Humugot ako ng malalim na hininga.
Ayokong umagawa pansin, ayokong may makakilala sa aki, at lalong hindi ako pwedeng magtagal sa lugar na ito.
Bumalik sa lugar nila? Imposible.
“Wala akong katumbas na presyo.”
Pagkasabi ko no’n, dahan-dahan akong lumihis sa daraanan at naglakad palayo mula kay Isagani.
Hindi niya ako pinigilan, pero ramdam kong nakasunod ang mga mata niya sa bawat hakbang ko.
May samyong naiwan sa hangin. Hindi pabango, pero pamilyar. At sa kung anong dahilan, hindi matukoy ni Isagani kung saan niya iyon una naamoy.
Hindi nakalampas kay Isagani ang kilos ko, ang presensya ko na may kakaibang aura, katulad ng dati.
‘Thalía.’ Iyon ang pumasok sa isip ni Isagani.
I always appear calm on the outside, but I have a strong will within. I stand firm in my beliefs, and that’s what he always used against me, even back then.
Pero ngayon, tila napigtas ang pasensya ng tadhana sa kanilang dalawa. Alam kong napansin niya na ang pagkakapareho namin ni Thalía. Kailangan niyang lumayo, iyon na lang ang tumatakbo sa isip niya.
Napakunot noo si Isagani. Sa loob ng maraming taon, palagi niyang naiisip si Thalía sa kung ano ang itsura nito noong pitong buwan siyang buntis. Naiisip niya rin ang bata. Kung hindi sana in-abort, siguro, limang taon na ang anak nila ngayon.
Hindi man ganoon kalalim magmahal niya noon para kay Thalía, pero hindi niya rin pinlanong makipaghiwalay. Sa katunayan, sabik pa nga siya noon sa anak nilang dalawa.
Habang iniisip ni Isagani ito, lalong bumigat ang presensya niya tila parang isang bagyong palapit.
“Isagani,” putol ni Celeste, “masyado yatang masungit ang auctioneer na ‘yon. Bakit hindi na lang tayo maghanap ng iba para kay Grandpa? Ang dami namang marunong sa antiques.”
Napakunot noo lalo si Isagani. “Oo, maraming marunong sa antiques. Pero ang hinahanap ni Grandpa… ay siya.” Tiim bagang niyang savgot saka humarap sa assistant. “Alona, alamin mo ang buong impormasyon niya. Gusto kong malaman ang lahat tungkol sa kanya.”
Tumalim ang tingin ni Celeste. “Isagani… interesado ka ba sa kanya?” nagseselos nitong tanong, sinusubok ang reaksyon.
Mula nang mawala si Thalía, kahit pa palaging nasa tabi ni Isagani si Ysabbel ay ni minsan hindi niya sinabi na gusto niya itong pakasalan.
Palagi siyang malamig at hindi interesado sa ibang babae.
Pero kanina… ‘yung titig niya sa auctioneer, hindi iyon basta tingin lang. May laman na tila sinuri ni Isagani ang buong pagkatao ng babae.
Isang bagay na hindi ni Celeste kailanman nakita kay Isagani kahit minsan.
“Hindi ako interesado,” malamig niyang sagot. “Pero gusto ni Grandpa siyang makilala. At gusto ko ring malaman kung bakit ganoon ang pakikitungo niya sa akin.”
Napabuntong-hininga si Celeste nang palihim tila nabunutan ng tinik. So ang dahilan lang ay ang matandang Castillo sa isip nito.
Ayos lang. Dahil imposibleng magustuhan ni Isagani ang isang babaeng pangit at takot ipakita ang tunay na mukha.
“Bumalik na tayo sa hotel.”
Tumalikod si Isagani at mabilis na naglakad palayo.
Pagbalik ko sa opisina, hawak ko ang dibdib kong kumakabog nang matindi.
Gusto akong dalhin ni Isagani sa mansyon ng mga Castillo para tumingin ng antiques.
Tatlong taon kaming kasal. Kilalang-kilala ko kung gaano siya ka-determinado.
At kung may iba akong ikinilos sa harap ni Isagani kahapon, malamang ay maghinala siya. Pwedeng makilala niya ako. Pwedeng mag-imbestiga siya.
At kapag nahanap niya ako… na kasama ang mga bata…umiling ako sa posibleng mangyari. Hindi pwedeng mangyari ‘yon.
Hindi pwedeng malaman ni Isagani ang tungkol sa kanila…a ng lahat. Ang tungkol buong katauhan ko ngayon at kailangang manatiling lihim ang tungkol sa triplets.
Kinuha ko ang cellphone ko at tumawag taong alam kung matutulungan ako. Ilang segundo lang may sumagot agad na isang lalaking.
“Honey, anong meron?” anito sa mababang tono.
“Pakiusap… tulungan mo ako. May isang taong malamang ay iniimbestigahan ako ngayon. Hindi ko pwedeng hayaan na malaman niya ang totoo kong pagkatao at tungkol sa mga anak ko.”
Alam kong wala akong sapat na kapangyarihan para pigilan si Isagani kung gugustuhin niyang kalkalin ang buong pagkatao ko.
Pero ang lalaki sa kabilang linya? Kaya niya akong itago sa mundo.
“Hmm.” Maikli lang ang sagot niya. Pero sapat na sa akin ‘yon. Alam kong alam na nito ang gagawin niya .
“Ikatlong beses.”
Napakunot ang noo ko. Hindi ko agad naintindihan.
“Ha? Ano'ng ibig mong sabihin sa ‘ikatlong beses’?” nagtataka kong tanong.
“Ikatlong beses na ‘to sa loob ng limang taon na tinulungan kita, Honey. Puwede bang… pakasalan mo na lang ako pagkatapos nito?”
Sa kabilang linya ng telepono ay isang matangkad at matipunong lalaki ang nakasandal lang sa sofa, suot ang isang maluwag na bathrobe na nakabukas hanggang dibdib doon ay kitang-kita ang perpekto at matitigas nitong abs. Bahagyang nakataas ang gilid ng labi, at ang ngiti ay mas mapang-akit pa sa demonyo.
Napakagat-labi ako.
Pakakasalan ko ba ang isang halimaw?
Diyos ko, tama ba ang desisyon kong humingi ako ng tulong dito?
Baka parang mas nakakatakot pa ang lalaki kaysa kay Isagani.
“Hindi naman mahirap para sa'yo ang hihilingin ko,” sagot ko habang sinusubukang huminga ng normal. “Tinutulungan mo ako noon oo pero binabayaran naman kita. Walang gulangan sa atin.”
Tumawa ang lalaki sa kabilang linya. “Mas gugustuhin ko pang ikaw na lang ang humawak sa pera ko, kesa sa ako pa ang magkapera para sa’yo.”
“Maghanap ka na lang ng isang matinong babae na mag-aalaga sa bundok ng ginto at pilak mo. Ako? Kaya ko lang ‘yang buhatin at takbuhan.” Ismid ko.
“Walang utang na loob,” tumawa ito nang may pang-aakit.
Binaba ko na ang tawag. Pinilit kong wag na lang pansinin ang kilig na hindi ko dapat nararamdaman. Kinuha ko ang cellphone at nag-text sa manager ko, humihingi ng dalawang araw na leave.
Pagkatapos ay humugot ako ng malalim na hininga saka binuksan ang pintuan ng opisina kung nasaan ang anak kong babae.
“Eliana, tapos na si Mommy, uuwi na tay—Eliana?”
Napalingon ako sa loob. Wala si Eliana.
Sa basement parking ay may dalawang munting lalaki ang dahan-dahang sumilip mula sa likod ng pader.
Napabuntong-hininga si Lucas, saka tahimik na binuksan ang kanyang laptop. Aayusin niya ang kalokohan ni Isaiah.
Si Isaiah… dinrawingan ang sasakyan ni Isagani.
Siguradong i-che-check ang CCTV kapag nakita ‘yon. Malalagot sila kapag nahuli.
Mabilis na nag-hack si Lucas sa surveillance system at binura ang footage. Pagkatapos ay napaluwag siya ng hininga.
Samantala, si Isaiah, tuwang-tuwa pang kasama si Eliana habang hinihintay ang magiging reaksyon ni Isagani kapag nakita ang "obra" niya.
“Sino’ng… gumawa nito?!”
Isang grupo ng mga tauhan ang papalapit. Sa unahan nila—si Isagani.
Nanlaki ang mga mata ni Alona nang mapansin ang nakasulat sa kotse. Hindi niya napigilang basahin nang malakas, kahit nanginginig ang boses:
“Bad three? Big check… man?”
Napalunok siya at dahan-dahang lumingon sa boss nilang si Isagani, na ngayon ay nakatitig sa sasakyan ng may matinding tensyon sa mukha.
‘Sino'ng may gawa nito?! Ayaw na ba nitong mabuhay?’ sigaw ng isip ni Alona.
“Ang tapang naman ng gumawa nito,” singit ni Celeste, kunot-noong nagtataka.
Madilim ang mukha ni Isagani habang sinusuri ang sulat.
Hindi lang mali-mali ang spelling, may mga salitang hindi rin kompleto. Ang pagkasulat, ang baybay… pero isa ang malinaw sa kaniya isang bata ang may gawa nito.
“Unahin ang CCTV. Ipa-check n’yo agad.”
"Hehehe..."
Isang mahinang tawa, pero klaro sa tenga ni Isagani.
Agad siyang napalingon, matalim ang pandinig kaya tumingala siya, at doon niya nakita ang dalawang munting ulo na pilit nagtatago sa likod ng pader.
Parang agilang tumingin si Isagani.
“Nakita na tayo! Eliana, takbo!” sigaw ni Isaiah.
“Ha? Kuya?!”
Gulat na gulat si Eliana. Paglingon niya, sina Kuya Lucas at Kuya Isaiah ay nagtatakbuhan na.
“Kuya, hintayin n’yo si Eliana!” hiyaw niya, habang pilit inaangat ang kanyang paldang cake skirt na muling nakaharang sa pagtakbo.
Susunod na sana siya, pero naipit ang laylayan ng cake skirt niya sa gilid. Hindi siya nakatakbo. Sa halip, bumulagta siya sa sahig, malakas ang bagsak.
Hindi na siya makakatakas.
Narinig niya ang papalapit na mga hakbang mula sa likuran. Kaya dumapa na lang siya, tinakpan ang mukha gamit ang dalawang kamay.
Invisible. Invisible. Invisible… sana hindi nila ako makita, paulit-ulit niyang dasal sa isip.
Mabilis na lumapit si Isagani. Tumigil ito sa harap ng maliit na pigura sa sahig, saka dahan-dahang yumuko at binuhat siya.
Nakatalukbong pa rin si Eliana. Nakapikit. Para bang kapag hindi siya tumingin, hindi rin siya makikita.
“Nakikita kita. Tigilan mo na ’yan.”
Dahan-dahang dumilat si Eliana. Malalaki ang mata niya, puno ng pagtataka.
Bakit ganun?
Sa lahat ng hide-and-seek nila ng mga kuya niya, siya palagi ang pinakamagaling magtago. Pero ngayon?
Unti-unti niyang ibinaba ang mga kamay. Pilit niyang iwiniwasiwas ang mga braso’t binti habang buhat siya ni Isagani, pero hindi siya makawala.
Sa unang pagkakataon, dumilat siya nang malaki at tinitigan nang malapitan ang lalaking buhat sa kanya ang kanyang biological daddy.
Napakislap ang mata ni Eliana.
Habang nakatitig siya kay Isagani, napansin niyang kamukhang-kamukha nito ang dalawa niyang kuya. Pero siya?
Mas hawig niya si Mommy. Hindi siya kamukha ng... pangit na tas masamang Daddy.
Hindi niya ito sinabi, pero hindi rin niya namalayang itinaas ang munting mukha at pinakawalan ang isang cute na kunot-noo, parang galit pero nakakatawa.
Tinitigan siya ni Isagani nang matagal. Parang may hindi ito maipaliwanag na pakiramdam.
“Sino’ng mga magulang mo?” tanong nito sa wakas. “At bakit mo nilagyan ng drawing ang kotse ko?”
Malamig at matigas ang boses ni Isagani.
Ngunit hindi natinag si Eliana. Pinagdikit lang niya ang kanyang mga labi, walang imik. Tahimik, pero buo ang loob.
‘Sabi ni Mommy, bawal makipag-usap sa masamang tao. Si Daddy... masamang tao. Siya 'yung bad Daddy na kukuha kay Eliana at hindi na papayagang makita si Mommy.’ Bulong niya sa sarili.
“Kung ayaw mong magsalita, ibibigay kita sa pulis,” mariing sabi ni Isagani. “Sila na lang ang hahanap sa daddy mo.”
Pumikit si Eliana saglit, saka kumurap.
‘Ang tanga mo naman, Daddy. Sarili mo hinahanap mo.’
Akala siguro ni Isagani, matatakot si Eliana. Pero mali siya.
“Kapag masama ang ginawa ng bata, ang magulang ang pinaparusahan,” dagdag pa niya. “Aarestuhin namin ang tatay mo.”
Tila hindi natakot ang bata bagkus, mas natuwa pa yata.
Napansin ni Isagani na matigas din ang ulo ng bata. Kaya't tinigasan pa niya lalo.
“Eh ’di ang nanay mo na lang ang hulihin.”
Napakunot ang noo ni Eliana.
Bigla itong nagalit.
“Bakit si Mommy?! Si Daddy na lang ang hulihin, huwag si Mommy! Bad Daddy lang ang dapat ikulong!”
Galit ang boses niya pero cute pa rin, lalo na’t naka-akimbo pa ang mga kamay sa bewang.
Napatawa si Isagani.
Hindi pwedeng hulihin ang mommy, pero puwedeng hulihin ang daddy?
Anong klaseng anak ’to? Para yata dito ay parang wala talagang silbi ang ama.
Humugot ako ng malalim na hininga.Ayokong umagawa pansin, ayokong may makakilala sa aki, at lalong hindi ako pwedeng magtagal sa lugar na ito.Bumalik sa lugar nila? Imposible.“Wala akong katumbas na presyo.”Pagkasabi ko no’n, dahan-dahan akong lumihis sa daraanan at naglakad palayo mula kay Isagani.Hindi niya ako pinigilan, pero ramdam kong nakasunod ang mga mata niya sa bawat hakbang ko.May samyong naiwan sa hangin. Hindi pabango, pero pamilyar. At sa kung anong dahilan, hindi matukoy ni Isagani kung saan niya iyon una naamoy.Hindi nakalampas kay Isagani ang kilos ko, ang presensya ko na may kakaibang aura, katulad ng dati.‘Thalía.’ Iyon ang pumasok sa isip ni Isagani.I always appear calm on the outside, but I have a strong will within. I stand firm in my beliefs, and that’s what he always used against me, even back then.Pero ngayon, tila napigtas ang pasensya ng tadhana sa kanilang dalawa. Alam kong napansin niya na ang pagkakapareho namin ni Thalía. Kailangan niyang lumay
Pinitik ni Lucas ang noo ni Isaiah at tiningnan ito na para bang nawalan na ng pag-asa sa kanya.“Lagi namang sinasabi ni Mommy na magbasa ka nang magbasa at bawasan ang paglalaro sa computer, pero palihim ka na namang naglaro, ‘di ba? Isa lang sa pitong salita ang hindi mo naisulat ng maayos tapos dalawa pa ro’n mali ang baybay.”“Kuya naman, huwag mo nang intindihin ang mga detalye,” sagot ni Isaiah habang nakangiti. Pagkatapos niyang magsulat, iginuhit pa niya ang isang pigurang baboy na sobrang abstract ang hitsura.“Hmmph. Tatay na aso,” irap ni Lucas sa kanya.Gusto talaga nilang malaman ng lahat na isa siyang malaking salbahe.Kahit hindi nila siya nakita sa mga nakaraang taon, kilala pa rin nila ang pangalan niya. Minsan nga, nakikita pa nila siya sa TV na masaya kasama ang ibang babae sa kung anu-anong event.Kaya nang una nilang makita si Isagani dito, agad nila siyang nakilala at walang duda.Hindi talaga binabanggit ng Mommy nila si Isagani sa kanila . Karamihan ng alam ni
Limang taon na ang lumipas.Ako na ngayon ang pangunahing auctioneer sa pinakamataas na auction house sa buong Pilipinas.Puno ang maluwang na bulwagan ng mga kilalang personalidad.Nakatayo ako sa auction table, suot ang isang puting dress na hapit sa katawan at may mataas na slit sa hita. Nakasuot ako ng puting lace na belo at nakatali ang mahabang itim kong buhok. Hindi nila lubusang makita ang aking mukha, pero bawat galaw ko ay kaakit-akit sa kanilang paningin.May kumpiyansa akong ipinapakilala ang bawat item sa display stand sa maganda at maayos na paraan, kaya’t sabik silang makipag-bid.Ang malinaw kong mga mata ay tumitingin sa paligid ng entablado habang hawak ko ang gavel. Ako ang may kontrol sa buong sitwasyon.Sa ikalawang palapag, si Isagani ay nakaupo at lumingon nang bahagya."Siya ba ang taong gustong makilala ni Lolo?"Ipinasa ng assistant ang impormasyon. "Opo, Mr. Castillo. Ang pangalan niya ay Salome. Auctioneer siya na nagsimulang lumahok sa mga bidding limang t
"Thalía, magsisimula na ang libing. Hindi pa ba dumarating si Isagani?"Nakadamit ako ng pangluksa habang nakaluhod sa harap ng burol ng aking mama. Ang apoy mula sa nasusunog na papel ang tanging nagbibigay liwanag sa maputla kong mukha.Muli akong tumingin sa cellphone kong halos malobat na. Wala pa ring sagot mula kay Isagani.Simula nang pumanaw si mama, nanatili akong nakabantay sa burol sa loob ng pitong araw. Pitong araw at kahit isang araw ay hindi dumalaw ang asawa kong si Isagani, na tatlong taon ko nang pinakasalan.Alam kong abala siya sa trabaho. Palagi ko naman siyang nauunawaan.Pilit kong kinumbinsi ang sarili ko na baka nga abala lang talaga siya sa trabaho."Siguro abala lang siya sa trabaho kaya hindi makakapunta."Basa na rin ng luha ang mukha ko. Sinindihan ko ang huling papel na pera sa kamay ko saka dahan-dahang itmamao ang mabigat kong katawan."Simulan na natin ang libing," sabi ko sa paos at putol-putol na tinigBiglang nagsalita si Tiya Isabel na nasa tabi k