Share

Chapter 7: Hula

Author: Luffytaro
last update publish date: 2026-08-11 15:41:01

WALANG emosyon ang mga mata ni Thea habang pinapanood ang video na ipinadala sa kaniya ni Denise. Ang sekretarya ng asawa niya. 

Malinaw ang kuha ng video kung saan ay kitang-kita ang p********k ng mga ito sa loob mismo ng opisina ni Justin. Nakita niya pang sumulyap sa camera si Denise at ngumiti habang hinahalikan ang asawa niya or rather dating asawa niya.

Kung inaakala nito na sobra siyang nasasaktan sa dahil lang sa video na ipinadala nito sa kaniya ay isang malaking kalokohan iyon. Hindi siya nanghihinayang sa pakikipaghiwalay kay Justin, mas nanghihinayang pa siya sa oras niyang sinayang dito dahil kung alam niya lang na matagal na pala siya nitong niloloko ay noon pa sana siya nakipaghiwalay at hindi na umabot pa ng ganun katagal.

Nagmamadali siyang i-save iyon dahil magagamit niya ang video na iyon bilang ebidensya na magpapalakas sa kaso para kay Justin at mapapadali nito ang pakikipaghiwalay niya rito.

Wala siyang ibang gustong mangyari ngayon kundi ang makalayo dito. Gusto niyang mamuhay ng tahimik at kasabay ng pag-aayos niya ng pakikipaghiwalay kay Justin ay inaayos niya na rin ang kanyang resume. Balak na niyang humanap ng trabaho niya.

Kahit na maghiwalay silang dalawa ni Jutsin at bigyan siya nito ng pera ay wala siyang balak na tanggapin. Mabubuhay siya na wala ito dahil paniguradong kapag dumating ang araw ay isusumbat lang nito iyon sa kaniya.

Huminga siya ng malalim at maingat na inilapag ang kanyang cellphone sa lamesa. Napatingala na lang siya sa kisame ng wala sa oras. Nasa maliit siyang apartment na nirentahan niya noong nakaraang linggo pa. Dito na siya tumutuloy at hidni na siya umuuwi sa bahay nila. Nakuha niya na rin naman ang ilang mga gamit niya at ang iba na naiwan ay wala na siyang balak pang kuhanin lalo na at iyon ay ang mga bagay na binili ni Justin para sa kaniya.

Ilang sandali pa ay isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi niya. Sino nga ba namang makakapagsabi na maghihiwalay silang dalawa ni Justin dahil napaka perpekto ng pagsasama nila higit sa lahat ay hindi naman sila nagkakaproblema kaya lang, sa likod pala niya ay matagal na pala siya nitong niloloko. Si Justin na napaka perpekto sa mga mata niya, si Justin na nangako sa kaniya na hinding-hindi siya nito sasaktan. Si Justin na umiyak sa harap niya nung umoo siya at pumayag na magpakasal.

Bigla siyang napapikit at hindi niya alam ngunit isang alaala ang bigla na lang pumasok sa isip niya.

~~~~~~FLASHBACK

NASA unang taon sa kolehiyo si Thea. Palabas na siya ng gate ng kanilang university ng hiyawan siya ni Nathalie, ang bestfriend niya.

Napaangat ang kanyang kilay. “Kung makahiyaw ka naman.” sermon niya rito bago napahigpit ang hawak sa bag niya. “Bakit ba?”

Ngumiti ito at pagkatapos ay nagmamadaling ibinalot ang kamay sa kanyang braso. “Well, alam mo bang may bagong carnival malapit sa boarding house mo? Punta tayo!” nagliliwanag ang mukhang sabi nito sa kaniya.

Mabilis siyang napailing. “Nat, tigilan mo nga ako okay. Alam mo naman na may quiz tayo bukas at kailangan nating mag-review. Kaysa magpunta ka doon e bakit hindi ka na lang mag-review para naman pumasa ka?” pahapyaw na sermon niya rito.

Napanguso lang ito. “Thea naman e. Ano ka ba naman. Kailangan mo ba talagang ipamukha sa akin na bobo ako? Para namang hindi kita kaibigan.” umarte itong nasaktan dahil sa sinabi niya.

Napa buntong hininga na lang siya. High school pa lang silang dalawa ay magkaibigan na sila pero ang kaibahan ay magkalayo ang estado ng buhay niya sa buhay nito dahil lumaking mayaman si Nathalie, samantalang siya ay nabubuhay lang dahil sa scholarship na bigay ng pamilya nito.

Yes, ang pamilya ni Nathalie ang nagpapaaral sa kaniya kaya nga naging magkaibigan silang dalawa kaya rin naging malapit silan dalawa. Kaya lang si Nathalie ay palagi siyang sinasama sa mga gala nito kahit na wala siyang ibang gawin kundi ang mag-aral ng mag-aral para grumaduate siyang may mataas na marka.

Nagsisikap siya para pagdating ng araw ay makakuha siya ng magandang trabaho para mabuhay niya ang sarili niya. Wala na ang kanyang ina. Namatay ito noong limang taong gulang pa lang siya at ang kanyang ama naman ay naghanap ng ibang babae at nagpakaama rito. Iniwan sila ng kanyang inang hindi alam kung paano mabubuhay.

Nagkasakit ang kanyang ina at halos sa lansangan lang sila tumira. Naranasan niyang manlimos at kumain ng mga panis na pagkain para lang mabuhay at halos ilang araw na ring walang buhay ang ina niya sa kanyang tabi dahil hindi niya alam kung paano ang gagawin niya sa bangkay nito.

Kung hindi pa siya na-rescue ng DSWD ay hindi niya alam kung saan na siya napadpad o kaya ay baka nasa lansangan pa rin siya. Kaya napakalaking utang na loob niya sa pamilya nila Nathalie.

Gusto nga siyang kupkupin ng mga magulang nito ngunit tumanggi siya. Sinabi niyang mag boboarding house na lang siya dahil talagang nahihiya siya. Sobra-sobra na ang naitulong ng mga ito sa kaniya simula pa noon.

“Nat, alam mo naman na mataas ang expectation sayo ng Mommy at Daddy mo diba? Kailangan mong mag-aral ng mabuti.” napa buntong hininga siya at pagkatapos ay tatanggalin na sana niya ang kamay nitong nakabalot pa rin sa braso niya nang humarap ito habang nakangisi.

“Sumama ka lang sa akin ngayon, ibibili kita ng laptop. Diba gusto mong magkaroon ng laptop?” 

Natigilan siya. Nabitin sa ere ang kamay niyang magtatanggal na sana ng kamay nito. “Nat—”

“Oh, come on Thea. promise, ibibili kita.” sabi nitoa at hinila na siya. Napakagat labi na lang siya. Gusto niya talagang magkaroon ng laptop dahil alam niyang makakatulong ito sa pag-aaral niya pero…

Nilingon siya nitong muli tyaka ngumiti. “Don’t worry. Huwag kang ma-guilty okay? Papaturo na lang ako sayo kung paano yung lesson natin sa chemistry para naman ay may kapalit. Alam kong ayaw mong tanggapin iyon kapag libre e. Kaya tara na! Hindi pa kasi ako nakakapasok sa mga ganun!” nagliliwanag ang mga mata nito habang sinasabi iyon. Napailing na lang siya at sa huli ay pumayag na lang na pumunta doon.

HALOS alas singko na ng hapon ng makarating sila sa perya at mabuti na lang ay maaga itong nagbubukas. Napakasaya ni Nathalie at halos magtatalon sa tuwa pagpasok nila at gusto nitong sakyan ang lahat ng rides kaya maging siya ay nagkandahilo-hilo dahil ayaw nitong paawat.

“Nat, pwede bang umuwi na tayo? Hindi ka pa ba napapagod? Ako nahihilo na sayo.” reklamo niya at napapahilot na sa sentido niya. Totoo namang nahihilo na siya. Sa magkakaiba ba namang rides  ang sinakyan nila lalo na at ang tataas.

Samantalang ito ay parang hindi pa ito nauubusan ng energy. “Ayun! Try nating pumunta doon!” hinawakan nitong muli ang kamay niya at pagkatapos ay napakunot ang noo niya nang makita kung saan sila papasok.

Iyon ang booth ng mga nanghuhula. Napaikot na lang ang mga mata niya. Pati ba naman ito ay naniniwala sa mga kalokohan ng mga pekeng manghuhula?

May dalawang manghuhula sa loob. Sa isa pumasok si Nathalie at siya naman ay sa isa, wala na siyang pagpipilian pa kundi ang magpahula kahit na alam niyang peke naman ang mga ito.

Inilahad niya ang kanyang palad at tiningnan ito ng babaeng nasa harap niya bago tumingin sa kaniya. “Kung sa pera, magiging wala kang problema pero sa lovelife doon ka magkakaproblema. Lolokohin ka ng lalaking mamahalin mo pero, may darating na iba at siya ang para sayo talaga pero hindi magiging madali ang relasyon ninyo.”

Mabilis niyang hinila ang kamay niya. Kalokohan ang pinagsasabi nito. Hindi naman ito totoo. Kalokohan ang lahat ng iyon. Sino siya para maniwala hindi ba?

Ngumiti ito sa kaniya. “Hindi madali ang daan, pero sa huli matatagpuan mo rin ang iyong kaligayahan.” tumayo siya dahil nawi-weirduhan siya sa pagkakangiti ng babae bago tuluyang lumabas.

…

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 65

    HINDI maipaliwanag ni Zach ang nararamdaman niya habang naglalakad. Sumunod siya sa nurse na tumawag sa kaniya. Ilang beses siyang humugot ng malalim na buntong hininga bago napakuyom ng kanyang mga palad. Pauulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang nangyari kanina. Ang pagkahulog ni Thea sa pool at ang mga salitang sinabi ni Justin at higit sa lahat, ang mga salitang lumabas sa bibig niya.Nagalit siya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung bakit niya sinabi ang mga iyon kay Justin pero, ayaw na niyang makita pa si Thea na kasama nito. Alam niyang ang relasyon nila ay peke lang at may expiration pero… hindi niya pa rin gustong makita na bumalik ito sa lalaking iyon.Kung sakali man, okay lang naman sa kaniya na pakawalan ito basta ang lalaking pipiliin nito ay matino at alam niyang magiging masaya ito kasama ang taong pipiliin nitong mahalin. Mas napakuyom ang kanyang mga palad sa isiping iyon. Parang kung may anong tumusok sa dibdib niya ng wala sa oras kaya ipinilig niya ang kanyang u

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 64

    “WHAT happened?” tanong ni Sea na sumulpot mula sa kung saan. “Why is she with him?”Hindi siya sumagot. Nanatiling madilim ang mukha habang nakasunod sa paalis na pigura ni Justin. Wala siyang ibang nararamdaman kundi matinding galit. Gusto niyang hilahin si Thea mula sa mga bisig nito pero ayaw niyang gumawa ng eksena.“I have to go.” malamig na sabi niya at pagkatapos ay umalis para sundan si Justin, baka mamaya ay kung saan nito ito dalhin.Nagmamadali si Zach na sumakay sa kanyang kotse at halos mapasuntok siya sa steering wheel ng kanyang sasakyan dahil sa matinding galit na unti-unti ng lumulukob sa buong pagkatao niya.Anong ginagawa nito sa pool area kasama si Justin? Don’t tell me ay palihim na naman silang nagkikita?Ang isiping iyon ay mas lalo lang nagpatindi sa galit niya. Ang kanyang mga mata ay namula sa galit. Halos maglabasan na ang ugat sa noo niya. Hindi niya alma ngunit napakatagal na simula noong makaramdam siya ng ganito katinding pagkapoot. Naiinis siya sa isip

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 63

    GULAT na gulat si Thea sa ginawa ni Zach. bukod pa doon ay naramdaman niya pa ang paghigpit pa lalo ng pagkakahawak nito sa kanyang bewang. Nang lingunin niya ito, ang mga mata nito ay nag-aapoy sa galit habang nakasunod ng tingin sa palalayong lalaki.Hindi niya alam kung bakit galit na galit ito sa lalaking iyon. Sino ba siya? Sino ba ito sa buhay ni Zach? Ngayon niya lang napagtanto na kahit isang detalye sa buhay nito ay wala pa rin siyang alam. Ni hindi nga niya alam kung kailan ang birthday nito dahil unang-una, hindi naman sila ganun ka-close para pag-usapan ang mga bagay na iyon.Ilang sandali pa ay bigla na lang nitong binitawan ang bewang niya. “You should be careful of strangers. Hindi porket gwapo at maamo ang mukha ay mabait na. Some of them were wearing masks.” Hindi siya nakasagot. Ito pa lang naman ang unang taong na-meet niya doon kaya hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang galit nito rito sa totoo lang. Hindi niya naman talaga balak na makipag-usap sa

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 62

    HINDI alam ni Thea kung ano ba ang dapat niyang maging reaksyon noong magtama ang mga mata nila ni Zach. Ang ingay sa paligid niya noong mga oras na iyon ay tila biglang nawala. Maging si Sea na nasa tabi niya ay parang biglang naglaho. Walang iba siyang nakikita kundi tanging si Zach lang.Napalunok siya. Napatitig siya sa suot nitong suit. Bagay nabagay nito iyon at kahit anong suot naman nito ay bumabagay naman talaga rito pero, bakit sa tingin niya ay arang mas naging gwapo pa ito lalo? Dahil ba sa hindi niya ito nakita ng ilang linggo na? Ah, tama. Siguro ay iyon ang dahialn.Mabilis din siyang nakabawi mula sa kanyang pagkagulat. Napakurap-kurap siya bago yumuko at nag-iwas ng tingin. “Zach… nandito ka pala. Kanina ka pa hinahanap ni Thea.” sabi ni Sea.Hindi naman sumagot si Zach at nakatitig pa rin kay Thea. ilang sandali pa ay umupo siya sa tabi nito bago binalingan si Sea. “i thought your Dad and your siblings will attend?”Nagliwanag ang mga mata nito. “Yes, yes. Ayun sila!

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 62

    DUMATING si Thea sa isang private resort kung saan doon pala gaganapin ang birthday party ni Gov. sa labas pa lang ay napakarami ng sasakyan at mula doon sa gate ay rinig na niya ang mahinang tunog ng musikang nagmumula sa loob ng venue.Inaasahan na niyang marami ang dadalo sa mga oras na iyon pero parang gusto niyang malula. Idagdag pa na wala siyang kilala sa mga taong naroon. Anong gagawin niya doon? Napakagat labi siya. Kumabog ang dibdib niya ng wala sa oras habang pinapanood ang mga taong nagsisipasukan sa loob. Medyo mahigpit ang seguridad, marahil dahil na rin siguro kilala ang mga taong umattend ng party at bukod pa doon ay syempre, isang respetadong gobernador ang may birthday sa araw na iyon.Habang wala siyang ginagawa kanina ay medyo nagbasa-basa siya ng mga articles tungkol sa governor. Wala man lang siyang nabasa kahit na isang artikulo na nagsasabing napakasama nitong gobernador. Simula sa pagiging mayor nito hanggang sa pagiging Governor ay napakalinis ng record nit

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 61

    ILANG minuto ng nakaalis ang assistant ni Zach pero nakatitig pa rin si Thea sa mga iniwan nitong damit sa kanyang mesa. Hindi niya pa rin alam kung anong arte ba ang gagawin niya mamaya. Ang isipin pa lang ang tungkol sa bagay na iyon ay medyo nai-stress na siya sa totoo lang. Paano pa kaya kung nandoon na siya? Napahilamos na lang siya sa sobrang frustration niya. Napa buntong hininga din siya at sa ganuong ayos siya naabutan ni Sea.“Bakit ganyan ang mukha mo? Para kang nalugi.” sabi nito na nakakunot ang noo. Bigla itong napabaling sa mga inihatid ng assistant ni Zach na nasa mesa niya pa rin hanggang ngayon. “What’s this?” tanong nito at lumapit sa mesa niya. Hindi na niya kailangan pang sagutin ang tanong nito dahil binuklat na nito ang mga paperbag.“Oh, oo nga pala. Birthday nga pala ni Gov. ngayon. Invited din si Zach right?” tanong nito sa kaniya.Tumango lang siya.Mabilis itong umupo sa harap ng computer nito. “Kamusta ang shipment?”“Ayos naman. Na-check na namin lahat.”

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status