공유

Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother
Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother
작가: Luffytaro

Chapter 1: The Betrayal

작가: Luffytaro
last update 게시일: 2026-08-06 17:37:59

NAPALINGON si Thea nang bigla na lang umilaw ang screen ng cellphone ng kanyang asawang si Justin. Nasa banyo ito at naliligo samantalang siya ay tapos na siyang maligo kanina pa. Hindi naman talaga siya yung tipong pakialamera pagdating sa mga ganung bagay, lalo na ang kalikutin ang cellphone ng asawa niya.

Sigurado naman siyang hindi siya nito kayang lokohin pero hindi niya alam kung bakit parang may bumulong sa kaniya na tingnan niya ito. Bukod pa doon ay kusa na lang gumalaw ang kanyang mga paa para lumapit sa bedside table kung saan ito nakapatong. Ilang sandali pa ay muli na namang itong umilaw at isa pang mensahe ang nag pop-up sa screen ng cellphone ng asawa niya.

Dala ng curiosity ay pinulot niya ito at binasa. ‘Are you coming tonight?’

Natigilan siya sa nabasa. Gusto niya pa sanang buksan ang message ngunit naka-lock ang cellphone at hindi niya mabuksan.

Kasunod nito ay narinig niyang bumukas ang p***o ng banyo. Narinig niya ang papalapit na mga yabag ng asawa niya at sa sumunod na sandali ay bigla na lang siya nitong hinalikan mula sa likod at dumapo iyon sa kanyang leeg.

Gumapang ang halik nito patungo sa punong tenga niya at ang kamay nito ay pumulupot na sa kanyang beywang bago pumaloob sa damit niya. Kaya lang ay mabilis siyang lumayo dito.

Napuno ng pagtataka ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya. Mabilis niyang itinaas ang cellphone nito at ipinakita ang message na pumasok galing sa isang number na hindi nakasave. “What is the meaning of this?” malamig na tanong niya sa kanyang asawa.

Natigilan ito sandali bago kinuha ang cellphone nito sa kamay niya. Binuksan nito iyon at pagkatapos ay tinawagan ang numero na nagpadala ng mensahe. Sinagot naman nito iyon kaagad. “What is the meaning of this message? My wife read it and she’s upset.” malamig ang ekspresyon ni Justin. Naka loudspeaker ang tawag kaya malinaw niyang narinig ang sagot mula sa kabilang linya.

“I- I’m very sorry sir. Nagkamali lang po ako ng send, sa boyfriend ko po sana iyon. Pasensya na po talaga.” tinig iyon ng babae.

Hindi na sumagot pa si Justin at mabilis na pinatay ang tawag. Lumambot ang ekspresyon nito at ibinaba ang cellphone sa bedside table. “Ang sekretarya ko iyon honey. Narinig mo naman kung anong sinabi niya hindi ba? Na wrong sent siya.” muli itong lumapit sa kaniya at hinawakan ang kanyang mukha.

Sinubukan siya nitong halikan muli ngunit mabilis niyang iniiwas ang kanyang mukha dahil bigla na lang siyang nawalan ng gana.

“Honey?” puno pa rin ng pagtataka ang mukha ng asawa ngunit mabilis niya itong itinulak. “Hindi mo ba narinig ang sinabi niya? Kung gusto mo ay bukas ay tatanggalin ko na siya dahil lang doon.” sinubukan siya nitong hawakang muli ngunit umatras siya at lumayo rito.

“Pagod ako. Pwede bang bukas na lang?” tanong niya at humiga na sa kama.

Dalawang taon na silang kasal ng asawa niya at wala pa ni isang beses na pinaghinaalan niya itong may babae dahil palagi nitong ipinapakita sa kaniya na mahal siya nito.

Sinundan siya nito sa kama. Sinubukang halikan ngunit itinulak niya lang ito. “Justin ano ba?! Pagod ako, bukas na lang.” nagkumot siya pagkatapos. Hindi niya narinig na sumagot ito sa halip ay isang matalim na buntong hininga ang pinakawalan nito.

“Fine, pupunta na lang muna ako sa study at may tatapusin ako. Good night.” hinalikan pa siya nito sa tuktok ng kanyang ulo.

Hindi siya sumagot hanggang sa narinig niyang bumukas ang p***o at sumara.

~~~~

Isang malakas na kulog ang nagpagising kay Thea. dahan-dahang siyang umikot para tingnan ang asawa niya ngunit wala ito sa tabi niya. Tumingin siya sa orasan at nakita niyang alas tres na ng madaling araw.

Sa isip-isip niya ay hindi pa kaya natutulog ang asawa niya at bakit wala pa ito sa tabi niya?

Bumangon siya mula sa kama para magpunta sa study kung saan ito nagpunta ng magpalam ito kagabi ngunit nagulat siya nang pagpasok niya sa loob ay wala naman doon ang asawa niya. Nagsalubong kaagad ang mga kilay niya. Saan naman kaya ito nagpunta?

Sinubukan niyang hanapin ito sa mag katabing silid ngunit hindi niya ito natagpuan kaya bumalik siya sa silid nila at sa puntong iyon, nagulat siya nang bigla na lang umilaw ang screen ng cellphone niya. Pinulot niya ito at nakita niya ang isang mensahe galing sa hindi niya kilalang numero.

‘Alam mo ba kung nasaan ang asawa mo?’

‘Nandito lang naman siya sa tabi ko.’ kasunod nito ay ang isang address. Nanginig ang mga kamay niya at lumakas ang tibok ng puso niya. Ayaw niya sanang maniwala ngunit kusa na lang gumalaw ang katawan niya. Nagbihis siya at pagkatapos ay dinampot ang susi ng kanyang sasakyan at nagmaneho.

DUMATING si Thea sa isang bahay. Tuloy-tuloy siya sa pagpasok. Hindi naka-lock ang p***o at sa sala pa lang ay nagkalat na ang mga damit sa sahig papunta sa isang silid. Halos manginig ang katawan niya. Hindi siya makapaniwala. Parang ayaw niyang maniwala na gagawin iyon ng asawa niya sa kaniya.

Sa dalawang taon nilang pagsasama ay wala itong ibang ipinakita sa kaniya kundi ang pagmamahal kaya paanong… hindi. Baka pinagtripan lang siya ng kung sinomang nagtext sa kaniya. Hawak niya ang kanyang cellphone, tinawagan niya ang numero ng kanyang asawa at napalingon siya sa mesa na nasa sala. Nakapatong doon ang cellphone ni Justin, nagriring.

Ang agam-agam niya ay biglang nawala at isang katotohanan ang sumampal sa kaniya— her husband is cheating.

Umatras siya. Hindi siya gumawa ng eksena. Ang kanyang mga mata ay nag-umpisang magtubig. Halos manginig siya sa galit. Bakit? Bakit? Tanong niya sa kanyang isip pero hindi niya magawang sagutin ang tanong niya.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 19: ZSA Company Director

    KAHIT na puno ng pagdadalawang isip si Thea ay pumunta pa rin siya sa address na nakalagay sa card na ibinigay sa kaniya ng lalaking tumulong sa kaniya kanina. Kailangan niya talagang pumunta doon dahil may utang na looob siyang dapat niyang bayaran. Dumating siya sa isang building na sa tantiya niya ay nasa kalahating ektarya ang luwang. May apat na palapag ito at ang gate ay napakataas. Doon pa lang ay hinarang na siya kaagad at akala niya ay hindi siya papapasukin kaya lang nang ipakita niya ang card ay doon na siya nito pinapasok kaagad na para bang nakakita ito bigla ng multo.Hindi niya alam ang pasikot-sikot doon kaya nagtanong na lang siya. Mabuti na lang at mababait ang staff ng kumpanya. “Akyat daw po kayo ma’am sa fourth floor kung saan naroon ang opisina ng Director.” nakangiting sabi sa kaniya ng nasa lobby.“Thank you.” sabi niya at tinungo ang elevator na nasa gilid.Hindi niya alam kung inaasahan pa siya ng taong nagbigay sa kaniya ng card kahapon na dumating. Tyaka

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 18: Pissed Off

    “WHAT? May ibang tumulong sa kaniya?” hindi makapaniwalang tanong ni Justin sa kaibigan niyang si Marcel.Hindi ito kilala ni Thea dahil kababalik lang nito sa bansa at kung sakali man na magkita sila ay hindi nito maiisip na ang lahat ng iyon ay maingat niyang plinano. Kagabi, bago siya matulog ay inisip na niya ang bagay na iyon.Paano ba naman kasi ay hindi siya dalawin ng antok at tyaka, bigla na lang niyang nakita ang picture nila ni Thea na nakasabit pa sa bahay nila noong kasal nila. Parang hindi pa rin siya makapaniwal na isang linggo na lang ay maghihiwalay na silang dalawa ni Thea kaya bigla siyang nakaisip ng isang plano.Hindi ganun kalawak ang kapangyarihan niya para pagbantaan ang mga kumpanya na tatanggap kay Thea pero ang mga Madrigal, kaya nila iyong gawin kaya kahit na ayaw niya sanang humingi ng pabor sa mga ito ay nilakasan na lang niya ang loob niya.Mabuti na lang at nagtagumpay siya. Kaya nga lang ay sa isang bagay siya pumalpak. Hindi niya akaling out of nowher

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 17: Work For Him

    HALOS hindi alam ni Thea ang gagawin niya ng subukan niyang mag-withdraw sa kanyang atm ngunit ayaw itong pumasok. Sa halip ay pilit nitong iniluluwa ng machine. Kaya wala siyang choice kundi ang pumunta sa bangko para mag-withdarw. Ang galit at naiinip na mukha ng lalaki ang pauulit-ulit na tumatakbo sa isip ni Thea.“I’m sorry ma’am pero naka-freeze po ang account niyo.” sabi ng teller sa kaniya. “What?” hindi makapaniwala si Thea sa narinig. Ang kanyang mga kamay ay napakuyom ng mahigpit nang marinig niya ng sinabi nito. Ilang card ang sinubukan niya pero ang lahat ng iyon ay pare-pareho lang ang lumalabas. Don’t tell me ay pinutol na lahat ni Justin ang card niya?Anong ipambabayad niya ngayon sa lalaking iyon? Napakagat labi siya at mahigpit na napahawak sa kanyang cellphone. Kung tatawag siya kay Nathalie at hihingi siya ng tulong dito ay tiyak na hindi ito magdadalawang isip na tulungan siya pero… nahihiya siya sa kaibigan niya. Alam niyang hindi siya nito matitiis pero…Handa

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 16: Accident

    HINDI maipinta ang mukha ni Thea na lumabas sa pang sampung kumpanya na sinubukan niyang aplayan ng trabaho. Iisa lang ang sagot ng mga ito, walang bakante. Ni hindi man lang nila siya tinanong kung bakit siya naroon at kung anong posisyon ang aaplayan niya sa halip ay tinanong lang ang pangalan niya at ayun, pinaalis na siya kaagad pagkatapos marinig kung anong pangalan niya.Napakagat labi siya. Alam niya na kaagad kung bakit iyon nangyayari sa kaniya. Iisa lang ang naiisip niyang dahilan kung bakit, dahil iyon kay Justin. Bago siya umalis kagabi sa bahay nila ay pinagbantaan siya nito at sigurado siya na kagagawan nito iyon.Hindi niya akalain na seryoso ito sa ginagawa nitong panggigipit sa kaniya dahil lang sa nakipaghiwalay siya rito samantalang kung tutuusin ay dapat maging masaya ito dahil hindi siya nanggugulo katulad ng ibang babae hindi ba? Dapat nga ay maging masaya na lang ito dahil handa siyang palayain ito ng walang kapalit.Nagtagis ang mga bagang niya at taas noong na

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 15: Sorry

    KAAGAD na nabura ang ngiti sa labi ni Nadia nang hindi man lang siya pansinin ni Justin. Nagbihis pa siya ng kaakit-akit at naglagay ng napakapulang lipstick sa labi ng marinig niyang dumating ito sa mansyon pero wala pa rin pala itong epekto.Hindi iyon ang unang beses na sinubukan niyang kuhanin ang atensyon nito pero palagi siyang bigo. Hindi niya tuloy alam kung siya ba ang may problema o ano dahil palagi niya namang pinapalitan ang style niya. Pangit ba siya o ano? Sa pagkakaalam niya naman ay maganda siya, kaya niya nga naakit ang ama ni Justin. Pero ang plano talaga niya noon ay si Justin ang akitin niya pero hindi siya nagtagumpay kaya nagbago ang plano niya. Mas madali niyang naakit ang ama nito na ngayon ay ginawa na siyang pormal na babae nito.Wala siyang pakialam kung ano ang sabihin ng ibang tao pagdating sa kaniya o sa estado niya sa buhay ng matandang Agnes, hindi na iyon mahalaga para sa kaniya. Ang mahalaga ay nagagawa niya ang lahat ng gusto niya at higit sa lahat

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 14: The Plan

    “But Dad…” puno ng pag-aalangan ang mukha ni Justin habang nakatitig sa kanyang ama. Ganun na lang ba kadali para rito na kalimutan ang lahat ng ginawa ng pamilyang iyon sa kanila?Sila lang naman ang rason ng pagbagsak nila noong bata pa siya at kitang-kita niya kung paano ito nahirapang ibangon muli ang kumpanya nila tapos ngayon ay gusto nitong makipagtulungan sa minsan ng nagpabagsak sa kanila? Hindi niya maintindihan kung anong iniisip nito ng mga oras na iyon at kung bakit ntio gustong makipagtulungan sa pamilyang iyon dahil kung siya lang ang tatanungin, ayaw niya.“Dad, alam mo naman na minsan na nilang pinabagsak ang kumpanya, paano kung gawin nila ulit? Paano kung ulitin lang nila ang ginawa nila noon?” puno pa rin siya ng agam-agam.Ayaw niya sa pamlyang iyon dahil napakayayabang nila. Oo nga at magaling sila pagdating sa business pero hindi niya gusto ang pagkatao ng mga ito. Idagdag pa na nakatatak na sa isip niya ang ginawa ang mga ito noon sa kumpanya nila.Napakuyom ng

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status