Share

Chapter 3

Author: Gianna Writes
last update Last Updated: 2025-08-19 17:00:18

Bumalik sa tainga ko ang mga salita ni Sage sa’kin sa press event kahapon.

Don’t ever forget who you belong to.

Paulit-ulit iyong kumakabog sa tenga ko hanggang sa dinala na ako sa bangungot.

Pagbaba ko sa dining area, naroon na siya. Nakaayos na sa mamahaling suit, hawak ang tasa ng kape na para bang iyon lang ang kaya niyang mahalin. Walang bati, walang tingin. Para lang kaming dalawang estranghero na nagkataong nakatira sa iisang bahay.

Ngayong nasa harapan ko siya, gusto kong itanong sa kanya ang tungkol sa sinabi niyang ‘yun sa’kin kahapon, ngunit parang ayaw subukang magsalita ng bibig ko. 

“Good morning,” mahina kong bati, umaasang sasagot siya.

Tumingin siya saglit, malamig pa rin ang mga mata, bago inubos ang kape. “I’ll be home late,” sabi niya lang, parang secretary lang niya ako na kailangang i-update sa schedule niya.

Tumango ako. “Okay.”

At umalis siya. Ganun lang. Walang yakap. Walang halik. Walang kahit anong senyales na mag-asawa nga kami.

Hindi na ako nag aksaya ng oras, kumain na lamang ako gaya ng ginagawa ko rin naman madalas at nagayos na rin para pumasok sa trabaho.

Pagdating ko sa opisina, ibang mundo ang bumulaga sa akin. Ang amoy ng tinta, ang tunog ng mga keyboard, at ang masiglang usapan ng mga kapwa ko reporter—ito ang mga bagay na nagpaparamdam sa akin na buhay pa ako. Na may saysay pa rin ako kahit papaano.

“Ay, Phoebe! Buti andito ka na,” tawag ng editor ko, si Ma’am Rica. Mahigpit siya pero siya ang dahilan kung bakit ako natanggap sa top entertainment column ng kumpanya. “May bago kang assignment.”

Inabot niya sa akin ang isang folder. Nang buksan ko, bumungad ang pangalan na kinabahan akong makita.

Sage Carden.

Parang biglang nagdilim ang paligid.

“Maghahandle ka ng feature tungkol sa mga business heirs na tinaguriang Young Kings of the Industry,” paliwanag ni Ma’am Rica. “And siyempre, number one diyan si Mr. Carden. Kilala siya bilang genius businessman, idol ng marami. We need an exclusive angle, Phoebe. Hindi yung paulit-ulit na nababasa ng mga tao sa internet.”

Napakagat ako ng labi. Kung alam lang niya. Exclusive? Ako ang may pinakamalaking exclusive access sa lahat—ako ang asawa niya.

Pero hindi iyon ang puwede kong isulat.

“Ma’am,” mahina kong tanong, “p-pwede bang ibang heir na lang ang hawakan ko?”

Tiningnan niya ako nang matalim. “You’re one of my best writers, Phoebe. Ikaw lang ang nakikita kong kayang gumawa nito ng kakaiba. Unless hindi ka komportable at may problema ka kay Mr. Carden?”

Napayuko ako. Huminga ako nang malalim. “Okay po. Gagawin ko.”

Maghapon akong nakatutok sa computer, nagre-research tungkol sa lahat ng nagawa ni Sage. Kung gaano siya kagaling magpatakbo ng negosyo. Kung gaano siya kabilis magpalago ng imperyo. Kung paano siya iniidolo ng libu-libong tao.

Pero habang binabasa ko ang mga artikulo, para bang tinutusok ang puso ko. Ang imaheng ipinapakita niya sa mundo ay kabaligtaran ng nakikita ko gabi-gabi sa bahay namin.

Para sa kanila, siya ay perpektong binata—successful, charismatic, at ultimate bachelor. Para sa akin, siya ay isang estranghero na may malamig na halik at tinig na laging nakapako sa salitang “mine.”

Isinara ko ang laptop ko, nanginginig ang kamay. Hindi ko alam kung kaya kong magsulat nang hindi nasasaktan.

Bandang hapon, napagpasyahan kong magpahangin sa rooftop ng building. Doon ako madalas tumakas kapag gusto kong makalimot saglit. 

Sa itaas, tanaw ko ang mga tao sa baba—lahat abala sa kani-kanilang buhay. Lahat malaya.

Napatingin ako sa singsing sa daliri ko. Maliit, simple, halos hindi halata. Wala man lang engraving ng pangalan ko o niya. Isang tahimik na paalala na may isang bahagi ng buhay ko na hindi ko pwedeng ipagsigawan.

Bigla kong naisip, paano kung magsulat ako ng kwento na malapit sa katotohanan? Hindi bilang reporter, kundi bilang ako mismo—isang babaeng ikinulong ng isang lalaking iniidolo ng mundo.

Umiling ako. Hindi pwede. Hindi pa ngayon.

Pero habang nakatingin ako sa malayo, alam kong unti-unti nang nag-aalab ang apoy sa loob ko.

Nang matapos ang aking trabaho ay agad na akong umalis para makauwi na rin, gusto ko na magpahinga.

Pag-uwi ko, nandoon na siya. Nakatayo sa sala, hawak ang coat, at para bang kanina pa ako hinihintay.

“Where were you?” malamig niyang tanong.

“Work,” sagot ko, pilit na mahinahon.

Lumapit siya, mabigat ang hakbang. Tumigil siya sa harap ko, tinitigan ako nang diretso. “I don’t like it when you’re out late.”

“Trabaho ko iyon, Sage,” hindi ko mapigilang sagutin.

Nagdilim ang mga mata niya. Isang hakbang pa at halos magdikit na kami. Hinawakan niya ang baba ko, marahas pero hindi masakit. “Remember what I said. You belong to me.”

Nang binitiwan niya ako, para akong nawalan ng hininga. 

Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko, nagsamasama na sa’kin ang pagod, lungkot, inis, galit, at kung anu-ano pang kinimkim ko sa ilang taon. Umakyat ako sa kwarto at pinili ko na lang ikulong muna ang sarili ko. 

Kinagabihan, nakahiga ako sa kama, gising pa rin. Nasa study si Sage, abala sa mga papeles niya. Ako naman, nakatitig lang sa blangkong dokumento sa laptop ko. Title pa lang ang nai-type ko.

“The Man Behind the Empire.”

At doon, may malamig na kilabot na dumaloy sa likod ko. Kasi sa oras na isulat ko ito, hindi lang trabaho ang nakataya—pati buhay ko.

Kinabukasan, halos ayaw kong bumangon ngunit kung hindi ko sisiputin ang trabaho, mas lalo lang akong mawawala sa mundong ako lang ang may kontrol.

Pagpasok ko sa opisina, sinalubong ako ng mga ngiti at tawanan ng mga kasamahan ko. Sa maliit na sulok ng newsroom, ako ang tinatawag nilang “quiet star.” Hindi dahil sa madaldal ako, kundi dahil sa tahimik pero tumatagos ang mga sinusulat ko.

“Phoebe, lunch tayo later, ha? My treat!” sigaw ni Liza, kapwa ko reporter at isa sa iilang nakakaalam na may asawa ako.

“Sure,” ngiti ko, kahit hindi ko alam kung may gana ba akong kumain.

Pag-upo ko sa desk, bumungad muli ang folder ni Sage. Nakasulat doon ang schedule ng press events, listahan ng mga business partners, at ilang mahahalagang impormasyon na ipinadala ng PR team niya. Kahit papaano, wala pang may hinala sa tunay naming relasyon—dahil si Sage mismo ang nag-ingat para manatiling sikreto iyon.

Humugot ako ng malalim na hininga at sinimulan ang draft ng article. Pero habang tinatype ko ang “Sage Carden, the young heir who turned a family business into a nationwide empire…” ay para bang nahahati ako. Bilang journalist, tungkulin kong ipakita ang katotohanan. Pero bilang asawa niya, alam kong higit pa sa kinang ang nasa likod ng pangalan niya.

At iyon ang hindi ko pwedeng isulat.

Tanghali na nang maisama ako ni Liza sa isang maliit na café malapit sa opisina. Tahimik iyon kumpara sa ingay ng newsroom, kaya doon kami madalas tumambay.

“Girl, ang tahimik mo na naman. May problema ba?” tanong niya habang inaabot ang iced coffee ko.

Umiling ako, pero ramdam kong hindi siya kumbinsido. “Wala, pagod lang.”

“Pagod o problema sa asawa?” nakangisi niyang tukso.

Napatawa ako kahit pilit. Kung alam lang niya. Pero imbes na magsalita, binago ko ang usapan. “Ikaw, kamusta ka naman? May bago ka bang scoop?”

Nagkwento siya tungkol sa bagong interview niya sa isang rising star. Nakinig ako, pinilit kong makihalakhak. Pero sa loob-loob ko, ang utak ko ay nasa assignment pa rin.

Pagbalik namin sa opisina, pinatawag ako ni Ma’am Rica.

“Phoebe, good job on your drafts lately. Pero dito kay Carden… I want something deeper,” sabi niya, habang nakapamewang. “Hindi lang tayo basta entertainment column. We need the story behind the image.”

Napalunok ako. “Yes, Ma’am. I’ll… I’ll find a way.”

“You always do,” malamig pero tiwala ang tono niya.

Paglabas ko ng opisina, ramdam kong mas lalo akong nakulong. The story behind the image. Kung alam lang nila kung anong klaseng image ang nakikita ko gabi-gabi.

Kinagabihan, late na naman umuwi si Sage. Ako nama’y nakaupo sa sofa, nakatingin sa dokumento ng assignment ko. Hindi ko na napansin na pumasok siya hanggang sa magsalita siya mula sa likod ko.

“What’s that?” tanong niya, boses na puno ng awtoridad.

Mabilis kong isinara ang folder. “Work lang.”

Lumapit siya, kinuha iyon mula sa kamay ko nang hindi nagpapaalam. Nang makita niya ang pangalan niya sa cover page, napawi ang kunot sa noo niya at napalitan ng malamig na ngiti.

“So, they assigned you to write about me,” aniya, puno ng kumpiyansa.

“Hindi ko pinili iyon,” mabilis kong paliwanag.

Tinitigan niya ako, tila sinusuri kung nagsasabi ako ng totoo. Pagkatapos, binitiwan niya ang folder at tumalikod. “Good. Keep it that way.”

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko, hindi mapigilang sumagot.

Huminto siya, bahagyang lumingon. “Write whatever they want. Just don’t forget who you are—my wife. I won’t tolerate betrayal, Phoebe.”

At iniwan niya ako roon, nakapako ang mga paa, nanginginig ang mga kamay.

Buong gabi, nakatingin lang ako sa laptop ko. Sa blangkong pahina na dapat ay napupuno ng salita. Pero wala akong mailagay. Laging bumabalik sa akin ang boses ni Sage, malamig at mapanganib.

Sa isang iglap, binuksan ko ang isang bagong dokumento. Hindi para sa trabaho. Hindi para kay Ma’am Rica. Para lang sa akin.

Title: The Man Who Owns My Silence.

At doon, nagsimulang dumaloy ang mga salita. Mga salitang hindi ko masabi nang malakas, pero kaya kong ikulong sa pahina. Mga kwento ng isang lalaking minamahal ng lahat—pero kinatatakutan ko sa gabi. Mga kwento ng isang babaeng hindi alam kung hanggang kailan siya mananahimik.

Habang tumatakbo ang mga letra, napangiti ako nang mapait. Dahil kahit hindi ko man mailathala, alam kong nagsisimula na akong lumaban sa sarili kong paraan.

At sa dulo ng isinulat ko, isang tanong ang iniwan ko sa sarili ko.

Hanggang kailan ako mananatiling lihim?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Beneath The Billionaire's Suit   Chapter 4

    Minsan, nakaka-paralyze lang isipin na pupunta ako sa isang event na ang pinaka-highlight ay ang taong dapat sana’y pinakamalapit sa akin pero pakiramdam ko’y pinakamalayong nilalang sa mundo.Nakaharap ako ngayon sa salamin, tinititigan ang manipis kong make-up at simpleng damit na pinili ko para hindi gaanong mapansin. Kahit entertainment journalist ako, hindi ako sanay sa mga glamorous na pagtitipon. Lalo na ngayong alam kong sa gitna ng lahat ng ilaw at camera, makikita ko si Sage—hindi bilang asawa, kundi bilang business tycoon na hinahangaan ng lahat.Niyakap ko sandali ang press ID ko bago lumabas. Para itong reminder na kahit anong mangyari, narito ako bilang reporter, hindi bilang asawa.Pagdating ko sa hotel ballroom, halos manlagkit ang mata ko sa dami ng chandelier at sa kintab ng sahig. Magarbo, masikip, puno ng camera at recorder. Lahat ng tao ay naka-focus sa stage kung saan nakalagay ang malaking banner: “Carden Inc.: Expanding Horizons.”“Phoebe!” tawag ng isa sa mga

  • Beneath The Billionaire's Suit   Chapter 3

    Bumalik sa tainga ko ang mga salita ni Sage sa’kin sa press event kahapon.Don’t ever forget who you belong to. Paulit-ulit iyong kumakabog sa tenga ko hanggang sa dinala na ako sa bangungot.Pagbaba ko sa dining area, naroon na siya. Nakaayos na sa mamahaling suit, hawak ang tasa ng kape na para bang iyon lang ang kaya niyang mahalin. Walang bati, walang tingin. Para lang kaming dalawang estranghero na nagkataong nakatira sa iisang bahay.Ngayong nasa harapan ko siya, gusto kong itanong sa kanya ang tungkol sa sinabi niyang ‘yun sa’kin kahapon, ngunit parang ayaw subukang magsalita ng bibig ko. “Good morning,” mahina kong bati, umaasang sasagot siya.Tumingin siya saglit, malamig pa rin ang mga mata, bago inubos ang kape. “I’ll be home late,” sabi niya lang, parang secretary lang niya ako na kailangang i-update sa schedule niya.Tumango ako. “Okay.”At umalis siya. Ganun lang. Walang yakap. Walang halik. Walang kahit anong senyales na mag-asawa nga kami.Hindi na ako nag aksaya ng

  • Beneath The Billionaire's Suit   Chapter 2

    Malamig ang aura ng paligid ng kwarto, pagmulat ko ng aking mga mata, wala na siya, sanay naman na ako pero bakit ganito lagi kong nararamdaman? Parang laging bago. Kagabi, hinayaan ko na naman ang sarili kong mahulog sa init ng mga halik niya, sa bigat ng bisig niyang parang kandado na ayaw akong pakawalan. Sa bawat ungol na pinilit kong ikubli, umaasa akong kahit konti, may halaga ako sa kanya. Pero paggising ko ngayong umaga, ang naiwan lang ay malamig na unan at amoy ng kanyang pabango.Ganito na lang ba palagi?Humigpit ang hawak ko sa kumot habang pinipigilan ang pangingilid ng luha. Kung sa paningin ng iba ay ako ang “pinakamapalad na babae” dahil asawa ko si Sage Carden, ako naman ang pinakanalulungkot sa tuwing narerealize kong hindi niya ako kayang mahalin.Pagdating ko sa opisina, sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa trabaho. Bilang entertainment reporter, sanay na ako sa mga celebrity launches at press events. Pero ngayong araw, ramdam kong mabigat pa rin ang dibdib

  • Beneath The Billionaire's Suit   Chapter 1

    Ang sabi nila, kapag iniwan ka ng taong mahal mo, matututo kang bumangon. Pero paano kung ang pagbangon mo ay kapalit ng isang buhay na hindi mo pinili?Ako si Phoebe Jimenez, twenty-four, isang entertainment reporter. Dati, ang pangarap ko lang ay makasulat ng mga kwento—mga kwentong magbibigay inspirasyon, hindi headlines. Pero nang mahuli kong may ibang babae ang boyfriend ko noon—at buntis pa ito—nawasak lahat ng plano ko. Iniwan niya akong luhaan, at wala na akong direksyong tinatahak.Akala ko iyon na ang pinakamasakit. Hanggang sa isang gabi, umuwi ako galing coverage, at hinarap ako nina Nanay at Tatay—kasama ang mga taong ni minsan hindi ko inakalang makakausap namin: ang pamilya Carden.At doon, nagsimula ang lahat.Napabalikwas ako ng may tumapik sa braso ko. Mahina lang naman ito kaya napabaling agad ako sa kanya.“Ms. Jimenez, sa likod po ang reserved seat para sa mga reporters.” Umiling ako, pilit na ngumingiti sa staff ng hotel ballroom. “No, I’ll stay here.”I was co

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status