LOGINNAKANGITING MUKHA ni Veronica ang bumungad sa kanya matapos siya nitong pagbuksan ng pinto.“Harrison! Sabi ko na nga ba at hindi mo ako matitiis, eh!” masiglang sambit nito sabay yakap sa kanya.Pero hindi pa man nito naididikit ang katawan sa dibdib niya ay mabilis na niya itong itinulak.Kung hindi lang ito napakapit sa pader ay baka bumagsak na ito sa sahig.“Harrison? B-Bakit?” tanong nito na tila nalilito.Nakita niya ang mga galos at sugat sa mukha nito na alam niyang kagagawan ni Kaelin, pero hindi iyon naging sapat para mabawasan man lang kahit kaunti ang galit niya rito.Sa tingin niya ay mukhang mas doble pa ang tinamo kaysa kay Hailey.Pumasok siya sa loob ng silid nito at tinadyakan ang pinto kaya nagsara iyon.“Ano ang ginawa mo sa kapatid ko?!” umiigting ang mga pangang tanong niya rito.Unti-unti siya ritong lumalapit, habang ito naman ay unti-unti ring umaatras.Hanggang sa bumangga ang mga binti nito sa sofa kaya napaupo ito roon.Ngunit mabilis niya itong dinakma sa
“SI VERONICA?” nakakunot-noong tanong niya.“Bakit parang hindi ka yata sigurado na si Veronica ang tinutukoy ko? Bakit, may iba ka pa bang inaasahan maliban sa kanya?” taas-kilay na tanong ni Kaelin.“W-Wala. I m-mean, bakit siya pumunta rito?”“Aba, malay ko! Bakit ako ang tinatanong mo? Di ba palagi naman kayong may communication? So bakit hindi mo alam na pupunta ‘yon dito kanina?” asik nito.“P-Pasensiya na, honey. Hindi ko talaga alam na pupunta siya rito kanina. Hindi ko rin nga alam na nakabalik na pala siya ng Pilipinas, eh. Kahit tanungin mo pa ‘yan si Hailey,” aniya, umaasang sasaklolohan siya ng kapatid.“Speaking of Hailey,” mariing sambit ni Kaelin. “Tingnan mo ang mukha niya! Wala ka bang napapansin?”Tiningnan niya ang mukha ng kapatid.Mabilis niyang nabitiwan ang hawak na kutsara nang makitang napakaraming galos nito sa mukha.Kanina ay hindi niya iyon napansin, siguro ay dahil naamlipungatan pa siya mula sa pagkakatulog.“Hailey, ano ang nangyari sa mukha mo? Bakit
PAGOD NA PAGOD si Harrison buong maghapon.Halos wala siyang pahinga.Kaliwa’t kanan ang kanyang naging meeting, dagdagan pa ng sandamakmak na papeles na kailangan ng review at pirma niya.Pero pagbungad pa lang niya sa pintuan ng bahay ay tila mahikang biglang nawala ang lahat ng kanyang pagod.Ngunit napalitan naman iyon ng sobrang gutom.Paano ba naman, doon pa lang sa pintuan ay amoy na amoy na niya ang aroma ng masarap na pagkaing alam niyang si Kaelin ang nagluluto.Bigla siyang nakaramdam ng panghihina sa isiping hindi rin naman pala niya iyon matitikman kahit pa natatakam siya, dahil si Kaelin lang din ang kakain ng lahat ng iyon.Magkagayunpaman, sumilip pa rin siya sa kitchen.Gustong-gusto niyang pinagmamasdan doon ang asawa habang abala sa pagluluto.Pero laking gulat niya nang makitang hindi nag-iisa si Kaelin doon.Kasama nito si Hailey na nakasuot din ng apron, busy sa paghahalo ng kung anumang niluluto nito.Panaka-naka ay nilalapitan ito ni Kaelin para tingnan ang gin
“A-ARAY…” daing ni Hailey nang ilapat niya sa sugat nito sa mukha ang bulak na may betadine.Dinala niya ito sa kwarto ni Harrison, o mas tamang sabihing kwarto nila ng asawa.Doon lang kasi siya nakakita ng pang-first aid kit, kaya roon niya ito dinala.“Sorry, mukhang masakit nga ang mga sugat mo. Kaunting tiyaga lang at matatapos ko ng lagyan lahat. Hindi kasi ‘yan basta-basta maghihilom kung hindi natin lalagyan ng betadine. Baka maimpeksiyon pa pagnagkataon…” malumanay niyang sambit.“Thank you, ate. Kasi kung hindi ka kaagad dumating kanina, baka mas malala pa rito ang nagawa sa ‘kin ni Veronica…”“Ano ba kasi ang nangyari at sinaktan ka niya?”“Siya ang naunang nanakit, eh. Sinampal niya ‘ko, kaya gumanti ako. Eh mas malakas siya, kaya natalo niya ‘ko.”“Subukan niya pang bumalik dito at guluhin niya tayo ulit, hindi lang iyon ang aabutin niya sa ‘kin!” nanggigigil niyang sambit.“Alam mo, ate? Bilib na bilib ako sa ‘yo kanina. Akalain mo ‘yon? Marunong ka rin palang lumaban. A
“VERONICA, bitiwan mo si Hailey!” sigaw niya sa babae.Laking gulat niya nang pagbukas niya ng pinto ay ang eksenang sinasaktan nito si Hailey ang siyang bumungad sa kanya.Mahigpit itong nakahawak sa buhok ni Hailey habang inginungudngod pa ang mukha sa dulo ng handrail.Ramdam niyang nasasaktan si Hailey dahil nagmamakaawa na ito sa babae na itigil na ang ginagawa.“Huwag kang makikialam dito, Kaelin! Tinuturuan ko lang ng leksyon itong kapatid ng soon to be husband ko dahil parang nakakalimutan na yata kung sino dapat ang kinakampihan at pinipili niya bilang magiging hipag!” nanlalaki ang mga mata nito sa galit.“Bitiwan mo siya sabi, eh!” aniya at pilit na tinatanggal ang mga kamay nitong mahigpit pa ring nakahawak sa buhok ni Hailey.“A-Araaaay!!!” atungal ni Hailey.Kahit naman may sama siya ng loob sa kapatid ng asawa dahil sa pambabastos nito sa kanya noon, hindi niya maatim na pagmasdan na lang ito habang sinasaktan.Namayani pa rin sa kanya ang awa at ang katotohanang kapati
NAGISING si Hailey dahil sa malalakas na katok mula sa main door ng bahay.Tiningnan niya ang oras sa kanyang cellphone, alas nueve na ng umaga.Bigla siyang napabalikwas ng bangon dahil sa pag-aakalang si Kaelin ang kumakatok sa pinto.Baka kanina pa ito roon, paniguradong galit na galit na ito.Talagang masisira ng tuluyan ang image niya rito kapag nagkataon.Kaya kahit walang sapin sa mga paa ay mabilis siyang lumabas ng guest room at tinakbo ang main door.Pero laking gulat niya nang mabungaran doon si Veronica.Alam niyang uuwi ito ng bansa at nalaman niya iyon sa kanilang ina, pero hindi niya inaasahan na dederetso ito roon.Muntik pa siyang mapangiwi dahil sa nakitang hitsura nito.Nakangisi ang labi nitong may makapal at pulang-pulang lipstick.Mayroon itong suot na naglalakihang hikaw at kumikinang na kuwintas.Bumaba ang tingin niya sa suot nitong damit.Nakasuot ito ng black tube dress na hapit na hapit sa katawan nito.Pero tila yata kinulang iyon sa tela, dahil sigurado s







