LOGINTatlong buwan.
Tatlong buwan na mula nang pirmahan ko ang kontratang magpapanggap akong asawa ni Sebastian Monteverde.
At sa loob ng tatlong buwan na iyon, wala akong ibang ginawa kundi alamin ang buhay, ugali, at pamilya ng lalaking napilitan akong pakasalan. Hindi dahil interesado ako.
At least, iyon ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko.
Kailangan ko lang malaman kung paano gagalaw sa mundo ni Sebastian. After all, hindi simpleng buhay ang pinasok ko.
Being Mrs. Monteverde meant attending business dinners, family gatherings, charity events, and other occasions where I had to smile beside a man who could barely smile at me in private. Pero habang mas marami akong nalalaman tungkol sa kaniya, mas napagtatanto kong hindi pala simpleng masungit na boss si Sebastian.
He had a very sad, exhausting, and unfair childhood. Anak siya sa labas. At imbes na tanggapin at alagaan siya ng sarili niyang pamilya, he was treated like a mistake.
His father's family never made him feel that he belonged. He grew up surrounded by people who had the same blood as him but never treated him like family.
They should have protected him. Instead, they broke him. Yan ang dahilan kung bakit siya ganto ngayon.
Nagtayo siya ng mga nagtataasang pader sa paligid niya na ni isa ay walang makaabot o makatibag sa kaniya. Habang iniisip ko iyon, hindi ko namalayang matagal na pala akong nakatingin sa kaniya.
Nasa dining room kami ngayon. Si Sebastian ay tahimik na kumakain habang si Lucas naman ay nasa high chair nito, abala sa pagkain. Or at least, sinusubukan niyang kumain.
"Mama, eat."
Naputol ang pagtitig ko kay Sebastian nang marinig ko ang boses ni Lucas.
Napatingin ako sa kaniya.
"Mama?" He pointed at my plate. "Eat na ikaw."
Napangiti ako. "Okay, baby." Nagpanggap akong hindi ko nakita ang tingin ni Sebastian at bumaling sa mga putaheng nasa harapan ko.
Pero nang ibalik ko ang tingin ko kay Sebastian, nakatingin pa rin pala siya sa akin.
His lips curled into a knowing smirk. "Just take a picture, Thea."
"What?" Napakunot ang noo ko.
"Para may souvenir ka."
I looked at him, still questioning. "Nang ano?" He leaned back against his chair.
"Ng mukha ko. I guarantee you, it I'll last."
Napairap ako.
"Di naman ako nakatitig sa'yo." Pagtanggi ko.
His smirk widened. "Really?"
Di ko siya pinansin at patuloy na lang kumain.
"I'm too handsome to handle, I get it." Umiling-iling siya habang nakangisi.
Napailing din ako.
"Ang kapal talaga ng mukha mo." In this three months I learned to talk back. Asawa niya ako, might as well use it as my advantage.
"Thank you." Natawa pa siya.
"That's not a compliment." Sinamaan ko siya ng tingin.
"Oh Coming from you? Definitely."
I rolled my eyes and he just smiled.
At doon na naman parang biglang tumalon ang puso ko.
Napatingin ako sa kaniya nang ilang segundo. Damn... Did he really smile?
I had seen Sebastian smile before ibang iba hindi kagaya ngayon. Hindi yung parang wala siyang pakialam sa buong mundo.
This smile was different.
Relaxed, natural and honestly, annoyingly attractive.
Mabilis kong inalis ang tingin ko hindi pwede itong nararamdaman ko.
Contractual marriage lang ito. I promised myself na walang feelings, walang attachment. Even a hint of crush, hindi pwede.
"By the way." Naging seryoso ulit ang boses niya. "Get ready for a family event later."
Napatingin ako sa kaniya.
"Family event?"
He took another sip of his coffee. "Make sure you knew everything. First impression lasts."
Tumango ako.
"Sir." Tinaasan niya ako ng isang kilay. Oo nga pala dapat sanay na ako. Hindi na siya simpleng boss ko.
"I mean..." Huminga ako nang malalim. "Sebastian."
Bahagya siyang ngumiti. "Better."
I ignored him. "Can I ask something?" Tumango siya.
"Bakit kailangan mo ng legal custody ni Lucas?"
Napansin kong biglang nagbago ang ekspresyon niya.
He placed his glass down. "I need an heir. I don't want to get married with feelings involved."
"So when my half-brother and his mother died..." Tumigil siya sandali. "I needed Lucas as much as he needed me."
Napatingin siya sa bata. "He's family." His jaw tightened. "At hindi ko hahayaang mapunta sa mga sugapa na 'yon ang kompanyang pinaghirapan ng tatay ko."
I nodded slowly. I finally understood.
Kaya pala ganoon siya ka-overprotective kay Lucas. The little boy wasn't just his nephew. He was Sebastian's responsibility.
His family. Maybe the only family he had.
"I understand."
Tumayo ako. "I'll get dressed." I told him as I picked up Lucas's empty plate. "I'll do my best to pretend."
His eyes narrowed. "Don't pretend too much."
Napatingin ako sa kaniya. "Why?"
"Cause you're my wife tonight." His voice was low and commanding. "Act like it."
Napakurap ako. Hindi ko alam kung bakit biglang uminit ang pisngi ko.
---
Pagdating namin sa party, agad kong naramdaman ang bigat ng mga matang nakatingin sa amin.
It was an extravagant family event.
Crystal chandeliers.
Expensive decorations.
Live music.
People dressed in designer clothes.
At sa gitna ng lahat ng iyon, nandoon kami.
I was wearing a stunning midnight-black halter gown adorned with delicate golden constellations and a crescent moon at my waist.
Simple but elegant. Hindi ko ikakaila na bumagay ito sa makeup ko. But despite the compliments I received, one thing made me conscious.
Sebastian's eyes.
Every time I glanced at him, nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin.
Eventually, hindi ko na napigilang tanungin siya. "May dumi ba ako sa mukha?"
He looked at me.
"No." He paused. His eyes traveled over me before returning to my face. "You just look..."
I waited.
He suddenly swallowed.
"Stunning."
Napakurap ako. Agad siyang umiwas ng tingin.
Ramdam kong nag-init ang pisngi ko. Kailan pa siya naging vocal sa naiisip niya? Mababaliw na ata ako.
Throughout the night, hinayaan ko lang siyang makihalubilo sa mga bisita.
He introduced me to several people. And every single time he said—
"My wife."
May kakaibang pakiramdam na bumabalot sa dibdib ko.
Actually... It felt nice.
Hearing Sebastian Monteverde introduce me as his wife. Kahit alam kong pagpapanggap lang ang lahat.
---
Nang lumalim na ang gabi, napagtanto kong masarap din palang mapag-isa.
The music from the party became distant as I sat beside the swimming pool.
I needed air. I didn't know I needed this silence.
At higit sa lahat, kailangan kong ayusin ang isip ko. I was staring at the reflection of the lights on the water when a strange man suddenly approached.
"Stephen Monteverde." I saw him smiling as I looked up. "Sebastian's cousin." He offered his hand as if he is asking me to get up. "I mean, half cousin. You get it." His tone was mocking.
Tinitigan ko ang kamay niya ngunit hindi ko iyon tinanggap. Instead, I looked away.
He chuckled. "Drop that act."
Napatingin ako sa kaniya. "Excuse me?"
"Alam ko namang pera lang ang habol mo sa kaniya."
My expression hardened. "That's none of your business."
He laughed. "How much did he give you?" I remained silent. He leaned closer while I'm trying to keep distance with this jerk.
"Tell me. How much did he give to a whore like—"
Hindi na niya natapos. Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha niya.
Napasinghap ako. "Sebastian!"
Parang biglang nagliyab ang paligid. Sumulpot si Sebastian at sinuntok si Stephen.
"You son of a—" Gumanti si Stephen. Pilit ko silang pinaghihiwalay.
Nagsuntukan silang dalawa hanggang sa agad na dumating ang mga bouncer at security.
"Sir! Please!"
Hinawakan ng dalawang security guard si Sebastian. Pero inalis niya agad ang kamay ng mga ito. His eyes were burning with anger. "Don't you ever call my wife a whore!"
Nanahimik ang paligid. Hindi ko alam kung alin ang mas nakakagulat.
Ang suntok niya... O ang paraan ng pagtawag niya sa akin bilang asawa niya.
Hinawakan niya ang braso ko. "Come." Hinigpitan niya ng bahagya ang hawak a braso ko.
"Sebastian—"
"Now." Hindi na ako nakipagtalo.
Dinala niya ako sa isang private room. Pagkapasok namin, agad akong naghanap ng emergency kit.
Umupo siya sa gilid ng sofa. May maliit na sugat sa gilid ng labi niya. Lumuhod ako sa harap niya at dahan-dahang nilinis iyon.
"Bakit mo ginawa 'yon?" Tanong ko habang ginagamot ang sugat niya. Di siya umimik. "Dapat hindi ka na gumanti. Nasaktan ka tuloy." I carefully dabbed the wound. "Could've handled it myself."
"But you didn't." Tumingin siya sa akin. "And you don't get to decide when I defend you."
Napatingin ako sa kaniya.
"Pero hindi mo naman siya kailangang suntukin."
Inismiran niya lang ako. "He insulted you."
"Sebastian..." My gaze softened.
Mariin niya akong tinitigan. "He insulted my wife."
I froze.
Mabilis kong ibinalik ang tingin ko sa sugat niya. Pero bago ko pa maipagpatuloy ang ginagawa ko, bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
His fingers closed firmly around my wrist, not hurting me, but enough to stop me.
Tumingin siya sa akin. His eyes were intense. "Answer me first."
His gaze didn't leave mine.
"These past few days..." Lumunok siya. "You suddenly changed. Bakit parang hindi ka na umiiwas sa akin?"
I couldn't answer. His thumb moved slightly against my hand. "Why do you care if I'm hurt?"
My heart began pounding.
"Thea."
I looked at him.
His voice dropped into a whisper. "Are you falling in love with me?"
Nanlaki ang mga mata ko. At sa isang iglap, parang nawala ang lahat ng tunog sa paligid.
Yan ang katanungang kinatatakutan kong sagutin.
And I didn't know how to lie to him even to myself anymore.
Pagkapasok ko sa opisina, hindi ko man lang nagawang batiin ang mga empleyadong nakasalubong ko. Diretso akong naglakad patungo sa opisina ni Sebastian, mahigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko habang paulit-ulit na binabasa sa isip ko ang mensaheng natanggap ko kagabi.Ask your father what happened the night your mother disappeared.Ilang beses ko nang sinubukang kumbinsihin ang sarili kong baka pananakot lang iyon. Baka may gustong manggulo sa akin. Baka may gustong sirain ang tiwala ko kay Papa.Pero paano kung hindi?Paano kung may alam nga siya tungkol sa pagkawala ni Mama na hindi niya kailanman sinabi sa akin?At higit sa lahat, paano kung ang taong buong buhay kong pinagkatiwalaan ay may itinatagong katotohanang kayang magpabago sa lahat ng pinaniniwalaan ko?Huminto ako sa harap ng pintuan ng opisina ni Sebastian. Hindi na ako kumatok. Agad ko itong binuksan at pumasok.Nasa likod siya ng malawak niyang mesa
Hindi na ako nagpaalam kay Sebastian dahil nagmamadali akong umuwi. Halos hindi ko na nga namalayan kung paano ako nakalabas ng opisina at nakasakay sa sasakyan. Ang tanging laman ng isip ko ay ang mga salitang narinig ko sa parking lot.Your mother never told you who your real father was.Paulit-ulit iyong umaalingawngaw sa isip ko, na para bang may kung sinong patuloy na bumubulong sa aking tainga upang ipaalala ang isang katotohanang hindi ko pa handang tanggapin.Hindi ko alam kung sino ang lalaking iyon. Hindi ko alam kung ano ang gusto niya sa akin. Pero may isang bagay akong sigurado: alam niya ang tungkol sa pagkawala ni Mama, at posibleng alam din niya ang mga bagay na pilit itinatago sa akin ng mga taong pinagkakatiwalaan ko.Gusto kong kausapin si Papa.Gusto kong itanong sa kaniya ang lahat ng bagay na matagal ko nang gustong malaman tungkol kay Mama. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari noong 2016, kung bakit bigla na lamang siyang nawala, at kung may katotohanang hin
2016.The year my mother disappeared.Isang taon na hindi ko kailanman makakalimutan. Isang taon na tuluyang nagpabago sa buhay naming magkakapatid at nag-iwan ng mga tanong na hanggang ngayon ay wala pa ring kasagutan.Nawala si Mama nang walang paalam. Walang nakakita kung saan siya nagpunta. Walang makapagsabi kung ano ang nangyari sa kaniya. At higit sa lahat, walang nakapagbigay sa amin ng kahit isang malinaw na dahilan kung bakit niya kami iniwan.Katorse anyos lang ako noon, at pitong taong gulang pa lamang si Angelo nang mamulat kami sa buhay na walang isang ina.Masyado pa kaming bata para maintindihan ang lahat, pero sapat na ang edad namin para maramdaman ang sakit ng pagkawala niya.Naalala ko pa kung paano ako araw-araw umaasang uuwi siya. Tuwing may maririnig akong yabag sa labas ng bahay, agad akong napapalingon sa pinto. Tuwing may babaeng dumadaan sa aming kalye na kahawig niya, hindi ko maiwasang
Nagsimula si Sebastian na mangalap ng impormasyon tungkol sa mga messages na natatanggap niya. Simula nang makita namin si Adrian sa event at makatanggap siya ng panibagong pagbabanta, mas lalo siyang naging protective.Halos bawat galaw niya ay may security check.May mga tawag siya sa private investigator niya, may mga dokumentong patuloy niyang sinusuri, at may mga taong tahimik na pumapasok at lumalabas sa opisina niya para magbigay ng updates. Hindi niya sinasabi sa akin ang lahat, pero alam kong may ginagawa siya.At kahit hindi niya sabihin, ramdam kong hindi pa rin siya kampante.Ako naman, nandito lang sa office habang inaayos ang mga papeles na pinapaayos sa akin ni Sebastian.Medyo marami ang trabaho ko ngayong araw.May mga contracts, financial reports, meeting schedules, at iba't ibang documents na kailangang i-review at i-organize. Sapat ang dami nito para maging busy ako at kahit paano ay malimutan ko muna ang ilang araw na palaisipan tungkol kay Adrian Monteverde.Pero
“What did you say?” Halos hindi ko marinig ang tanong ni Sebastian dahil sa ingay ng mga taong nakapaligid sa amin at sa mabagal na tugtog na patuloy na umaalingawngaw sa ballroom. Pero hindi ko na iyon pinansin. Nakatitig lang ako sa direksyong kinatatayuan ng lalaking ilang segundo ko pa lamang nakita. “Si Adrian Monteverde… ayun siya.” Mabilis kong itinaas ang kamay at tinuro ang lalaki. Ngunit bago pa man siya tuluyang makaharap sa amin, agad itong tumalikod. Parang alam niyang nakita ko siya. Parang hinihintay niya lamang na makilala ko siya bago siya tuluyang umalis. “Adrian…” Nanigas ang katawan ni Sebastian. Sinundan niya ang direksyong tinuturo ko at nang makita niya ang lalaki, nagbago agad ang ekspresyon ng mukha niya. Walang pag-aalinlangang kumaripas siya ng takbo at hinabol ang lalaki. “Sebastian!” Hindi na niya ako narinig o marahil ay pinili na lamang niyang huwag akong pakinggan. Nawala sa aking paningin si Sebastian habang mabilis na lumalayo
Isang linggo matapos ang pagbabanta ay tila tuluyan nang tumigil ang lahat.Wala nang anonymous messages. Wala nang kakaibang tawag. Wala na ring ibang insidenteng katulad ng nangyari sa bahay.Sa unang tingin, parang bumalik na sa normal ang lahat.Bumalik kami ni Sebastian sa trabaho namin. Secretary niya pa rin ako, at boss ko pa rin siya.Pero ang problema, parang nagbago ang lahat.Yung boss na kilala ko noon ay biglang naging ibang tao.He smiles at me more often.Kahit mali ang timpla ko ng kape, hindi na niya ako sinisigawan. Ipapagawa na lang niya ulit sa akin nang walang reklamo, na para bang ibang Sebastian na ang kaharap ko.For the record, hindi na rin niya ako pinapagalitan sa maliliit na bagay.Pero ang pinakamalaking pagbabago?He wants me to stay close. All the time.Kahit saan siya magpunta, gusto niyang kasama ako. At hindi lang iyon. Nag-hire pa siya ng bodyguard para sa akin at mga undercover agents para kay Papa at Angelo.Hindi ko alam kung dapat ba akong matak







