ANMELDENDUMATING si Thea sa isang private resort kung saan doon pala gaganapin ang birthday party ni Gov. sa labas pa lang ay napakarami ng sasakyan at mula doon sa gate ay rinig na niya ang mahinang tunog ng musikang nagmumula sa loob ng venue.Inaasahan na niyang marami ang dadalo sa mga oras na iyon pero parang gusto niyang malula. Idagdag pa na wala siyang kilala sa mga taong naroon. Anong gagawin niya doon? Napakagat labi siya. Kumabog ang dibdib niya ng wala sa oras habang pinapanood ang mga taong nagsisipasukan sa loob. Medyo mahigpit ang seguridad, marahil dahil na rin siguro kilala ang mga taong umattend ng party at bukod pa doon ay syempre, isang respetadong gobernador ang may birthday sa araw na iyon.Habang wala siyang ginagawa kanina ay medyo nagbasa-basa siya ng mga articles tungkol sa governor. Wala man lang siyang nabasa kahit na isang artikulo na nagsasabing napakasama nitong gobernador. Simula sa pagiging mayor nito hanggang sa pagiging Governor ay napakalinis ng record nit
ILANG minuto ng nakaalis ang assistant ni Zach pero nakatitig pa rin si Thea sa mga iniwan nitong damit sa kanyang mesa. Hindi niya pa rin alam kung anong arte ba ang gagawin niya mamaya. Ang isipin pa lang ang tungkol sa bagay na iyon ay medyo nai-stress na siya sa totoo lang. Paano pa kaya kung nandoon na siya? Napahilamos na lang siya sa sobrang frustration niya. Napa buntong hininga din siya at sa ganuong ayos siya naabutan ni Sea.“Bakit ganyan ang mukha mo? Para kang nalugi.” sabi nito na nakakunot ang noo. Bigla itong napabaling sa mga inihatid ng assistant ni Zach na nasa mesa niya pa rin hanggang ngayon. “What’s this?” tanong nito at lumapit sa mesa niya. Hindi na niya kailangan pang sagutin ang tanong nito dahil binuklat na nito ang mga paperbag.“Oh, oo nga pala. Birthday nga pala ni Gov. ngayon. Invited din si Zach right?” tanong nito sa kaniya.Tumango lang siya.Mabilis itong umupo sa harap ng computer nito. “Kamusta ang shipment?”“Ayos naman. Na-check na namin lahat.”
NAGSALUONG ang mga kilay ni Zach nang ibagsak ni Sea sa harap niya ang ilang mga dokumento. “What’s all of this?”Dahan-dahang napangisi si Sea sa kaniya. “We’re getting so many clients!” masayang bulalas nito. Ang kunot niya ng noo ay unti-unting nawala.“I told you.” tumaas ang sulok ng kanyang mga labi. Inexpect na talaga niya ang pagdagsa ng mga magiging clients nila sa totoo lang since successful ang unang shipment nila.“Kamusta na pala ang mga deliveries? Natapos ba?”Tumango naman ito. “Wala kang dapat ipag-alala tungkol sa mga deliveries. Nasa mabuting kamay iyon.” masayang sagot nito sa kaniya dahilan para mapasimangot langi siya ng wala sa oras.Tinatawagan niya ito kahapon pa para tanungin kung kamusta ang unang araw ng warehouse pero hindi ito sumasagot. Masyado pala itong naging busy hanggang gabi sa pagse-celebrate kasama si Thea. Nang maalala na naman niya na silang dalawa lang ang magkasama kagabi ay hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng inis sa totoo lang.“What?
HINDI nakatulog ng maayos si Zach kagabi. Ilang beses niyang sinubukang umalis mula sa pagkakayakap sa kaniya ni Thea ngunit ayaw siya nitong pakawalan. Sa tuwing susubok siyang bumangon ay palagi na lang itong gagalaw. Madaling araw na yata noong tuluyan siyang nakaalis sa tabi nito kaya lang pagbalik niya sa silid niya ay hindi naman siya makatulog.Kahit na antok na antok pa ay bumangon pa rin siya at nagpunta sa opisina. Dahil maaga pa ay hindi wala pang gaanong tao sa office hindi katulad ng karaniwang oras sa tuwing papasok siya sa kanyang opisina. Habang nakaupo siya sa harap ng kanyang computer ay bigla na namang pumasok sa isip niya ang eksena kagabi. Ang pag-iyak ni Thea habang pilit nagsusumiksik sa dibdib niya.Nang makita niyang tumulo ang luha mula sa mga mata nito ay talaga namang nakaramdam siya ng galit at ng kagustuhang punasan ang mga luha nito pero sa halip na punasan ito, hinayaan niya lang itong tumulo. Dahil baka kapag pinunasan niya ang luha nito, hindi niya k
ALAS syete na ng gabi nang makaalis si Sea at Thea sa warehouse dahil tinapos pa nila ang mga kailangan nilang i-deliver na materials. Dahil nga nagkasundo na sila na kumain sa labas kanina ay magkasama silang nagtungo sa restaurant na ini-reserve ni Sea para sa kanilang dalawa.“You have a nice taste choosing a restaurant huh?” biro niya rito. Napakaganda kasi ng ambience. Hindi lang iyon, napakatahimik at may magandang view. Talagang mai-enjoy mo ang pagkain mo since nasa isa silang VIP room at may floor-to-ceiling-window kung saan ay tanaw ang buong syudad.Tumayo siya sa tabi ng bintana at tahimik na tumanaw sa labas. “Akala ko talaga dati ay napa seryoso mong tao.” sabi nito at tumabi sa kaniya. Tahimik lang din naman itong tumanaw sa labas ng bintana kagaya niya.Natawa na lang tuloy siya ng wala sa oras. “Grabe ka naman sa akin.” sagot niya habang nangingiti. Hindi naman kasi sil close noon ni Sea sa totoo lang.“Ang galing mo rin dahil naisip mo ang logistics company.” pagbubu
AFTER a week ay nag-umpisa ng mag-operate ang warehouse ng S and Z logistics company at simula noong nagtrabaho si Thea doon ay masasabi niyang medyo naging busy talaga siya. Napakarami kasing trabaho sa warehouse idagdag pa na bago pa lang ito kaya medyo nangangapa pa sila.Maaga pa lang noong araw na iyon ay abalang-abala na ang lahat sa loob ng warehouse. Maririnig sa loob ang tunog na umaandar na forklift, kalansing ng mga bakal na pallets at pauulit-ulit na pag-beep ng mga trucks.Huminto ang isang forklift sa harap ng receiving area. “Dahan-dahan lang.” sabi ni Thea. “Kailangan niyong siguraduhin na walang mababangga sa mga pallet.”“Okay po ma’am!” mabilis naman na sagot ng mga ito sa kaniya.Nakatayo siya sa tabi ng warehouse supervisor na may hawak na tablet noong mga oras na iyon. Ito ang unang shipment ng logistics company nila which is ang mga materials na kailangan nila para sa hotel. Hindi pa nila pormal na binuksan ang kumpaniya sa ibang tao dahil nangangap pa sila at i







