ANMELDENAdriana's POV
Limang taon ang mabilis na lumipas.
Nakatayo ako sa harap ng floor-to-ceiling window ng isang private suite sa Grand Hyatt BGC habang inaayos ng stylist ang huling detalye ng aking emerald green silk gown. Ang simpleng babae na dating nagsu-suot ng mumurahing damit para lang makabagay sa "simpleng buhay" na gusto raw ni Tristan ay matagal nang wala.
Ang nakikita sa salamin ngayon ay si Adriana Araneta-Leviste—mas matured, mas elegante, at may malamig na tingin na hindi kayang tapakan ng kahit sino.
Narinig ko ang magaan na pagbukas ng p***o. Sa salamin, nakita ko ang pagpasok ng isang lalaking nakasuot ng tailored dark charcoal tuxedo.
Sebastian "Baste" Ortigas.
Ang pinakamayaman at kinatatakutang bilyonaryo sa bansa, ang nag-iisang lalaki na hindi man lang nasilaw sa kapangyarihan ng pamilya ko dahil siya mismo ay may sariling imperyo. At sa nakalipas na tatlong taon sa Europe, siya ang naging pinakamatibay kong pader at kakampi.
"You look stunning, Adriana," bati ni Baste habang dahan-dahang lumalapit sa akin. May hawak siyang maliit na glass ng whiskey. "Ready for tonight?"
Humarap ako sa kaniya at ngumiti nang bahagya. "Matagal ko 'tong pinaghandaan, Baste. Ready is an understatement."
Inabot niya sa akin ang isang velvet box. Nang buksan ko ito, nakalapag doon ang isang custom emerald necklace na kumikislap sa ilalim ng ilaw.
"Consider this a welcome back gift," bulong niya habang dahan-dahang isinusuot ang kuwintas sa leeg ko. Ramdam ko ang init ng kamay niya na sumagi sa balikat ko, isang bagay na laging nagbibigay sa akin ng pakiramdam na ligtas ako. "The Madrigals are already downstairs. Pinagmamasdan ko sila kanina sa CCTV. They look desperate."
Napatawa ako nang mahina. "Ganyan talaga kapag malapit nang malunod. Kakapit kahit sa patalim."
Sa ibaba, sa grand ballroom ng hotel, ginaganap ang pinakamalaking business gala ng taon—ang official turnover ng Ortigas Holdings para sa panibagong mega-infrastructure project sa BGC. Lahat ng malalaking pangalan sa negosyo ay naroon.
Kasama na roon ang naghihingalong pamilya Madrigal.
Sa nakalipas na anim na buwan, tuluyan nang nagipit ang Madrigal Development Corp. Ang mga utang na dating itinatago lang nila sa ilalim ng karpet ay lumabas na. Ang mga bangko na dating nagpapautang sa kanila dahil sa koneksyon ni Kirsten ay isa-isa nang nag-reject sa kanila.
Bumaba kami ni Baste gamit ang private elevator patungo sa ballroom. Habang bumubukas ang malaking p***o ng hall, agad na humawi ang mga tao. Nakatutok ang mga ilaw at camera sa aming dalawa.
Humawak ako sa braso ni Baste habang sabay kaming naglalakad pamasok. Bulungan agad ang sumalubong sa amin mula sa mga socialites at businessmen.
"Sino 'yung kasama ni Mr. Ortigas?"
"Isn't that the heiress of the Leviste Group?"
"Diyos ko, napakaganda... she looks so powerful."
Di-kalayuan sa gitna ng hall, nakita ko agad ang pamilyar na tatlong mukha.
Nakatayo roon si Doña Consuelo na hawak ang kaniyang mamahaling paypay habang halatang balisa, si Kirsten na pilit na ngumingiti kahit halatang stressed, at si Tristan... na nakasuot ng medyo lumang tuxedo at mukhang napag-iwanan na ng panahon.
Nang magtagpo ang mga mata namin ni Tristan, biglang napatigil ang lalaki. Nanlaki ang mga mata niya at muntik nang mabitawan ang hawak niyang wine glass.
"R-Ria...?" narinig kong utal na usal ni Tristan sa malayo.
Inilapit niya ang sarili habang nakatitig sa akin na para bang nakakita siya ng multo. Pilit siyang humakbang pabalik sa gawi ko, pero agad na humarang ang dalawang mamahaling bodyguard ni Baste.
"Ria? Ikaw ba 'yan?" tanong muli ni Tristan. Ang boses niya ay puno ng pagtataka at hindi makapaniwalang gulat. "Buhay ka? Paanong..."
Dahan-dahan kaming huminto ni Baste sa harap nila. Tinitigan ko si Tristan nang walang kahit anong emosyon sa aking mga mata—walang galit, walang sakit, purong lamig lang.
Sumingit si Doña Consuelo habang nakataas ang kilay, pero halatang nanginginig ang mga kamay. "Ano 'to? Tristan, bakit mo tinatawag na Ria ang babaeng 'yan? Patay na ang walang kwenta mong asawa! At sino ka para humarang sa daan namin kasama si Mr. Ortigas?"
Hindi ko pinansin si Doña Consuelo. Tumingin lang ako kay Tristan na ngayon ay pabalik-balik ang tingin sa akin at sa mukha ni Baste.
"I think you have the wrong person, Mr. Madrigal," malamig kong panimula. Ang boses ko ay malinaw at umalingawngaw sa paligid para marinig ng mga taong nakapaligid sa amin. "My name is Adriana Araneta-Leviste."
Parang pinukpok ng martilyo ang dibdib ni Tristan. "L-Leviste? Hindi... mukha kang si Ria. Ang boses mo... ang mukha mo..."
"Tristan, tumigil ka nga!" iritableng pabulong na utos ni Kirsten habang hinahawakan ang braso ng asawa. Pero nang tumingin si Kirsten sa akin, nakita ko ang takot sa mga mata niya. Alam kong nakikilala niya ang aura ng isang totoong mayaman kumpara sa kaniya.
Saka pumasok sa usapan si Baste. Inilagay niya ang kaniyang kamay sa likod ng kiwang ko, isang gesture ng proteksyon at pagmamay-ari na pinalakas pa ng kaniyang commanding attitude.
"Good evening, Ladies and Gentleman," simula ni Baste habang nakatingin nang matalim kay Doña Consuelo at Tristan. "I believe you were waiting for an audience with me tonight regarding the emergency refinancing request of Madrigal Development Corp.?"
Biglang nagbago ang mukha ni Doña Consuelo. Pinalitan ng kapaimbabawan at plastic na ngiti ang kaniyang mukha. "Ah, yes! Mr. Ortigas! Kami nga po. As you know, our family has a long history sa real estate, at kailangan lang natin ng kaunting capital injection to—"
"Save your speech, Doña Consuelo," putol ni Baste sa kaniya nang walang kaabog-abog. "Dahil hindi ako ang magdesisyon kung ipapasara o issave ang kumpanya niyo."
Napatigil ang matriarch ng mga Madrigal. "P-Pardon?"
Lumapit ako nang isang hakbang at inilabas ang isang maliit na folder mula sa secretary ni Baste na nakatayo sa likod namin.
"Five years ago, a dummy firm acquired eighty percent of all your consolidated debts and preferred shares," paliwanag ko habang nakatitig nang diretso sa mga mata ni Tristan. " compute niyo man o hindi, ang buong Madrigal Corp. at maging ang ancestral house ninyo sa Forbes Park ay nakasanla na sa kumpanyang 'yon."
Nanginig ang mga labi ni Kirsten. "Ano... anong pinagsasasabi mo?"
Iinabot ko sa kanila ang pormal na dokumento. Sa pinakailalim niyon, nakatatak ang malaking logo ng Araneta-Leviste Group of Companies, at ang pirma ng nag-iisang Chairman and CEO.
My signature.
"As the majority owner of your debt and the main shareholder of your company," pahayag ko sa harap ng nagbubulungang crowd, "I am officially denying your request for refinancing. Effective tonight, the foreclosure process begins."
Nanlumo si Doña Consuelo at napahawak sa dibdib niya habang pilit siyang inaalalayan ni Kirsten. Si Tristan naman ay mukhang nawalan ng lakas sa mga binti. Tumingin siya sa akin, may luhang nangingilid sa mga mata niya habang napapagtanto ang lahat.
"Ria... bakit?" bulong ni Tristan, halatang nagsisisi at nawawalan ng pag-asa. "Bakit mo ginagawa 'to sa amin?"
Tinitigan ko siya nang deretso bago ako bahagyang ngumiti—isang ngiti na walang halagang awa.
Inilagay ko ang kamay ko sa kamay ni Baste, at dahan-dahan kaming tumalikod para iwanan silang tatlo na nakatayo sa gitna ng gulo at kahihiyan sa harap ng buong alta sosyedad.
Adriana's POVDumaan ang apatnapu't walong oras na ibinigay namin sa pamilya Madrigal.Nakatayo ako sa ikalabingsiyam na palapag ng Leviste Tower habang pinanonood ang live coverage sa malaking TV screen sa aking opisina. Ang balita ngayon sa lahat ng pangunahing TV network, radyo, at trending topics sa social media ay iisa lang: ang pormal na pagpapasara sa Madrigal Development Corp. at ang tuluyang pag-evict sa pamilya Madrigal mula sa kanilang tanyag na ancestral mansion sa Forbes Park.Sa screen, kitang-kita ang gulo at kahihiyan sa labas ng gate ng mansyon. Nakatambak sa kalsada ang mga branded na maleta, mamahaling muwebles, at mga personal na gamit nina Doña Consuelo, Kirsten, at Tristan. Dinaragsa sila ng mga mamamahayag, cameramen, at galit na galit na creditors na nag-aagawan sa paniningil ng mga hindi nababayarang utang at issuing ng mga bounced checks.Si Doña Consuelo ay tuluyan nang nahimatay sa harap ng mga camera habang pilit na inilalayo ng kaniyang personal security
Adriana's POVKinaumagahan matapos ang gala sa BGC, kalmado akong nakaupo sa veranda ng aming penthouse habang umiinom ng black coffee. Sa lapag sa tabi ko, nakatambak ang iba’t ibang business newspapers at trending posts sa social media.Headline agad sa business section ang nangyari kagabi: “Madrigal Corp. Faces Foreclosure: Heiress Adriana Leviste Rejects Refinancing Deal.”Nakatanggap din ako ng napakaraming missed calls at messages mula sa mga hindi kilalang numero. Alam kong si Tristan ang karamihan doon, pilit na humahanap ng paraan para makipag-usap sa akin matapos ang ginawa kong pampublikong pagpapahiya sa kanila.Habang pinagmamasdan ko ang tanawin ng lungsod, bumukas ang glass door ng veranda. Pumasok si Baste na naka-casual white shirt at slacks lang, may hawak na tablet at may bahagyang ngiti sa mga labi."Gising ka na pala," bati niya habang umaupo sa katapat kong upuan. Inilapag niya ang tablet sa mesa. "Inaasahan mo ba 'to?"Tumingin ako sa screen. Iyon ang security f
Adriana's POVLimang taon ang mabilis na lumipas.Nakatayo ako sa harap ng floor-to-ceiling window ng isang private suite sa Grand Hyatt BGC habang inaayos ng stylist ang huling detalye ng aking emerald green silk gown. Ang simpleng babae na dating nagsu-suot ng mumurahing damit para lang makabagay sa "simpleng buhay" na gusto raw ni Tristan ay matagal nang wala.Ang nakikita sa salamin ngayon ay si Adriana Araneta-Leviste—mas matured, mas elegante, at may malamig na tingin na hindi kayang tapakan ng kahit sino.Narinig ko ang magaan na pagbukas ng pinto. Sa salamin, nakita ko ang pagpasok ng isang lalaking nakasuot ng tailored dark charcoal tuxedo.Sebastian "Baste" Ortigas.Ang pinakamayaman at kinatatakutang bilyonaryo sa bansa, ang nag-iisang lalaki na hindi man lang nasilaw sa kapangyarihan ng pamilya ko dahil siya mismo ay may sariling imperyo. At sa nakalipas na tatlong taon sa Europe, siya ang naging pinakamatibay kong pader at kakampi."You look stunning, Adriana," bati ni Ba
Adriana's POVHindi ako nag-iwan ng anumang bakas ng galit sa loob ng kuwarto. Hindi ko ginulo ang mga gamit ko, hindi ako nagbasag ng kahit anong plato, at lalong hindi ako nag-iwan ng luhang pwedeng pagpyestahan ng pamilya Madrigal.Pagkababa ko sa kabilang kanto ng subdibisyon, nakaparada na roon ang isang itim na Escalade. Lumabas ang matagal na naming family driver at pinagbuksan ako ng pinto nang may malaking respeto."Welcome back, Young Lady," bungad sa akin ni Mang Hector.Isinara ko ang pinto ng kotse at isinandal ang ulo ko sa passenger seat. Ramdam ko ang pagod sa buong katawan ko, pero sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng tatlong taon, nakahinga ako nang maluwag. Malayang-malaya.Bago kami tuluyang lumayo sa Forbes Park, inilabas ko ang bagong phone na ibinigay sa akin ni Mang Hector. Mabilis kong tinawagan ang private investigator ng pamilya Leviste."Instruct the legal team to draft the divorce papers immediately. Tapos, magpadala ka ng tauhan sa probinsya. I want a
Adriana's POVHawak ko ang maliit na sobre mula sa St. Luke’s habang nakatitig sa steering wheel ng kotse ko. Ilang minuto rin akong hindi makahinga nang maayos matapos iabot ng doktor ang ultrasound result.Positive. Six weeks pregnant.Sa loob ng tatlong taon naming pagsasama ni Tristan, ito lang ang pinakahihintay ko. Ang buong akala ko, ito na ang magiging susi para tuluyan kaming maging pamilya. Para sa kaniya, nagpanggap akong isang simpleng babae na walang malaking pamilyang kinagisnan. Isang pambihirang sakripisyo para sa tulad kong lumaki sa luho ng mga Araneta-Leviste, dahil gusto kong makasiguro na ako mismo ang mahal niya, at hindi ang pera o titulo ng pamilya ko.Pag-uwi ko sa ancestral home ng mga Madrigal sa Forbes Park, tahimik ang buong paligid. Dahil kaarawan ni Tristan ngayon, nagluto ako ng paborito niyang pagkain at naghanda ng simpleng sorpresa. Gusto kong ibalita sa kaniya ang tungkol sa sanggol habang kaming dalawa lang.Dinala ko ang mga plato patungong dining







