LOGINHINDI MAWARI ni Kaelin kung masisiyahan ba siya o malulungkot sa nakikitang awa sa mga mata ni Harrison habang nakatingin sa kanya.
Hindi naman iyon ang gusto niyang matanggap mula rito.
Kundi pagmamahal.
Gusto niyang tingnan siya nito ng may pag-ibig.
O baka naman namamalikmata lang siya dahil kagigising niya lang?
Si Harrison, maaawa sa kanya? Kailan ba ito nagkaroon ng ganoong pakiramdam para sa kanya?
At nakapagtatakang kinakain nito ang mga pagkaing inihanda niya kahit para ng bangkay sa lamig. Kaya nga siya bumaba ng kusina nang magising siya dahil naalala niya ang mga niluto na naiwan lang sa mesa na nakatakip lang, ililigpit niya sana. Pero hindi niya inaasahan na madadatnan niya sa kusina ang asawa sa ganoong senaryo.
Sinubukan niyang kausapin ito, pero wala siyang narinig ni isang sagot mula rito. Hanggang sa matapos itong kumain at muling bumalik sa sariling silid.
Pero hindi naman niya naramdaman o nakita sa mukha nito na nagalit ito sa presensiya niya kanina. Kahit paano ay medyo nakaramdam siya ng kaunting kasiyahan. Okay na rin iyon, at least hindi ito galit, at kinain pa ang mga niluto niya.
Kaya naman habang nagliligpit ay nakangiti siya. Siguro ay nakonsensiya ito sa pananakit sa damdamin niya dahil sa pagdadala nito kay Veronica sa kanilang bahay.
Kaya naman nakakita ulit siya ng kaunting pag-asa na baka magkaayos pa silang mag-asawa. Girlfriend lang nito si Veronica, siya ang asawa. Kaya nasa kanya pa rin ang karapatan bilang nagmamay-ari kay Harrison.
Kinabukasan, kahit puyat at namamaga ang mga mata, ay maaga pa rin siyang nagising para magluto ng almusal at para na rin maglinis sa buong kabahayan gaya ng araw-araw niyang ginagawa mula nang magsama sila ni Harrison sa iisang bubong.
“Yuck! What that smell?!” dinig niyang asik ni Veronica mula pa lang sa bungad ng pintuan ng kusina.
Kasalukuyan niyang binabaliktad ang pinipirito niyang daing na tuyo, isa iyon sa paborito niyang ulam lalo na kapag isinasawsaw sa suka na may bawang. Naimpluwensiyahan siyang mag-ulam ng ganoon ng kanyang bestfriend na taga probinsiya.
“Eeew! Ulam ba ‘yan?! Kaya naman pala palagi akong niyayaya ni Harrison na kumain sa labas, dahil mukhang bulok na basurang inuuod naman ‘yang mga niluluto mo para sa kanya! Paano na lang kung malason siya kapag nag-try siyang kainin ‘yang mga pinaglululuto mong walang kakuwenta-kuwenta?” sunod-sunod na banat ni Veronica sa kanya.
Nanggigigil man siya dahil sa kaartehan at pangingialam nito, ay dahan-dahan niya itong nilingon matapos niyang patayin ang kalan. Kalmado niya itong hinarap at nagpaskil pa siya ng ngiti sa mga labi.
“Pasensiya ka na sa amoy ng niluluto ko kung hindi mo nagustuhan. Actually, hindi naman talaga kumakain niyan si Harrison, para sa akin lang talaga itong daing na niluto ko. Sandwich kasi ang madalas niyang inaalmusal, ako naman ay kanin,” aniya.
“You know what?” taas-kilay nitong sambit at ipinagkrus pa ang mga braso sa dibdib. “Hindi ko talaga alam kung bakit napapayag si Harrison na pakasalan ka kahit hindi ka naman niya gusto! Siguro, dahil ayaw niyang mapahamak si tito Henry. Kaya wala siyang nagawa kundi sumunod na lang kahit labag sa loob niya!” anito habang dahan-dahang pinapaikutan siya.
Bumuntung-hininga muna siya bago ito sinagot sa mahinahong tinig.
“Veronica, bakit ba galit na galit ka sa’kin? Wala naman akong ginagawang masama sa’yo. Kung alam mo lang, mga magulang namin ang nagdesisyon na ipakasal kaming dalawa. Sumunod lang kami dahil mahal namin ang mga magulang namin at ayaw naming masaktan sila.”
“Talaga ba? O may iba pang mas malalim na dahilan?” mataray nitong tanong. “Sinabi sa’kin ni Harrison na may usapan na kayo, na magkakaisa kayo sa pag-atras sa kasal ninyo. Pero ano ang ginawa mo? Gumawa ka ng sarili mong desisyon!”
“Veronica, please. Huwag na nating pagtalunan ang mga bagay na tapos na at hindi na natin maibabalik pa,” pakiusap niya rito. “Excuse me lang, maglilinis pa kasi ako,” aniya at tatalikod na sana siya nang bigla na lang siya nitong hinila sa buhok at sinabunutan.
“Bastos kang babae ka! Kinakausap pa kita kaya huwag mo akong talikuran!”
“A-Aray!” daing niya at hinawakan niya ang kamay nitong mahigpit na nakahawak sa kanyang buhok. “Veronica, bitiwan mo ako! Nasasaktan ako!” pakiusap niya rito.
“Puwes, masasaktan ka talaga dahil sa pag-iilusyon mo!” nanggigigil nitong sambit. “Akala mo ba, porket kasal na kayo ni Harrison ay pagmamay-ari mo na siya? Pagmamay-ari mo lang siya sa papel, pero ako, pagmamay-ari ko siya ng buong-buo! Ang katawan, puso, at pagmamahal niya!” malakas nitong sambit.
“Hindi ko naman siya inaangkin dahil lang sa asawa ko siya! Dahil malaya pa rin naman niyang nagagawa ang mga gusto niya, ‘di ba?” sagot niya. “Naisama ka pa nga niya rito kahit alam niyang masasaktan ako! At ikaw naman, sumama ka naman dahil ikaw ang tunay na ilusyunada!” hindi na niya napigilan ang sarili na hindi gumanti rito.
“Walanghiya ka talagang babae ka!” sigaw nito at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa buhok niya.
Sa puntong iyon ay hindi na niya napigilan pa ang galit na kanina pa niya tinitimpi. Mabilis na gumalaw ang kanyang mga kamay patungo sa buhok nito.
Nagsabunutan silang dalawa, halos parehong ayaw nilang magpatalo. Dahil sa galit at selos, hindi lang sabunot ang ibinigay niya kay Veronica, kundi sampal, sipa, at suntok pa. Kaya alam niyang bugbog sarado na ito sa kanya.
Kasalanan din naman nito, hindi naman niya ito papatulan kung hindi siya nito sinimulan. Kung hindi pa sila inawat ni Harrison ay hindi pa sila matitigil sa pagbubugbugan.
NAGISING si Hailey dahil sa malalakas na katok mula sa main door ng bahay.Tiningnan niya ang oras sa kanyang cellphone, alas nueve na ng umaga.Bigla siyang napabalikwas ng bangon dahil sa pag-aakalang si Kaelin ang kumakatok sa pinto.Baka kanina pa ito roon, paniguradong galit na galit na ito.Talagang masisira ng tuluyan ang image niya rito kapag nagkataon.Kaya kahit walang sapin sa mga paa ay mabilis siyang lumabas ng guest room at tinakbo ang main door.Pero laking gulat niya nang mabungaran doon si Veronica.Alam niyang uuwi ito ng bansa at nalaman niya iyon sa kanilang ina, pero hindi niya inaasahan na dederetso ito roon.Muntik pa siyang mapangiwi dahil sa nakitang hitsura nito.Nakangisi ang labi nitong may makapal at pulang-pulang lipstick.Mayroon itong suot na naglalakihang hikaw at kumikinang na kuwintas.Bumaba ang tingin niya sa suot nitong damit.Nakasuot ito ng black tube dress na hapit na hapit sa katawan nito.Pero tila yata kinulang iyon sa tela, dahil sigurado s
“KUYA, MAGAALAS-OTSO NA. Pero wala pa rin si ate Kaelin. Saan kaya siya nagpunta at ang tagal niyang umuwi?” ani Hailey habang nakapangalumbaba sa lamesa.Naroroon silang magkapatid sa kitchen.Hinihintay nila na dumating si Kaelin para kung anuman ang sabihin nitong lulutuin nila ay agad nilang mai-prepare.Kanina pa silang alas sais nandoon, at halos dalawang oras na silang naghihintay sa babae.“Hailey, mukhang hindi na siya uuwi. Alas-otso na, eh. Pa-deliver na lang tayo ng food,” aniya sa kapatid.Nakakaramdam na kasi siya ng gutom, at alam niyang ganoon din ito.Hindi niya alam kung saan pumunta si Kaelin.Basta ang alam niya ay hindi ito uuwi ngayong gabi dahil alanganing oras na.Umaasa pa naman siya na magkatabi sila mamaya sa pagtulog, katulad ng ginagawa ng tipikal na mag-asawa.Pero tila yata iyon ang iniiwasan nito, kaya sa ibang bahay ito makikitulog.“Tawagan mo muna kaya siya, kuya? Para alam natin kung uuwi ba siya o hindi?” mungkahe ni Hailey.Nahihiya man siyang taw
“A-ATE KAELIN, okay lang ba talaga sa ‘yo na rito muna ako katulad nang sinabi ni dad kanina?” nag-aalangang tanong sa kanya ni Hailey habang naghuhugas siya ng mga plato.Umuwi na sina Henry at Cora ilang oras lang matapos ang kanilang umagahan, kaya nasimulan na niya ang paghuhugas ng mga pinagkainan.“Hindi naman sa ‘kin itong bahay na ito, sa kuya mo. Kaya kung may dapat kang tanungin, siya iyon, hindi ako,” sagot niya nang hindi man lang ito tinitingnan.“Pero mag-asawa kayo, kaya sa ‘yo na rin itong bahay—”“Sa papel lang kami mag-asawa, hindi sa personal,” pambabara niya rito.Hindi agad ito nakahuma.Ano kaya ang pakiramdam nito ngayong ibinabato niya rito ang mga sinasabi nito sa kanya noon?“A-Ate…g-gusto kong humingi ng tawad sa ‘yo—”“Matagal na kitang napatawad, kayo ng kapatid mo. Pero ang sakit na idinulot ng mga ginawa at sinabi ninyo sa ‘kin noon ay nananatili pa rin sa puso’t isip ko.”“K-Kung ganoon, bakit tinanggap mo ulit si kuya?” garalgal ang boses na tanong nit
EKSAKTONG alas otso nga nang dumating ang pamilya ni Harrison.Pagkaligo niya kanina ay agad siyang nagbihis dahil gusto niyang hintayin sa labas ng bahay ang pagdating ng mga ito.Hindi naman siya nagtagal sa paghihintay dahil ilang minuto lang siyang naroroon sa labas nang huminto sa harapan niya ang sinasakyan ng mga ito.“Good morning, anak!” nakangiting bati sa kanya ni Cora pagkababang-pagkababa nito ng sasakyan.Hinalikan siya nito sa pisngi, samantalang nakipagbeso naman siya kay Henry.“Magandang umaga, hija…” bati sa kanya ni Henry.Huling lumabas ng sasakyan si Hailey.Pero napakunot siya ng noo dahil sa one-week na magiging bakasyon nito roon ay bakit yata tila napakarami naman nitong dalang gamit?Tatlong malalaking maleta lang naman ang dala nito na inilalabas ng driver mula sa compartment ng sasakyan.“H-Hi, a-ate K-Kaelin…” kandautal nitong bati sa kanya, ni hindi makatingin ng diretso.Simpleng pagtango lang ang naging sagot niya rito.“Naku, tamang-tama ang dating ni
DAHIL SA GINAWA ni Harrison ay nakaramdam siya ng sobrang hiya, kaya naman walang paalam na iniwan niya ito sa loob ng guest room.Bahala na itong maghakot ng kanyang mga gamit mag-isa.Nagluto na lang siya ng almusal para sa kanila at sa paparating na pamilya nito.Habang nagluluto ay sumasagi pa rin sa isip niya ang ginawa ni Harrison sa kanya kani-kanina lang.Hindi niya maikakaila na nagustuhan niya ang ginawa nito sa kanya.Ang matigas nitong kamay na humaplos sa kanyang pisngi, at ang malaki nitong braso na yumapos sa kanyang baywang.At ang pinakatumatak sa kanyang isipan ay ang ginawa nitong paghalik sa kanyang leeg.Bulta-bultaheng kuryente ang nilikha niyon sa katawan niya.Ganoon pala ang pakiramdam kapag hinahalikan at hinahawakan ng taong mahal naman talaga niya sa umpisa pa lang.Pinaghalong kaba, kilig at excitement ang nararamdaman niya ng mga sandaling magkalapit ang kanilang mga katawan.Lalo pang nagwala ang kanyang puso nang maamoy niya ang mabango nitong hininga.
NGISING ASO si Harrison habang nakasunod sa badtrip na asawa.Sa wakas, natupad na rin ang pangarap niyang makasama ito sa iisang silid.Salamat sa matalino at madiskarte niyang kapatid, dahil kung hindi dahil sa tulong nito ay hindi ito ngayon mangyayari.“Bilisan mo na riyan dahil marami tayong hahakutin! Baka ma-late ka pa sa trabaho, kasalanan ko pa!” mataray na sambit ng kanyang asawa.“Hindi ako ngayon papasok. Dito lang ako ngayong araw.”“Okay. Bahala ka sa buhay mo. Choice mo ‘yan, eh.”Naninibago talaga siya sa ugali nito.Dahil kilala niya itong mahinhin, mabait, mapagpasensiya, at nananahimik lang sa isang tabi kahit na ano pang masasakit na salita ang sabihin niya rito.Sa halip na makipagsagutan ito sa kanya rati sa tuwing inaaway niya ito, ay idinaraan na lang nito sa pag-iyak.Nung gabing makita niya ito sa birthday party, ni wala man lang siyang nakita kahit katiting na reaksyon sa maganda nitong mukha.Nakatingin lang ito sa kanya ng walang ekspresyon, na kung dati n







