FAZER LOGIN“Dito na po ‘yon?” Sinilip ni Astrid mula sa bintana ng taxi ang gusali sa tapat nila. Mukhang ito na nga ang lugar.
“Sige po d’yan na lang sa tabi.”
Nag-taxi na siya papunta. Mahal at masakit sa bulsa pero worth it naman siguro dahil trabaho ang pupuntahan niya.
Hindi niya mapigilang mamangha sa nakikita. Isa itong building. Mamahaling hotel. Sa tanang buhay niya, hindi pa siya nakakatapak sa ganitong klaseng lugar. Ngayon pa lang!
Pagkababa, binasa niya ang malaki at engrandeng nakapaskil sa taas ng pasukan. “Royal Bliss...”
Nilabas niya sa bulsa ang isang piraso ng papel. Tama nga. Ito nga ang nakalagay sa binigay na address sa kaniya ni Aling Beth. Kagabi matapos nilang magkausap, may nirekomendang trabaho sa kaniya ang ginang. Sabi sa kaniya sa restobar daw ng hotel ang trabaho niya. Dito siya pinapunta at dahil kailangang kailangan niya talaga ng mapagkakakitaan, agad siyang tumalima.
Mula sa entrada, napakagarbo na ng lahat. Mas lalong maganda ang loob ng gusali kaysa sa labas.
“Excuse me po, miss.” Lumapit siya sa reception area.
“Yes, ma’am? Good afternoon. How may I help you?”
“Ako po ‘yong pinapunta ni Madam Beth. Isa po sa mag-aasikaso sa event mamaya,” sambit niya. Inabot niya rin ang red envelope, tila invitation, na kasama sa binigay sa kaniya. “Astrid Monteneses po.”
Tila naging alerto ang babae at nagpalingon-lingon pa sa paligid. Nagtaka si Astrid pero pinagsawalang bahala iyon nang bumalik ang ngiti ng babae at magiliw tinanggap ang kaniyang invitation. May kung ano itong pinagtitipa sa harap nito pagkatapos.
“Akyat na po kayo. Nandoon na ang iba pa. Mas maiging pumunta na kayo para makapaghanda.”
Sumunod siya sa isa pang babae na tinuro kung saan ang elevator. Halatang abala ang halos lahat para sa gaganaping masquerade party. Panigurado, bigating mga tao ang dadalo.
Ang alam niya, siya ang magiging waitress.
Mani lang ‘to sa kaniya. Ilang taon siyang nanilbihan sa karinderya. Sosyal na version lang ito ng nauna na niyang trabaho.
“Magw-waitress ka kamo?”
“Opo,” sagot niya sa nagtatakang staff. Pinaliwanag niyang si Aling Beth ang nagpadala sa kaniya na agad naintindihan ng lalaki.
Tumawa ito. “Nagkakamali ka ata. Pero doon ka sa kwartong ‘yon. Pasok ka dyan, may mag-aasikaso sa ‘yo. Nandoon si Madam Beth.”
Muling naguluhan si Astrid sa sagot ng lalaki. Kanina niya pa nararamdamang parang may mali. Gayunpaman, sumunod siya sa sinabi nito. Sa pagbukas niya ng silid, mabilis niya ulit naisara ang pinto sa gulat.
Bakit maraming babaeng nagbibihis?!
Dressing room ang kwarto. Hindi naman siguro siya namamalikmata.
Masquerade ang theme ng event sa kaniyang pagkakaalam. Napalitan na ba ng beach wear? Bakit parang swimsuit naman yata ang suot nila?
Sa pagkakataong ito, imbis na basta na lang buksan ang pinto, kumatok muna siya. Sumalubong sa kaniya ang parehong eksena. Malaki ang silid. Maraming babae ang nasa loob. Higit sa sampu. Magaganda at sexy na babae.
Sa isang gilid, nandoon ang mga damit… mostly revealing at may ka-partner na mask. Sa kabila ay isang helera ng mga salamin na may ilaw, upuan, at lamesa kung saan ay may iba't ibang pampagandang nakapatong.
“Astrid! Mabuti dumating ka na.” Boses iyon ng pamilyar na ginang. “Bakit gan’yan ang suot mo? Halika na’t magpalit ka at mag-ayos."
Puting t-shirt, pantalon, at rubber shoes ang suot niya. Simple lang dahil waitress naman ang tatrabahuhin niya... iyon nga ba?
“Saan ka mas komportable? Two piece? One piece?” Dinala siya ni Aling Beth kung saan nakasabit ang maraming damit.
“Po? Ano po bang nangyayari? ‘Di po ba waitress ang gagawin ko? Bakit kailangan ko magsuot ng gan‘yan?”
Natigilan ang ginang. Seryoso itong tumingin sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. “Sinong nagsabi sa ‘yo na magiging waitress ka?”
“K-Kayo po. Kagabi... ‘di ba sabi ninyo bibigyan ako ng trabaho sa restobar—”
“Ito na nga ‘yon. Alam kong sa puntong ‘to, malinaw na sa ‘yo kung anong trabaho ang inaalok ko. Kailangan mo ng pera para makabayad sa akin hindi ba? Magtrabaho ka rito ng isang gabi, may sobra ka pa. Malaki na agad ang kikitain mo. Maswerte ka at may event na magaganap ngayon. Mas malaki ang makukuha mong pera kapag ginalingan mo. Isasalang kita sa auction.”
“Sandali... Sandali lang po.” Nagsimulang kabahan si Astrid. Pinoproseso pa rin niya ang narinig. “Hindi po ganito ang inaasahan ko, hindi ito ang trabahong pinunta ko. Uuwi na lang po ako—”
“Uuwi ka? Sige. Wala ka nang uuwian,” pagbabanta ni Aling Beth.
Natigil siya pagpalag at natuod sa kaniyang kinatatayuan.
“Kung hindi mo tatanggapin ang trabahong ‘to, hindi ka na makakatira sa bahay ko. Saan ka pa makakakuha ng pambayad sa akin? Kung wala kang mabibigay, mapipilitan na talaga akong palayasin ka at ipagbibili ‘yon sa iba. Hindi kita pinupwersa. Mabait pa nga ako para bigyan kita ng ganitong oportunidad. Ngayon, ikaw ang bahala sa magiging desisyon mo.”
Hindi siya pwedeng basta lumayas sa bahay. Bukod sa wala siyang matutuluyan, mahalaga ang bahay sa kaniya. Iyon ang tahanan niya, ang bahay na matagal pinag-ipunan at ipinundar ng mga magulang niya. Nagkataon na nalubog sa utang ang pamilya nila noong parehong nagkasakit ang mama at papa niya kaya wala silang nagawa kundi ipagbili ang bahay at lupa nila. Ito na lang ang alaalang mayroon siya sa pamilya niya ngayong mag-isa na siya... Nangako siyang babawiin ito kay Aling Beth kapag naka-ipon na siya.
Binigyan siya ng choices pero parang wala rin naman siyang choice. Ito na ba ang kapalaran niya?
Sumalubong kay Astrid ang malamig na marmol. Sinubukan niyang tumayo, tinukod niya kaniyang mga kamay at binuhat paangat ang katawan. Parang ang bigat ng katawan niya. “Walang bagay na gusto ko na hindi ko nakukuha.” Lumapit ang isang boses. Pinilit niyang makilala kung sino ito sa kabila ng nanlalabo niyang paningin. Siya… ang matandang lalaking muntik manalo sa kaniya sa auction!“Lumayo ka… L-Lumayo ka sa akin.” Gamit ang nalikom na lakas, sinanggi niya ang kamay nitong balak siyang haplusin. Wala itong suot na maskara kaya lantad ang nakakasora nitong mukha. Ngumiti siya ng kakaiba, halatang may masamang balak. “Hihiramin lang kita ng sandali, ibabalik din kita.”“Huwag mo akong hawakan!”Napataatras silang pareho dahil sa pagtulak ni Astrid. Namula sa galit ang matanda at hinila ang braso niya. Sinabunutan siya nito gamit ang kaliwang kamay at tinaas ang kanang kamay na may hawak na tungkod.Mariing pinikit ni Astrid ang mga mata. Ilang segundo ang lumipas, walang kahit anong
Naging hudyat ang anunsyo para mag-angat ng tingin si Ruex. Doon niya lang napansin ang babae. ‘What’s wrong with her?’ Is the first thing he asked himself. Nakayuko si Astrid at halatang kinakabahan. She looks like a lost puppy in his eyes.Mariing kinuyom ni Astrid ang mga kamao habang nakatayo sa gitna ng entablado. Bahagyang umiikot ang paningin niya dahil sa alak na nauna niyang nainom, pero sapat pa rin ang katinuan niya para maramdaman ang bawat matang nakatutok sa kanya.Sandaling katahimikan. Nabasag iyon sa pagtaas ni Ryan ng kamay. Ruex immediately looked at him.“What?” patay malisya si Ryan.“Thank you, sir! I have ten thousand. Do I hear eleven?”Muling nabuhayan ang hall. Everyone starts bidding to win this delicate lady. “Eleven thousand,” called a man near the front.“Eleven. Now twelve?”“Fifteen thousand!” hindi nagpatalo si Ryan.“Fifteen thousand with the gentleman in red. Sixteen? Sixteen, thank you. Seventeen anywhere? We have twenty thousand in the back. Twent
NAGSIMULA na ang event. Sunod-sunod ang pagdating ng mga bisita sakay ng magagarbo nilang sasakyan. Bukod sa mamahaling tuxedo at gown, nakasuot ng mask ang bawat isa. Nagmistulang ibang mundo ang loob ng grand ballroom. Kumikinang ang mga kristal na chandelier sa mataas a kisame habang dumadaloy ang mabagal na tugtugin sa paligid. Sa harap nila ay may stage kung saan gaganapin ang inaabangan auction.Everything screams power and money.“Hindi ako makapaniwalang nandito ka,” ngisi ng isang lalaki suot ang red tuxedo at mask. “Invite only ang party na ‘to. Hirap na hirap akong makakuha ng invitation. Akala ko ‘di ka na makakapunta.”It was Ryan. Ang pinsan ni Ruex. Kasama nila sa mesa ang secretary na si Connor.Dumagdag sa madilim na aura ni Ruex ang all black niyang outfit, itim maski ang maskara niyang natatakpan ang kalati ng kaniyang mukha. Tahimik siyang sumimsim ng wine saka pinagmasdan ang paligid. “I’m just curious about this event. Plus I’m sure you will find a way to drag m
“Dito na po ‘yon?” Sinilip ni Astrid mula sa bintana ng taxi ang gusali sa tapat nila. Mukhang ito na nga ang lugar.“Sige po d’yan na lang sa tabi.”Nag-taxi na siya papunta. Mahal at masakit sa bulsa pero worth it naman siguro dahil trabaho ang pupuntahan niya.Hindi niya mapigilang mamangha sa nakikita. Isa itong building. Mamahaling hotel. Sa tanang buhay niya, hindi pa siya nakakatapak sa ganitong klaseng lugar. Ngayon pa lang!Pagkababa, binasa niya ang malaki at engrandeng nakapaskil sa taas ng pasukan. “Royal Bliss...”Nilabas niya sa bulsa ang isang piraso ng papel. Tama nga. Ito nga ang nakalagay sa binigay na address sa kaniya ni Aling Beth. Kagabi matapos nilang magkausap, may nirekomendang trabaho sa kaniya ang ginang. Sabi sa kaniya sa restobar daw ng hotel ang trabaho niya. Dito siya pinapunta at dahil kailangang kailangan niya talaga ng mapagkakakitaan, agad siyang tumalima.Mula sa entrada, napakagarbo na ng lahat. Mas lalong maganda ang loob ng gusali kaysa sa labas.
Hindi na magkandaugaga ang mga tao sa loob ng maliit na karinderya. Palibhasa’y oras ng tanghalian. Marami ang nakapila. Halos puno na lahat ng mga lamesa.Sumilip ang isang serbadora sa loob ng kusina. “Astrid, pahatid naman ng order!” Lumabas si Astrid at tinuyo ang basang kamay sa suot niyang apron. All around siya rito. Nakakapagod man, tinitiis niya na lang.Kinuha niya ang tray na kinalalagyan ng mga plato at mangkok ng pagkain, saka niya itong maingat na inihain.“Ano ba ‘yan! Ang tagal, ang kukupad.” Bumungad sa kaniya ang galit na reklamo. “Akin na nga!” Hindi makapaghintay nitong hinila ang nilalapag na mangkok dahilan para matapunan ng mainit na sabaw ang kamay ni Astrid.Tahimik siyang napadaing sa sakit na dulot nito. Sa kabila no’n, nagawa niya pang ngumiti sa customer. “Pasensya na po at natagalan, ma’am. Salamat.”Pasimpleng bumuntong hininga si Astrid habang lumilipat sa kailang table para maglinis ng mga naiwang pinagkainan. Tinignan niya ang kamay na napaso. Bukod
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






