Share

MAD

Chapter twenty-one

Mabilis na lumipas ang araw. Naging busy kami bago dumating ang bakasyon. Halos hindi na kami magkita ni Cin dahil sa practice niya at mga projects ko.

Nang dumating ang laro nila, syempre nandoon ako at hindi ko inaasahang naroon din si Vicky na walang ibang ginawa kundi magpa-cute pero ang lalaking nilalandi niya, sa akin naman nagpapalandi. Kaya ngiting-ngiti lang ako at todo sigaw sa pangalan ni Cin hanggang sa manalo sila.

Napapansin ko ang mga ginagawa ni Vicky para mabaling ang atensyon ni Cin sakanya pero hindi naman ako nangangamba. Naniniwala ako sa sinabi ni Cin sa akin. Naniniwala ako sakanya.

Isa-isa kong tinignan ang mga gamit na nasa loob ng bag ko at baka may nakalimutan pa akong dalhin. Nang makitang maayos nang nakalagay sa loob ang mga swimsuit ko, nakangiti ko na 'yong sinara at hinanda ang sarili. Nakangiti akong humarap sa salamin. Ngayon lang ulit ako magbabakasyon na hindi naiinis o napipilitan. Parati akong badm

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status