Share

Chapter 60

last update Last Updated: 2025-01-25 18:40:34
Chapter 60

NANG makauwi si Charlotte kasama si Sandy, parang tuliro siya. Nakulong siya ng dalawang araw at isang gabi, halos tubig lang ang naiinom at kaunting tinapay ang nakakain.

Sa loob ng selda, araw-araw niyang kinakailangang tiisin ang mga daga at ipis na nagtatakbuhan sa sahig. Kahit sinong dalagang hindi sanay sa hirap ay siguradong mababaliw.

Sa loob ng dalawang araw na iyon, mag-isa si Charlotte. Mula sa pagiging maingay noong una, natahimik na lang siya kalaunan.

Pagbukas ng pinto sa bahay ng Perez Family, nakita si Charlotte ni Vivian sa ganoong kalagayan—magulo ang buhok at gusgusin. Agad itong napaluha.

"Ang anak ko, anong kasalanan mo para pagdaanan mo 'to..." Yumakap si Vivian kay Charlotte.

Napatigil si Charlotte sa yakap ng ina, tila hindi makapaniwala. Amoy na amoy niya ang pamilyar na halimuyak ng ina. Para bang doon lang siya tuluyang bumalik sa sarili.

"Ma..." bulong niya.

"I'm here, anak..." Mahigpit na yakap ang ginawa nito sa anak at awang-awa na tumingin kay
Twinkling Stardust

Done with tonight's update

| 3
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 223

    Chapter 223Pansamantalang binitawan ni Brix si Camila, kinuha ang manipis na papel, at seryosong binasa ang unang linya:"Mahal ko... mahal kong asawa, ikaw ang pinaka..."Bago pa niya matapos ang pangalawang pangungusap, biglang dumilim ang mukha niya na parang itim na tinta. Agad niyang ginulo ang papel at itinapon sa basurahan.Nakakainis! Ang taas ng sweldo ng taong ito, tapos ganito lang ang ginawa niya?Samantala, sa opisina, biglang napabahing ang assistant ni Brix. “Hahahaha…” Biglang natawa nang malakas si Camila.Sa isang tingin pa lang, alam na niyang hindi si Brix ang sumulat ng napaka-corny na apology letter. Sa tahimik niyang ugali, imposibleng makapagsulat siya ng ganito kahit tutukan pa siya ng baril."Hindi nakakatawa," seryosong sabi ni Brix."Hindi nga."Agad namang nagbago si Camila ng ekspresyon at seryosong tumingin sa kanya. Pero ilang segundo lang—“Hahahaha…”Napatingin sa kanya si Brix, kumibot ang noo at bigla na lang siyang hinila at isinandal sa dibdib n

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 222

    Chapter 222Nanatiling tahimik si Brix at inisip ng lahat ng naroon na talagang may kasalanan siya. Sabay-sabay silang tumingin sa kanya, maging si Eric ay bahagyang nagulat.Ubo ng ubo ang hukom at handa na sanang pagsalitain si Brix nang biglang tumagilid ang ulo nito at tila nawalan ng malay?Ang abogado na pinakamalapit sa kanya ay lumingon, napasigaw nang malakas at biglang tumayo."Nawalan ng malay! Nawalan ng malay ang akusado!""Doktor! Doktor!"Nagulat si Camila sa sigawan kaya agad siyang tumayo.Bago pa man siya makalapit, lumapit na ang mga court staff para tingnan ang kalagayan ni Brix. Agad nilang sinabi na kailangang madala ito sa ospital.Karaniwan na ang ganitong pangyayari sa korte kaya mabilis at maayos ang naging kilos ng mga staff. Isang matangkad na lalaki ang bumuhat kay Brix palabas.Dahil nawalan ng malay ang akusado, kailangang itigil pansamantala ang paglilitis. Tumayo sina Camila at Eric at lumabas ng korte.Sa labas, nag-aabang na ang mga reporter. Nang ma

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 221

    Chapter 221Noong araw na iyon, dumating si Brix sa korte na may kasamang grupo ng mga bodyguard. Naka-itim siyang suit na simple at hindi kapansin-pansin.Dahan-dahan siyang naglakad, at nang madaanan niya ang upuan ng nagsasakdal, tinawag siya ni Eric.Tumayo si Eric, tiningnan siya nang matalim at malamig na sinabi, "Ikaw, walang hiya ka. Hintayin mo lang, siguradong matatalo ka sa kaso ngayon."Bahagyang tinaas ni Brix ang kamay, umubo, at nanatiling tahimik. Ang tingin niya ay lumipat mula kay Eric patungo kay Camila na nasa tabi nito.Nakatingin din sa kanya si Camila, bahagyang nakakunot ang noo.Napansin niya na hindi na matikas at matatag ang lakad ni Brix tulad ng dati. Ngayong malapit na siya, napansin niyang maputla ito, halos kasing puti ng pader at walang kulay ang kanyang mga labi.May bahagyang pag-aalala siyang naramdaman, pero hindi niya ito ipinakita at tahimik lang siyang tumingin muli sa kanya.Malamig na muling nagsalita si Eric, "Bakit hindi ka makapagsalita?""

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 220

    Chapter 220DAHIL sa sobrang pag-inom, nagka-allergy si Eric sa alak. Buti na lang at naagapan agad kaya hindi ito nagkaroon ng malalang epekto.Kahit ganoon, hindi pa rin umalis si Camila at inalagaan siya buong magdamag sa ospital.Maagang-maaga kinabukasan, dumating ang isang babaeng halatang mayaman at nagpakilalang ina ni Eric. Dahil dito, napilitan nang umalis si Camila kahit pagod na pagod pa siya. Hindi man lang niya napansin ang matalim na tingin ni Gloria sa kanya bago siya lumabas.Pagkaalis ng ospital, hindi siya dumiretso sa bahay o opisina. Sa halip, tinawagan niya si Brix at niyaya itong magkita.Dahil hindi pa siya nag-aalmusal, sa isang restaurant niya ito pinapunta.Mas mabilis dumating si Brix kaysa sa inaasahan niya.Habang kumakain siya, pasulyap-sulyap siya sa paligid. Mayamaya pa, nakita niyang lumabas si Brix mula sa elevator.Suot nito ang isang simpleng puting T-shirt at isang usong smoky blue na blazer. Gwapo at preskong tingnan. Pero saglit lang siyang tumi

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 219

    Chapter 219MATAPOS ang isang araw ng trabaho, lumabas si Camila sa kumpanya gaya ng dati at naghintay kay Eric sa tabi ng puno sa gilid ng kalsada.Lumipas ang limang minuto. Pinikit ni Camila ang kanyang mga mata at sinilip ang mga sasakyang dumadaan, pero ang kotseng hinihintay niya ay wala pa rin.Laging nasa oras si Eric pero mukhang natagalan siya ngayon.Saktong kukunin na ni Camila ang cellphone niya para sabihing huwag na itong dumaan, isang puting sasakyan ang huminto sa harapan niya. Kotse iyon ni Eric."Akala ko hindi ka na darating," nakangiting sabi ni Camila, wala ni katiting na panunumbat sa boses niya.Bumaba si Eric at binuksan ang pinto sa likod para sa kanya. May bahagyang paghingi ng paumanhin sa tono nito."Naipit ako sa traffic. Sa susunod, mas maaga akong aalis."Nang mapalapit sa kanya, napansin ni Camila na mas mukhang matamlay ito ngayon kaysa kaninang umaga. Maputla ang mukha ni Eric, parang may hindi magandang nangyari.Hindi muna siya sumakay. Sa halip, t

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 218

    Chapter 218"ANONG sabi mo? Gusto mong iwanan ko si Camila?"Sa kalsada kung saan humihip ang malamig na hangin, tiningnan ni Eric ang lalaking amoy alak at bahagyang napakunot ang noo."Hindi mo ba naisip na nakakatawa 'yang hiling mo? Bakit ko siya iiwan?"Kahit medyo lasing na si Brix, malinaw pa rin ang isip niya. Matapos marinig ang sinabi ni Eric, malinaw niyang sinabi ang gustong ipaintindi sa kaharap. "Dahil asawa ko siya."Kung hindi lang siya nag-aalala na magagalit si Camila kapag sinaktan niya si Eric, matagal na sana niyang ginawa.Pero ngayong gabi, pinaalala ni Pete na si Camila ay asawa niya at parang hindi ito iniisip ni Eric kahit kailan!Napangisi si Eric. "Mr. Monterde, ang alam ko, matagal nang hinihingi ni Camila ang divorce pero ikaw itong ayaw siyang pakawalan. At saka, wala namang masama sa pagitan namin, pero kahit anong mangyari, hindi ko siya iiwan."Biglang lumamig ang ekspresyon ni Brix. "Ibig sabihin, hindi mo gagawin?""Oo."Tinitigan siya ni Brix nang

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 217

    Chapter 217PAGKAGISING ni Camila kaninang umaga, napansin niyang mahamog sa labas.Pagdating sa kumpanya sakay ng kotse ni Eric, tulad ng nakasanayan, nagsimula na naman siya sa pagiging isang modelong empleyado.KNOCK KNOCK. "Ako ito, si Yesha, Ma'am Camila.""Tuloy ka."Habang nakatutok si Camila sa dokumentong hawak niya, may biglang dumaan na berdeng anino sa gilid ng kanyang paningin.Nang tumingala siya, nakita niya si Yesha na nakatayo sa harapan niya. Napansin niyang iba ang suot nito ngayon kaya naman kumislap ang mga mata niya.Suot ni Yesha ang isang dark green suit na nagpapatingkad sa kanyang tindig. Ang kulay at istilo nito ay mukhang pormal at disente pero hindi sobrang pasikat. Sa ilalim ng fitted na blazer na may ruffled hem, suot niya ang isang bilog na kwelyong silk shirt na may mapusyaw na puting perlas, na nagdagdag ng banayad na pagiging elegante at mature sa kanya.Halos trenta na si Yesha, at bagay na bagay sa kanya ang ganitong klaseng pormal na pananamit.D

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 216

    Chapter 216ANG papalubog na araw ay nakabitin sa langit, pinapadalhan ng huling sinag ng liwanag ang lupa. Ang madilaw na kulay nito ay nagbigay ng malabong tanawin sa buong siyudad.Bukas ang pintuan ng kompanya ng mga Perez at isa-isang lumabas ang mga empleyado na nakasuot ng pormal na kasuotan. Habang nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari sa araw na iyon, nagpaalamanan na rin sila sa isa’t isa. Nasa hulihan si Camila.Nagkaproblema sa isang account kanina, kaya buong hapon siyang nakatutok sa computer, nagko-compute. Ngayon, namumula at parang namamaga ang mga mata niya. Nang tumama pa ang nakakasilaw na araw, lalo lang sumakit ang kanyang paningin.Habang tinatakpan ang mata gamit ang kamay, naglakad siya papunta sa kalsada at nag-abang ng taxi. Isang Maybach ang nakapansin sa kanya mula pa lang sa malayo. Nang makita siyang nag-aabang, dahan-dahang lumapit ang sasakyan at huminto sa harapan niya."Sabi ko na nga ba, ako na ang susundo sa’yo. Bakit ka pa magta-taxi?" Binaba ni

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 215

    Chapter 215PAGKATAPOS umalis sa istasyon ng pulis, hinawakan ni Lolo Herman ang kamay ni Braylee at tiningnan si Camila nang may pagsisisi."Alam ko na ang tungkol kay Maurice. Kasalanan namin ito."Umiling si Camila. "Paano ko naman kayo sisisihin, Lolo? Sino bang mag-aakalang magiging ganun siya kaahas?""Sa madaling salita, kasalanan ito ng pamilya Monterde dahil hindi ka namin naalagaan nang maayos. Halos..." Sandaling natigilan si Lolo Herman bago nagtanong nang maingat, "Nung gabing may nangyari, si Mr. Pimentel ba agad ang tinawagan mo?"Pinisil ni Camila ang kanyang mga daliri at tumingin sa pulang brick wall na nasa harapan nila."Oo."Noon pa man, nakapirma na siya ng divorce agreement. Paano niya nagawang tawagan si Brix? Wala siyang mukha para gawin iyon.Hindi na nagsalita si Lolo Herman, bagkus ay sinabing, "Camila, hindi ko na iniintindi kung ano mang alitan ang meron kayo ni Brix. Pero kung mahalaga pa ako sa’yo bilang lolo mo, tawagan mo ako sa susunod na may problem

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status