael na seryoso, tahimik, pero ramdam ko ang presensya niya sa bawat galaw ko.“I’ll order dinner na lang,” sabi ni Sir Joseph habang sinisilip ang oras sa relo niya. Tumango si Rafael, diretso lang ang tingin sa laptop. Hindi na rin ako umimik pa, kahit gusto kong sabihin na okay lang ako. Ayokong maging abala.Pagkatapos mag-order, sinimulan na ni Sir Joseph ang pagfi-finalize ng lahat ng napag-usapan namin. Isa-isa niyang binalikan ang m
RafaelHindi siya agad umiwas. Hindi rin siya umatras.Sa halip, bahagya niyang ibinaba ang notebook sa mesa at ipinatong ang dalawang palad niya roon, saka ako tiningnan ng diretso, walang bahid ng takot. Kung meron man, parang mas lalo pa siyang naging interesado.“Punishment?” ulit niya, may bahagyang ngiti sa labi. ‘Yong ngiting alam kong delikado. “I was wondering kung kailan mo ‘yon babanggitin.”Napapikit ako sandali. Isang mahinang mura ang muntik nang kumawala sa bibig ko. Hindi siya dapat ganito ka-kalmado. Hindi niya dapat ako tinitingnan na parang ako pa ang nawawalan ng kontrol.“Don’t play innocent,” sabi ko, dahan-dahan akong lumapit. Isang hakbang. Isa pa. “You know exactly what you did.”“Totoo?” sagot niya, bahagyang ikiling ang ulo. “Because last time I checked, I didn’t break any rules. I did my job. I attended the meeting. I spoke professionally.” Huminto siya sandali, saka idinugtong, mas mababa na ang boses, “Or is the
RafaelThis is unacceptable.Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang eksenang sabay na kumakain sina Leah at Erik. Masyadong komportable. Masyadong… pamilyar. At kahit pilit kong sinasabi sa sarili ko na hindi ako dapat magselos, hindi ko mapigilan ang pag-init ng dugo ko.Sobrang selos ako. Hindi ‘yong tipong tahimik lang—‘yong nakakainis, nakakabaliw na selos na parang may humahawak sa dibdib ko at unti-unting hinihigpitan ang kapit.Pakiramdam ko, may kalamangan siya sa akin. At ang mas nakakainis? Hindi ko alam kung ano o saan.Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Leah. Isang beses. Dalawang beses. Tatlo. Walang sagot. Tumataas ang inis ko kasabay ng kaba. Kung kani-kaninong eksena na ang nabubuo sa utak ko, mga eksenang hindi ko dapat iniisip, pero pilit na sumusulpot.Hanggang sa malaman ko ang totoo.Nakalimutan niya pala ang cellphone niya.Dapat ay gumaan ang pakiramdam ko. Dapat. Pero imbes na relief ang maramdaman ko, mas lalo lang akong nainis—lalo na nang maalala
LeahWalang nangyari sa lahat ng anticipation ko.Sa isip ko, pagbalik ni Rafael sa kumpanya ay agad niya akong hihilahin papasok sa loob ng kanyang opisina, kahit saglit lang. Isang sulyap. Isang hawak. Isang tahimik na paalala na babalikan kita mamaya.Pero hindi ganon ang nangyari.Halos kakarating lang nila ng makatanggap si Sir Joseph ng isang tawag. Kita ko sa biglang seryoso ng mukha niya na hindi iyon basta-basta. Ilang sandali lang, at agad na siyang nagreport kay Rafael na ng mga oras na yon ay nakatayo na sa harap ng table ko, nakatingin sa akin."Sir, something's wrong and it's urgent." Nakita ko ang mariin na pagpikit ni Rafael pagkasabi non ni Sir Joseph."To my office, now." Yun lang at pumasok na siya sa loob kasunod ang executive assistant habang ako naman ay naiwan na disappointed. Wala naman akong magagawa since ang sabi nga ni Sir Joseph ay urgent.Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na ang masipag na EA.“Miss Leah,” sabi niya, diretso at walang paligoy-ligoy, “s
LeahNagtatawanan pa kami ni Erik habang kumakain. Natural na lang sa amin iyon, walang pilit, walang malisya. Matagal na rin kasi kaming magkapitbahay, at technically, landlord ko siya. Ilang beses na rin kaming nagsalo sa tig-tatlong beer in can tuwing gabi, nagkukuwentuhan lang tungkol sa trabaho, buhay, at kung minsan, mga simpleng reklamo sa mundo.Wala naman kaming ginagawang masama. Walang tinatago. Kaya kahit na nasa public place kami, hindi ko naisip na may dahilan para magalit si Rafael lalo na at we were out in the open naman. Walang lihim. Walang tagong kilos.But I underestimated one thing.Ang selos niya.Naiwan ko ang cellphone ko sa mesa nang maglunch. Pagbalik ko, saka ko lang napansin, nagliwanag ang screen. Sunod-sunod ang notifications. Messages. Missed calls.Mula kay Rafael.Napangiti ako dahil iba ang pakiramdam kapag ganon siya. I like how possessive he is, pero hindi ko sinasady na pagselosin siya.Pagdampot ko ng aking cellphone ay agad ko siyang tinawagan.“A







