Share

Chapter 2: Why?!

Author: Luffytaro
last update publish date: 2026-08-06 17:38:53

DALAWANG taon na sila bilang mag-asawa at halos apat na taon bilang magkarelasyon ngunit ni minsan ay hindi sumagi sa isip ni Thea kahit minsan na lolokohin siya ng asawa niya. Halos kainggitan siya ng ibang babae dahil napaka-perpekto na nito halos, ngunit ang lahat ng iyon ay gumuho ng dahil lang sa nakita niya.

Nakadalawang baso na siya ng hard drink nang dumating ang kaibigan niyang si Nathalie. Tinawagan niya ito, kahit na maaga pa ay sinagot nito ang tawag niya. Medyo groggy pa nga ang boses nito kanina pero nang sabihin niyang samahan siya nito sa bar ay hindi ito nagdalawang isip na pumayag.

Hindi siya ganun kasanay na uminom kaya nang dumating ang kaibigan niya ay medyo nahihilo na siya. “You’re here…” sabi niya rito.

Umupo ito sa tabi niya. Ang mukha nito ay puno ng pag-aalala. “Totoo bang niloko ka ni Justin?”

Tumango siya. “Yeah, I caught him.” sagot niya at napuno ng sakit ang dibdib niya. Napakagat labi siya at sa sumunod na sandali ay naramdaman niyang naglandas sa pisngi niya ang kanyang mga luha.

Nathalie was her best friend for years at nakita nito kuung gaano siya kamahal ni Justin kaya ito ang unang ayaw maniwala nang sabihin niyang niloko siya nito.

“But why? Why would he do that? Nag-away ba kayong dalawa? Justin loves you so much.” hindi pa rin makapaniwalang sabi nito sa kaniya. Umasim ang mukha niya nang marinig niya ang pangalan ng lalaki.

“Pwede bang huwag mo munang banggitin ang pangalan niya sa ngayon?” pakiusap niya rito.

Napa buntong hininga na lang ito. “Pero sigurado ka ba talagang siya iyong nakita mo?” ayaw pa rin nitong maniwala at kung siya man din iyon, baka magalit pa siya sa nagsabi pero nakita niya talaga. Ang cellphone pa lang ni Justin na nasa mesa sa sala ay sapat ng ebidensya para maniwala siyang siya nga talaga iyon.

Muli niya sanang dadamputin ang kanyang baso ng agawin ito ng kaibigan niya. “Fine, I get it. Niloko ka ng gag0ng lalaking iyon pero kailangan mo ba talagang magpakalunod sa alak? Ano na ang plano mong gawin ngayon?”

“I’m filing for divorce. Hindi ko na siya kayang makasama pa pagkatapos niya akong lokohin.”

Muli itong napa buntong hininga at napuno ng awa ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. “Halika na, umuiw ka na muna para kahit papano ay makapagpahinga ka. Ihahatid na kita.” sabi nito sa kaniya at hinawakan ang kamay niya ngunit mabilis niya itong binawi.

“No, ayokong umuwi. Hindi na ako babalik pa sa bahay na iyon.” matatag na sagot niya.

~~~~~

Pero sa huli ay napilit pa rin ni Nathalie na iuwi si Thea sa bahay nila at halos maliwanag na noong dumating siya sa bahay nila. Sa sala ay naabutan niya si Justin na may malamig na mukha at nang makita siya ay kaagad itong tumayo at sinalubong siya.

Hinawakan nito ang kamay niya at ang mga mata nito ay malamig na nakatitig sa kaniya. Their relationship was almost perfect, ni hindi man lang sila nag-aaaway o nagkakaroon man lang ng argumento. “Where the hell have you been?” malamig ang tono ng boses nito.

“I’ve been calling you since last night pero hindi ka sumasagot.”

Tumaas ang sulok ng labi niya nang marinig niya ito. He’s been calling her till last night huh?

Gusto niyang matawa. Hindi niya alam kung hindi nito nakita ang missed call niya kanina pero marahil ay binura ito ng babae nito. Dahil sino pa sana ang nagtext sa kaniya kundi ang babae nito hindi ba?

Ito lang naman ang tanging makakagawa nun kaya hindi na siya nagtaka pa. Naging malamig ang kanyang mukha. “Ikaw pwedeng pumunta kahit saan mo gusto tapos ako hindi?” puno ng panunuya niyang tanong sa asawa.

Sa ilang taon at wala siyang ibang ginawa kundi ang maging isang perpektong asawa kay Justin. Ni hindi niya ito inaaway at higit sa lahat ay hindi siya nagreklamo kahit na minsan lang.

Kitang-kita niya kung paano ito natigilan ngunit sandali lang iyon hanggang sa…

“Alam mo na hindi ba?” ilang salita lang iyon ngunit nang marinig niya iyon ay parang sumabog ang lahat ng emosyon ni Thea. bukod pa doon ay ni wala siyang pagsisising makita sa pagmumukha nito na para bang isang simpleng bagay lang ang ginawa nitong panloloko sa kaniya.

Ang minsan niyang ipinagmalaking pagsasama nila ni Justin ay tuluyan ng nasira dahil lang sa pambabae nito. Tiyak na wala ng pag-asa pa para maibalik ang kung ano sila dati.

Bigla siyang humakbang at pagkatapos ay pinagpapalo ang dibdib nito sa sobrang galit. Gusto niyang ibuhos ang lahat ng sama ng loob niya rito. Gusto niyang ilabas ang lahat ng galit na nararamdaman niya hanggang sa tuluyan na siyang maginhawaan ngunit habang nagtatagal ay mas nagiging masakit lang ang lahat para sa kaniya.

Ang kanyang mga tuhod ay parang nawalan ng lakas at ang kanyang mga mata ay namula hanggang sa tuluyan nang tumulo ang luha. “Why?” halos bulong niya na tanong dito. Parang nauupos ang lakas niya.

Hilam ng luha ang mga matang tumingala rito. “Bakit mo nagawa sa akin ang lahat ng ito?” nanginginig ang boses na tanong sa kaniya.

“Kung hindi mo na ako mahal, bakit hindi mo na lang ako hiniwalayan kaysa ang lokohin mo ako at saktan?”

Kung may isang tao man na inaasahan si Thea na mananakit sa kaniya ay hindi ito ang asawa niya. He loved her. He doted on her. Pero ang lahat ng iyon ay peke lang pala. Ang lahat ng iyon ay pakitang tao lang pala.

Nang makita ni Justin ang umiiyak na mukha ni Thea ay parang may kung anong sumdot sa dibdib niya. Lumapit siya rito at pagkatapos ay hinawakan ang kamay nito. Sinubukan niya itong yakapin. “Thea, I am really sorry…”

Ang mga kamay ni Thea ay mahigpit na napakuyom nang marinig niya ang sinabi nito. Mabilis niya itong itinulak. “Huwag mo akong hawakan! Nakakadiri ka!” sigaw niya rito. Umatras siya.

Parang may bara sa lalamunan niya. Nagtataas baba pa rin ang dibdib niya sa sobrang kirot. Ang mga mata niya ay ayaw tumigil sa pagpatak ang mga luha. “Ganun na ba kahirap sayo ang hindi magloko?” nahihirapang tanong niya.

Parang may mga kutsilyong tumatarak sa dibdib niya. “Ang dami ko rin namang nakilalang lalaki. Ang ilan ay nagpakita pa sa aking interes pero iniwasan ko silang lahat dahil hindi ko kayang saktan ka! Hindi ko kayang lokohin ka! Pero bakit? Bakit…”

Puno ng galit at pagkadismaya ang mga mata niya habang nakatingin sa kanyang asawa. Hindi niya na ito kayang tingnan pa katulad ng dati. Hindi na niya kaya pang ibalik ang tingin niya dito pagkatapos ng ginawa nito sa kaniya. Minahal niya ito ng totoo pero anong kapalit ng lahat ng iyon? Panloloko. She was betrayed by the man she almost praised to be perfect, the man whom she trusted the most.

…

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 65

    HINDI maipaliwanag ni Zach ang nararamdaman niya habang naglalakad. Sumunod siya sa nurse na tumawag sa kaniya. Ilang beses siyang humugot ng malalim na buntong hininga bago napakuyom ng kanyang mga palad. Pauulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang nangyari kanina. Ang pagkahulog ni Thea sa pool at ang mga salitang sinabi ni Justin at higit sa lahat, ang mga salitang lumabas sa bibig niya.Nagalit siya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung bakit niya sinabi ang mga iyon kay Justin pero, ayaw na niyang makita pa si Thea na kasama nito. Alam niyang ang relasyon nila ay peke lang at may expiration pero… hindi niya pa rin gustong makita na bumalik ito sa lalaking iyon.Kung sakali man, okay lang naman sa kaniya na pakawalan ito basta ang lalaking pipiliin nito ay matino at alam niyang magiging masaya ito kasama ang taong pipiliin nitong mahalin. Mas napakuyom ang kanyang mga palad sa isiping iyon. Parang kung may anong tumusok sa dibdib niya ng wala sa oras kaya ipinilig niya ang kanyang u

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 64

    “WHAT happened?” tanong ni Sea na sumulpot mula sa kung saan. “Why is she with him?”Hindi siya sumagot. Nanatiling madilim ang mukha habang nakasunod sa paalis na pigura ni Justin. Wala siyang ibang nararamdaman kundi matinding galit. Gusto niyang hilahin si Thea mula sa mga bisig nito pero ayaw niyang gumawa ng eksena.“I have to go.” malamig na sabi niya at pagkatapos ay umalis para sundan si Justin, baka mamaya ay kung saan nito ito dalhin.Nagmamadali si Zach na sumakay sa kanyang kotse at halos mapasuntok siya sa steering wheel ng kanyang sasakyan dahil sa matinding galit na unti-unti ng lumulukob sa buong pagkatao niya.Anong ginagawa nito sa pool area kasama si Justin? Don’t tell me ay palihim na naman silang nagkikita?Ang isiping iyon ay mas lalo lang nagpatindi sa galit niya. Ang kanyang mga mata ay namula sa galit. Halos maglabasan na ang ugat sa noo niya. Hindi niya alma ngunit napakatagal na simula noong makaramdam siya ng ganito katinding pagkapoot. Naiinis siya sa isip

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 63

    GULAT na gulat si Thea sa ginawa ni Zach. bukod pa doon ay naramdaman niya pa ang paghigpit pa lalo ng pagkakahawak nito sa kanyang bewang. Nang lingunin niya ito, ang mga mata nito ay nag-aapoy sa galit habang nakasunod ng tingin sa palalayong lalaki.Hindi niya alam kung bakit galit na galit ito sa lalaking iyon. Sino ba siya? Sino ba ito sa buhay ni Zach? Ngayon niya lang napagtanto na kahit isang detalye sa buhay nito ay wala pa rin siyang alam. Ni hindi nga niya alam kung kailan ang birthday nito dahil unang-una, hindi naman sila ganun ka-close para pag-usapan ang mga bagay na iyon.Ilang sandali pa ay bigla na lang nitong binitawan ang bewang niya. “You should be careful of strangers. Hindi porket gwapo at maamo ang mukha ay mabait na. Some of them were wearing masks.” Hindi siya nakasagot. Ito pa lang naman ang unang taong na-meet niya doon kaya hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang galit nito rito sa totoo lang. Hindi niya naman talaga balak na makipag-usap sa

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 62

    HINDI alam ni Thea kung ano ba ang dapat niyang maging reaksyon noong magtama ang mga mata nila ni Zach. Ang ingay sa paligid niya noong mga oras na iyon ay tila biglang nawala. Maging si Sea na nasa tabi niya ay parang biglang naglaho. Walang iba siyang nakikita kundi tanging si Zach lang.Napalunok siya. Napatitig siya sa suot nitong suit. Bagay nabagay nito iyon at kahit anong suot naman nito ay bumabagay naman talaga rito pero, bakit sa tingin niya ay arang mas naging gwapo pa ito lalo? Dahil ba sa hindi niya ito nakita ng ilang linggo na? Ah, tama. Siguro ay iyon ang dahialn.Mabilis din siyang nakabawi mula sa kanyang pagkagulat. Napakurap-kurap siya bago yumuko at nag-iwas ng tingin. “Zach… nandito ka pala. Kanina ka pa hinahanap ni Thea.” sabi ni Sea.Hindi naman sumagot si Zach at nakatitig pa rin kay Thea. ilang sandali pa ay umupo siya sa tabi nito bago binalingan si Sea. “i thought your Dad and your siblings will attend?”Nagliwanag ang mga mata nito. “Yes, yes. Ayun sila!

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 62

    DUMATING si Thea sa isang private resort kung saan doon pala gaganapin ang birthday party ni Gov. sa labas pa lang ay napakarami ng sasakyan at mula doon sa gate ay rinig na niya ang mahinang tunog ng musikang nagmumula sa loob ng venue.Inaasahan na niyang marami ang dadalo sa mga oras na iyon pero parang gusto niyang malula. Idagdag pa na wala siyang kilala sa mga taong naroon. Anong gagawin niya doon? Napakagat labi siya. Kumabog ang dibdib niya ng wala sa oras habang pinapanood ang mga taong nagsisipasukan sa loob. Medyo mahigpit ang seguridad, marahil dahil na rin siguro kilala ang mga taong umattend ng party at bukod pa doon ay syempre, isang respetadong gobernador ang may birthday sa araw na iyon.Habang wala siyang ginagawa kanina ay medyo nagbasa-basa siya ng mga articles tungkol sa governor. Wala man lang siyang nabasa kahit na isang artikulo na nagsasabing napakasama nitong gobernador. Simula sa pagiging mayor nito hanggang sa pagiging Governor ay napakalinis ng record nit

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 61

    ILANG minuto ng nakaalis ang assistant ni Zach pero nakatitig pa rin si Thea sa mga iniwan nitong damit sa kanyang mesa. Hindi niya pa rin alam kung anong arte ba ang gagawin niya mamaya. Ang isipin pa lang ang tungkol sa bagay na iyon ay medyo nai-stress na siya sa totoo lang. Paano pa kaya kung nandoon na siya? Napahilamos na lang siya sa sobrang frustration niya. Napa buntong hininga din siya at sa ganuong ayos siya naabutan ni Sea.“Bakit ganyan ang mukha mo? Para kang nalugi.” sabi nito na nakakunot ang noo. Bigla itong napabaling sa mga inihatid ng assistant ni Zach na nasa mesa niya pa rin hanggang ngayon. “What’s this?” tanong nito at lumapit sa mesa niya. Hindi na niya kailangan pang sagutin ang tanong nito dahil binuklat na nito ang mga paperbag.“Oh, oo nga pala. Birthday nga pala ni Gov. ngayon. Invited din si Zach right?” tanong nito sa kaniya.Tumango lang siya.Mabilis itong umupo sa harap ng computer nito. “Kamusta ang shipment?”“Ayos naman. Na-check na namin lahat.”

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status