LOGIN“What’s the matter?” kunot-noong tanong ni Lucifer kay Leonard nang bigla silang tumigil sa gitna ng ilang na lugar sa may bahagi ng Quezon province. May importante siyang nilakad doon kasama ang kanang kamay.
“Sandali lang, boss. Check ko lang sa labas,” anito sabay baba ng kotse.
Ngunit, hindi pa man nakaaapak ang mga paa nito sa lupa, bigla na silang pinaulanan ng bala. Mabilis na yumuko si Lucifer. Isinara naman agad ni Leonard ang pintuan ng kotse. Pagkatapos, sabay pa silang dumukot ng kani-kanilang b**il at nakipagpalitan ng putok sa mga nasa labas.
“Ahh! Sh*t!” palatak ni Lucifer nang madaplisan ito ng bala sa may balikat.
Binuksan niya ang kabilang bahagi ng kotse at doon payukong lumabas. Medyo madilim na rin ang paligid kaya hindi niya gasinong maaninaw ang mga bumab**il sa kanila.
Maya-maya’y narinig niya ang bahagyang pag-ungol ni Leonard. Mabilis niya itong nilapitan at nakita niyang may tama ito ng bala sa tagiliran.
“Sh*t! Sh*t!” sunod-sunod niyang pagmumura habang hawak ang sugat nito. “Kaya mo pa ba?” paanas na tanong niya rito.
Bahagya itong tumango. “I can manage, boss . . .” hirap nitong tugon.
Muling napamura sa kaniyang isip si Lucifer. Tumingin siya sa kasukalan, sa mga nagtataasang puno. Pinakiramdaman niya ang mga iyon, pati na ang pag-ihip ng hangin.
Tahimik. Wala siyang marinig o ang makita man lang. TaLeonarang pagsayaw lang ng mga dahon ang nakikita niya roon.
Gamit ang isang kamay ni Leonard ay ipinatong niya iyon sa balikat at mabilis itong inakay papunta sa likod ng isang malaking puno. “Stay here,” utos niya.
“But, boss . . .” agad na tutol nito kasabay ng pagngiwi.
“I said stay here, Leonard. And if something happens to me . . . alam mo na ang gagawin mo.” Iyon lang at iniwan na niya ito roon.
Muli siyang pinaulanan ng bala ng kung sinumang buma**ril sa kanila. Mabilis siyang tumago sa likod ng kaniyang kotse, pero isang teargas ang inihagis sa tapat niya na unti-unting nagpahilo sa kaniyang hanggang sa mawalan siya ng malay. Nagising na lamang nang makaramdam ng matinding sakit ng katawan.
Isa . . .
Dalawa . . .
Tatlo . . .
Napaigik siya habang tinatanggap ng katawan niya ang mga malalakas na sipa at suntok na iyon. He tried to move— to avoid those punches, but he was tied and blindfolded.
Paulit-ulit siyang sinuntok at sinipa. May isa pang pumukpok sa kaniyang ulo na halos ikawala ng kaniyang ulirat. Kasunod niyon, naramdaman niya ang pag-agos ng sariwang dugo sa gilid ng kaniyang pisngi. Ramdam niya rin ang pagputok ng kaniyang labi dahil may kamaong tumama roon.
“Hindi na siguro makakalaban pa ang isang ’yan,” anang boses ng isang lalaki.
“Sigurado ka ba? Baka nakakalimutan mong isa siyang mafia. Hindi basta-basta nauutas ang mga ganiyang klase ng tao,” sagot naman ng isa pang lalaki.
“Ano ka ba? Wala na rin naman iyang magagawa,” anang lalaking naunang magsalita. “Itatapon din naman natin siya.”
Kasunod niyon ay natahimik ang buong paligid. Noon lang naramdaman ni Lucifer na bahagyang umuuga ang kinalalagyan nila. Mamaya-maya’y may dumaklot sa kaniya at pakaladkad siyang hinila. Tinulungan naman ito ng isa pang lalaki.
“Sigurado ka bang hindi na kailangang b**ilin ang isang ito?” tanong muli ng pangalawang lalaki.
“Hindi na. Sa tingin mo ba makakaligtas pa siya rito?”
Hindi alam ni Lucifer kung ano ang ibig sabihin ng pagtahimik muli ng dalawa, pero masama ang kutob niya.
“Ikaw ang bahala . . . Sabi mo, eh.”
Naramdaman na lang ni Lucifer ang pagbuhat ng mga ito sa kaniya. Sumunod doon ay ang pagbagsak niya sa nakapakalamig na tubig.
Nagpipilwag siya. Pilit niyang iginalaw ang mga paa’t kamay na nakatali. He was trying his best to untie the rope, but to his dismay, it won’t go off.
Unti-unting nawalan ng hangin ang kaniyang dibdib. Kinakapos na siya ng paghinga. Alam niya, anumang sandali ay kakainin na siya ng tubig.
Sinubukan niyang muling alisin ang nakatali sa kaniya, pero mahigpit ang pagkakalagay niyon. Sinigurado talagang hindi siya makakawala at hindi na mabubuhay pa.
As he was fighting for his life, memories came rushing. But the air he had on his body wasn’t enough. Unti-unting naglaho ang mga alaalang iyon kasabay ng dahan-dahang pagpikit ng kaniyang mga mata. Ang huli niyang naramdaman ay ang pagbulusok niya sa mas malalim pang parte ng tubig.
*
Hindi pa rin makapaniwala si Lucciana sa sinapit ng kaniyang buhay. Pagkatapos mailibing ng kaniyang mga magulang, palagi siyang naroroon sa dalampasigan— nakatanaw sa malayo hanggang sa dumilim. Naroon sa isip niya na sana panaginip lang ang lahat. Hinihiling niya rin sa dagat na sana, magising na siya mula sa masamang panaginip na iyon. Ngunit sa tuwing hahampas ang mga alon sa kaniyang mga paa, alam niya sa sariling hindi na iyon mangyayari pa. Dahil ang totoo, iniwan na siya ng mga taong minahal niya nang husto.
Masakit man, ngunit kailangan niyang tanggapin ang katotohanan. Mag-isa na lamang siya sa buhay, walang kaibigan— walang kahit na sinong masasandalan. Kaya ang pasyang pagpunta sa syudad ay pinaghahandaan na niya. Alam niya, ibang mundo ang kaniyang dadatnan. Kahit naman isa lamang siyang probinsyana at walang gasinong nalalaman— sa sinapit niya, nasisiguro niyang mas marumi pa roon ang kaniyang kahaharapin. Mas masalimuot pa roon ang kaniyang tatahakin. At kung handa siya, madali siyang makapamumuhay sa labas ng islang iyon. Madali niyang magagawa ang pinakananais niya.
Huminga siya nang malalim at tumingin sa madilim na kalangitan. Isang bulalakaw ang namataan niyang unti-unting bumabagsak. Madali siyang pumikit at taimtim na humiling. Nang magmulat siya, may bahid na ng luha ang kaniyang mga mata.
“H’wag kayong mag-alala, inang . . . itang, makukuha niyo rin ho ang hustisya balang araw. Pangako ho iyan,” wika niya bago nanalim ang mga mata.
Ilang sandali pa siyang nanatili sa dalampasigan bago napagpasyahang umuwi sa kanilang barong-barong. Dumeretso siya sa kaniyang silid at pinilit ang sarili na matulog. Nagising na lamang siyang naghahabol ng paghinga at pawisan. Kaybilis din ng tibok ng kaniyang puso.
“Hah!” Ilang beses na huminga nang malalim si Lucianna. Pilit niyang pinakakalma ang sarili. Nang hindi huminto sa mabilis na pagpintig ang kaniyang puso, umupo siya sa ibabaw ng kaniyang higaan.
Binangungot na naman siya. Subalit, kung dati ay may mga bata siyang nakikita na walang mga mukha kasunod ng tila pagkalunod niya, ngayon naman ay nadagdagan pa iyon ng imahe ng duguan niyang mga magulang. Humihingi ang mga ito ng tulong sa kaniya, ngunit wala naman siyang magawa.
Mahigpit niyang iniyakap ang mga braso sa kaniyang mga binti at tahimik na umiyak. Ganoon siya gabi-gabi, mula nang patayin ang kaniyang mga magulang. Palagi siyang nagigising sa kalagitnaan ng kaniyang pagtulog at pinangangapusan ng hininga.
Kailan ba matatapos ang mga bangungot niyang ito? Alam niya sa sariling hustisya ang kailangan ng kaniyang mga magulang, ngunit paano naman iyong nalulunod siya? Paano niya ba iyon hahanapan ng sagot?
Nanlalabo ang mga matang tinignan niya ang gaserang ilawan na nakapatong sa tabi ng kaniyang papag. Aminin niya o hindi, malabo ring magkaroon ng linaw ang pagkamatay ng kaniyang mga magulang, kahit gaano pa siya kadeterminado. Unang-una na riyan ang gagastusin niya sa kaso at sa pagtigil niya sa syudad. Wala siyang pera, lalong wala ring naiwang kahit na ano ang kaniyang ama at ina. High school lang ang tinapos niya, na kung hindi pa niya tyinaga ay baka hindi pa niya natapos. Nasa kabilang isla pa kasi ang paaralan sa sekundarya dahil mas malaki iyon at mas marami ang populasyon. Wala pati siyang alam na puwedeng lapitan. Hindi niya alam kung may mga kamag-anak ba sila dahil buong buhay niya, hindi naman sila umalis ng islang iyon. Wala rin namang nababanggit sa kaniya ang mga magulang noong nabubuhay pa ang mga ito. Kaya nga hindi siya makaluwas kasi kailangan niyang mag-ipon— kailangan niyang maghanda ng pera.
Gulong-gulo ang isip ni Lucianna na lumabas siya ng kanilang bahay at naglakad-lakad sa dalampasigan kahit pa nga alas-kwatro pa lang noon ng madaling araw. Hindi na siya makababalik pa sa pagtulog dahil sa tuwing ipipikit niya ang mga mata nagmamakaawang mukha ng kaniyang ina at ama ang nakikita niya.
Malayo-layo na rin ang nalakad niya. Tumigil muna siya sandali at tumanaw sa malayo. Hinayon ng mga mata niya ang walang hanggang kadiliman, habang tanging hampas lang ng mga alon ang kaniyang naririnig sa paligid. Para bang doon ay makakukuha siya ng sagot sa kaniyang mga katanungan.
Nilingon niya ang kanilang barong-barong. Maliit na lang iyon sa paningin niya. Nang igala niyang muli ang paningin sa paligid, may nahagip na kung ano ang kaniyang mga mata. Dala ng malalakas na alon, palapit nang palapit ang lulutang-lutang na iyon sa kinatatayuan niya.
Salubong ang mga kilay na pinagmasdan niya iyong maigi. Nang iilang dipa na lang ang layo niya, napagtanto niyang isang tao iyon!
Pinangilabutan siya sa nakita. Nais niyang tumakbo pabalik sa kanila, pero hindi naman gumagalaw ang mga paa niya. Para iyong ibinusok at kusang nag-ugat sa kaniyang kinatatayuang buhanginan.
Muling nilingon ni Lucianna ang nakita. Ilang beses niyang ikinurap ang mga mata at tiniyak kung tama ang nakikita niya.
Ngunit kahit anong kurap niya, iisa lang ang rumerehistro sa kaniyang mga mata— tao iyon, subalit hindi niya alam kung buhay pa ba o patay na!
Asul na asul ang kalangitan ganoon din ang napakalawak na karagatan. Maraming nagliliparang ibon sa himpapawid habang payapa namang humahalik ang mga alon sa buhanginan.Napakapayapa ng kapaligiran— malayo sa maingay na lungsod. Manaka-naka ay maririnig doon ang matitinis na halakhakan. Animo’y wala ng katapusan pa ang kasiyahang iyon.“Larson, don’t go there, buddy!” ani Lucifer sa tatlong taong gulang nilang anak ni Eleanor. Patungo kasi ito sa tubig.Subalit, hindi ito tumigil kaya napatakbo siya. “Huli ka!” Malakas namang tumawa si Larson. “I told you not to go there. Hindi ka pa sanay na lumangoy sa malalim. Saka, hindi pa ready maligo si daddy.”“Pelo, daddy, usto ko po swim, eh. ’Di po ba pede?” nakikiusap nitong tanong.“Uhm . . .” Nag-iisip na lumingon siya
“Here she is!” narinig niya tili ng kaniyang Mommy Emelie bumubungad pa lang sila ni Lucifer sa entrada ng mansyon ng mga Juarez.“Tita—”“Oh, God! I missed you so much, hija!” agad na putol nito sa sasabihin ng kaniyang asawa. Isang mahigpit na yakap ang iginawad nito sa kaniya.Nagulat man, nakuha pa ring tugunin ni Eleanor ang yakap na iyon. Maya-maya pa, narinig niyang humihikbi ang kaniyang ina.“I’m glad you are safe. I’m glad we found you. I’m so glad that you are already here— with us. Sorry . . . Sorry, my sweetheart. Sorry for everything,” pulit-ulit nitong sambit kasabay ng pagluha, kaya naiyak na rin siya.“Thank you, Lucifer— for never stopping. After all these years, ikaw lang talaga ang nagtyagang hanapin ang anak namin. Kami man ay nawalan na rin ng pag-asang babalik pa si El
Hindi mapakali sa backseat si Eleanor. Kanina pa siya kinakabahan. Hindi kasi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nagkaharap na sila ng kaniyang pamilya. Natatakot siyang baka hindi ganoon ka-warm ang pagtanggap ng mga ito sa kaniya.Naramdaman niyang may pumisil sa kamay niyang namamawis. Napatingin siya sa katabi.“Relax, honey . . . Huwag mo ring kalimutang narito ako sa tabi mo sa lahat ng sandali,” masuyong wika ni Lucifer.Ngumiti siya rito, halatang pilit. “Hindi mo naman siguro maiaalis sa akin na kabahan. Ito ang unang beses na makikilala ko sila. Kahit pa naman sabihing kilala ko na si Kie— I mean . . . kuya, hindi pa rin ako mapalagay. Paano kung iba pala sila? Paano kung iyong impostor na Eleanor na iyon ang gusto nila? Sabi mo nga, hindi agad sinabi ni mommy ang totoo dahil ayaw niyang mawala ang kasiyahan nila.”“Tsk! Hindi mangyayari iyon. Alam naman na nila ang totoo. At para matigil ka na sa kaiisip mo, ako na ang nagsasabi sa ’yo— excited na silang la
Naalimpungatan si Eleanor nang maramdamang may nakatitig sa kaniya. Agad na nanayo ang mga balahibo niya sa buong katawan. Kagyat ding napamulat ang kaniyang mga mata. She then met a longing gaze. The gaze she was missing for all this time.Agad ang pagbaha ng emosyon sa kaniyang dibdib. Walang sabi-sabing yumakap siya nang mahigpit sa katabi kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha.Oh, she missed him! She missed him terribly!Gumanti ito ng mahigpit na yakap sa kaniya. “I’m sorry. Gusto ko rin namang hayaan ka muna— hintayin ang kusa mong pagbabalik, pero hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang mawalay sa iyo nang napakatagal na panahon. Mamama**y ako, El . . . Mamama**y ako,” bulong nito sa tenga niya, paulit-ulit.Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakayakap dito, umiiyak— ninanamnam ang mga sandaling iyon, ninanamnam ang init na hatid ng katawan nito. Ang pamilyar
Huminga siya nang malalim at tumingin dito. “Kaya mo bang pat**in ang sarili mong kapatid?” deretsahang tanong niya.Nag-isang linya ang mga kilay nito. “Ano ba’ng sinasabi mo?”“I have all the evidence here. Kung ikaw mismo ang gagawa ng paraan para mawala siya, ibibigay ko ito sa ’yo. Kung hindi naman, huwag mo ng asahan na makikita mo pa siyang buhay. Dahil ako mismo ang tatapos sa kaniya,” mariing wika ni. Hindi niya rin mapigilang mag-apoy ang mga mata sa galit.Nakita niyang nahulog ito sa malalim na pag-iisip. Pagkatapos, tumingin ito sa kaniya.“Alright . . . Give it to me.”Napataas ang isang kilay niya. “Ganoon kadali? Are you sure kaya mong gawin ang nais ko?”Tumayo ito at tumingin sa kawalan. “Do you want an honest answer?”“Yes. Iyon la
Panay ang buntonghininga ni Eleanor habang nakatitig sa apoy na tila nagsasayaw sa tungkuang lupa. Kasalukuyan siyang nagluluto ng kaniyang agahan, pero lagpas alas-diyes na ng umaga. Madalas ay ganoon ang rutina niya sa isla mula nang umuwi siya roon. Gigising ng tanghali, matutulog ng madaling araw. Minsan pa, hindi talaga siya dalawin ng antok.Tila wala sa sariling binuksan niya ang kalderong nakasalang. Bigas ang laman niyon, pang buong maghapon na niyang kainan. Dahil kung hindi niya gagawin iyon, baka pati pagkain ay katamaran na niya. Palagi kasi siyang walang gana, palaging tulala, at palaging malungkot. Alam naman niya kung ano at sino ang dahilan niyon, hindi niya lang magawa pang tanggapin ang lahat.Muli niyang ibinalik ang takip ng kaldero nang makitang hindi pa naman kumukulo iyon. Dahil sa pagiging lutang niya, hindi niya naisip na kasasalang pa lang niya sa niluluto at kalahating oras pa ang hihintayin niya bago maluto iyon.







