Share

CHAPTER 2

Author: Gael Aragon
last update Huling Na-update: 2025-09-08 19:55:48

“Are you sure about this information?” seryoso ang mukhang tanong ni Lucifer sa kaniyang kanang kamay na si Leonard, habang binabasa ang laman ng envelope.

Nasa opisina niya ito sa loob ng FGC Building o Fernandez Group of Companies Building. A multibillion company with the biggest textile factories and bevearages in the country. Their company also owned multiple malls and banks, inside and outside Metro Manila, and an IT and security agency based in Metro.

Ngunit lahat ng ito ay front lang sa totoong business ng mga Fernandez. Dahil bukod sa mga nabanggit, ang angkan nila ang may pinakamalaki at pinakamalawak na underground organization sa bansa, ang Code of the Revenant Order, na matagal ng namamayagpag hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa mga karatig bansa sa Asya.

“Yes, boss,” tugon nito kasabay ng pagtango.

Tinitigang mabuti ni Lucifer ang isang larawan, pagkatapos ay ang mga batang paslit na nasa loob ng isang malaking container van. Pinaraanang muli ng kaniyang mga mata ang impormasyong nakasulat doon. Diosdado Buenavidez: human trafficking and child exploitation. May ilang larawan din ng mga organ ng tao na illegal na ipinupuslit palabas ng bansa.

“When will be their next transaction?” tanong niya pagkaraan ng ilang sandali.

“The day after tomorrow. They will have their biggest transaction na idadaan sa pier sa south,” mabilis na sagot ni Leonard.

“Will he be there?” muli niyang tanong na ang tinutukoy ay si Diosdado Buenavidez.

“Yes, boss. Kailangang naroon siya dahil hindi basta-bastang halaga ang dadating. At palagay ko’y ayaw ng kaniyang kliyente na makipagtransakyon sa iba— tanging kay Mr. Buenavidez lang.”

Napatango naman siya sa mga sinabi nito.

“Ready our men. We will make a plan in three hundred hours to eliminate this man,” he said in a cold voice.

“Yes, boss!” At pagkasabi noon ay iniwan na siya ni Leonard.

Habang tinititigan ni Lucifer ang larawan ng may edad na lalaki, unti-unting nabuhay ang galit sa dibdib niya. Hindi dapat binubuhay ang kagaya nito. Ang nararapat dito, binubura sa mundong ibabaw upang hindi na makapaghasik pa ng lagim sa lipunan.

Nang tingnan niya ang larawan ng mga batang paslit, napakuyom ang mga kamao niya. Mahigpit na mahigpit na halos mapunit na ang papel sa kaniyang mga palad.

“Hindi ako titigil hangga’t hindi kayo nauubos,” bulong niya sa sarili.

“Boss, we’re ready,” ani Leonard na hindi niya napansing naroon na palang muli.

Tumango siya at tumayo. Nauna rin siyang maglakad sa kaniyang kanang kamay. Sumakay sila sa isang private elevator, na siya at ang kaniyang ama lang ang may access. Pinindot niya ang special button na may tatak na uwak, at hindi naglipas sandali ay muli iyong bumukas. Tumambad sa kaniya ang nakaabang na mga tauhan sa isang lihim ring silid sa pinaka-basement ng gusaling pag-aari nila. May malaking larawan ng uwak na nasa loob ng hugis pabilog; kung saan nakasulat ang pangalan ng organisasyon nila, sa pinakadingding niyon.

“Boss!” Sabay-sabay na tumayo ang mga ito at parang iisang taong sumaludo sa kaniya. Parang mga sundalo ang mga ito kung titingnan.

Bilang lider ng kanilang organisasyon, mataas ang respeto ng mga ito sa kaniya. May ilan mang nangangayaw dahil sa mga pagbabagong ginawa niya, ngunit wala siyang pakialam sa mga ito. He is their leader— their master. His rules must be followed whether they like it or not. Para kasi sa iba, wala raw dapat sinasanto ang kanilang samahan.

But he’s different compared to his father, Silvestre, and his Uncle Alfonso. He may have the coldest aura, but he has a kind heart to those who were suffering from the hands of greedy people. Kaya ang target ngayon ng organisasyon nila ay lipunin lahat ng masasamang tao na nagpapahirap sa kapwa nila. Hindi man iyon ang tamang paraan, malaking tulong pa rin iyon sa kanilang lipunan.

Iniabot ni Leonard ang envelope sa isa pa niyang tauhan na kapatid nito mismo, si Phoenix. Ang IT expert ng kanilang samahan.

Tiyak ang bawat kilos, ipinatong ni Phoenix ang mga impormasyon sa isang tila bubog na lamesa, at maya-maya pa ay nag-appear na iyon sa malaking screen sa harapan nila. They used the most high-tech technologies so far. From the camera’s, computer, tracking device, earpiece and many more that could help them with their missions. Kaya walang lumalagpas na impormasyon sa kanila.

“This is our target,” simula ni Leonard sa briefing, habang si Lucifer ay nakaupo at nakikinig.

“In twenty-three hundred hours, the day after tomorrow, may isang malaking transaksyon na magaganap sa south. Kinakailangan nating masabotahe ito at mapatay ang taong nakikita niyo sa screen,” patuloy nito at itinuro ang larawan ni Mr. Buenavidez.

“Guards and his minions for this transaction will be heavily armed dahil nga malaking salapi ang nakataya rito, kaya mag-iingat ang lahat. Once we k**led the target, alam niyo na ang gagawin ninyo: pakakawalan ang mga bihag at ang pera ay deretso sa dapat nitong kalagyan. At gaya nang lagi naming sinasabi, kapag may sumabit— huwag kakanta. Dahil sinisiguro namin sa inyo na maiiligtas kayo ng organisasyon. Nagkakaintindihan ba tayo?” malamig ang tinig na tanong nito sa kanilang mga myembro.

“Yes, sir!” iisang tugon ng mga ito.

Tumayo si Lucifer. “I’ll handle this case myself kaya siguraduhin ninyong walang magkakamali. Because you know the price if that’s happen,” mas malamig pa sa yelong wika niya at isa-isang tiningnan ang kaniyang mga tauhan.

“Yes, boss!”

“Get ready . . .” Iyon lang at iniwan na niya ang mga ito roon, habang nakasunod sa kaniya si Leonard.

“Are you gonna inform your uncle about this?” tanong nito nang pasakay na sila ng elevator.

Huminga siya nang malalim. “No. Hindi na niya kailangan pang malaman ito. Baka mas lalo lang tayong sumabit dahil sa kaniya.”

“Alright,” wika nito at hindi na muling umimik pa.

*

Prenteng nakaupo si Lucifer sa kaniyang opisina nang pumasok ang nanggagalaiting tiyuhin niya na si Alfonso. Bakas sa mukha nito ang matinding galit. Nahihinuha niyang nalaman na nito ang kaniyang ginawa.

“Ano itong nalaman ko sa balita, Lucifer? Pinapatay mo si Diosdado Buenavidez! Seriously? Nahihibang ka na ba talaga?!” Halos maglabas ng apoy ang mga mata nito habang nakatitig sa kaniya.

“I just did right thing, uncle. Wala akong ginawang masama. And also, you know the new rules of our organization. Hindi mo naman siguro nanaising suwayin ang utos ko, hindi ba?” malamig niyang tugon.

Napahilamos sa mukha ang kaniyang kaharap.  “Talagang nahihibang ka na?! Gusto mo bang sabihin ko sa ama mo ang pinaggagagawa mo dito sa organisasyon, ha?” pagbabanta nito.

Walang emosyong tinitigan niya ito. “Go ahead. I am not afraid of you anymore,” aniya at nakipagsukatan ng mga titig dito. Pagkatapos, bahagya siyang ngumisi. “Are you acquainted with him?” Hinala niya lang iyon, pero kailanman ay hindi nagkamali ang kutob niya.

“Who?” salubong ang mga kilay na tanong nito.

“Diosdado Buenavidez,” deretsong tugon niya. Hindi nakaligtas sa kaniya ang biglaang pangingilap ng mga mata nito. “Hindi ka naman siguro magkakaganiyan kung hindi ka acquainted sa kaniya,” panghuhuli niya rito.

Dumilim ang mukha ng kaniyang tiyuhin at malakas na ibinagsak ang mga kamay sa ibabaw ng kaniyang lamesa. “And now you’re accusing me?! Ganito ka na ba talaga kalala? Kahit kadugo mo pinagdududahan mo?”

Nagkibit lamang ng kaniyang mga balikat si Lucifer, na mas long ikinagalit ng kaniyang kaharap. Halos lamunin siya nito nang buhay habang nakatitig ito sa kaniya.

“Ito ang tatandaan mo, Lucifer . . . kahit anong mangyari, nasa organisasyon ang katapatan ko. Kaya kung ipagpapatuloy mo ang ganitong batas at pamamalakad, mapipilitan akong kalabanin ka,” malamig na banta nito bago lumabas at pabalabag na isinara ang pinto.

Hindi naman nagpatinag si Lucifer sa sinabing iyon ng tiyuhin. Wala itong kakayahang gumawa ng masama, lalo na at kadugo niya ito. Walang talo-talo sa kanila.

Isa pa, siya ang leader ng samahan nila. May tiwala siya sa kanilang mga tauhan. Walang sinuman sa mga ito ang mangangahas na gawan siya ng masama, unless may taong matagal ng may galit sa kaniya, o nakasagupa ng kanilang organisasyon.

Pero kahit pa. Marinig pa lang ang pangalan niya sa mundong kaniyang kinabibilangan ay nanginginig na ang lahat. He is Lucifer Fernandez, the true born mafia king— the only heir to the throne.

Ngunit kahit nabuhay siya sa mundo ng kasamaan— nang p**ayan, nanatili pa rin naman siyang may puso— may konsensya. Iyon ang dahilan kung bakit niya binago ang mga patakaran ng kanilang organisasyon. Hindi niya maatim na pum**ay basta-basta nang walang matibay na dahilan. Bukod doon, may sarili siyang layunin. Isang bagay na matagal niya na ring inaasam.

Napatingin siya sa isang drawer sa gilid ng kaniyang lamesa. Inabot niya iyon at binuksan. Iginilid niya ang mga laman niyon hanggang sa humantad ang isa pang lihim na taguan. Ginamit niya ang hinlalaki niya at itinapat sa isang hindi halatang fingerprint reader. Nang mailapat niya ang daliri, bumukas iyon.

Matagal niyang tinitigan ang laman ng taguan. Nang hindi siya makontento, kinuha niya iyon at pinagmasdang mabuti. Hindi niya mapigilang malungkot hanggang sa unti-unting mangilid sa luha ang kaniyang mga mata.

That was the first time after a while that he shed tears. Ang huli ay noong mawala sa kaniya ang pinakaimportanteng tao sa buhay niya.

He smiled a bit. He was still hoping that God would hear his prayers.

Yes. Naniniwala pa rin naman siya sa nasa itaas. At alam niya, maraming tatawa kapag nalaman iyon ng ibang tao— lalo na nang mga totoong nakakikilala sa kaniya. Sa klase ng trabaho niya, sino ba’ng mag-aakala na nagdarasal din siya?

Well, tao lang siya, may pakiramdam. At umaasa siyang sa huli, matutupad ang mga ninanais niya, kahit pa nga imposible iyong mangyari sa dami na ng na**tay niya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 6

    Iika-ikang lumabas ng silid si Lucifer nang magising siya kinabukasan. Hinahanap niya si Lucianna pero wala ito roon.Iniikot niya ang mga mata sa kabuuan ng bahay. Magkasama na ang kusina at sala niyon. May upuan lang na pahabang kawayan sa sala at lamesang yari din sa kawayan na may nakapatong na halaman, kaya niya nalamang sala nga iyon. Ang kusina naman, may kahoy na lamesa at tatlong upuang kahoy rin. May maliit na lababo kung saan naroon na ang lahat: mga plato, gamit sa pagluluto at mga condiment kagaya ng mantika, toyo, asin, suka, sibuyas at bawang na nakalagay sa isang maliit na basket at kung ano-ano pa. Katabi ng lababo ang isang tungkuan na yari naman sa lupa. Napakaliit ng bahay na iyon, ngunit napakalinis. Wala ring masiyadong gamit kaya maaliwalas tingnan.Ngunit, kahit dalawa ang silid ng bahay ni Lucianna, mas malaki pa rin na di-hamak ang kabuuan ng kwarto niya roon. Pero nagtataka pa rin siya kung mag-isa nga ba roon ang

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 5

    Maghapong muling nakatulog si Lucifer sa isang maliit na silid, kung silid nga bang matatawag iyon. Halos kasing laki lang kasi iyon ng banyo niya sa mansyon nila. Ang papag na kaniyang kinahihigaan ay yari sa kawayan na ni wala man lang kutson at banig lang ang sapin. May maliit iyong bintana na may kurtinang halatang lumang-luma na. Walang kuryente at ilaw na de-gas ang gamit. Ang dingding ng buong kabahayan ay yari sa sa pinagdikit-dikit na kawayan, habang pawid naman ang bubungan. May isa roong maliit na aparador na alam niyang lagayan ng damit. At sa tabi nang hinihigaan niya, isang lamesang yari din sa kawayan ang naroon kung saan may nakalagay na kung ano-ano.He breathed, in and out. Mabagal lang niya iyong ginawa dahil bukod sa masakit pa ang buong katawan niya, kumikirot din ang kaniyang mga sugat. Hindi pa talaga siya magaling, nagpilit lang siyang bumangon kanina para alamin kung nasaan siya. Akala nga niya hindi na siya makaliligtas pa. Mabuti na lang at may isla siyang p

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 4

    Hindi pa rin gumagalaw si Lucianna sa kaniyang kinatatayuan. Pabali-balik ang tingin niya sa barong-barong nila, pagkatapos ay sa taong nakalutang sa dagat. Dahil sa nangyari sa ama’t ina niya, nagkaroon na siya ng takot sa mga ganitong bagay. Baka kung sino na lang ang taong ito at mapahamak pa siya. Maaari ring isa ito sa mga lumusob noon sa kanila.O baka naman isang simpleng mangingisda lang na dinaanan ng masamang panahon sa pamamalakaya at nangangailangan ng tulong, bulong ng kabilang bahagi ng kaniyang isip.Sa naisip, mabilis siyang lumusong sa tubig. Pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya nang mapatigil muli. Hindi nga pala siya marunong lumangoy! May ilang dipa pa ang layo nito sa kaniya at medyo may kalaliman pa ang parteng iyon na kinaroroonan nito.Ilang sandali rin siyang nag-alinlangan kung sasagipin pa ba niya ito o hindi, dahil baka siya naman ang mapahamak. Hindi niya alam kung bakit, pero kahit tagaroon sila sa tabing dagat, hindi niya nakuhang mag-aral na lum

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 3

    “What’s the matter?” kunot-noong tanong ni Lucifer kay Leonard nang bigla silang tumigil sa gitna ng ilang na lugar sa may bahagi ng Quezon province. May importante siyang nilakad doon kasama ang kanang kamay.“Sandali lang, boss. Check ko lang sa labas,” anito sabay baba ng kotse.Ngunit, hindi pa man nakaaapak ang mga paa nito sa lupa, bigla na silang pinaulanan ng bala. Mabilis na yumuko si Lucifer. Isinara naman agad ni Leonard ang pintuan ng kotse. Pagkatapos, sabay pa silang dumukot ng kani-kanilang b**il at nakipagpalitan ng putok sa mga nasa labas.“Ahh! Sh*t!” palatak ni Lucifer nang madaplisan ito ng bala sa may balikat.Binuksan niya ang kabilang bahagi ng kotse at doon payukong lumabas. Medyo madilim na rin ang paligid kaya hindi niya gasinong maaninaw ang mga bumab**il sa kanila.Maya-maya’y narinig niya ang bahagyang pag-ungol ni Leonard. Mabilis niya itong nilapitan at nakita niyang may tama ito ng bala sa tagiliran.“Sh*t! Sh*t!” sunod-sunod niyang pagmumura habang haw

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 2

    “Are you sure about this information?” seryoso ang mukhang tanong ni Lucifer sa kaniyang kanang kamay na si Leonard, habang binabasa ang laman ng envelope.Nasa opisina niya ito sa loob ng FGC Building o Fernandez Group of Companies Building. A multibillion company with the biggest textile factories and bevearages in the country. Their company also owned multiple malls and banks, inside and outside Metro Manila, and an IT and security agency based in Metro.Ngunit lahat ng ito ay front lang sa totoong business ng mga Fernandez. Dahil bukod sa mga nabanggit, ang angkan nila ang may pinakamalaki at pinakamalawak na underground organization sa bansa, ang Code of the Revenant Order, na matagal ng namamayagpag hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa mga karatig bansa sa Asya.“Yes, boss,” tugon nito kasabay ng pagtango.Tinitigang mabuti ni Lucifer ang isang larawan, pagkatapos ay ang mga batang paslit na nasa loob ng isang malaking container van. Pinaraanang muli ng kaniyang mga mata an

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 1

    “Habulin mo ako!” anang batang lalaki na walang mukha na kumakaway sa batang babae pagkatapos ay mabilis na tumakbo. “Bilis! Habulin mo ako!” sigaw nito habang papalayo nang papalayo sa batang babae, hanggang sa bigla na lang naglaho ito.Maya-maya’y biglang nagdilim ang paligid at nakarinig ang batang babae ng malakas na pag-iyak. Nagtaka pa ito nang makita ang sarili habang buhat-buhat ng armadong lalaki. Iyak ito nang iyak pero muli ring naglaho at napalitan ng napakadilim at napakalalim na tubig. Hindi ito makahinga. Para itong sinasakal nang mga sandaling iyon. Saklolo! sigaw nito ngunit tila walang salitang lumalabas sa bibig.Sak—Unti-unting lumubog ang ulo nito. Hinihigop ito ng tubig pailalim— pailalim nang pailalim. Hindi ito makagalaw hanggang sa tuluyan itong hindi makahinga.“Hah! Hah! Hah!” Humihingal na kaagad na bumangon si Lucianna. Hindi maipaliwanag ang nadarama niyang takot sa didbib habang hawak ang kaniyang leeg at mahigpit iyong hinahagod. Halos lumabas din a

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status