Share

Chapter 17

"Oh lalaki pala siya. Pwede silang maging friends ni Molly!" excited na sabi ko naman dahil sa wakas ay hindi lang ako ang makakalaro ni Molly.

"Nag-aalangan pa nga ako kanina kung isasama ko ba si Max dahil baka hindi ka mahilig sa dogs," sabi ni Stefan sa akin habang naglalakad na kami.

"Ah no. Actually, mahilig talaga ako sa dogs. Matagal ko nang dream na makapag-alaga ng aso pero ayaw ni Mommy sa bahay kaya hindi ako makapag-alaga. Ngayon lang siya pumayag at siya pa mismo ang bumili kaya sobrang saya sa pakiramdam ko," sunod-sunod kong pagkukwento sa kaniya.

"It's good to know na ayos na ulit kayo ng Mommy mo at hindi na kayo nagkakatampuhan," sabi naman siya sa akin.

"Hindi naman maiiwasan ang tampuhan sa pamilya," sagot ko naman.

"Maganda ang relationship ng family mo. Sana lahat gan'yan. Na kapag nagkatampuhan ay lilipas lang ang isang araw ay magkaayos na kaagad," sabi naman niya kaya kunot noo ko siyang binalingan.

"Gan'yan din ba kayo ng family mo?" tanong ko naman sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status