Sage Carden, the heir to Carden Inc., is well-known nationwide for owning almost 145 branches of gas stations. However, his business empire is not the only thing that makes him one of the youngest billionaires you'll ever meet. Despite being the idol of many people because of his alleged ability to become a billionaire at 26 years old, they do not see the person behind Sage's fancy, well-tailored suit. The whole world does not know that Sage is already married and that lucky woman is Phoebe Jimenez, just an ordinary, talented writer whose only goal is to share stories from her imagination, inspiration, ideas, and experience. What if all the stories Phoebe writes are about and always revolve around her husband, Sage? And what if one of Phoeb e's writings is Sage's true identity, including the secret that only their family knows about? What will happen to Sage's hard-earned status in life?
View MoreMinsan, nakaka-paralyze lang isipin na pupunta ako sa isang event na ang pinaka-highlight ay ang taong dapat sana’y pinakamalapit sa akin pero pakiramdam ko’y pinakamalayong nilalang sa mundo.Nakaharap ako ngayon sa salamin, tinititigan ang manipis kong make-up at simpleng damit na pinili ko para hindi gaanong mapansin. Kahit entertainment journalist ako, hindi ako sanay sa mga glamorous na pagtitipon. Lalo na ngayong alam kong sa gitna ng lahat ng ilaw at camera, makikita ko si Sage—hindi bilang asawa, kundi bilang business tycoon na hinahangaan ng lahat.Niyakap ko sandali ang press ID ko bago lumabas. Para itong reminder na kahit anong mangyari, narito ako bilang reporter, hindi bilang asawa.Pagdating ko sa hotel ballroom, halos manlagkit ang mata ko sa dami ng chandelier at sa kintab ng sahig. Magarbo, masikip, puno ng camera at recorder. Lahat ng tao ay naka-focus sa stage kung saan nakalagay ang malaking banner: “Carden Inc.: Expanding Horizons.”“Phoebe!” tawag ng isa sa mga
Bumalik sa tainga ko ang mga salita ni Sage sa’kin sa press event kahapon.Don’t ever forget who you belong to. Paulit-ulit iyong kumakabog sa tenga ko hanggang sa dinala na ako sa bangungot.Pagbaba ko sa dining area, naroon na siya. Nakaayos na sa mamahaling suit, hawak ang tasa ng kape na para bang iyon lang ang kaya niyang mahalin. Walang bati, walang tingin. Para lang kaming dalawang estranghero na nagkataong nakatira sa iisang bahay.Ngayong nasa harapan ko siya, gusto kong itanong sa kanya ang tungkol sa sinabi niyang ‘yun sa’kin kahapon, ngunit parang ayaw subukang magsalita ng bibig ko. “Good morning,” mahina kong bati, umaasang sasagot siya.Tumingin siya saglit, malamig pa rin ang mga mata, bago inubos ang kape. “I’ll be home late,” sabi niya lang, parang secretary lang niya ako na kailangang i-update sa schedule niya.Tumango ako. “Okay.”At umalis siya. Ganun lang. Walang yakap. Walang halik. Walang kahit anong senyales na mag-asawa nga kami.Hindi na ako nag aksaya ng
Malamig ang aura ng paligid ng kwarto, pagmulat ko ng aking mga mata, wala na siya, sanay naman na ako pero bakit ganito lagi kong nararamdaman? Parang laging bago. Kagabi, hinayaan ko na naman ang sarili kong mahulog sa init ng mga halik niya, sa bigat ng bisig niyang parang kandado na ayaw akong pakawalan. Sa bawat ungol na pinilit kong ikubli, umaasa akong kahit konti, may halaga ako sa kanya. Pero paggising ko ngayong umaga, ang naiwan lang ay malamig na unan at amoy ng kanyang pabango.Ganito na lang ba palagi?Humigpit ang hawak ko sa kumot habang pinipigilan ang pangingilid ng luha. Kung sa paningin ng iba ay ako ang “pinakamapalad na babae” dahil asawa ko si Sage Carden, ako naman ang pinakanalulungkot sa tuwing narerealize kong hindi niya ako kayang mahalin.Pagdating ko sa opisina, sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa trabaho. Bilang entertainment reporter, sanay na ako sa mga celebrity launches at press events. Pero ngayong araw, ramdam kong mabigat pa rin ang dibdib
Ang sabi nila, kapag iniwan ka ng taong mahal mo, matututo kang bumangon. Pero paano kung ang pagbangon mo ay kapalit ng isang buhay na hindi mo pinili?Ako si Phoebe Jimenez, twenty-four, isang entertainment reporter. Dati, ang pangarap ko lang ay makasulat ng mga kwento—mga kwentong magbibigay inspirasyon, hindi headlines. Pero nang mahuli kong may ibang babae ang boyfriend ko noon—at buntis pa ito—nawasak lahat ng plano ko. Iniwan niya akong luhaan, at wala na akong direksyong tinatahak.Akala ko iyon na ang pinakamasakit. Hanggang sa isang gabi, umuwi ako galing coverage, at hinarap ako nina Nanay at Tatay—kasama ang mga taong ni minsan hindi ko inakalang makakausap namin: ang pamilya Carden.At doon, nagsimula ang lahat.Napabalikwas ako ng may tumapik sa braso ko. Mahina lang naman ito kaya napabaling agad ako sa kanya.“Ms. Jimenez, sa likod po ang reserved seat para sa mga reporters.” Umiling ako, pilit na ngumingiti sa staff ng hotel ballroom. “No, I’ll stay here.”I was co
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments