Share

CHAPTER 4

Author: Gael Aragon
last update Huling Na-update: 2025-09-08 19:56:44

Hindi pa rin gumagalaw si Lucianna sa kaniyang kinatatayuan. Pabali-balik ang tingin niya sa barong-barong nila, pagkatapos ay sa taong nakalutang sa dagat. Dahil sa nangyari sa ama’t ina niya, nagkaroon na siya ng takot sa mga ganitong bagay. Baka kung sino na lang ang taong ito at mapahamak pa siya. Maaari ring isa ito sa mga lumusob noon sa kanila.

O baka naman isang simpleng mangingisda lang na dinaanan ng masamang panahon sa pamamalakaya at nangangailangan ng tulong, bulong ng kabilang bahagi ng kaniyang isip.

Sa naisip, mabilis siyang lumusong sa tubig. Pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya nang mapatigil muli. Hindi nga pala siya marunong lumangoy! May ilang dipa pa ang layo nito sa kaniya at medyo may kalaliman pa ang parteng iyon na kinaroroonan nito.

Ilang sandali rin siyang nag-alinlangan kung sasagipin pa ba niya ito o hindi, dahil baka siya naman ang mapahamak. Hindi niya alam kung bakit, pero kahit tagaroon sila sa tabing dagat, hindi niya nakuhang mag-aral na lumangoy. Hindi naman siya noon tinatanong ng kaniyang mga magulang— hindi rin siya pinilit turuan ng mga ito. Dahil nang isang beses na mag-aral siyang lumangoy kasama ang ina, kamuntikan na siyang nalunod. Kaya hindi na siya umulit pa.

Subalit, nang tingnan niya ang lumulutang na tao, may malakas na bumubulong sa kaniyang isip na tulungan ito. Kaya kahit hindi marunong lumangoy, pikitmatang nilakad niya nang dahan-dahan ang kinaroroonan nito. Nakalublob ang ulo nito sa tubig kaya kaagad niya itong itinihaya. At laking gulat niya nang mapagmasdan ang itsura nito.

Isa itong lalaki!

Malaki ang pangangatawan nito, at kapansin-pansin ang pangingitim ng mukha nito. Punit-punit ang damit nito at may mga sugat sa buong katawan. Natuon ang mga mata niya sa malaking sugat nito sa braso na tila sariwang-sariwa pa. Umaagos pa kasi roon ang sariwang dugo. May sugat din ito sa noo, na parang pinukpok ng isang bagay.

Kaagad na pinulsuhan ni Lucianna ang lalaki, gaya ng turo noon sa eskwelahan nila tungkol sa first aid. Nakahinga siya nang maluwag nang maramdaman ang pulso nito ngunit mahinang-mahina iyon.

Hinila niya ang katawan ng lalaki patungo sa pampang. Pagkatapos, ubod lakas niya itong itinayo. Hindi niya alam kung kakayanin niya itong madala sa kanila— pero susubukan niya, dahil halos doble yata niya ang bigat nito.

Nag-aalalang luminga siya sa paligid upang makasigurong walang tao roon. Malapit ng sumikat ang araw kaya parating na ang mga mangingisda at magsisimula na ring magsilabasan ang mga taga-isla para sa pang-araw-araw nilang gawain.

Nang masigurong walang makakakita sa kanila, kagat-labing pinasan niya ang estranghero papunta sa barong-barong nila. Halos bumigay ang mga binti niya nang sapitin nila ang kanilang bahay.

Mabilis ang kaniyang mga kilos. Agad niyang inihiga ang lalaki sa kaniyang papag at isa-isang hinubad ang kasuotan nito. Napatigil siya sandali nang tumambad ang malapad nitong dibdib sa kaniya. May malaking tattoo ito roon ng ibong kulay itim, na nahihinuha niyang isang uwak. Nakabukas ang mga pakpak niyon habang ang mga paa niyon ay nakapatong sa isang bungo.

Muli ang pagragasa ng takot sa dibdib ni Lucianna. Hindi niya alam kung tama ba ang ginagawa niya. Baka kasi ikapahamak niya nang tuluyan ang pagtulong sa lalaking iyon. Kahit pa sabihin niyang gwapo ito, dahil sa matangos nitong ilang, malalantik na pilikmata, maninipis ngunit mapupulang mga labi, pangahang mukha at alon-alon na buhok, estranghero pa rin ito. Wala siyang alam sa totoong pagkatao nito.

Nagawi ang mga mata niya sa sugat nito sa braso. Dumudugo pa rin iyon. Kaya ang pag-aalinlangan niya, muling napalitan ng awa at kagustuhang mailigtas ito.

Nagpatuloy siya sa paghuhubad sa lalaki. Napangingiwi pa siya sa tuwing makikita ang mga tinamo nitong sugat. Kulang na lang, baliin na ito ng buto para lamang huwag ng mabuhay. O baka iyon nga talaga ang rason ng sinapit nito— ang mamatay na ito.

Sa kaiisip ni Lucianna, hindi niya namalayan kung saan na nakakapit ang mga kamay niya. Nang matitigan niya iyong maigi, agad niyang binawi ang mga kamay na animo’y napaso. Dama niya ang pamumula ng mukha habang pilit iniiiwas ang mga mata sa natitirang saplot sa katawan ng lalaki— ang brief nito.

Ilang beses muna siyang huminga nang malalim, bago ipinikit ang mga mata nang mahawakan niya ang garter niyon. Pagkatapos, dahan-dahan niya iyong hinubad at pakapang hinanap agad ang kaniyang kumot. Ibinalot niya iyon sa kataawan ng lalaki.

Nang wala na ang sagabal sa katawan nito, kumuha siya ng malinis na tuwalya at pinunasan ang katawan nito. Kumuha rin siya ng ilang pirasong damit ng kaniyang ama at siyang isinuot dito. Nang matapos sa ginagawa ay muli niya itong pinulsuhan. Napakunot ang noo niya nang maramdamang mainit ito. Hinipo pa niya ang noo nito para makasigurado.

“Naku! May lagnat nga!” Napailing-iling siya nang makitang nanginginig ang katawan nito.

Agad siyang kumuha ng planggana na may tubig at pinunasan ang namamawis nitong katawan. Bahagyang nawala ang panginginig ng katawan nito kaya isinunod naman niyang gamutin ay ang mga sugat nito. Nagtungo sa silid ng kaniyang mga magulang at kinuha roon ang langis na may kung ano-anong dahon na gawa ng kaniyang inang. Mabisang gamot iyon sa mga sugat dahil iyon ang ginagamit nito sa kaniya noong nabubuhay pa ito, sa tuwing masusugatan siya pati na ang itang niya.

Pagbalik sa kaniyang kwarto ay kumuha siya ng bulak sa lagayan niya ng damit at muling nilapitan ang sugatang lalaki. Marahan niyang idinampi sa mga sugat nito ang bulak na may langis at masuyong hinihipan pa iyon na tila nakakaramdam ang lalaki ng hapdi.

Nang sa wakas ay ayos na ito, pinagmasdan niyang muli ang mukha ng lalaki. Mala-adonis talaga ito. Parang iginuhit ang makakapal nitong mga kilay ng isang magaling na pintor. At kung wala lang talaga itong mga sugat sa mukha, nasisiguro niyang mas makinis pa ang balat nito sa kaniya.

Dumako ang tingin niya sa may braso nito. Tamang-tama lang iyon at mamasel. Tila kaya nitong makipag-amok sa kahit sampung kalalakihan.

Pero ano kayang nangyari sa kaniya? Bakit kaya siya sugatan? May kaaway ba siya? Manganganib din ba ako dahil sa pagliligtas ko sa kaniya? sunod-sunod na tanong niya sa isipan.

Pero paano kung isa pala ito sa mga sumugod noon sa bahay nila? Ano na lang ang gagawin niya? Gagamutin pa ba niya ito kung pagkatapos noon ay papatayin rin siya nito?

Oo nga! Baka binalikan nila ako! Baka sinisiguro talaga nilang walang kasama sina itang noon, tapos kapag meron, papa**yin din nila!

Nanghilakbot siya sa mga naiisip kaya’t mabilis na ipinilig ang ulo.

Hindi. Hindi naman siguro ganoon ito. Malakas ang pakiramdam niyang isa itong mabuting tao. Iyon nga lang, hindi pa rin naman siya sigurado kaya mas mainam na mag-ingat pa rin siya. Kung ano’t anuman ang mangyari, kailangang handa siya upang hindi siya masaktan nito.

Upang mapalis ang mga alalahanin sa isip, iniwan niya ang binata sa kaniyang silid at nagtungo sa kusina. Nagpainit siya ng tubig sa tungkuang kahoy nila. Pagkakulo noon ay nagsaing naman siya.

Pumasok siyang muli sa loob ng kaniyang kwarto at kinuha ang nakatabing salapi doon. Kumuha siya ng Isang Daan at muling lumabas ng kanilang barong-barong. Nag-abang siya ng mangingisda sa dalampasigan at bumili sa halagang dala niya. Nanalbos din siya ng dahon ng kamote para isahog doon.

Pagbalik sa kanila ay iniluto niya iyon at siya niyang inalmusal. Palingon-lingon pa siya sa kaniyang silid sa pagbabakasaling gising na ang lalaki, ngunit tila hindi pa iyon mangyayari sa araw na iyon dahil sa mga tinamo nitong sugat. Kaya’t pagkatapos kumain ay ginawa na niya ang kaniyang pang-araw-araw na gawain, habang paminsan-minsan ay sinisilip niya ang estranghero sa kaniyang silid.

*

Lumipas ang tatlong araw ay hindi pa rin nagkakamalay ang lalaki. Naiisip ni Lucianna na baka isang buwan o taon pa ito bago magising.

Ngunit habang nagmumuni-muni siya sa labas ng kanilang barong-barong, mayroong baritonong boses ang nagsalita sa likuran niya.

“Sino ka?” malamig na tanong nito.

Dahan-dahan siyang lumingon. Sumalubong sa kaniya ang malamig na mga mata nito at walang kaemo-emosyon na mukha. Kinabahan siya pero hindi niya ipinahalata.

Ngumiti siya rito, may pag-aalangan. “Gising ka na pala. Ako nga pala si Lucianna . . . Lucianna Macaraig. Ako ang nagligtas sa ’yo,” pakilala niya.

“Where am I?” malamig na tanong nito.

Napakunot ang noo niya. “Ha?” Mabilis ito at may accent kung magsalita kaya hindi niya masyadong maintindihan. Isa pa, English iyon. Nakauunawa naman pero bilang lang.

Inirapan siya nito na parang isang babae.

Bakla ba ’to? takang tanong niya sa isipan.

“Ang sabi ko, nasaan ako?” iritang wika nito.

Nawala ang kabang nadarama niya at bahagyang natawa. May sawit kasi ang pagta-tagalog nito. Para bang hindi ito sanay magsalita sa lengguwaheng ng mga pilipino.

“Nasa bahay kita, sa isla namin. Nakita kasi kita sa dalampasigan na palutang-lutang at duguan, kaya tinulungan kita at dinala dito upang gamutin,” aniya habang nakatingin dito. “Teka, ano nga pa lang nangyari sa ’yo? Sino ka? Ano’ng pangalan mo? Sa’n ka nakatira?” sunod-sunod na pag-uusisa niya rito.

Ang takot ay tuluyan ng napalitan ng koryusidad habang tinititigan niya ang estranghero. Para bang may kakaiba itong epekto sa kaniya na hindi niya maipaliwanag. Isang pakiramdam na banyaga sa kaniyang pandama.

Bahagyang tumaas ang sulok ng labi ng lalaki nang makita ang kaniyang ginagawa. Saglit itong nag-isip pagkakuwa’y, “Ako si . . . Victor. Victor Rodriguez. Isa akong mangingisda sa kabilang isla. Naabutan ako ng masamang panahon habang nasa laot at tumaob ang bangkang sinasakyan ko,” tugon nito.

Mas lalong dumami ang mga gatla sa kaniyang noo. Hindi niya mapaniwalaan ang sinasabi nito dahil hindi ganitong tipo ng lalaki ang mga mangingisda na nakikita niya. Saan ba naman kasi mayroong ganito kagwapo at kakinis na mangingisda at tipong ang bango-bango pa?

Wala naman yata, aniya sa sarili at pailalim itong tiningnan.

Isa pa, ilang linggo lang ang nakalilipas mula nang mamatay ang kaniyang mga magulang. Mahirap nang magtiwala kaagad sa ibang tao lalo na kung kakikilala niya pa lang. Baka kasi mamaya, isa ito sa mga taong pumatay sa mga magulang niya at siya naman ang isunod.

“Kung tumaob lang ang bangkang sinasakyan mo, bakit may mga sugat at pasa ka? Ang lalaki pa noong iba.” Hindi niya inaalis ang tingin dito. Gusto niyang masiguro na nagsasabi ito ng totoo.

 Hindi naman nagpatinag ang lalaki. Lumaban ito ng titigan sa kaniya. “Bakit hindi mo subukang mangisda para alam mo ang sagot sa tanong na iyan?” pasupladong tugon nito.

“Aba’t!” Pinamaywangan niya ito. “Kaya nga kita tinatanong? Bakit? Mahirap bang sagutin ang tanong ko? O baka naman nagsisinungaling ka lang,” nang-aarok ang mga tinging wika niya.

Inis na napasabunot ang lalaki sa kaniyang buhok. “Kung ayaw mong maniwala sa sinasabi ko, ang mabuti pa, aalis na lang ako.” Akmang hahakbang na ito palabas nang biglang mawalan ng balanse at matumba.

Napaiiling na napabuntonghininga na lamang siya. Mukhang wala siyang ibang pagpipilian kundi ang tulungan ito— sa ngayon.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 6

    Iika-ikang lumabas ng silid si Lucifer nang magising siya kinabukasan. Hinahanap niya si Lucianna pero wala ito roon.Iniikot niya ang mga mata sa kabuuan ng bahay. Magkasama na ang kusina at sala niyon. May upuan lang na pahabang kawayan sa sala at lamesang yari din sa kawayan na may nakapatong na halaman, kaya niya nalamang sala nga iyon. Ang kusina naman, may kahoy na lamesa at tatlong upuang kahoy rin. May maliit na lababo kung saan naroon na ang lahat: mga plato, gamit sa pagluluto at mga condiment kagaya ng mantika, toyo, asin, suka, sibuyas at bawang na nakalagay sa isang maliit na basket at kung ano-ano pa. Katabi ng lababo ang isang tungkuan na yari naman sa lupa. Napakaliit ng bahay na iyon, ngunit napakalinis. Wala ring masiyadong gamit kaya maaliwalas tingnan.Ngunit, kahit dalawa ang silid ng bahay ni Lucianna, mas malaki pa rin na di-hamak ang kabuuan ng kwarto niya roon. Pero nagtataka pa rin siya kung mag-isa nga ba roon ang

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 5

    Maghapong muling nakatulog si Lucifer sa isang maliit na silid, kung silid nga bang matatawag iyon. Halos kasing laki lang kasi iyon ng banyo niya sa mansyon nila. Ang papag na kaniyang kinahihigaan ay yari sa kawayan na ni wala man lang kutson at banig lang ang sapin. May maliit iyong bintana na may kurtinang halatang lumang-luma na. Walang kuryente at ilaw na de-gas ang gamit. Ang dingding ng buong kabahayan ay yari sa sa pinagdikit-dikit na kawayan, habang pawid naman ang bubungan. May isa roong maliit na aparador na alam niyang lagayan ng damit. At sa tabi nang hinihigaan niya, isang lamesang yari din sa kawayan ang naroon kung saan may nakalagay na kung ano-ano.He breathed, in and out. Mabagal lang niya iyong ginawa dahil bukod sa masakit pa ang buong katawan niya, kumikirot din ang kaniyang mga sugat. Hindi pa talaga siya magaling, nagpilit lang siyang bumangon kanina para alamin kung nasaan siya. Akala nga niya hindi na siya makaliligtas pa. Mabuti na lang at may isla siyang p

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 4

    Hindi pa rin gumagalaw si Lucianna sa kaniyang kinatatayuan. Pabali-balik ang tingin niya sa barong-barong nila, pagkatapos ay sa taong nakalutang sa dagat. Dahil sa nangyari sa ama’t ina niya, nagkaroon na siya ng takot sa mga ganitong bagay. Baka kung sino na lang ang taong ito at mapahamak pa siya. Maaari ring isa ito sa mga lumusob noon sa kanila.O baka naman isang simpleng mangingisda lang na dinaanan ng masamang panahon sa pamamalakaya at nangangailangan ng tulong, bulong ng kabilang bahagi ng kaniyang isip.Sa naisip, mabilis siyang lumusong sa tubig. Pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya nang mapatigil muli. Hindi nga pala siya marunong lumangoy! May ilang dipa pa ang layo nito sa kaniya at medyo may kalaliman pa ang parteng iyon na kinaroroonan nito.Ilang sandali rin siyang nag-alinlangan kung sasagipin pa ba niya ito o hindi, dahil baka siya naman ang mapahamak. Hindi niya alam kung bakit, pero kahit tagaroon sila sa tabing dagat, hindi niya nakuhang mag-aral na lum

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 3

    “What’s the matter?” kunot-noong tanong ni Lucifer kay Leonard nang bigla silang tumigil sa gitna ng ilang na lugar sa may bahagi ng Quezon province. May importante siyang nilakad doon kasama ang kanang kamay.“Sandali lang, boss. Check ko lang sa labas,” anito sabay baba ng kotse.Ngunit, hindi pa man nakaaapak ang mga paa nito sa lupa, bigla na silang pinaulanan ng bala. Mabilis na yumuko si Lucifer. Isinara naman agad ni Leonard ang pintuan ng kotse. Pagkatapos, sabay pa silang dumukot ng kani-kanilang b**il at nakipagpalitan ng putok sa mga nasa labas.“Ahh! Sh*t!” palatak ni Lucifer nang madaplisan ito ng bala sa may balikat.Binuksan niya ang kabilang bahagi ng kotse at doon payukong lumabas. Medyo madilim na rin ang paligid kaya hindi niya gasinong maaninaw ang mga bumab**il sa kanila.Maya-maya’y narinig niya ang bahagyang pag-ungol ni Leonard. Mabilis niya itong nilapitan at nakita niyang may tama ito ng bala sa tagiliran.“Sh*t! Sh*t!” sunod-sunod niyang pagmumura habang haw

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 2

    “Are you sure about this information?” seryoso ang mukhang tanong ni Lucifer sa kaniyang kanang kamay na si Leonard, habang binabasa ang laman ng envelope.Nasa opisina niya ito sa loob ng FGC Building o Fernandez Group of Companies Building. A multibillion company with the biggest textile factories and bevearages in the country. Their company also owned multiple malls and banks, inside and outside Metro Manila, and an IT and security agency based in Metro.Ngunit lahat ng ito ay front lang sa totoong business ng mga Fernandez. Dahil bukod sa mga nabanggit, ang angkan nila ang may pinakamalaki at pinakamalawak na underground organization sa bansa, ang Code of the Revenant Order, na matagal ng namamayagpag hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa mga karatig bansa sa Asya.“Yes, boss,” tugon nito kasabay ng pagtango.Tinitigang mabuti ni Lucifer ang isang larawan, pagkatapos ay ang mga batang paslit na nasa loob ng isang malaking container van. Pinaraanang muli ng kaniyang mga mata an

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 1

    “Habulin mo ako!” anang batang lalaki na walang mukha na kumakaway sa batang babae pagkatapos ay mabilis na tumakbo. “Bilis! Habulin mo ako!” sigaw nito habang papalayo nang papalayo sa batang babae, hanggang sa bigla na lang naglaho ito.Maya-maya’y biglang nagdilim ang paligid at nakarinig ang batang babae ng malakas na pag-iyak. Nagtaka pa ito nang makita ang sarili habang buhat-buhat ng armadong lalaki. Iyak ito nang iyak pero muli ring naglaho at napalitan ng napakadilim at napakalalim na tubig. Hindi ito makahinga. Para itong sinasakal nang mga sandaling iyon. Saklolo! sigaw nito ngunit tila walang salitang lumalabas sa bibig.Sak—Unti-unting lumubog ang ulo nito. Hinihigop ito ng tubig pailalim— pailalim nang pailalim. Hindi ito makagalaw hanggang sa tuluyan itong hindi makahinga.“Hah! Hah! Hah!” Humihingal na kaagad na bumangon si Lucianna. Hindi maipaliwanag ang nadarama niyang takot sa didbib habang hawak ang kaniyang leeg at mahigpit iyong hinahagod. Halos lumabas din a

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status