Share

Chapter 4

Author: Gianna Writes
last update Last Updated: 2025-08-19 21:25:24

Minsan, nakaka-paralyze lang isipin na pupunta ako sa isang event na ang pinaka-highlight ay ang taong dapat sana’y pinakamalapit sa akin pero pakiramdam ko’y pinakamalayong nilalang sa mundo.

Nakaharap ako ngayon  sa salamin, tinititigan ang manipis kong make-up at simpleng damit na pinili ko para hindi gaanong mapansin. Kahit entertainment journalist ako, hindi ako sanay sa mga glamorous na pagtitipon. Lalo na ngayong alam kong sa gitna ng lahat ng ilaw at camera, makikita ko si Sage—hindi bilang asawa, kundi bilang business tycoon na hinahangaan ng lahat.

Niyakap ko sandali ang press ID ko bago lumabas. Para itong reminder na kahit anong mangyari, narito ako bilang reporter, hindi bilang asawa.

Pagdating ko sa hotel ballroom, halos manlagkit ang mata ko sa dami ng chandelier at sa kintab ng sahig. Magarbo, masikip, puno ng camera at recorder. Lahat ng tao ay naka-focus sa stage kung saan nakalagay ang malaking banner: “Carden Inc.: Expanding Horizons.”

“Phoebe!” tawag ng isa sa mga kasamahan kong reporter. “Dito ka na, malapit ang view.”

Ngumiti ako at tumango, pero hindi ko maikubli ang nerbiyos. Sa bawat pag-click ng camera, pakiramdam ko’y mas bumibigat ang dibdib ko.

At nang lumabas si Sage, halos natigilan ang lahat.

Naka-itim na suit siya na para bang hinubog para sa kaniya. Ang bawat hakbang niya ay may kumpiyansa, bawat ngiti ay parang programmed para hulihin ang mga camera. Palakpakan, flash ng ilaw, sigawan ng mga babae sa audience—lahat iyon ay parang background music lang habang nakatingin ako sa kaniya.

Iyan ang asawa ko.

Nagsimula ang talumpati ni Sage. Malinaw, kontrolado, at punong-puno ng vision. Dinidiscuss niya ang expansion ng Carden Inc., ang bagong partnership, at ang pangarap niyang gawing global ang brand. At habang nagsasalita siya, napansin kong lumipad ang tingin niya saglit sa akin. Sandali lang iyon, pero sapat para manlamig ang buong katawan ko.

Hindi siya ngumiti. Hindi rin siya kumurap. Isang tingin lang na parang babala.

Napayuko ako agad, kunwari’y abala sa pagsulat ng notes. Pero ramdam ko ang paghinga kong bumibilis.

Dumating na ang Q&A portion. Sunod-sunod na nagtatanong ang mga reporter—karamihan tungkol sa negosyo, sa kinabukasan ng kumpanya. Hanggang sa napansin kong parang walang gustong magtanong ng mas personal.

At bago pa ako makapag-isip, naramdaman kong nakataas na ang kamay ko.

“Yes, the lady in the blue dress,” sabi ng host, tinuturo ako.

Napasapo ako sa bibig ko pero huli na. Tumayo ako, ramdam kong nakatingin lahat sa akin—lalo na si Sage.

“Mr. Carden,” nanginginig ang boses ko pero pinilit kong gawing propesyonal, “many admire you for your success at such a young age. But what keeps you grounded? Sino o ano ang nagsisilbing inspiration mo para manatiling humble sa kabila ng lahat ng ito?”

Tahimik. Sandali lang, pero parang bumagal ang oras.

Nakatingin si Sage diretso sa akin. At sa mga mata niya, hindi ko nakita ang ngiting ipinapakita niya sa iba. Nakita ko ang babalang hindi nakikita ng mundo.

Ngunit sa microphone, ngumiti siya at sagot, “My family. They’ve always been my anchor.”

Palakpakan. Tawanan. Camera clicks.

“Your family–like your special someone? Like, iniispired ka ba niya? Sa family mo, wala bang reunion ang Carden clan para sa milestone na ito sa buhay mo?” pahabol kong tanong, baka sakaling maramdaman kong importante ako sa kanya. 

“That’s too personal, Ms.” ngumiti pa siya sa’kin at ibinaling na ang tingin sa microphone.

Napayuko ako, gusto kong umiyak. Nararamdaman ko ang pangingilid ng luha ko ngunit pilit ko itong pinipigilang lumabas. Panay ang punas ko gamit ng handkerchief ko sa aking mata. 

Parang hindi ko na talaga kaya.

Matapos ang event, nagpaalam ako agad sa mga kasama ko. Ayokong abutan pa ako ng tingin ni Sage. 

Nagmamadali na akong lumabas hangga’t abala pa ang ibang tao at ako lang ang tanging nasa hallway, nang natigilan ako sa paglalakad ng may humawak sa aking braso. 

“We’ll talk at home,” bulong niya, mababa at mariin.

Wala akong nagawa kundi tumango.

Pag-uwi namin sa condo, hindi pa man ako nakakahubad ng heels ay nagsimula na siya.

“What the hell was that, Phoebe?” bulyaw niya habang hinubad ang coat niya at ibinato sa sofa.

Nagulat ako. “I—I just asked a question. Trabaho ko iyon.”

“Trabaho?” tumawa siya nang mapait, lumapit sa akin na parang isang bagyong handang lamunin ako. “Trabaho mo ba ang ipahiya ako sa harap ng mga tao?”

“H-hindi naman iyon offensive na tanong—”

“Don’t play dumb, Phoebe.” Lalo siyang lumapit hanggang halos magdikit ang mga mukha namin. “You were testing me. You wanted to see if I’d slip. Are you forgetting who you are? You’re not just a reporter—you’re my wife.”

Naluha agad ako, pero pinilit kong magpaliwanag. “Hindi ko sinasadya, Sage. I swear, it was just instinct. Ayoko lang na isipin nilang wala kang puso—”

“Enough!” singhal niya, at napaatras ako. “You think you’re helping? You think you’re clever? You’re nothing but careless. One wrong word from you and everything I’ve built will come crashing down. Do you understand that?”

“Pero hindi ko naman—”

“I said enough!”

Napatigil ako. Hindi ko na alam kung alin ang mas masakit—ang boses niyang parang latigo, o ang katotohanang kahit isang beses man lang, hindi niya ako tinawag sa pangalan nang may lambing.

Tahimik akong naupo sa gilid ng kama habang siya naman ay nagtanggal ng necktie, galit na galit pa rin ang aura. Hindi siya tumingin sa akin, para bang ako’y hangin lang.

At doon tuluyang bumagsak ang mga luha ko. Tahimik, walang hikbi, pero sunod-sunod.

Kahit nasa iisang kwarto kami, parang milya-milya ang layo niya. Kaya ang ginawa ko na lang ay lumabas ng kwarto niya at bumalik sa sarili kong kwarto. 

Nang dumapa ako sa unan, narinig kong bumukas bahagya ang pintuan ko.

“Don’t make me regret this marriage more than I already do.” sambit niya at sinarado niya ng padabog ang pintuan. 

Para akong tinuhog sa dibdib.

Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas para hindi sumigaw, hindi magsalita. Tanging pag-iyak ko lang ang naging sagot ko. 

At habang unti-unting pinipikit ng luha ang mga mata ko, isa lang ang tanong na umuukilkil sa isip ko.

Hanggang kailan ko kakayanin ito?

Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas bago ako muling nakahinga nang normal. Nakatulala lang ako sa mga kamay kong nanginginig.

Mayamaya lang ay bumukas muli ang pintuan ng kwarto ko, “Phoebe,” malamig niyang sabi, hindi man lang lumingon, “if you can’t control yourself in public, maybe you shouldn’t be attending my events at all.”

Parang sinampal ako ng salitang iyon. Ano na lang ang sasabihin ni Ma’am Rica, madidisappoint siya sa’kin kungsasabihin kong ayaw ko na lang tanggapin ang assignment ko. 

“Pero trabaho ko iyon, Sage,” mahina kong sagot, halos bulong. “Reporter ako. Hindi ko naman pwedeng iwasan ang mga event na kagaya—”

“Then quit,” putol niya agad, sabay lagok ng alak na hawak niya. “Hindi mo kailangan ng trabaho kung makakasira ka lang sa akin.”

Napatitig ako sa kaniya, hindi makapaniwala sa narinig. “Quit? Sage, iyon na lang ang meron ako. Doon lang ako malaya. Doon lang ako, ako.”

Doon siya napalingon, matalim ang titig. “At ano ako, ha? Prison guard? Is that how you see me?”

“Hindi ko sinasabi iyon—”

“Pero iniisip mo.” Lumapit siya, dala ang baso ng alak, at tumigil sa harap ko. “Sa tingin mo hindi ko alam? Lagi kang may sinusulat. Lagi kang may iniisip na hindi ko kasama. Tell me, Phoebe, are you writing about me again?”

Napalunok ako, mabilis kong itinago ang kaba. Kung alam niyang halos lahat ng sinusulat ko’y umiikot sa kaniya, baka tuluyan na niyang putulin ang natitira kong mundo.

“Wala,” sagot ko, iwas ang tingin. “Hindi ko ginagawa iyon.”

Tahimik siya ng ilang segundo. Tapos dahan-dahang ngumisi, pero hindi iyon ngiti ng kasiyahan—kundi ng pananakot. “Good. Because if I ever find out na ginagamit mo ang pangalan ko, ang buhay ko, o kahit anong konektado sa akin… Phoebe, hindi lang karera mo ang mawawala. Ako mismo ang sisira sa iyo.”

Namilog ang mga mata ko. Hindi ko alam kung matatakot ako o masasaktan. Kasi imbes na makita ko sa asawa ko ang proteksyon, nakita ko ang panganib.

“Bakit… bakit mo ako tinatrato ng ganito?” tuluyan nang umiyak ang boses ko. “Asawa mo ako, Sage. Hindi ba dapat—”

“Stop acting like a victim,” singhal niya, sabay ibinaba ang baso sa mesa nang malakas, halos mabasag. “You knew what you signed up for. Pinili mo ito.”

“Hindi ako ang pumili!” pasigaw kong balik, at doon siya tuluyang natigilan. Nang makita kong nakatingin siya, puno ng gulat at galit, napagtanto kong lumabas ang tinatago kong sakit. “Hindi ako ang pumili ng kasal na ito, Sage. Napilitan lang ako. Dahil ikaw ang may hawak ng lahat.”

Tumahimik siya. Isang katahimikan na mas masakit pa kaysa sigawan.

Pero bago pa ako makahinga ng maayos, muli siyang nagsalita, mababa, matalim:

“And you think you’re the only one who didn’t choose this?”

Parang gumuho ang mundo ko sa linya niyang iyon. Kasi sa bawat salita, ramdam kong totoo ang galit niya. Para bang ako ang kasalanan kung bakit nakakulong siya sa isang buhay na ayaw niya.

“Kung kaya ko lang, Phoebe…” naglakad siya palayo, tumalikod sa akin, “matagal na kitang iniwan.”

At iyon ang pinakamatinding sugat na natamo ko ngayong gabi. Hindi suntok, hindi sigaw—kundi mismong kumpirmasyon na hindi niya kailanman ninanais ang presensya ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Beneath The Billionaire's Suit   Chapter 4

    Minsan, nakaka-paralyze lang isipin na pupunta ako sa isang event na ang pinaka-highlight ay ang taong dapat sana’y pinakamalapit sa akin pero pakiramdam ko’y pinakamalayong nilalang sa mundo.Nakaharap ako ngayon sa salamin, tinititigan ang manipis kong make-up at simpleng damit na pinili ko para hindi gaanong mapansin. Kahit entertainment journalist ako, hindi ako sanay sa mga glamorous na pagtitipon. Lalo na ngayong alam kong sa gitna ng lahat ng ilaw at camera, makikita ko si Sage—hindi bilang asawa, kundi bilang business tycoon na hinahangaan ng lahat.Niyakap ko sandali ang press ID ko bago lumabas. Para itong reminder na kahit anong mangyari, narito ako bilang reporter, hindi bilang asawa.Pagdating ko sa hotel ballroom, halos manlagkit ang mata ko sa dami ng chandelier at sa kintab ng sahig. Magarbo, masikip, puno ng camera at recorder. Lahat ng tao ay naka-focus sa stage kung saan nakalagay ang malaking banner: “Carden Inc.: Expanding Horizons.”“Phoebe!” tawag ng isa sa mga

  • Beneath The Billionaire's Suit   Chapter 3

    Bumalik sa tainga ko ang mga salita ni Sage sa’kin sa press event kahapon.Don’t ever forget who you belong to. Paulit-ulit iyong kumakabog sa tenga ko hanggang sa dinala na ako sa bangungot.Pagbaba ko sa dining area, naroon na siya. Nakaayos na sa mamahaling suit, hawak ang tasa ng kape na para bang iyon lang ang kaya niyang mahalin. Walang bati, walang tingin. Para lang kaming dalawang estranghero na nagkataong nakatira sa iisang bahay.Ngayong nasa harapan ko siya, gusto kong itanong sa kanya ang tungkol sa sinabi niyang ‘yun sa’kin kahapon, ngunit parang ayaw subukang magsalita ng bibig ko. “Good morning,” mahina kong bati, umaasang sasagot siya.Tumingin siya saglit, malamig pa rin ang mga mata, bago inubos ang kape. “I’ll be home late,” sabi niya lang, parang secretary lang niya ako na kailangang i-update sa schedule niya.Tumango ako. “Okay.”At umalis siya. Ganun lang. Walang yakap. Walang halik. Walang kahit anong senyales na mag-asawa nga kami.Hindi na ako nag aksaya ng

  • Beneath The Billionaire's Suit   Chapter 2

    Malamig ang aura ng paligid ng kwarto, pagmulat ko ng aking mga mata, wala na siya, sanay naman na ako pero bakit ganito lagi kong nararamdaman? Parang laging bago. Kagabi, hinayaan ko na naman ang sarili kong mahulog sa init ng mga halik niya, sa bigat ng bisig niyang parang kandado na ayaw akong pakawalan. Sa bawat ungol na pinilit kong ikubli, umaasa akong kahit konti, may halaga ako sa kanya. Pero paggising ko ngayong umaga, ang naiwan lang ay malamig na unan at amoy ng kanyang pabango.Ganito na lang ba palagi?Humigpit ang hawak ko sa kumot habang pinipigilan ang pangingilid ng luha. Kung sa paningin ng iba ay ako ang “pinakamapalad na babae” dahil asawa ko si Sage Carden, ako naman ang pinakanalulungkot sa tuwing narerealize kong hindi niya ako kayang mahalin.Pagdating ko sa opisina, sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa trabaho. Bilang entertainment reporter, sanay na ako sa mga celebrity launches at press events. Pero ngayong araw, ramdam kong mabigat pa rin ang dibdib

  • Beneath The Billionaire's Suit   Chapter 1

    Ang sabi nila, kapag iniwan ka ng taong mahal mo, matututo kang bumangon. Pero paano kung ang pagbangon mo ay kapalit ng isang buhay na hindi mo pinili?Ako si Phoebe Jimenez, twenty-four, isang entertainment reporter. Dati, ang pangarap ko lang ay makasulat ng mga kwento—mga kwentong magbibigay inspirasyon, hindi headlines. Pero nang mahuli kong may ibang babae ang boyfriend ko noon—at buntis pa ito—nawasak lahat ng plano ko. Iniwan niya akong luhaan, at wala na akong direksyong tinatahak.Akala ko iyon na ang pinakamasakit. Hanggang sa isang gabi, umuwi ako galing coverage, at hinarap ako nina Nanay at Tatay—kasama ang mga taong ni minsan hindi ko inakalang makakausap namin: ang pamilya Carden.At doon, nagsimula ang lahat.Napabalikwas ako ng may tumapik sa braso ko. Mahina lang naman ito kaya napabaling agad ako sa kanya.“Ms. Jimenez, sa likod po ang reserved seat para sa mga reporters.” Umiling ako, pilit na ngumingiti sa staff ng hotel ballroom. “No, I’ll stay here.”I was co

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status