Share

Kabanata 6: Bago Ang Panata

Auteur: lainnexx
last update Dernière mise à jour: 2026-02-11 22:50:20

Mabilis na dumaan ang mga araw. 

Kasal ko na pala. 

Hindi nanginginig ang mga kamay ko.

Nakapatong lang sila sa ibabaw ng puting tela ng gown na hindi ko pinili.

Sa labas ng tinted na bintana ng sasakyan, normal ang mundo. May mga naglalakad. May mga tumatawid. May mga businang paulit-ulit. Walang nakakaalam na sa loob ng sasakyang ito, may babaeng patungo sa altar na hindi sigurado kung gusto niya talagang umabot doon.

“Ma’am, thirty minutes po, nasa church na tayo,” sabi ng driver.

Thirty minutes.

Tatlong pung minuto bago ko ilagay ang pangalan ko sa isang buhay na hindi ko ginusto.

Pinikit ko ang mga mata ko.

Hindi ako umiiyak.

Hindi ako tumatakbo.

Hindi rin ako lumalaban.

At iyon ang mas nakakatakot.

Dalawang buwan matapos ang engagement ko nang mawala si Anderson. Walang mensahe. Walang tawag. Parang bigla siyang naglaho. At sa pagkawala niya, mas lalo akong naramdaman na mag-isa ako sa desisyong hindi ko naman ginawa.

Mas naging kontrolado ako ni Victoria. 

Walang balita sa magulang ko o kahit kanino.

Tanging ala-ala ko lamang ng pagkalaya ay nang maramdaman ko ang mahahabang daliri ni Anderson sa aking basang pagkabab*e.

Pinabilis ang kasal. Dinagdagan ang seguridad. Pinalitan ang schedule.

Para bang may hinahabol.

O may tinatakasan.

“Ma’am-”

Hindi na natapos ng driver ang sasabihin niya.

May biglang humarang na sasakyan sa gitna ng daan.

Napapreno nang malakas ang convoy. Napasandal ako sa upuan. Sumabog ang tunog ng busina sa paligid. May mga lalaking nakaitim na bumaba sa sasakyang humarang. Hindi ko maaninag ang mukha nila.

Nanlamig ang mga daliri ko.

Hindi ito bahagi ng plano.

May kumalabog sa pintuan ng sasakyan ko.

“Ma’am, please, lumabas po tayo. Hindi safe dito.”

Hindi ko kilala ang boses, pero hindi ito tunog pananakot.

Bago pa ako makapag-isip, may isa pang sasakyang dumating sa harap namin. Itim naman. Kilala ko ang linya ng katawan ng kotse na iyon kahit ilang beses ko pa itong iwasan.

Bumukas ang pinto.

At bumaba si Anderson.

Hindi siya mukhang nagmamadali.

Hindi siya mukhang galit.

Pero ang mga mata niya ay parang may desisyong ginawa bago pa siya bumaba ng sasakyan. Ang hirap basahin nito pero kita ang halong pag-aalala. 

Diretso siyang tumingin sa akin.

“Sumama ka sa akin,” mahinahon niyang sambit.

Ito na muli ang unang pagkakataong marinig ang kanyang boses at mabilis na nangilid ang luha ko. 

“Althea, sumama ka sa akin,” pag-uulit niya dahil hind ako makapag-react.

Hindi utos.

Hindi pakiusap.

Isang alok.

Nagkagulo ang paligid. May mga bodyguard na kumikilos. May sumisigaw sa radyo. May mga taong tumatawag ng pulis.

Pero sa pagitan namin, parang huminto ang oras.

“Ginawa mo ba ito?” tanong ko.

Hindi ako umatras.

Hindi rin ako lumapit.

“Hindi,” sagot niya agad. “Wala akong balak sirain ang kasal mo kung nasunod lamang ang kasunduan.. Pero alam kong may mangyayari ngayon kaya ako nandito.”

“Paano mo nalaman?”

“Dahil kapag natatakot ang mga taong may kapangyarihan, gumagawa sila ng mga galaw na hindi nila kayang kontrolin.”

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

“Hindi ka nila dadalhin sa simbahan nang ligtas,” dagdag pa ni Anderson. “At hindi kita hahayaang pumunta roon nang wala kang malinaw na desisyon. At hindi ko alam kung ligtas ka. Ako ang nagdala sa’yo dito, ako rin ang gagawa ng paraan para makalaya ka.”

“Hindi ko rin pinili ang sumama sa’yo,” sagot ko, mahina pero matatag.

Tumango siya.

“At hindi kita pipilitin.”

Narinig ko ang sirena ng pulis sa malayo. Unti-unting umatras ang mga lalaking nakaitim. Ang gulo ay nagsimulang humupa.

Kung gusto kong pumunta sa simbahan, maaari pa rin.

Kung gusto kong umalis, maaari rin.

Sa unang pagkakataon, hindi ako hinila.

Mariin at nanunuri ang titig ni Anderson sa akin.

“Alam kong iniwan kita ng walang sabi pero kung sasama ka sa akin,” sabi niya, “hindi para tumakas. Kundi para ibalik sa’yo ang kalayaan mo, malayo sa gulong ito at hindi makulong kay Victoria at sa taong gustong manakit sa’yo.”

Lumunok ako at huminga ng malalim 

“Wala na tayong oras, tara na, Althea.”

Mabilis akong tumango at tinanggap ang alok na kamay ni Anderson.

At lumabas ng sasakyan.

Hindi para iligtas niya ako.

Kundi para marinig ko ang sarili ko.

Naging tahimik akong nakatulala sa labas habang makarating kami sa simbahan. Marahil nagkakagulo na ngayon sa simbahan at ayoko nang isipin pa ang magiging reaksyon ni Victoria, Gabriel, at si Adrian.

Saglit akong sumulyap kay Anderson na titig na titig sa kalsada na paminsan-minsan namang sumusulyap sa kayang cellphone, may hinihintay. 

Isang pribadong lugar ang dinala niya sa akin, walang media, walang bodyguard, walang altar.

Malayo sa naging buhay ko nitong nakaraang dalawang buwan.

“Pwede ba tayong mag-usap,” sabi ko agad pagpasok namin.

Hindi ko na kayang paikot-ikot.

“Bakit ka nawala?”

Huminga siya nang malalim.

“Dahil kung nanatili ako, mas lalo nilang bibilisan ang kasal mo. Ginagamit nila ang presensya ko para ipakitang kontrolado nila ang lahat.”

“Alam ba ni Victoria ang tungkol sa atin?”

“Hindi ang detalye,” sagot niya. “Pero sapat para gamitin laban sa’yo.”

Napahawak ako sa likod ng upuan.

“Pero wala namang tayo…” pagdadahilan ko at kita ko ang madilim na ekspresyon sa kanyang mukha.

“Kung iyan ang tawag mo, pero alam mong hindi,” deklara ni Anderson at bahagyang lumapit sa akin na kinakaba ko at excite.

May kakaibang gapang ng apoy sa aking katawan. At titigan lamang ang kanyang makisig na katawan ay nagpapabasa na sa akin. 

“Hindi ko inayos ang ambush kanina,” muli niyang sinabi. “Pero alam kong may gagalaw para tiyaking wala kang pagkakataong magbago ng isip.”

“Hindi ako nagbago ng isip,” sagot ko agad.

“Sigurado ka ba?”

Masakit ang tanong.

Hindi dahil galit siya.

Kundi dahil tama.

Kung pupunta ako sa simbahan ngayon, dahil ba mahal ko si Adrian?

Hindi.

Dahil ba gusto ko siya?

Hindi.

Dahil ba takot akong magsimula muli?

Oo.

Lumapit siya ng isang hakbang.

Hindi niya ako hinawakan.

“Hindi kita hinihiling na piliin ako,” sabi ni Anderson. “Hindi kita hinihiling na mahalin ako. Pero kung may kahit kaunting bahagi sa’yo na gustong malaman kung may ibang posibilidad, hayaan mong sabihin ko ito ngayon.”

Napatigil ang paghinga ko.

“Althea,” mahinahon niyang sabi, “pakasalan mo ako.”

Walang tuhod na lumuhod.

Walang singsing.

Isang pangungusap lang.

Isang alok.

“Hindi bilang proteksyon. Hindi bilang kapalit ng utang. Hindi bilang pag-agaw,” dagdag pa niya. “Kung sasabihin mong hindi, ilalayo kita. Hindi lamang sa akin, lalong-lalo na sa mga taong gusto manakit sa ‘yo.”

“Kung sasabihin kong oo?”

“Hindi kita ikukulong sa pangakong hindi mo kayang panindigan.”

Tumahimik ako.

Sa labas, naririnig ko na ang mga tawag sa telepono. Ang balita. Ang kaguluhan. Ang tanong kung nasaan ang bride.

Mabilis na kumalat ang balita. 

Sa koneksyon pa lamang ng pamilya ni Adrian at Victoria, maari ito. 

Isang hakbang na lang at tuluyan nang mababago ang lahat.

Hindi dahil may nagpilit.

Kundi dahil may nagbigay ng opsyon.

“Hindi ko alam kung mahal kita,” sabi ko.

“Hindi ko hinihingi iyon.”

“Hindi ko alam kung tama ito.”

“Walang siguradong tama sa ganitong sitwasyon.”

“Hindi ko alam kung kaya kong harapin ang mundo kapag pinili kita.”

Hindi siya ngumiti nang may kumpiyansa.

“Hindi mo kailangang harapin mag-isa,” sagot ni Anderson.

May kumatok sa pinto.

“Sir, the media is asking questions,” walang ekspresyon na anunsyo ng isang lalaki.. Sa kisig ng katawan nito ay halatang bodyguard siya ni Anderson.

Bumalik ang tingin ko kay Anderson. 

Kailangan ko nang pumili.

Hindi dahil may nagmamando.

Kundi dahil sa unang pagkakataon, may nagtanong kung ano ang gusto ko.

Tumingin ako sa kanya.

At sa unang pagkakataon, hindi ko iniisip kung ano ang mas ligtas.

Iniisip ko kung ano ang mas totoo.

“Kung pakakasalan kita,” mahina kong sabi, “hindi dahil iniligtas mo ako, kundi dahil pinayagan mo akong pumili.”

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • Behind the CEO’s Scandalous Marriage    Kabanata 6: Bago Ang Panata

    Mabilis na dumaan ang mga araw. Kasal ko na pala. Hindi nanginginig ang mga kamay ko.Nakapatong lang sila sa ibabaw ng puting tela ng gown na hindi ko pinili.Sa labas ng tinted na bintana ng sasakyan, normal ang mundo. May mga naglalakad. May mga tumatawid. May mga businang paulit-ulit. Walang nakakaalam na sa loob ng sasakyang ito, may babaeng patungo sa altar na hindi sigurado kung gusto niya talagang umabot doon.“Ma’am, thirty minutes po, nasa church na tayo,” sabi ng driver.Thirty minutes.Tatlong pung minuto bago ko ilagay ang pangalan ko sa isang buhay na hindi ko ginusto.Pinikit ko ang mga mata ko.Hindi ako umiiyak.Hindi ako tumatakbo.Hindi rin ako lumalaban.At iyon ang mas nakakatakot.Dalawang buwan matapos ang engagement ko nang mawala si Anderson. Walang mensahe. Walang tawag. Parang bigla siyang naglaho. At sa pagkawala niya, mas lalo akong naramdaman na mag-isa ako sa desisyong hindi ko naman ginawa.Mas naging kontrolado ako ni Victoria. Walang balita sa magu

  • Behind the CEO’s Scandalous Marriage    Kabanata 5: Ang Anunsyong Walang Palakpak

    Maaga akong ipinatawag ako ni Victoria sa maliit na tea room sa likod ng bahay. Isang silid na bihirang gamitin, tahimik, at laging amoy dahon ng tsaa at lumang kahoy. Ang uri ng lugar kung saan hindi ka iniimbitahan para magkwento kundi para pakinggan.Nakatayo siya sa may bintana nang pumasok ako. Nakaayos, elegante, walang bakas ng emosyon sa mukha. Parang hindi siya ang babaeng tumitig sa akin noong gabing nagkahawak ang kamay namin ni Sebastian.“Umupo ka, Althea,” sabi niya, hindi lumilingon.Umupo ako.Maayos. Diretso. Handa.“Hindi kita ipinatawag para pagalitan,” dagdag niya. “Ayokong mali ang unang akala mo.”Tumango ako. “Naiintindihan ko po.”Ngumiti siya nang bahagya. Isang ngiting hindi ko alam kung kanino ba ito, sa akin, o sa sarili niyang desisyon.“Maraming mata ang nakatingin sa pamilyang ito,” sabi niya. “At kapag pumasok ka rito, awtomatiko kang bahagi ng lahat ng iyon.”“Opo,” sagot ko.“Tahimik ka,” dagdag niya. “At iyan ang gusto ko.”Nanlamig ang batok ko.“Pe

  • Behind the CEO’s Scandalous Marriage    Kabanata 4: Hindi Totoo

    May rhythm na ang bahay pagdating sa oras ng almusal, oras ng hapunan, oras ng katahimikan. Sa gitna ng lahat, naroon si Anderson na laging maaga, laging tahimik, laging may distansiyang parang sinukat.Hindi kami madalas mag-usap. Ngunit sa bawat pagkakasalubong, ramdam ko ang presensiya niya na parang aninong alam kong naroon kahit hindi ko tinitingnan.Isang umaga, inutusan akong tulungan ang magiging biyenan ko sa paghahanda para sa isang maliit na pagtitipon. Marahil sa pagdating ng kanyang anak. May mga papeles sa mesa at mga listahan, imbitasyon, at ilang dokumentong kailangang ayusin.“Nasa study room ang ilang files,” sabi ni Victoria. “Pakikuha.”Tumango ako at umakyat.Pagbukas ko ng pinto ng study room, naroon si Anderson na nakaupo sa mesa, nakatutok sa laptop. Napatingin siya agad sa akin.“May kailangan ka?”“Mga files lang utos ni Victoria,” sagot ko. “Para sa imbitasyon.”Tumayo siya at nagturo sa istante. “Nasa ikatlong shelf.”Lumapit ako sa istante. Mataas ito sa

  • Behind the CEO’s Scandalous Marriage    Kabanata 3: Edad Na Hindi Ko Dapat Binilang

    Nakaupo ako sa loob ng kotse ni Anderson, nakatingin sa kalsadang dumadaan sa harap namin. Tahimik ang biyahe. Walang musika. Walang usapan. Ang tanging maririnig ay ang maayos na pagtakbo ng makina at ang kontroladong paghinga niya sa tabi ko.Hindi siya nagmamadali magmaneho. Hindi rin mabagal. Eksakto lang, parang lahat sa kanya ay sanay sukatin.Mas matanda siya.Iyon agad ang pumasok sa isip ko nang nagkaroon ako ng pagkakataong pagmasdan siya. Hindi ko pa alam ang numero, pero alam ko na ang bigat. Kita iyon sa paraan ng paghawak niya sa manibela na tila hindi mahigpit at hindi rin maluwag. Parang hindi niya kailangang magpatunay ng kahit ano.“May orientation ka, ‘di ba?” tanong niya, hindi lumilingon.“Oo.”“Anong oras matatapos?”“Hindi ko po alam.”Tumango siya. “Mag-text ka kapag tapos na.”Humigpit ang kapit ko sa bag na nasa kandungan ko.“Don’t worry, kaya ko namang umuwi-”“Hindi iyon ang punto,” putol ni Anderson, mahinahon pero walang puwang para tutulan.Tumahimik a

  • Behind the CEO’s Scandalous Marriage    Kabanata 2: Sa Ilalim Ng Iisang Bubong

    Nagising ako sa katahimikan at sa alaala ng lalaking katabi kong huminga sa dilim ilang gabi lang ang nakalipas.Pero mas masahol pa ang lalaking iyon ay nasa ibaba ng hagdan.Hindi ko pa siya nakikita, pero alam kong naroon siya. Parang may presensiyang hindi ko kailangang pangalanan para maramdaman dahil sa mabigat, tahimik, at pilit kinokontrol.Umupo ako sa kama at ipinikit ang mga mata.Hindi siya iyon.Hindi puwedeng siya iyon.Pero kahit ilang ulit kong ulitin sa sarili ko, ayaw sumunod ng dibdib ko. Naaalala ko ang init ng palad niya, ang paraan ng paghinga niya sa leeg ko at mga detalye na dapat matabunan ng liwanag ng umaga, pero nanatili sa isipan ko.Tumayo ako at nagbihis. Pinili ko ang pinakasimpleng damit ngunit pansin ko na fitted ito sa aking dibdib. Hinayaan ko na laman ito dahil komportable naman ako. Hindi ko alam kung kanino ako nagtatago: sa kanya, o sa sarili ko.Nang makababa ako ng hagdan, bumungad kaagad sa aking ilong ang masarap na amoy ng kape. Ngunit pag

  • Behind the CEO’s Scandalous Marriage    Kabanata 1: Ang Lalaking Hindi ko Dapat Tingnan

    Nalaman kong ipapakasal ako sa isang lalaking hindi ko kilala sa madaling panahon.Labinlimang minutong paulit-ulit kong naririnig ang tibok ng sarili kong puso habang nakatitig sa mesa sa harap ko, parang doon ko makikita ang paliwanag kung bakit ganoon kadaling ipamigay ang buhay ko.“Para sa pamilya natin,” sabi ng tiyahin ko, maingat ang tono, parang maselang porselana ang pinag-uusapan. “Sandali lang naman. Isang kasal lang.”Isang kasal lang.Parang sapatos. Parang kontrata. Parang bagay na maaaring ipalit kapag hindi na kailangan.Hindi ko na hinintay ang iba pang paliwanag. Tumayo ako, kinuha ang bag ko, at lumabas ng bahay na hindi lumilingon. Ayokong makita ang awa sa mga mata nilao mas masahol pa, ang ginhawang hindi na nila kailangang pumili para sa akin.“Matutuwa ang mga magulang mo,” nakangiting pilosopo ng pinsan ko.Napairap ako at hindi na lamang pinansin pa ang kanyang sinabi at tuluyan akong umalis sa nakakasakal na bahay na iyon. Hindi ko alam kung paano ako napu

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status