Share

KID

Twenty-three

Nang lumabas ako ng banyo, hinahanda na ni Cin ang pagkain sa mesa. Tumabi agad ako sa kanya at tahimik siyang pinagmasdan habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko. Pagkatapos niya akong asikasuhin, kumain na rin siya. 

Bumaba ang tingin ko sa mga hipon. Hindi marunong magbalat si Vicky ng mga 'to. Kailangan niya pa ng tulong ni Cin.

"Cin." 

"Hmm?"

"Si V-Vicky.. m-maayos na ba siya?" Masyadong mahina ang boses ko kaya para na akong bumubulong.

Nilunok niya muna ang kinakain bago tumango. "Oo. Okay na siya. Sila Kajik ang naghatid sa kanya sa kwarto kasi hinanap agad kita kanina. Akala ko, naiwan ka sa dagat." Nguso niya. 

Pinitik niya ng mahina ang noo ko. "'Di ka nagpaalam sa akin."

Nakangusong hinimas ko ang noo at sumubo. 

Tumikhim siya. "Alam ko, hindi kayo magkasundo. Hindi ko man lang sinabi sa'yo na sasama siya. Hindi ako nagpaalam. I'm sorry."

Uminom ako ng tubig.

"

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status