LOGIN“Are you falling in love with me?”
Nanigas ang buong katawan ko. Iyon ang tanong na kinatatakutan kong marinig mula sa kaniya.
Hindi dahil alam ko ang sagot. Kundi dahil natatakot akong baka di ko mapigilan ang sarili kong umamin ng totoo kong nararamdaman sa kaniya.
For a few seconds, wala akong masabi. Nakatitig lang ako sa lalaking kaharap ko habang mariing hawak niya ang kamay ko.
His eyes were fixed on mine. Walang bakas ng biro sa mukha niya.
No smirk.
No arrogance.
Seryoso lamang ang ekspresyon niya na nakapagpabilis ng tibok ng puso ko.
“N-no.” Mabilis kong binawi ang kamay ko. “I wouldn't dare o breech our contract."
Bahagya siyang napakunot-noo. “I’m asking you an easy question.”
Madali? Madali pa rin sa kaniya.
Napatawa ako nang alanganin. “Para sa'yo siguro.”
Lumapit siya nang kaunti. “Then answer it.. Honestly."
“I already did.”
He raised brow. “Then why are you shaking?”
Tumingin siya sa mga kamay ko. Doon ko lang napansin na nanginginig pala ang mga daliri ko. I immediately clenched my hands.
“Sino bang hindi?” I tried to sound annoyed instead of nervous. “Matapos kitang makitang halos durugin yung mukha ng pinsan mo, why would you do that?”
“Because you're my wife.”
Mabilis ko siyang itinama. “Contractual wife.”
His jaw tightened. “Kontrata o hindi.” Tumigil siya saglit. “I won't let anyone degrade you like that.”
Napatingin ako sa kaniya. For some reason, those words hit differently. He wasn't saying it because of the contract.
At least, hindi ganoon ang tunog. “You didn't have to fight him, tho.”
"I did and I would gladly do it all over again."
“Sebastian—”
“What? He crossed a line.” His voice was firm.
“Anyone can insult me. I don't care.” He took a step closer.
“But no one gets to disrespect you while you're with me.”
I didn't know what to say so I looked away. Maybe it was better that way.
Because if I continued looking into his eyes, I was afraid he might see the feelings I was desperately trying to hide. “Go home and rest,” he finally said.
“What about you?” Nagaalala kong tanong.
“I'll be fine.”
Hinawakan ko ang kaniyang kamay para pigilan. “Your lip is still bleeding.”
He touched the corner of his mouth. “It's nothing.”
“Of course. Because apparently getting punched in the face is nothing to you.” For the first time that night, the corner of his lips lifted.
Umupo siya muli sa harapan ko. “You're worried about me.”
I immediately frowned. “I'm worried because you're my boss.”
“Correction. Your husband.”
“Contractual husband.” Itinama ko siyang muli.
He chuckled. “Keep telling yourself that, Thea.”
I rolled my eyes to him.
But as I walked away, I couldn't stop the small smile from forming on my lips.
And that scared me more than anything.
Because maybe...
Just maybe...
I was starting to fall for the man I promised myself I would never love.
---
Kinabukasan, maaga akong nagtungo sa hospital para kamustahin ang kapatid ko.
I had barely slept the entire night.
Paulit-ulit sa isip ko ang tanong ni Sebastian.
Are you falling in love with me?
I hated that question. Because every time I remembered his eyes, my heart betrayed me.
I tried to push the thoughts away as I entered Angelo's room.
“Ate!” Agad akong napangiti nang makita ko ang kapatid ko. Kahit nanghihina siya, malaki pa rin ang ngiti niya.
“Hi, baby.” Lumapit ako at marahang hinaplos ang buhok niya.
“Kamusta ka?” Pinilit kong ngumiti a harap niya.
“Okay lang, ate. Actually, mas okay na ako ngayon.”
Napansin kong nakaupo si Papa sa tabi ng kama. “Anak, napadalaw ka.” Agad niya akong niyakap. “Buti pinayagan ka ng boss mo na mag-rest day.”
“Opo.” Ngumiti ako. “Payag naman po siya.”
I looked at Angelo again. “Isa pa, bayaran na rin po natin yung bill niya ngayong buwan.”
Napakunot-noo si Papa. “Hindi mo pa ba binayaran?”
“Hindi pa po.” I reached for my bag. “Nasa akin pa yung pera.” Kaya naman natigilan ako nang makita kong nagbago ang ekspresyon ni Papa.
“Bakit, Pa? May problema ba?"
Pinakita niya sa akin yung resibo. “Bayad na raw. Sinabi ng nurse kanina. Fully paid na daw yung bill ni Angelo.”
Napakurap ako. “Impossible.” I immediately shook my head. "Kakasahod ko lang po kasi ngayong araw... Baka po ibang bill?
Tumayo ako. “Sandali lang, Pa.” Sabi ko bago ako lumabas ng kwarto.
I walked toward the cashier, my mind racing. Pagdating ko roon, agad kong kinausap ang staff.
“Excuse me. Saan po galing yung payment para sa bill ng kapatid ko?” Tiningnan ng babae ang record sa computer. “Sino po ang nagbayad?”
“May nagbayad po ng fully paid kasi hindi po sinabi nung lalaki yung pangalan niya.”
Nanlamig ako alam kong hindi si Sebastian yun. “Lalaki?”
“Opo.”
“May description po kayo?”
Nag-isip siya. “Matangkad po. Naka-black coat. He looked like someone from a business company.”
My stomach tightened. “May iniwan po ba siya?” Tumango ang cashier. “Actually, meron po.”Binuksan niya ang drawer at kumuha ng isang puting envelope. “Ibigay ko lang daw po ito sa kapatid ng pasyente.”
Dahan-dahan niya iyong iniabot sa akin.
Hindi ko agad kinuha. There was something about that envelope that made every instinct in my body scream.
“Sigurado po kayong para sa akin 'yan?”
“Opo.”
Finally, kinuha ko iyon. Walang pangalan o address. Walang kahit anong marka kung sino ang nagpadala.
I opened it with trembling hands. Isang maliit na papel ang nasa loob. Binasa ko.
At sa unang linya pa lang, parang biglang nawala ang hangin sa paligid ko.
'Ang pagkamatay ng mga magulang ni Lucas ay hindi isang aksidente.'
Nanigas ako. Binasa ito muli dahil baka mali lang ang pagkakabasa ko.
Pero hindi. Binasa ko ang kasunod na pangungusap.
'Lahat ng malapit kay Sebastian ay napapahamak.'
Humigpit ang pagkakahawak ko sa papel.
At bago pa ako makahinga nang maayos, nabasa ko ang huling linya.
'Kaya mag-ingat ka, Althea.'
Nanginginig ang mga kamay ko habang napatingin ako sa paligid. People were walking past me. Mga doktor, nurses, pasyente, mga bisita.
Pero bigla kong naramdaman na parang may nakatingin sa akin. I slowly turned around. Walang namang tao.
Napalingon ako sa kabilang hallway. Wala pa rin.
My heart began pounding. Sino ang nagpadala nito? At bakit alam niya ang tungkol kina Lucas?
Mas nakakatakot ang isang bagay. Paano niya nalaman kung nasaan ang kapatid ko?
Hindi ko pa man nasasagot ang tanong na iyon nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Unknown number.
Tinitigan ko lang ito habang nagaalinlangan kung sasagutin to o hindi.
Dahan-dahan kong sinagot.
“Hello?” Walang sumasagot.
“Hello?” Ibababa ko na sana ng may marinig na hininga ng isang lalaki sa kabilang linya.
My blood ran cold. “Who is this?”
A low voice finally spoke. “Kung gusto mong manatiling buhay ang pamilya mo…”
Nanlaki ang mga mata ko. “…lumayo ka kay Sebastian Monteverde.”
Nawala ang linya.
“Hello?” Tinitigan ko ang cellphone ko.
Disconnected.
At bago pa ako makapag-isip, may napansin akong lalaki sa dulo ng hallway. Swak siya sa deskripsyon ng nasa cashier.
Nakatingin siya ng diretso sa akin. Hindi siya gumagalaw o umalis sa kaniyang kinatatayuan.
Nang magtama ang mga mata namin, bigla siyang tumalikod na parang hinihintay niya lang akong mapansin siya.
Mabilis akong tumakbo papunta sa kaniya pero pagliko ko sa hallway... Wala na siya.
Napatigil ako. Muli kong tiningnan ang papel na hawak ko.
At sa unang pagkakataon, hindi na lang ako natatakot para kay Sebastian.
Natakot ako para sa sarili ko. Dahil kung totoo ang laman ng sulat...
Baka hindi aksidente ang pagpasok ko sa buhay ni Sebastian Monteverde.
Pagkapasok ko sa opisina, hindi ko man lang nagawang batiin ang mga empleyadong nakasalubong ko. Diretso akong naglakad patungo sa opisina ni Sebastian, mahigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko habang paulit-ulit na binabasa sa isip ko ang mensaheng natanggap ko kagabi.Ask your father what happened the night your mother disappeared.Ilang beses ko nang sinubukang kumbinsihin ang sarili kong baka pananakot lang iyon. Baka may gustong manggulo sa akin. Baka may gustong sirain ang tiwala ko kay Papa.Pero paano kung hindi?Paano kung may alam nga siya tungkol sa pagkawala ni Mama na hindi niya kailanman sinabi sa akin?At higit sa lahat, paano kung ang taong buong buhay kong pinagkatiwalaan ay may itinatagong katotohanang kayang magpabago sa lahat ng pinaniniwalaan ko?Huminto ako sa harap ng pintuan ng opisina ni Sebastian. Hindi na ako kumatok. Agad ko itong binuksan at pumasok.Nasa likod siya ng malawak niyang mesa
Hindi na ako nagpaalam kay Sebastian dahil nagmamadali akong umuwi. Halos hindi ko na nga namalayan kung paano ako nakalabas ng opisina at nakasakay sa sasakyan. Ang tanging laman ng isip ko ay ang mga salitang narinig ko sa parking lot.Your mother never told you who your real father was.Paulit-ulit iyong umaalingawngaw sa isip ko, na para bang may kung sinong patuloy na bumubulong sa aking tainga upang ipaalala ang isang katotohanang hindi ko pa handang tanggapin.Hindi ko alam kung sino ang lalaking iyon. Hindi ko alam kung ano ang gusto niya sa akin. Pero may isang bagay akong sigurado: alam niya ang tungkol sa pagkawala ni Mama, at posibleng alam din niya ang mga bagay na pilit itinatago sa akin ng mga taong pinagkakatiwalaan ko.Gusto kong kausapin si Papa.Gusto kong itanong sa kaniya ang lahat ng bagay na matagal ko nang gustong malaman tungkol kay Mama. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari noong 2016, kung bakit bigla na lamang siyang nawala, at kung may katotohanang hin
2016.The year my mother disappeared.Isang taon na hindi ko kailanman makakalimutan. Isang taon na tuluyang nagpabago sa buhay naming magkakapatid at nag-iwan ng mga tanong na hanggang ngayon ay wala pa ring kasagutan.Nawala si Mama nang walang paalam. Walang nakakita kung saan siya nagpunta. Walang makapagsabi kung ano ang nangyari sa kaniya. At higit sa lahat, walang nakapagbigay sa amin ng kahit isang malinaw na dahilan kung bakit niya kami iniwan.Katorse anyos lang ako noon, at pitong taong gulang pa lamang si Angelo nang mamulat kami sa buhay na walang isang ina.Masyado pa kaming bata para maintindihan ang lahat, pero sapat na ang edad namin para maramdaman ang sakit ng pagkawala niya.Naalala ko pa kung paano ako araw-araw umaasang uuwi siya. Tuwing may maririnig akong yabag sa labas ng bahay, agad akong napapalingon sa pinto. Tuwing may babaeng dumadaan sa aming kalye na kahawig niya, hindi ko maiwasang
Nagsimula si Sebastian na mangalap ng impormasyon tungkol sa mga messages na natatanggap niya. Simula nang makita namin si Adrian sa event at makatanggap siya ng panibagong pagbabanta, mas lalo siyang naging protective.Halos bawat galaw niya ay may security check.May mga tawag siya sa private investigator niya, may mga dokumentong patuloy niyang sinusuri, at may mga taong tahimik na pumapasok at lumalabas sa opisina niya para magbigay ng updates. Hindi niya sinasabi sa akin ang lahat, pero alam kong may ginagawa siya.At kahit hindi niya sabihin, ramdam kong hindi pa rin siya kampante.Ako naman, nandito lang sa office habang inaayos ang mga papeles na pinapaayos sa akin ni Sebastian.Medyo marami ang trabaho ko ngayong araw.May mga contracts, financial reports, meeting schedules, at iba't ibang documents na kailangang i-review at i-organize. Sapat ang dami nito para maging busy ako at kahit paano ay malimutan ko muna ang ilang araw na palaisipan tungkol kay Adrian Monteverde.Pero
“What did you say?” Halos hindi ko marinig ang tanong ni Sebastian dahil sa ingay ng mga taong nakapaligid sa amin at sa mabagal na tugtog na patuloy na umaalingawngaw sa ballroom. Pero hindi ko na iyon pinansin. Nakatitig lang ako sa direksyong kinatatayuan ng lalaking ilang segundo ko pa lamang nakita. “Si Adrian Monteverde… ayun siya.” Mabilis kong itinaas ang kamay at tinuro ang lalaki. Ngunit bago pa man siya tuluyang makaharap sa amin, agad itong tumalikod. Parang alam niyang nakita ko siya. Parang hinihintay niya lamang na makilala ko siya bago siya tuluyang umalis. “Adrian…” Nanigas ang katawan ni Sebastian. Sinundan niya ang direksyong tinuturo ko at nang makita niya ang lalaki, nagbago agad ang ekspresyon ng mukha niya. Walang pag-aalinlangang kumaripas siya ng takbo at hinabol ang lalaki. “Sebastian!” Hindi na niya ako narinig o marahil ay pinili na lamang niyang huwag akong pakinggan. Nawala sa aking paningin si Sebastian habang mabilis na lumalayo
Isang linggo matapos ang pagbabanta ay tila tuluyan nang tumigil ang lahat.Wala nang anonymous messages. Wala nang kakaibang tawag. Wala na ring ibang insidenteng katulad ng nangyari sa bahay.Sa unang tingin, parang bumalik na sa normal ang lahat.Bumalik kami ni Sebastian sa trabaho namin. Secretary niya pa rin ako, at boss ko pa rin siya.Pero ang problema, parang nagbago ang lahat.Yung boss na kilala ko noon ay biglang naging ibang tao.He smiles at me more often.Kahit mali ang timpla ko ng kape, hindi na niya ako sinisigawan. Ipapagawa na lang niya ulit sa akin nang walang reklamo, na para bang ibang Sebastian na ang kaharap ko.For the record, hindi na rin niya ako pinapagalitan sa maliliit na bagay.Pero ang pinakamalaking pagbabago?He wants me to stay close. All the time.Kahit saan siya magpunta, gusto niyang kasama ako. At hindi lang iyon. Nag-hire pa siya ng bodyguard para sa akin at mga undercover agents para kay Papa at Angelo.Hindi ko alam kung dapat ba akong matak







