Share

Chapter 4: Encounter

Author: Luffytaro
last update publish date: 2026-08-10 15:56:50

DAHAN-dahang iminulat ni Thea ang kanyang mga mata. Ramdam niya ang pananakit ng kanyang katawan. Bukod pa doon ay sobrang sakit din ng ulo niya na para bang sasabog ito.

Bumangon siya sa kama at halos mapapitlag siya nang marinig niya ang isang tinig galing sa gilid niya. “You’re awake at last…”

Nanlaki ang kanyang mga mata. “Wh— what are you doing here?” nauutal na tanong niya sa lalaki.

Kitang-kita niya kung paano tumaas ang sulok ng labi nito dahil sa sinabi niya. “What am I doing here?” ulit nito sa tanong niya. 

Biglang bumaba ang mga mata nito sa katawan niya dahilan para yukuin niya ang sarili niya at doon niya lang napansin na wala pala siyang saplot kahit na ano sa ilalim ng kumot. “A—- anong ginawa mo?!” natatarantang tanong niya.

Napaurong pa siya sa kama. Napaismid ito. “Nakalimutan mo na ba? Ikaw ang bigla na lang pumasok dito sa silid ko kaya anong karapatan mo para magtanong?”

“What?” hindi makapaniwalang tanong niya. Paano naman sana siya papasok sa silid nito hindi ba? Anong alam niya? “Anong sinasabi mo?” naguguluhan pa rin niyang tanong. Hindi niya alam kung anong sinasabi nito. 

Sa pagkakaalam niya ay patungo siya sa silid na kinuha sa kaniya ni Nathalie kaya paanong sinasabi ng lalaking ito na basta na lang siyang pumasok sa silid nito?

Gusto niyang matawa. Naglolokohan ba sila?

Ngunit sa halip ay nakita niyang naging madilim ang ekspresyon nito habang nakatingin sa kaniya bago tumaas ang sulok ng labi nito bago dahan-dahang tumayo mula sa kinauupuan. Hindi niya alam pero parang tumayo ang lahat ng balahibo niya ng mga oras na iyon.

Napahigpit ang pagkakahawak niya sa kumot na nakatakip sa katawan niya. “A-anong gagawin mo?” halos mautal na tanong ni Thea habang nakatingin dito. Unti-unti itong lumapit sa kaniya.

“Sabihin mo nga ang totoo? Inutusan ka ba ng walang kwenta mong asawa para akitin ako huh?”

“What?” hindi makapaniwalang tanong niya dahil sa tanong nito.

Mabilis siyang umiling. “No.” sagot niya rito. “Mali ang iniisip mo. Justin and I are—”

Ngunit bago pa man niya matapos ang kanyang sinasabi ay tuluyan na itong nakalapit sa kaniya. Yumuko ito hanggang sa magpantay ang kanilang mga mukha. Halos mapigil niya ang kanyang paghinga ng wala sa oras.

“Hindi ko akalaing papayag ka na magpagamit sa akin dahil lang sa utos ng asawa mo.” puno ng panunuyang sabi nito sa kaniya. Ni hindi niya magawang ibuka ang bibig niya para depensahan ang sarili niya at higit sa lahat ay ang itama ang sinasabi nitong nagpagamit siya rito dahil lang sa utos ni Justin.

Ang lalaking nas aharap niya ay walang iba kundi si Zach, ang stepbrother ni Justin. Minsan niya lang itong nakita noon at iyon ay ilang taon na ang nakakaraan. Ni hindi niya maisip na muli palang magkukrus ang landas nilang dalawa.

“Tell me huh? Paano niya nalaman na nakabalik na ako ng bansa?” 

Hindi pa rin maibuka ni Thea ang kanyang bibig para magsalita. Hindi niya alam kung paano niya ito sasagutin at kung ano ang isasagot niya dahil ang totoo ay wala naman talaga siyang alam. Hindi niya alam kung anong sinasabi nito basta ang alam niya lang ay hindi maganda ang sitwasyong kinasangkutan niya.

Umayos ito ng tayo ngunit hindi pa rin nagbabago ang tingin nito sa kaniya. “Can’t talk, e?” 

Napakuyom lang ang mga kamay ni Thea. hindi niya alam kung anong nangyayari sa kaniya at kung bakit hindi niya magawang magsalita. Siguro dahil na rin sa presensya nito at sa awra nitong hindi niya maipaliwanag. Nakakatakot ang mga mata nito.

Ang mga kamay nito ay nasa loob ng bulsa. “Tell your husband, I enjoyed you…” sabi nito at pagkatapos ay naglakad na patungo sa p***o bago muling tumigil. Dahan-dahan itong lumingon sa kaniya. “Next time, kung mag-ooffer siya ng babae pwede bang iba naman? How can I enjoy his wife? Ganun na ba talaga siya kawalang pagpipilian at maging ang asawa niya ay handa niyang ibigay sa akin?”

Pagkasabi ng mga salitang iyon ay lumabas ito ng p***o samantalang si Thea ay naiwan doong nanginginig ang buong katawan bago tuluyang napasigaw.

What the hell with that bastard? Nagkamali nga ba talaga siya ng silid na pinuntahan?

~~~~~

Mas naging madilim pa ang mukha ni Zach paglabas niya ng silid. Sa labas ay kanina pa naghihintay ang kanyang assistant niya sa kaniya. Nilampasan niya ito kung saan ay nagmamadali naman itong sumunod sa likuran niya.

Narinig niya ang pagtanggal nito ng bara sa lalamunan. “Anong plano niyong gawin ngayon sir?”

Hindi niya lubos akalain na ganun katuso ang stepbrother niya. Handa nitong ibigay sa kaniya pati ang asawa nito at iyong babae namang iyon ay napakatanga para magpagamit sa asawa nito.

Bullshit. 

Wala sana siyang balak na galawin ito ngunit nang makita niya ang namumula nitong pisngi ay hindi niya napigilan ang sarili niya at nagpadala sa init ng kanyang katawan.

Sa labas ng hotel ay naghihintay na ang isang luxury car sa kaniya. Nang makita siya ng mga tauhan niya na parating ay nagmamadali nitong pinagbuksan siya ng p***o.

Noong umalis siya ng bansa, isa lang siyang basura pero ngayon ay masasabi niya ng malayo na siya kung ano siya noon.

Hindi niya maiwasang hindi isipin kung paano nalaman ni Justin ang pagdating niya sa bansa lalo na at kababalik niya lang. Higit sa lahat ay kung paano nito nalaman ang ang hotel room niya.

“Check how that b*tch knew my room.” malamig na utos niya sa kanyang assistant pagpasok niya sa sasakyan.

“And also, check kung anong pinagkakaabalahan niya ngayon dahil baka mamaya ay kung ano na naman ang pinaplano niya.” naging madilim ang kanyang mga mata.

“Yes sir.” 

Sumandal siya sa kanyang kinauupuan at dahil dito ay bumalik na naman sa kaniya ang lahat ng nangyari na parang kahapon lang ang lahat.

…

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 65

    HINDI maipaliwanag ni Zach ang nararamdaman niya habang naglalakad. Sumunod siya sa nurse na tumawag sa kaniya. Ilang beses siyang humugot ng malalim na buntong hininga bago napakuyom ng kanyang mga palad. Pauulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang nangyari kanina. Ang pagkahulog ni Thea sa pool at ang mga salitang sinabi ni Justin at higit sa lahat, ang mga salitang lumabas sa bibig niya.Nagalit siya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung bakit niya sinabi ang mga iyon kay Justin pero, ayaw na niyang makita pa si Thea na kasama nito. Alam niyang ang relasyon nila ay peke lang at may expiration pero… hindi niya pa rin gustong makita na bumalik ito sa lalaking iyon.Kung sakali man, okay lang naman sa kaniya na pakawalan ito basta ang lalaking pipiliin nito ay matino at alam niyang magiging masaya ito kasama ang taong pipiliin nitong mahalin. Mas napakuyom ang kanyang mga palad sa isiping iyon. Parang kung may anong tumusok sa dibdib niya ng wala sa oras kaya ipinilig niya ang kanyang u

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 64

    “WHAT happened?” tanong ni Sea na sumulpot mula sa kung saan. “Why is she with him?”Hindi siya sumagot. Nanatiling madilim ang mukha habang nakasunod sa paalis na pigura ni Justin. Wala siyang ibang nararamdaman kundi matinding galit. Gusto niyang hilahin si Thea mula sa mga bisig nito pero ayaw niyang gumawa ng eksena.“I have to go.” malamig na sabi niya at pagkatapos ay umalis para sundan si Justin, baka mamaya ay kung saan nito ito dalhin.Nagmamadali si Zach na sumakay sa kanyang kotse at halos mapasuntok siya sa steering wheel ng kanyang sasakyan dahil sa matinding galit na unti-unti ng lumulukob sa buong pagkatao niya.Anong ginagawa nito sa pool area kasama si Justin? Don’t tell me ay palihim na naman silang nagkikita?Ang isiping iyon ay mas lalo lang nagpatindi sa galit niya. Ang kanyang mga mata ay namula sa galit. Halos maglabasan na ang ugat sa noo niya. Hindi niya alma ngunit napakatagal na simula noong makaramdam siya ng ganito katinding pagkapoot. Naiinis siya sa isip

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 63

    GULAT na gulat si Thea sa ginawa ni Zach. bukod pa doon ay naramdaman niya pa ang paghigpit pa lalo ng pagkakahawak nito sa kanyang bewang. Nang lingunin niya ito, ang mga mata nito ay nag-aapoy sa galit habang nakasunod ng tingin sa palalayong lalaki.Hindi niya alam kung bakit galit na galit ito sa lalaking iyon. Sino ba siya? Sino ba ito sa buhay ni Zach? Ngayon niya lang napagtanto na kahit isang detalye sa buhay nito ay wala pa rin siyang alam. Ni hindi nga niya alam kung kailan ang birthday nito dahil unang-una, hindi naman sila ganun ka-close para pag-usapan ang mga bagay na iyon.Ilang sandali pa ay bigla na lang nitong binitawan ang bewang niya. “You should be careful of strangers. Hindi porket gwapo at maamo ang mukha ay mabait na. Some of them were wearing masks.” Hindi siya nakasagot. Ito pa lang naman ang unang taong na-meet niya doon kaya hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang galit nito rito sa totoo lang. Hindi niya naman talaga balak na makipag-usap sa

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 62

    HINDI alam ni Thea kung ano ba ang dapat niyang maging reaksyon noong magtama ang mga mata nila ni Zach. Ang ingay sa paligid niya noong mga oras na iyon ay tila biglang nawala. Maging si Sea na nasa tabi niya ay parang biglang naglaho. Walang iba siyang nakikita kundi tanging si Zach lang.Napalunok siya. Napatitig siya sa suot nitong suit. Bagay nabagay nito iyon at kahit anong suot naman nito ay bumabagay naman talaga rito pero, bakit sa tingin niya ay arang mas naging gwapo pa ito lalo? Dahil ba sa hindi niya ito nakita ng ilang linggo na? Ah, tama. Siguro ay iyon ang dahialn.Mabilis din siyang nakabawi mula sa kanyang pagkagulat. Napakurap-kurap siya bago yumuko at nag-iwas ng tingin. “Zach… nandito ka pala. Kanina ka pa hinahanap ni Thea.” sabi ni Sea.Hindi naman sumagot si Zach at nakatitig pa rin kay Thea. ilang sandali pa ay umupo siya sa tabi nito bago binalingan si Sea. “i thought your Dad and your siblings will attend?”Nagliwanag ang mga mata nito. “Yes, yes. Ayun sila!

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 62

    DUMATING si Thea sa isang private resort kung saan doon pala gaganapin ang birthday party ni Gov. sa labas pa lang ay napakarami ng sasakyan at mula doon sa gate ay rinig na niya ang mahinang tunog ng musikang nagmumula sa loob ng venue.Inaasahan na niyang marami ang dadalo sa mga oras na iyon pero parang gusto niyang malula. Idagdag pa na wala siyang kilala sa mga taong naroon. Anong gagawin niya doon? Napakagat labi siya. Kumabog ang dibdib niya ng wala sa oras habang pinapanood ang mga taong nagsisipasukan sa loob. Medyo mahigpit ang seguridad, marahil dahil na rin siguro kilala ang mga taong umattend ng party at bukod pa doon ay syempre, isang respetadong gobernador ang may birthday sa araw na iyon.Habang wala siyang ginagawa kanina ay medyo nagbasa-basa siya ng mga articles tungkol sa governor. Wala man lang siyang nabasa kahit na isang artikulo na nagsasabing napakasama nitong gobernador. Simula sa pagiging mayor nito hanggang sa pagiging Governor ay napakalinis ng record nit

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 61

    ILANG minuto ng nakaalis ang assistant ni Zach pero nakatitig pa rin si Thea sa mga iniwan nitong damit sa kanyang mesa. Hindi niya pa rin alam kung anong arte ba ang gagawin niya mamaya. Ang isipin pa lang ang tungkol sa bagay na iyon ay medyo nai-stress na siya sa totoo lang. Paano pa kaya kung nandoon na siya? Napahilamos na lang siya sa sobrang frustration niya. Napa buntong hininga din siya at sa ganuong ayos siya naabutan ni Sea.“Bakit ganyan ang mukha mo? Para kang nalugi.” sabi nito na nakakunot ang noo. Bigla itong napabaling sa mga inihatid ng assistant ni Zach na nasa mesa niya pa rin hanggang ngayon. “What’s this?” tanong nito at lumapit sa mesa niya. Hindi na niya kailangan pang sagutin ang tanong nito dahil binuklat na nito ang mga paperbag.“Oh, oo nga pala. Birthday nga pala ni Gov. ngayon. Invited din si Zach right?” tanong nito sa kaniya.Tumango lang siya.Mabilis itong umupo sa harap ng computer nito. “Kamusta ang shipment?”“Ayos naman. Na-check na namin lahat.”

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status