Se connecterHindi ako naging asawa sa araw na iyon. Naging headline ako nitong nakalipas na isang linggo.
Hindi ko sinabing oo kay Anderson. Hindi ko rin sinabing hindi. Ang alam ko lang, hindi ako tumapak sa altar at sapat na iyon para maging iskandalo ang pangalan ko bago pa man matuyo ang mascara sa mga mata ko.
“Sigurado ka bang aalis ka? ‘Yan ang desisyon mo?” takang tanong ni Anderson.
Muli kong binalik ang tingin ko sa isang papel na binigay ng kanyang tauhan.
“Pamilya ko ang nakasalalay dito, Anderson,” mahina kong tugon na may kawalan ng pag-asa.
“Ibinenta ka na nila, Althea. They don’t even care about you.”
Umiling ako sa sagot ni Anderson. “Pero pamilya ko pa rin sila. Alam kong wala silang pake pero may pamilya akong umaasa sa’kin kahit hindi ko alam kung alam ba nila ‘to o hindi.”
“Your father is comatose… your mother…”
“My mother is missing,” dugtong ko dahil sa kabiguan niyang matapos.
Malalim akong napabuntong hininga. Kasabay nito ang pagtulo ng aking luha. “Kaya hindi ko alam anong gagawin. I agree with this kasi gusto ko lang matapos lahat ng problema ko pero heto, ang gulo na, Anderson. Kaya gusto ko na lang bumalik… gagamitin nila ang pamilya ko…”
Inabot ni Anderson ang aking mukha, marahan, tila ba natatakot siyang tuluyang mabasag ang natitirang tibay ko. Ang dulo ng kanyang hinlalaki ay dumampi sa pisngi ko, pinunasan ang luhang hindi ko namalayang tuluyan nang bumaba.
“Hindi mo kailangang maging matatag palagi,” mahina niyang sabi.
Mas lalo akong nanghina sa tono ng boses niya kaysa sa mga salitang iyon.
“Nandito ako para sa’yo, Althea. Ibabalik kita kung gusto mo pero makakaasa kang palagi akong nasa likod mo.”
“Pero paano ka?”
“Maayos lang ako. Pero hindi na ako pwedeng bumalik pa doon. Kalaban ko na si Victoria-”
Tumango siya. “She’s my stepmom. Kabit siya ng tatay ko. And suddenly, namatay ang mom ko sa car accident. Then, pinakasalan ng tatay ko si Victoria.”
Nagulat ako sa pagbubunyag na iyon ni Anderson.
“Maaaring may connection si Victoria sa nangyari sa mom mo?”
“Wala akong matibay na ebidensya. I was nine years old at that time. Malalaman ko rin ang totoo.”
“I’m sorry.”
“I’m okay. Alam ko kung gaano kaimportante ang pamilya mo sa’yo. Nakita ko na ‘yon dati pa.”
“Pero hindi kita hahayaang bumalik doon ng walang proteksyon.”
Tumango ako sa kanya at pinakinggan ang kanyang plano.
Nakinig akong maigi.Pagdating ko sa mansyon, hindi tahimik ang mundo. May mga camera sa labas ng gate. May mga reporter na nag-aabang. May mga mikroponong nakaangat na parang mga sandatang naghihintay ng dugo. At sa bawat flash ng ilaw, alam kong hindi na kasal ang pinag-uusapan—ako na.
“Miss Althea! Totoo bang tumakas kayo?”
“Kayo ba ang dahilan ng pagkansela ng kasal?”
“May relasyon ba kayo kay Mr. Anderson, ang CEO ng Velasco Group bago pa ang engagement?”
“Magkapatid ba talaga kayo o hindi?”
Hindi ako tumakbo. Hindi ako nagtago. Lumakad ako nang diretso sa loob ng gate, habang ang bawat hakbang ko ay parang binibilang ng buong siyudad.
Sa loob ng sala, naghihintay si Adrian.
Nakatayo siya sa gitna, maayos ang suot, mahinahon ang postura. Hindi siya sumigaw. Hindi siya nagwala. Mas nakakatakot ang katahimikan niya kaysa sa anumang galit.
“Sumakay ka sa loob,” sabi niya kanina sa sasakyan. Ngayon, narito na kami.
“Nasaan ka?” tanong niya.
“Nasa isang lugar na ligtas,” matapang kong sagot.
“Kasama siya?”
Hindi ko agad sinagot. Hindi ko kailangan. Alam na niya.
Isang maikling tawa ang lumabas sa kanya. Walang saya.
“So it’s true.”
“Hindi mo alam ang buong kwento.”
“Hindi ko kailangan ang buong kwento,” putol ni Adrian. “Ang kailangan ko ay control sa’yo at sa lalaking ‘yon.”
Parang may malamig na bakal na tumama sa dibdib ko.
Control.
Hindi pag-ibig.
Hindi tiwala.
Control.
“Hindi natuloy ang kasal,” sabi ko.
“Hindi natuloy dahil may nanghimasok,” sagot niya agad. “At dahil pinili mong huwag bumalik.”
“Pinili kong mag-isip muna bago bumalik,” giit ko.
“Pinili mong pahiyain ako.”
Napatingin ako sa kanya.
“Huwag mong gawing personal ang isang desisyong hindi ko naman pinili simula’t sapul.”
Lumapit siya.
Hindi para manakit.
Para ipaalala.
“Hindi lang ikaw ang nasira dito, Althea. May investors. May pangalan. May pamilya.”
“Hindi ako pag-aari ng kahit sino sa inyo,” sabi ko nang malinaw.
Doon tuluyang nagbago ang mga mata niya.
“Huwag mong gawing moral ang sitwasyon,” malamig niyang sabi. “Alam mo kung ano ang kapalit nito.”
“Kapalit ng ano?”
“Ng pagiging matigas ang ulo mo.”
Bumukas ang TV sa gilid ng sala.
Breaking news banner.
Bride Missing Before Wedding Ceremony.
May larawan ko. May larawan ni Anderson. May headline na mas malaki pa sa pangalan ko.
Scandal Before the Vows.
Hindi ko isinulat ang kwentong iyon.
Pero ako ang sentro.
Bumukas ang pinto.
Pumasok si Victoria, halatang galit.
Hindi siya nagmamadali. Hindi siya nagtanong kung okay ako. Hindi siya nagtanong kung natakot ba ako sa kaguluhan.
Tiningnan niya lang ako.
Mahaba.
Tahimik.
Mapanuri.
“Hindi ko inaasahan na magiging ganito ka impulsive,” panimula ni Victoria.
“Hindi ako impulsive.”
“Then you are careless.”
Lumapit siya sa TV at pinatay iyon.
“Ang narrative ang mahalaga,” dagdag pa niya. “Hindi ang katotohanan.”
“Hindi ako magsisinungaling,” sagot ko.
“Hindi mo kailangan,” sagot niya agad. “Kami ang gagawa niyan.”
Napatingin ako sa kanya.
“Anong ibig mong sabihin?”
Sumagot si Adrian bago pa siya makapagsalita.
“Ilalabas natin na napressure ka. Na emotionally unstable ka nitong mga nakaraang linggo. Na may impluwensyang gumulo sa isip mo gawa ng stepbrother mo.”
“Impluwensyang?” mahina kong ulit.
Si Anderson.
Pakiramdam ko may malamig na hangin na dumaan sa likod ko.
“Hindi ninyo pwedeng gawin iyon. Lalo na anak mo siya Victoria.”
“Hindi kami nagtatanong ng permiso at hindi ko totoong anak si Anderson. Malamang alam mo na,” sagot ni Victoria. “Ginawa mo ang desisyon mo. Ngayon kami naman.”
Lumapit siya sa akin.
Hindi niya ako hinawakan.
Hindi niya ako sinigawan.
Pero mas mabigat ang presensya niya kaysa sa anumang sigaw.
“Ang pinakamabilis na paraan para matapos ito,” sabi niya, “ay bumalik ka sa kasal. Sabihin mong nalito ka. Sabihin mong may nakaimpluwensya sa’yo. Sabihin mong nagkamali ka.”
“Hindi.”
Isang salita lang.
Tahimik ang sala.
Naririnig ko ang sariling paghinga ko.
“Pag-isipan mo,” dagdag ni Adrian. “Habang maaga pa.”
“Hindi ako babalik sa altar. Bakit ba naniniwala ka kay Victoria? Niloloko ka lang niya.”
“Shut up. Wala kang alam,” pagalit na sagot ni Adrian.
“Hindi iyon ang tanong, Althea” sagot pa ni Victoria. “Ang tanong ay kung gaano karaming bagay ang kaya mong isakripisyo.”
Tumigil ang tibok ng puso ko.
“Anong ibig mong sabihin?”
Tumango si Victoria nang bahagya.
“May mga kontrata ang pamilya mo,” sabi niya. “May mga kasunduang hawak ng mga taong mas malaki sa’yo. Hindi lahat ay kayang mabuhay nang walang proteksyon.”
Nanlamig ang mga daliri ko.
“Ginagamit ninyo sila.”
“Hindi,” sagot niya nang malamig. “Pinapaalala lang namin sa’yo kung gaano kalaki ang mundo sa labas ng personal mong damdamin.”
Sa labas, mas lumakas ang ingay ng media.
Sa loob, mas lumalim ang tahimik na banta.
Kung ang laban ay tungkol sa kwento, hindi ko pwedeng hayaang sila ang magsulat nito.
Tumingin ako kay Victoria.
“Kung sisirain ninyo ako,” sabi ko nang malinaw, “huwag ninyo isama ang pamilya ko.”
Hindi siya ngumiti.
Hindi rin siya nagalit.
“Depende iyon sa susunod mong gagawin.”
Lumakad siya palabas ng sala.
Sumunod si Adrian, ngunit bago siya tuluyang makaalis, tumigil siya sa tabi ko.
“Isang statement lang,” sabi niya. “Isang press conference. Isang pag-amin na nagkamali ka.”
“Hindi ako nagkamali.”
Napatingin siya sa akin nang matagal.
“Magiging mag-isa ka,” sabi niya.
Tahimik akong tumango.
“Mas mabuti na iyon kaysa pag-aari.”
Umalis siya.
Naiwan akong mag-isa sa sala.
Sa labas, naririnig ko pa rin ang mga sigaw ng media. Ang mga tanong. Ang mga headline.
Ngunit sa loob ng dibdib ko, may mas malinaw na tanong.
Hanggang saan ako lalaban?
Napatingin ako sa phone ko.
May isang bagong notification.
Isang mensahe.
Hindi mula kay Adrian.
Hindi mula kay Victoria.
Mula kay Anderson.
Isang linya lang.
“They’re going after your family. Don’t sign anything.”
Nanlamig ang dugo ko.
Hindi pa ito ang pinakamalalang bahagi.
Dahil kung totoo ang mensaheng iyon, may ginawa na sila.
At maaaring huli na ang lahat.
Maraming salamat sa pagbabasa. Leave a comment po. Sobrang appreciated po lahat ng feedback.
Agad kaming nagrequest na iuwi ang aking kapatid sa mansyon ni Anderson. Kasama naming umuwi si Mateo at halos napapalibutan kami ng maraming sasakyan - mga tauhan ni Anderson para bantayan kami. Nasa ambulansya naman si Amira ang kanyang anak kasama ang doctor na pinagkakatiwalaan ni Anderson. Nasa iisang sasakyan kami ngayon ni Anderson. “Anong iniisip mo?” tanong sa akin ni Anderson. Habang deresto ang tingin sa kalsada. “Hindi ko alam. Masyado lang akong natatakot knowing na buhay si Adrian. All this time, tama si Victoria. Pero bakit ngayon lang siya nagparamdam ‘di ba? ” takang tanong ko sa kanya. Malakas siyang bumuntong hininga. “Maybe he wanted to scare us by getting closer to the baby and Amira.” I gritted my teeth. “Kaya niya bang idamay ang sarili niyang anak?”“Hindi natin alam kung gaano siya kadesperado gumanti.”“Si Mateo ang picture na sinend ni Adrian, isa lang ibig sabihin nun si Mateo ang target niya? Pero bakit?” takang tanong ko. “Hindi pa malinaw pero mal
Ilang segundo akong nakatitig sa phone ko.Hindi gumagalaw at hindi humihinga.Ang larawan sa screen ay kuha mula sa labas ng ospital.Sa nursery window.Sa salamin, kitang-kita ang maliit na crib kung saan dinala ang baby para sa routine check.At sa labas, isang lalaki.Nakatayo sa dilim.Hindi malinaw ang mukha pero sapat ang liwanag para makita ko ang isang bagay na hindi ko kailanman makakalimutan.Nanlamig ang buong katawan ko. Lumabas ako ng comfort room at hindi muling nakagalaw sa aking pwesto. “Althea?”Napatingin ako kay Anderson.“Anong nangyari?”Hindi ko agad naibigay ang phone.Parang ayaw ng kamay kong bumitaw dito.“Hope,” bulong ko.“Ano?”“Inosente ang bata,” dagdag ko, nanginginig na ang boses.Kinuha niya ang phone sa kamay ko.Tahimik siyang tumitig sa larawan.Unti-unting tumigas ang panga niya.Hinawakan niya ang aking bewang para suportahan ako at iginayak ako papunta sa may nursing station. Wala nang kahit sino ang nandun ngayon at tahimik na natutulog si Ho
“WAAAHH!!!”Parang pumutok ang mundo.Lahat kami ay nataranta. Agad kaming nagpanic at tumakbo kung saan galing ang boses na iyon.“Ate, hindi ko na kaya!” halos isigaw na ni Amira.Nasa hagdan siya, nakahawak sa railings, namumutla, pawis na pawis.At sa pagitan ng kanyang mga paa, basa ang sahig dahil sa tumutulong tubig sa kanyang binti.Nanlaki ang mata ko.Pumutok na ang panubigan niya.“A-amira…” nanginginig ang boses ko.“Masakit… Ate…” napahawak siya sa tiyan niya at napangiwi sa sobrang sakit.Naramdaman ko ang takot na gumapang sa likod ko.“Anderson! Mateo!” sigaw ko habang inaalalayan ang aking kapatid palabas ng bahay.Mabilis na lumapit sa amin si Mateo at agad niyang binuhat si Amira. Kita ang matinding sakit na kanyang nilalabanan. “Drive!” utos niya kay Anderson.Nandoon na si Anderson sa driver’s seat bago pa man tuluyang maisara ang pinto.Sumakay ako sa likod, hawak-hawak ang kamay ni Amira.Nanginginig siya at mas lalo akong natatakot. Bago sa akin itong lahat at
Nanlamig ang mundo ko.“Ano?”“Si Adrian?”Mas lalo siyang tumawa.“Paano ka nakakasiguro?”Tumigil ang paghinga ko.“Anong ibig mong sabihin?”“Akala mo ba lahat ng nakita mo ay totoo?”Nakatitig lang ako kay Victoria.Sa ngiti niya.Sa mata niyang parang may tinatago.“Sabihin mo ang ibig mong sabihin,” sabi ko.“Hindi ko kailangang sabihin.”“At ano ang tinutukoy mo?”Mas lumapit siya sa mesa.Mas bumaba ang boses.“Kung patay na siya… bakit walang bangkay?”Parang may humampas sa ulo ko.Sa likod ko, naramdaman ko ang paghigpit ng kamay ni Anderson.“Walang bangkay?” ulit ko.Ngumiti siya.“Althea,” bulong niya, “kita naming nilibing si Adrian.”Hinila na ako ni Anderson palayo.“Enough.”Pero habang hinihila niya ako palabas, naririnig ko pa rin ang tawa ni Victoria.Tila nasiraan na siya ng bait. At sa bawat hakbang ko palabas ng kulungan, iisa lang ang umuukit sa isip ko.Kung hindi patay si Adrian. Nasaan siya?“Alam kong iniisip mo pa rin ang mga sinabi ni Victoria,” mahinah
“Huwag kang pupunta. Pumayag ka sa kondisyon ko na titingnan mo na lamang siya at hindi na kayo mag-uusap pa, Althea.”Hindi sigaw ang boses ni Anderson.Mas masama.Mahina at kontrolado.Pero puno ng babala.Totoo ang sinabi niya. Pumayag ako dahil iyon lamang ang paraan para makapunta ako dito. “Pupunta ako. Nandito na rin naman. Saglit lang ‘to,” sagot ko.Nakatayo ako sa harap ng malaking salamin. Hindi ko tinitingnan ang sarili ko. Tinitingnan ko ang babaeng kailangan kong maging.“Wala kang mapapala doon,” dagdag niya.“Hindi ito tungkol sa kung may mapapala ako o wala. Gusto ko lang makausap ang babaeng sumira sa buhay ko… sa buhay mo.”“Althea-”“Isang beses lang,” putol ko. “Kailangan kong marinig mula sa kanya. Promise.”Tahimik siya sandali.Nararamdaman ko ang tensyon sa likod ko.Hindi siya pumipigil dahil gusto niya akong kontrolin.Pinipigilan niya ako dahil alam niyang sasaktan ako.“Hindi kita kayang protektahan doon,” sabi niya.“Hindi ko kailangan ng proteksyon doon
Kinusot ko ang aking mata at tsaka naghikab nang mamulat ako. Natigilan ako at napatitig sa katabi kong nasa kama. Dati ang tanging unan lamang ang katabi ko pero ngayon, ang lalaking mahalaga na sa buhay ko. My eyes fell on my Anderson. Mahimbing ang tulog nito. Siguro dahil pagod namin kagabi. Namula ako nang maalala ang nangyari. Mahina siyang humihilik. Maingat akong lumapit tsaka hinaplos ang pisngi ni Anderson. Pansin ko ang pagtubo ng kanyang bigote at ang mahaba niyang pilik-mata na kakainggitan ng mga babae. Pigil ang aking pagtawa sa tuwing kumukunot ang kanyang noo nito dahil siguro sa kiliti. “Ang aga mong nagising?” Nagulat ako nang magmulat ng mata si Anderson. Hindi ko na napigilan pa ang tawa ko nang malakas siyang humikab. “Sobrang pagod ka ah,” pang-aasar ko sa kanya. Lumapad ang kanyang ngiti. “Ang sarap mo kasi.”I giggled. “Ikaw ang hindi tumigil.”Bahagyang umangat si Anderson, mas malapit na ngayon ang aming mukha. Parehas kaming walang saplot at fully







