Share

CONFUSED

Chapter twenty-two

"Ano 'yon, Amber? Nagseselos ka?" Nakangising tanong ni Farrah.

"Hindi. Pagod lang talaga ako kaya 'wag mo na nga akong kausapin. Kailangan kong magpahinga."

Mabilis akong naligo at inayos ang sarili para matulog. Hindi niya pa ako tinigilan sa pang-aasar kaya sinamaan ko siya ng tingin at umaktong ihahampas sakanya ang unan pero tumawa lang siya.

Nasa iisang kwarto lang kami ni Farrah habang magkasama naman ang tatlong lalaki sa kabilang kwarto. Mag-isa naman ang bruha sa kwarto niya.

Pinikit ko ang mata pero nakakainis na mukha ni Vicky ang nakikita ko. Dumapa, tumagilid, tumihaya na'ko pero talagang hindi ako mapakali. Sinabunutan ko na ang buhok at paulit-ulit na sinuntok ang unan.

Papunta na sana sa banyo si Farrah nang matigil siya at gulat na napatingin sa akin dahil bigla na lang akong napa-upo.

"Nakakainis! Bakit ba kasi nandito ang babaeng 'yon, Farrah?!" Sigaw ko at sinabunutan ang buhok. "Pumasok ka na n

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status