Share

Chapter 5: Past

Author: Luffytaro
last update publish date: 2026-08-10 18:30:13

SEVEN YEARS AGO…

MALAKAS ang buhos ng ulan ngunit kung gaano kalakas ang buhos nito ay mas malakas ang buhos ng mga luha ni Zachary. Nakaluhod siya sa harap ng nakahandusay niyang ina. Hindi na ito gumagalaw, hindi na rin ito humihinga pa.

Sa sulok ay nakatayo ang kanyang stepfather, gulat at hindi makagalaw. Sa tabi nito ay nakatayo si Justin, ang kanyang stepbrother. 

Ilang minuto lang ang nakalipas nang dumating siya sa mansyon ngunit iyon ang inabutan niya. Nakakapagtakang walang mga kasambahay noong mga oras na iyon. Wala kahit isa. Namumula sa galit ang kanyang mga mata.

“Pnatay niyo siya. Pinatay niyo ang Mommy ko!” sigaw niya sa mga ito. Nanatiling nakatayo ang dalawa.

“Za— Zach… nagkakamali ka…” sinubukang magpaliwanag ng kanyang stepfather niya sa kaniya ngunit wala ng silbi pa ang lahat ng iyon. Kahit na anong gawin pang paliwanag ng mga ito sa kaniya ay hindi siya maniniwala.

Naliligo na sa sariling dugo ang kanyang ina sa sahig at ni hindi man lang gumalaw ang mga ito para dalhin ito sa ospital. Sa halip ay tahimik nila itong pinapanood, ni hindi siya sigurado kung gaano na ito katagal doon, nakahiga sa sahig habang nag-aagaw buhay.

Kung mas maaga lang siguro siyang dumating ay baka naabutan niya pa itong humihinga at naitakbo niya pa sa ospital pero nang dumating siya, huli na ang lahat. Wala na ang ina niya.

“Zach makinig ka… walang may gusto ng nangyari okay? Walang may gusto. Aksidente ang lahat. Nadulas siya ng manggaling siya sa banyo at—”

“Tumigil na kayo sa kasinungalingan niyo! Pinatay niyo siya! Pinatay niyo siya!” tumayo siya mula sa kanyang pagkakaluhod at hilam ng luha na sinugod ang kanyang stepfather ngunit bago niya pa ito masuntok ay siya na ang sinuntok nito kung saan ay lumipad siya patungo sa gilid.

Tumama ang kanyang likod sa pader at halos mapaigik siya sa sakit. 

“Ang lakas ng loob mo para gawin sa akin ang lahat ng ito.” narinig niyang sabi nito bago tuluyang lumapit sa kaniya. Hinawakan ang kwelyo niya at halos sakalin siya. Sinubukan niyang tanggalin ang kamay nito sa damit niya ngunit napakahigpit ng pagkakahawak nito. Ayaw siyang pakawalan.

“Alam mo bang ako ang nagpaaral sayo ng ilang taon huh? Ako ang nagbihis at nagpakain sayo para gawin mo sa akin ito? Wala kang utang na loob!” nagtatagis ang mga bagang na usal nito bago siya muling sinuntok.

“Wala kang karapatan na pagbintangan ako lalo na ang anak ko ng mga bagay na wala kang kaalam-alam.” ang mga mata nito ay namumula na rin sa galit.

“Wala kang utang na loob huh! Kung hindi dahil sa akin ay baka noon ka pa namatay dahil sa gutom!” sigaw nito at muli siyang inundayan ng suntok. 

Ni hindi man lang ito pininigilan ni Justin na nakatayo sa gilid at hinayaan siyang mabugbog ng ama nito.

Simula noong araw na iyon ay ipinangako niya sa sarili niya na hinding-hindi na siya tatapak pang muli sa bahay na iyon at higit sa lahat, sisiguruhin niyang magbabayad sila dahil sa pagkawala ng kanyang ina na alam niya at sigurado siyang hindi lang basta isang aksidente. Hindi siya tanga para hindi malaman na pinatay nila ito.

~~~~

“Sir, ito na po ang pinapakuha niyo sa akin.” ibinaba ng kanyang assistant ang isang folder sa kanyang harapan.

Kaagd niy naman itong kinuha at binuklat. Tumaas ang sulok ng kanyang labi nang makita ang report ng kanyang assistant. 

“Mukhang naka file na ang divorce nilang dalawa sir. Nag-file ang asawa niya, si Miss Thea ng divorce noong nakaraang araw pa at ayon sa nakuha kong impormasyon ay simula noong araw na iyon ay hindi na ito umuuwi pa sa bahay nila.”

Tumango siya at pagkatapos ay napangiti. Hindi niya akalaing nakipaghiwalay na pala ang babaeng iyon kay Justin samantalang noon ay baliw na baliw ito rito. Ilang beses na niya itong nakita ngunit ito ay isang beses lang siyang nakita dahil nga hindi naman sila close ni Justin.

“I want to meet her.” sabi niya rito kung saan ay mabilis naman itong tumango.

“I will arrange a meeting sir.”

Tumunog ang cellphone niya. Dinampot niya ito at sinagot. “Yes, yes…” sagot niya at pagkatapos ay tumayo na.

Napa buntong hininga siya bago tuluyang pinatay ang tawag. “Let’s go. May meeting pa ako.” pagkatapos niya lang na sabihin iyon ay lumabas na siya ng opisina.

Bumalik siya sa bansa para i-establish ang bago niyang project at iyon ay ang magtayo ng isang high end condominium sa bago niyang biling lupa sa isang city.

Ilang hotels na ang pag-aari niya maging ang ilang condominium ngunit hindi niya gustong ipaalam sa mga tao na sa kaniya ang lahat ng iyon.

Nitong nakaraang taon, dahil sa mga pagsisikap niya ay nagbunga ang lahat ng pagod niya kaya ngayon ay naabot niya ang kung nasaan man siya ngayon. Bumalik siya dahil lang sa iisang rason, ang pabagsakin ang mga taong pumatay sa kanyang ina.

Buhay pa hanggang ngayon ang kanyang stepfather at ayon sa nakuha niyang impormasyon. Isang buwan lang pagkatapos mamatay ng kanyang ina ay kaagad ng may inuwing bagong asawa ang matandang iyon na mas lalo lang nagpatindi ng galit niya.

Malakas ang kutob niya na plinano nila ang lahat. Hindi basta isang aksidente lang ang nangyari na naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang ina. Nang muli niya iyong maalala ay kaagad na namang nagdilim ang kanyang mukha. 

‘Hintayin niyo ang pagbagsak niyo dahil siisguruhin kong malapit na iyon.’

…

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 65

    HINDI maipaliwanag ni Zach ang nararamdaman niya habang naglalakad. Sumunod siya sa nurse na tumawag sa kaniya. Ilang beses siyang humugot ng malalim na buntong hininga bago napakuyom ng kanyang mga palad. Pauulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang nangyari kanina. Ang pagkahulog ni Thea sa pool at ang mga salitang sinabi ni Justin at higit sa lahat, ang mga salitang lumabas sa bibig niya.Nagalit siya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung bakit niya sinabi ang mga iyon kay Justin pero, ayaw na niyang makita pa si Thea na kasama nito. Alam niyang ang relasyon nila ay peke lang at may expiration pero… hindi niya pa rin gustong makita na bumalik ito sa lalaking iyon.Kung sakali man, okay lang naman sa kaniya na pakawalan ito basta ang lalaking pipiliin nito ay matino at alam niyang magiging masaya ito kasama ang taong pipiliin nitong mahalin. Mas napakuyom ang kanyang mga palad sa isiping iyon. Parang kung may anong tumusok sa dibdib niya ng wala sa oras kaya ipinilig niya ang kanyang u

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 64

    “WHAT happened?” tanong ni Sea na sumulpot mula sa kung saan. “Why is she with him?”Hindi siya sumagot. Nanatiling madilim ang mukha habang nakasunod sa paalis na pigura ni Justin. Wala siyang ibang nararamdaman kundi matinding galit. Gusto niyang hilahin si Thea mula sa mga bisig nito pero ayaw niyang gumawa ng eksena.“I have to go.” malamig na sabi niya at pagkatapos ay umalis para sundan si Justin, baka mamaya ay kung saan nito ito dalhin.Nagmamadali si Zach na sumakay sa kanyang kotse at halos mapasuntok siya sa steering wheel ng kanyang sasakyan dahil sa matinding galit na unti-unti ng lumulukob sa buong pagkatao niya.Anong ginagawa nito sa pool area kasama si Justin? Don’t tell me ay palihim na naman silang nagkikita?Ang isiping iyon ay mas lalo lang nagpatindi sa galit niya. Ang kanyang mga mata ay namula sa galit. Halos maglabasan na ang ugat sa noo niya. Hindi niya alma ngunit napakatagal na simula noong makaramdam siya ng ganito katinding pagkapoot. Naiinis siya sa isip

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 63

    GULAT na gulat si Thea sa ginawa ni Zach. bukod pa doon ay naramdaman niya pa ang paghigpit pa lalo ng pagkakahawak nito sa kanyang bewang. Nang lingunin niya ito, ang mga mata nito ay nag-aapoy sa galit habang nakasunod ng tingin sa palalayong lalaki.Hindi niya alam kung bakit galit na galit ito sa lalaking iyon. Sino ba siya? Sino ba ito sa buhay ni Zach? Ngayon niya lang napagtanto na kahit isang detalye sa buhay nito ay wala pa rin siyang alam. Ni hindi nga niya alam kung kailan ang birthday nito dahil unang-una, hindi naman sila ganun ka-close para pag-usapan ang mga bagay na iyon.Ilang sandali pa ay bigla na lang nitong binitawan ang bewang niya. “You should be careful of strangers. Hindi porket gwapo at maamo ang mukha ay mabait na. Some of them were wearing masks.” Hindi siya nakasagot. Ito pa lang naman ang unang taong na-meet niya doon kaya hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang galit nito rito sa totoo lang. Hindi niya naman talaga balak na makipag-usap sa

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 62

    HINDI alam ni Thea kung ano ba ang dapat niyang maging reaksyon noong magtama ang mga mata nila ni Zach. Ang ingay sa paligid niya noong mga oras na iyon ay tila biglang nawala. Maging si Sea na nasa tabi niya ay parang biglang naglaho. Walang iba siyang nakikita kundi tanging si Zach lang.Napalunok siya. Napatitig siya sa suot nitong suit. Bagay nabagay nito iyon at kahit anong suot naman nito ay bumabagay naman talaga rito pero, bakit sa tingin niya ay arang mas naging gwapo pa ito lalo? Dahil ba sa hindi niya ito nakita ng ilang linggo na? Ah, tama. Siguro ay iyon ang dahialn.Mabilis din siyang nakabawi mula sa kanyang pagkagulat. Napakurap-kurap siya bago yumuko at nag-iwas ng tingin. “Zach… nandito ka pala. Kanina ka pa hinahanap ni Thea.” sabi ni Sea.Hindi naman sumagot si Zach at nakatitig pa rin kay Thea. ilang sandali pa ay umupo siya sa tabi nito bago binalingan si Sea. “i thought your Dad and your siblings will attend?”Nagliwanag ang mga mata nito. “Yes, yes. Ayun sila!

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 62

    DUMATING si Thea sa isang private resort kung saan doon pala gaganapin ang birthday party ni Gov. sa labas pa lang ay napakarami ng sasakyan at mula doon sa gate ay rinig na niya ang mahinang tunog ng musikang nagmumula sa loob ng venue.Inaasahan na niyang marami ang dadalo sa mga oras na iyon pero parang gusto niyang malula. Idagdag pa na wala siyang kilala sa mga taong naroon. Anong gagawin niya doon? Napakagat labi siya. Kumabog ang dibdib niya ng wala sa oras habang pinapanood ang mga taong nagsisipasukan sa loob. Medyo mahigpit ang seguridad, marahil dahil na rin siguro kilala ang mga taong umattend ng party at bukod pa doon ay syempre, isang respetadong gobernador ang may birthday sa araw na iyon.Habang wala siyang ginagawa kanina ay medyo nagbasa-basa siya ng mga articles tungkol sa governor. Wala man lang siyang nabasa kahit na isang artikulo na nagsasabing napakasama nitong gobernador. Simula sa pagiging mayor nito hanggang sa pagiging Governor ay napakalinis ng record nit

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 61

    ILANG minuto ng nakaalis ang assistant ni Zach pero nakatitig pa rin si Thea sa mga iniwan nitong damit sa kanyang mesa. Hindi niya pa rin alam kung anong arte ba ang gagawin niya mamaya. Ang isipin pa lang ang tungkol sa bagay na iyon ay medyo nai-stress na siya sa totoo lang. Paano pa kaya kung nandoon na siya? Napahilamos na lang siya sa sobrang frustration niya. Napa buntong hininga din siya at sa ganuong ayos siya naabutan ni Sea.“Bakit ganyan ang mukha mo? Para kang nalugi.” sabi nito na nakakunot ang noo. Bigla itong napabaling sa mga inihatid ng assistant ni Zach na nasa mesa niya pa rin hanggang ngayon. “What’s this?” tanong nito at lumapit sa mesa niya. Hindi na niya kailangan pang sagutin ang tanong nito dahil binuklat na nito ang mga paperbag.“Oh, oo nga pala. Birthday nga pala ni Gov. ngayon. Invited din si Zach right?” tanong nito sa kaniya.Tumango lang siya.Mabilis itong umupo sa harap ng computer nito. “Kamusta ang shipment?”“Ayos naman. Na-check na namin lahat.”

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status