FAZER LOGINO baka naman… na-hack ang account namin?
Agad kong tinawagan ang bangko habang nanginginig ang kamay ko. Ngunit parang lalo lang akong pinatay ng sagot nila nang kumpirmahin nilang verified at authorized mismo ng asawa ko ang lahat ng ginawang pagbili.
“Ma’am, verified po ang transactions. Authorized po mismo ng husband ninyo ang purchases.”Tuluyan akong natulala.
Hindi… hindi puwede.
Parang hindi kayang tanggapin ng isip ko ang nalaman ko, habang paulit-ulit kong sinusubukang intindihin ang lahat.
Agad kong tinawagan si Mavix. Ngunit ni isa sa limang tawag ko ay hindi niya sinagot. Kanina ko pa siya pilit na kinokontak habang nasa ospital ako. Sa buong limang araw na admission ng anak namin, ni hindi man lang siya nagpakita.Ang palagi niyang dahilan—busy raw siya sa trabaho. Kailangan daw niyang mag-overtime dahil tambak ang reports at naghahabol sila sa pagpasa ng mga financial documents at tax requirements sa BIR. Kaya kahit gusto raw niyang pumunta sa ospital, hindi niya magawa dahil kailangan niyang tapusin ang lahat bago ang deadline.
Napaisip ako kung bakit parang kami lang ng anak ko ang lumalaban?
Hindi na ako nagdalawang isip pang puntahan siya sa kompanya niya.
Ngunit pagdating ko roon, sinalubong agad ako ng katrabaho niyang si Gavin—assistant manager ni Mavix.
“Ma’am Senna, maaga pong umalis si Sir Mavix.”
“Saan daw siya pumunta?” mabilis kong tanong.
“May kukunin daw po sa bahay ninyo.”
Parang may bumagsak sa sikmura ko sa narinig ko mula sa assistant manager ni Mavix. Hindi ko na hinintay ang sunod na sasabihin niya, agad akong umalis at nagtungo pauwi sa bahay.
Habang nagmamaneho ako pauwi, hindi maiwasang guluhin ni Mavix ang isip ko. Gayunpaman, pilit kong kinukumbinsi ang sarili kong may maipapaliwanag siya sa akin. Baka mali lang ang iniisip ko. Na baka may kamag-anak ang gumamit sa card namin. O baka naman may dahilan kung bakit naubos ang perang pinagpaguran ko para sa anak namin.Ngunit pagkapasok ko pa lang sa bahay, kakaibang katahimikan na agad ang sumalubong sa akin.
“Mavix?” tawag ko habang mabilis ang tibok ng puso ko. “Nandito ka ba?”
Bigla akong natigilan nang mapunta ang tingin ko sa mamahaling designer bag na nakapatong sa sofa. Agad kong nakilala iyon, dahil iyon mismo ang nakita ko sa transaction history kanina.
Nanlamig ang mga daliri ko habang nakatitig doon, at unti-unting bumigat ang dibdib ko sa kaba. Tahimik ang buong bahay, ngunit pakiramdam ko’y may malakas na ingay na bumubulong sa tenga ko na parang may mali.
Dahan-dahan akong umakyat sa hagdan. Ngunit paglapit ko sa kuwarto namin, para akong pinagsakluban ng langit at lupa.Nagkalat sa sahig ang mga damit ng babae—isang hapit na pulang dress na sa tingin kong nagmamadaling hinubad ito, black lace bra na nakapulupot pa sa isa nitong strap, manipis na panty na basta na lang itinapon sa gilid.
Bigla akong natigal nang makita ko ang isang pares ng matataas na pulang heels na nakahandusay malapit sa pinto. Dahil ito… ang birthday gift ko noon kay Natalia—ang kaibigan kong itinuring kong kapatid buong buhay ko.Humigpit ang hawak ko sa railing ng hagdan habang unti-unting nanginginig ang buo kong katawan.
Bahagyang nakaawang ang pinto ng kuwarto naming mag-asawa, at mula roon ay malinaw kong narinig ang mahihinang ungol—ang daing ng isang babae na sinasabayan ng boses ng asawa ko.
“Fuck, Natalia… I’m coming.”
Parang may sumabog sa tenga ko. Nanlaki ang mata ko habang nanginginig kong itinulak nang bahagya ang pinto.
Naroon si Natalia, nakahubo’t hubad habang nakapatong sa asawa ko. Nakapulupot ang mga braso niya sa leeg ni Mavix habang mariin siyang hinahalikan nito. At si Mavix… walang pag-aalinlangan siyang gumagalaw sa ilalim nito, tila ba wala siyang asawa, at walang anak na naghihintay sa kanya sa ospital.
Pakiramdam ko’y isa-isang nadudurog ang bawat parte ng puso ko habang pinapanood sila.
“Ahh—Mavix—!” sigaw ni Natalia.May kung anong kamay ang biglang humawak sa leeg ko. Mahigpit iyon, na para bang unti-unti akong inuubusan ng hininga. Maya-maya, nagtama ang mata namin ni Mavix.Akala ko’y mapapatigil siya. Ngunit nagkamali ako. Sa halip, dahan-dahang umangat ang gilid ng labi niya habang nananatili ang tingin niya sa akin. Hindi man lang niya tinakpan si Natalia ng kumot. Mas lalo pa niyang hinapit ang bewang nito.At habang nakatitig si Mavix sa akin, mas bumilis ang galaw ng katawan niya. Bawat pagdiin niya, bawat pagsagad niya ay para bang sinasadya niyang iparamdam kung gaano ako kawalang halaga sa kanya.
Napapikit si Natalia habang dumadausdos ang mga labi ni Mavix sa balikat nito pababa sa tuktok ng dibdib nito. Mahigpit nitong hinawakan ang bewang ng kaibigan ko, tila ba sabik na sabik itong angkinin habang ako naman ay nakatayo rito, durog na durog.
Biglang lumabo ang tingin ko. Hindi ko namalayang sunod-sunod na palang pumatak ang mga luha ko. Kasbay no’n ang pagkulo ng dugo ko habang nakatitig sa asawa kong walang kahihiyang nilalapastangan ako sa harapan ko mismo. Nanginginig ang buo kong katawan—hindi lang sa sakit, kundi sa galit na unti-unting lumalamon sa puso ko.Hindi inaalis ni Mavix ang tingin sa akin, ngunit paminsan-minsa’y dumudulas iyon kay Natalia bago niya muling ibalik sa akin.Dahil doon, kinuyom ko nang mahigpit ang magkabilang kamao hanggang bumaon ang mga kuko ko sa palad ko.
Bigla kong naisip na samantalang ako ay halos mabaliw na sa ospital kakaisip kung paano ko ililigtas ang anak namin…
At habang umiiyak si Ashley sa sakit ng pinagdaan niyang diagnostic procedure…Nandito naman si Mavix… nagpapakasarap kasama ang kaibigan ko sa kuwarto namin at ginamit ang perang pinagpaguran ko.
Tuluyan nang nagdilim ang paningin ko sa poot kasabay ng pangangalit ng mga ngipin ko.
“Mga walang hiya! Ang bababoy ninyo!” sigaw ko habang nanginginig ang boses ko sa galit at matinding pagkamuhi.
SENNAKinabukasan matapos ma-discharge si Ashley, agad akong humanap ng maliit na apartment na kaya kong bayaran buwan-buwan. Hindi man iyon kasing ganda ng dati naming bahay, sapat na iyon para may matulugan kami ng anak ko.Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama habang pinapanood si Ashley na abala sa paglalaro ng luma niyang stuffed toy. Halos wala na kaming ibang gamit sa apartment kundi ilang kahon ng damit at mga gamit niya.Ang ibang gamit namin, pina-Lalamove ko na lang mula sa bahay ni Mavix. Ayoko nang bumalik doon. Ayoko nang makita pa silang dalawa ni Natalia.“Mommy…” mahinang tawag ni Ashley habang nakatingin sa paligid ng apartment. “Bakit tayo lumipat ng bahay?”Napilitan akong ngumiti sa kanya kahit masakit.“Mas malapit kasi ito sa work ni Mommy at sa hospital mo, baby,” pagsisinungaling kong sagot habang inaayos ang kumot niya.“Hindi na tayo babalik sa old house?”Saglit akong natahimik.“H-Hindi na muna.”“Paano si Daddy?”Napahigpit ang hawak ko sa damit na
SENNAMabuti na lang at binigyan ako ng ideya ng katrabaho ko. Hawak ko ang cellphone ko habang nakaupo pa sa loob ng sasakyan.“May kakilala akong puwedeng magpautang. Pero… loan shark siya, Senna. Mataas ang interes,” wika ng katrabaho ko sa kabilang linya.Napapikit ako sandali.Wala na akong panahon para mamili.“Saan ko siya mahahanap?” agad kong tanong.Makalipas ang isang oras, naroon na ako sa isang makitid na eskinita sa likod ng lumang commercial building. Madilim ang paligid at amoy sigarilyo ang buong lugar. May ilang lalaking may tattoo ang nakatambay sa labas habang nag-iinuman. Nang makita nila ako, agad nilang sinundan ng tingin ang bawat galaw ko dahilan para mas lalo akong kabahan.Parang gusto kong umatras, ngunit naalala ko si Ashley kaya nilakasan ko ang loob ko at pumasok sa loob ng opisina.Maliit lang ang kwarto. Madilim. May umiikot na electric fan sa kisame habang makapal na usok ng sigarilyo ang bumabalot sa paligid. Sa gitna ng silid, naroon ang isang lalak
SENNAParang may humigpit agad sa dibdib ko nang marinig ko ang malamig niyang boses. Hindi pa rin nagbabago ang paraan ng pagsasalita niya. Para bang isa lang akong estrangherong biglang sumulpot sa bahay niya. “Kailangan ko ng tulong mo, Dad,” pilit kong sabi.Dahan-dahan niyang ibinaba ang tasa ng kape sa mesa bago tuluyang itiniklop ang diyaryo.Ngayon lang niya ako nilingon. At sa tingin pa lang niya, pakiramdam ko’y muli akong naging maliit na batang desperadong naghahanap ng pagmamahal mula sa ama.Umupo ako sa tapat niya.“May leukemia si Ashley…” nanginginig kong sambit. “Kailangan ko ng tulong ninyo.”Napahigpit ang panga niya.Kitang-kita ko kung paano nagdilim ang mukha niya, ngunit wala na akong pakialam. Nilunok ko na ang lahat ng pride ko. Hindi na mahalaga kung gaano ako kababa sa harapan niya. Basta mailigtas ko lang ang anak ko.Ngunit ilang segundo lang siyang natahimik bago siya malamig na nagsalita.“Hindi ba’t malinaw na nagkaintindihan na tayo limang taon na an
SENNANapalingon si Natalia sa direksyon ko. Nang makita niya ako, agad na namutla ang mukha niya sa gulat. Mabilis siyang bumaba mula sa pagkakapatong kay Mavix at tarantang hinablot ang kumot upang ibalot sa hubad niyang katawan.“S-Senna…” nanginginig niyang tawag habang namumuo ang luha sa mga mata niya. “I… I’m sorry…”Lumapit siya sa akin para humingi ng tawad. Ngunit bago pa siya tuluyang makalapit, malakas na dumapo ang palad ko sa pisngi niya.Pak!Napasinghap siya habang napahawak sa namumulang mukha niya.“Senna…” umiiyak niyang sabi.“Hayop ka!” sigaw ko habang nanginginig sa galit ang buong katawan ko. “Kaibigan kita! Tinuring kitang kapatid tapos magagawa mo ‘to sa akin?!”Muli kong itinaas ang kamay ko upang sampalin ulit si Natalia, ngunit bago pa dumapo ang palad ko sa mukha niya, mabilis na may humawak sa pulsuhan ko. Sa sobrang higpit na halos maramdaman kong mamaga ang braso ko sa sakit. Napasinghap ako bago dahan-dahang napatingala. Nakita ko si Mavix, suot na ang
SENNATuluyang nagulo ang isip ko. Bakit bibili si Mavix ng mga gamit na pambabae? Hindi naman ako mahilig sa gano’n kung reregaluhan niya ako. At alam niyang nasa ospital kami ni Ashley—bakit siya gagastos nang ganoon kalaking halaga?O baka naman… na-hack ang account namin?Agad kong tinawagan ang bangko habang nanginginig ang kamay ko. Ngunit parang lalo lang akong pinatay ng sagot nila nang kumpirmahin nilang verified at authorized mismo ng asawa ko ang lahat ng ginawang pagbili.“Ma’am, verified po ang transactions. Authorized po mismo ng husband ninyo ang purchases.”Tuluyan akong natulala. Hindi… hindi puwede. Parang hindi kayang tanggapin ng isip ko ang nalaman ko, habang paulit-ulit kong sinusubukang intindihin ang lahat. Agad kong tinawagan si Mavix. Ngunit ni isa sa limang tawag ko ay hindi niya sinagot. Kanina ko pa siya pilit na kinokontak habang nasa ospital ako. Sa buong limang araw na admission ng anak namin, ni hindi man lang siya nagpakita. Ang palagi niyang dahi
SENNA“Mrs. Chavez, lumabas na ang resulta ng bone marrow biopsy niya. Confirmed, may leukemia ang anak mo at delikado iyon. Ire-refer namin siya sa ibang ospital dahil kulang kami sa gamit dito. Pero kailangan niyo munang i-settle ang bill bago kayo lumipat.”Nanlumo ako pagkatapos kong marinig iyon. Hindi ko akalaing magkakaroon ng malubhang sakit si Ashley—ang apat na taong gulang kong anak.Walang emosyon at tulala akong naglakad papunta sa billing area. Ika-limang araw na ngayon ng admission ni Ashley, at kulang ako sa tulog dahil sa pagbabantay ko sa kanya. Pagdating ko roon, halos hindi ako makapagsalita, nanginginig ang bibig ko, pati ang mga daliri ko sa kaba.“Mrs, mag-bill out po kayo? Ano pong pangalan ng pasyente?”Saka lang ako natauhan nang magsalita ang cashier.“O-Opo, Ashley Chavez ang pangalan ng anak ko.”Agad na tinipa ng cashier sa computer niya ang mga detalye. Ilang minuto rin akong naghintay, ngunit mas lalo akong kinabahan. Hindi lang dahil sa nalaman ko ka







