LOGIN
Nagtataasang gusali, pormal na kasuotan, mamahaling pabango, at isang boss na parang laging galit sa mundo. Iyan ang bumubuo sa araw-araw kong buhay.
Tuwing umaga, pumapasok ako sa magagarbong p***o ng Monteverde Prime Holdings nang may pare-parehong ekspresyon. Propesyonal, kalmado, at sana hindi nakakapukaw ng atensyon ng nakararami.
Ako nga pala si Althea Ramos. Pero mas gusto kong tinatawag ako bilang Thea.
Twenty-four years old, isang simpleng babae na nagtatrabaho bilang secretary ng nag-iisang Sebastian Monteverde.
At kung kilala ninyo siya, malamang alam ninyong hindi basta-basta ang pagtatrabaho para sa lalaking iyon.
Sebastian Monteverde. The young and ruthless CEO of one of the biggest companies in the country.
Multi-billionaire, makapangyarihan, intimidating at higit sa lahat, masungit.
Kung hindi ko lang kailangang kailangan ng pera para sa pamilya ko, matagal ko nang iniwan ang impiyernong trabahong ito.
Pero wala akong pagpipilian. Bilang breadwinner, kailangan ko ang sweldo. Kailangan kong maging masipag at magtiis para pamilya ko.
Kaya kahit ilang beses ko nang gustong mag-resign, pinipilit kong ngumiti tuwing umaga at sabihin sa sarili ko na kaya ko pa.
Sa loob ng isang taon pagsagot sa tawag ng kliyente, pagaayos ng schedule niya, paghanda ng presentations at pagpapaalala ng mga meeting niya. Isa lang ang pinakakinatatakutan ko sa lahat ang pagtitimpla ng kaniyang kape.
At hanggang ngayon, hindi ko pa rin kabisado ang mood niya. May araw siyang tahimik at kalmado. Minsan malamig. At kadalasan...
Impiyerno mismo.
"What the hell, Ramos?!"
Napapitlag ako. Nasa kamay ko pa ang tray na may hawak na tasa ng kape nang marinig ko ang malakas na boses niya mula sa kabilang side ng office.
Napatingin ako sa kanya.
Nakatayo si Sebastian sa tabi ng malaking glass window ng opisina. Naka-black suit siya, perfectly fitted sa matipunong katawan niya. His tie was slightly loosened, but somehow, that only made him look more intimidating.
"Pasensya na po, Si—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko.
Ininom niya ang kape. At agad niya iyong inilayo sa bibig niya.
"Pweh! Ano ba 'to?" Idinura niya ang kape sa tasa.
Nanlaki ang mga mata ko.
"What did you make me?"
Napalunok ako. "Coffee po, sir."
His jaw clenched. "Obviously, it's coffee. One disgusting cup of coffee."
I lowered my gaze. "Sorry po. I can make another—"
"Isang taon ka na dito." His voice became quieter. And somehow, mas nakakatakot iyon kaysa sa pagsigaw niya.
Tumingin siya sa akin nang diretso.
"One year as my secretary." I nervously tightened my grip on the tray. "And yet, hindi mo pa rin alam kung paano ko gusto ang kape ko?"
"Alam ko po, sir. I just—"
"You just what?"
Napatingin ako sa kanya hanggang sa ibaba ko muli ang aking tingin dahil wala akong maisagot.
I hated moments like this.
Kapag ganito siya, parang bawat salita na lumalabas sa bibig ko ay puwedeng maging dahilan para tanggalin niya ako.
"Get me another cup."
"Yes, sir."
"And this time," dagdag niya, malamig ang boses, "get it right or else I'll fire you."
Tumango ako agad. Hindi siya nagbibiro. Alam ko yang mukha niya kaya naman mabilis akong tumalikod at nagtungo sa pantry.
Sa pagkakataong iyon, halos bilangin ko na ang bawat butil ng kape at bawat kutsarang asukal.
Isang kutsarang kape. Then another half. Kaunting creamer at asukal.
I checked it twice. Then three times.
Hindi ako puwedeng magkamali.
Not today.
Hindi ko kayang mawalan ng trabaho. Not now, not never.
Kinuha ko ang tasa at maingat na bumalik sa opisina ngunit bago pa ako makarating sa desk ni Sebastian—
May isang maliit na batang tumatakbo papunta sa akin.
"Whoa!" Napaatras ako nang bigla siyang yumakap sa binti ko. Napatingin ako sa batang mahigpit na nakayakap sa akin.
He was adorable. Maliit, maputi, at may malalaking matang parang laging may gustong sabihin.
Then he looked up at me. "Mama."
"Ha?" Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya.
"Mama!"
Mariin kong hinawakan ang tasa ng kape iniingatan kong matapon ang kapeng pinaghirapan ko.
"Hi, baby." I crouched slightly and place the cup on the nearest table. "Hindi mo ako mama. Ako si ate Thea. May kasama ka bang mga magulang?"
Umiling siya. "Mama!"
"Lucas..." Tinig ni Sebastian.
So this was Lucas.
The mysterious little boy na ilang beses ko nang naririnig sa office ngunit ngayon ko lang nakita nang personal.
I tried to gently remove his arms from my legs. "Come on, baby. Tawag ka na ng daddy mo. Pero hindi siya bumitaw.
Instead, he stretched both arms toward me. "Carry, pweesee"
Napakurap ako. "Carry me, Mama."
Kaloka.
Nagtimpla lang ako ng kape naging instant mommy pa ako.
Before I could respond, malalim at malamig na boses ni Sebastian na ang narinig ko.
"Lucas."
Napatingin ako sa likod ko. Nandoon si Sebastian. His expression was unreadable.
"Come here."
Umiling ang bata. "Ayaw."
His brows furrowed. "Lucas."
"Gusto mama!"
Kinakabahang napatingin ako kay Sebastian.
He was actually staring at me too. Bumaling siya ng tingin kay Lucas at pabalik muli sa akin.
"Hilario, get him."
“Yes, sir.”
Agad lumapit ang isang lalaki na ilang beses ko nang nakikita kasama ni Sebastian. Si Hilario ang tagapag-alaga at driver nito.
"Come on, Lucas. Daddy will buy you plenty of toys later."
Maingat niyang hinawakan ang bata pero biglang kumapit nang mas mahigpit si Lucas sa akin.
"AYAW!"
Napatigil ako.
"Lucas—"
"AYAW!!!"
Bigla siyang umiyak na para bang naghahanap ng kakampi. "Mama.. carry pweesee."
Napakagat ako sa labi.
Something about the child's crying tugged at my heart.
I looked at Sebastian.
His expression hardened.
"Lucas, enough."
Pero hindi tumigil ang bata bagkus ay lalo pang umiyak.
I couldn't stand watching him cry kaya dahan-dahan kong ibinaba ang tasa ng kape sa mesa.
Then I walked towards him.
"Okay, okay." I bent down. "Come here, little man."
Akma akong pipigilan ni Sebastian pero bago pa niya ako mahawakan, kusa nang nagpakarga si Lucas sa akin.
At parang magic, bigla siyang tumahimik.
His little arms wrapped around my neck while I gently patted his back.
"Shh.. It's okay."
Naramdaman kong nakatingin sa amin si Sebastian.
Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nakaramdam ng kaba.
His usual cold expression was gone.
He looked...
Surprised.
Confused.
Almost relieved.
Mga ekspresyon na ngayon lang bumakas sa kaniyang mukha.
"Sir," narinig kong sabi ni Hilario.
"What?"
"Mukhang nakita niyo na po ang hinahanap niyo."
Napatingin si Sebastian kay Hilario.
May sasabihin sana siya ngunit biglang tumunog ang kaniyang telepono.
"Sebastian speaking." He answered the call.
Tahimik siyang nakinig nang magbago ang kaniyang ekspresyon.
A few seconds later, ibinaba niya ang telepono at doon ko napansin ang kakaiba niyang ikinikilos.
The intimidating billionaire who had been yelling at me moments ago suddenly looked different.
His shoulders relaxed, his eyes softened na para bang umamong pusa.
Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba nang mariin niya akong titigan.
Hindi siya nagsalita agad. His eyes remained on me and Lucas.
"Sir?" I swallowed. "May problema po ba?"
Lumapit siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero parang mas lumakas ang tibok ng puso ko habang papalapit siya.
Huminto siya ilang hakbang lamang ang layo sa akin.
His gaze never left mine.
Then, in a voice completely different from the one he used moments ago, he finally spoke.
"Kailangan kita, Thea."
"P-po?" I swallowed harder.
His eyes shifted briefly toward Lucas, who is peacefully resting against my shoulder. Then he looked directly at me again.
"Pero hindi bilang secretary ko."
Nawala ang anumang ngiti sa mukha ko. Parang drum na tumatambol ang dibdib ko.
I hesitated. "Kung gayon, bilang ano po?"
Tahimik siyang nakatingin sa akin.
At sa unang pagkakataon mula nang magsimula akong magtrabaho para sa kanya, hindi ko mabasa ang nasa isip ni Sebastian Monteverde.
But somehow...
I had a feeling that whatever he was about to ask me would change my life forever.
Pagkapasok ko sa opisina, hindi ko man lang nagawang batiin ang mga empleyadong nakasalubong ko. Diretso akong naglakad patungo sa opisina ni Sebastian, mahigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko habang paulit-ulit na binabasa sa isip ko ang mensaheng natanggap ko kagabi.Ask your father what happened the night your mother disappeared.Ilang beses ko nang sinubukang kumbinsihin ang sarili kong baka pananakot lang iyon. Baka may gustong manggulo sa akin. Baka may gustong sirain ang tiwala ko kay Papa.Pero paano kung hindi?Paano kung may alam nga siya tungkol sa pagkawala ni Mama na hindi niya kailanman sinabi sa akin?At higit sa lahat, paano kung ang taong buong buhay kong pinagkatiwalaan ay may itinatagong katotohanang kayang magpabago sa lahat ng pinaniniwalaan ko?Huminto ako sa harap ng pintuan ng opisina ni Sebastian. Hindi na ako kumatok. Agad ko itong binuksan at pumasok.Nasa likod siya ng malawak niyang mesa
Hindi na ako nagpaalam kay Sebastian dahil nagmamadali akong umuwi. Halos hindi ko na nga namalayan kung paano ako nakalabas ng opisina at nakasakay sa sasakyan. Ang tanging laman ng isip ko ay ang mga salitang narinig ko sa parking lot.Your mother never told you who your real father was.Paulit-ulit iyong umaalingawngaw sa isip ko, na para bang may kung sinong patuloy na bumubulong sa aking tainga upang ipaalala ang isang katotohanang hindi ko pa handang tanggapin.Hindi ko alam kung sino ang lalaking iyon. Hindi ko alam kung ano ang gusto niya sa akin. Pero may isang bagay akong sigurado: alam niya ang tungkol sa pagkawala ni Mama, at posibleng alam din niya ang mga bagay na pilit itinatago sa akin ng mga taong pinagkakatiwalaan ko.Gusto kong kausapin si Papa.Gusto kong itanong sa kaniya ang lahat ng bagay na matagal ko nang gustong malaman tungkol kay Mama. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari noong 2016, kung bakit bigla na lamang siyang nawala, at kung may katotohanang hin
2016.The year my mother disappeared.Isang taon na hindi ko kailanman makakalimutan. Isang taon na tuluyang nagpabago sa buhay naming magkakapatid at nag-iwan ng mga tanong na hanggang ngayon ay wala pa ring kasagutan.Nawala si Mama nang walang paalam. Walang nakakita kung saan siya nagpunta. Walang makapagsabi kung ano ang nangyari sa kaniya. At higit sa lahat, walang nakapagbigay sa amin ng kahit isang malinaw na dahilan kung bakit niya kami iniwan.Katorse anyos lang ako noon, at pitong taong gulang pa lamang si Angelo nang mamulat kami sa buhay na walang isang ina.Masyado pa kaming bata para maintindihan ang lahat, pero sapat na ang edad namin para maramdaman ang sakit ng pagkawala niya.Naalala ko pa kung paano ako araw-araw umaasang uuwi siya. Tuwing may maririnig akong yabag sa labas ng bahay, agad akong napapalingon sa pinto. Tuwing may babaeng dumadaan sa aming kalye na kahawig niya, hindi ko maiwasang
Nagsimula si Sebastian na mangalap ng impormasyon tungkol sa mga messages na natatanggap niya. Simula nang makita namin si Adrian sa event at makatanggap siya ng panibagong pagbabanta, mas lalo siyang naging protective.Halos bawat galaw niya ay may security check.May mga tawag siya sa private investigator niya, may mga dokumentong patuloy niyang sinusuri, at may mga taong tahimik na pumapasok at lumalabas sa opisina niya para magbigay ng updates. Hindi niya sinasabi sa akin ang lahat, pero alam kong may ginagawa siya.At kahit hindi niya sabihin, ramdam kong hindi pa rin siya kampante.Ako naman, nandito lang sa office habang inaayos ang mga papeles na pinapaayos sa akin ni Sebastian.Medyo marami ang trabaho ko ngayong araw.May mga contracts, financial reports, meeting schedules, at iba't ibang documents na kailangang i-review at i-organize. Sapat ang dami nito para maging busy ako at kahit paano ay malimutan ko muna ang ilang araw na palaisipan tungkol kay Adrian Monteverde.Pero
“What did you say?” Halos hindi ko marinig ang tanong ni Sebastian dahil sa ingay ng mga taong nakapaligid sa amin at sa mabagal na tugtog na patuloy na umaalingawngaw sa ballroom. Pero hindi ko na iyon pinansin. Nakatitig lang ako sa direksyong kinatatayuan ng lalaking ilang segundo ko pa lamang nakita. “Si Adrian Monteverde… ayun siya.” Mabilis kong itinaas ang kamay at tinuro ang lalaki. Ngunit bago pa man siya tuluyang makaharap sa amin, agad itong tumalikod. Parang alam niyang nakita ko siya. Parang hinihintay niya lamang na makilala ko siya bago siya tuluyang umalis. “Adrian…” Nanigas ang katawan ni Sebastian. Sinundan niya ang direksyong tinuturo ko at nang makita niya ang lalaki, nagbago agad ang ekspresyon ng mukha niya. Walang pag-aalinlangang kumaripas siya ng takbo at hinabol ang lalaki. “Sebastian!” Hindi na niya ako narinig o marahil ay pinili na lamang niyang huwag akong pakinggan. Nawala sa aking paningin si Sebastian habang mabilis na lumalayo
Isang linggo matapos ang pagbabanta ay tila tuluyan nang tumigil ang lahat.Wala nang anonymous messages. Wala nang kakaibang tawag. Wala na ring ibang insidenteng katulad ng nangyari sa bahay.Sa unang tingin, parang bumalik na sa normal ang lahat.Bumalik kami ni Sebastian sa trabaho namin. Secretary niya pa rin ako, at boss ko pa rin siya.Pero ang problema, parang nagbago ang lahat.Yung boss na kilala ko noon ay biglang naging ibang tao.He smiles at me more often.Kahit mali ang timpla ko ng kape, hindi na niya ako sinisigawan. Ipapagawa na lang niya ulit sa akin nang walang reklamo, na para bang ibang Sebastian na ang kaharap ko.For the record, hindi na rin niya ako pinapagalitan sa maliliit na bagay.Pero ang pinakamalaking pagbabago?He wants me to stay close. All the time.Kahit saan siya magpunta, gusto niyang kasama ako. At hindi lang iyon. Nag-hire pa siya ng bodyguard para sa akin at mga undercover agents para kay Papa at Angelo.Hindi ko alam kung dapat ba akong matak







